Pointless life

may redeeming factor pa ba ang modernong pamumuhay? hindi ka malaya dahil constantly monitored ka sa websites/social media/yt, kahit na sa mismong cp na gamit mo. tapos mamamatay ka lang at wala nang makakaalala sa iyo, bukod sa mga anak mo kung meron kang anak at malapit na kaibigan. kapag namatay na rin sila, nabura ka na sa collective consiousness ng humanity, essentially parang hindi ka nabuhay sa mundo. bukod pa sa wala ka namang pupuntahan kapag namatay ka na, kung hindi mo pa alam na kasinungalingan lang ang pangakong paraiso ng relihiyon. may natitira pa bang dahilan para mabuhay?

hulaan ko, 40 ka na at may midlife/existential crisis

jazz music pare.

seriously, pointless naman talaga ang buhay ng tao. kailangan mo lang na maghanap ng pagkakaabalahan bago ka mamatay. hindi to matanggap ng marami, kaya–> takbo sila sa religion, may sagot sa lahat ang religion wag ka lang masyadong magtanong o mag-isip ng husto

tungkol naman sa constant surveillance, delete mo socmed, bili ka ng dyaryo, wag mag internet sa cellphone, magmask ka sa lugar na maraming camera, huwag mag credit card, at iba pa. hindi convenient pero posible.

tsaka makinig ka ng jazz…

cd/plaka hindi streaming…

malilimutan mo ang stress sa buhay

actually hindi ako 40s kaya wala pa akong midlife crisis. pero kahit na kwarenta na ako, the point stands

nakakatakot ang dami ng data na nakukuha sa atin ng apple/google/meta/microsoft. mas kilala ka pa ng mga kumpanyang ito kaysa sa asawa mo o pamilya. mas nakakatakot isipin na ang karamihan ng tao ay wala lang pakialam tungkol dito.

kung matanda na ako baka wala na rin akong pakialam. pero dahil matagal (knock on wood) para ako sa mundo, mas lalong lalala itong surveillance sa hinaharap. nakakadepres.

ganon na lang siguro talaga ano. kaya maganda ang religion, malilimutan mo ang desperasyon ng buhay.

wlang pakialam ang ordinaryong tao dito lalo na ang younger generations na nasanay na sa constant surveillance.