Question regarding visa processing

piNkAhOLiC

11-27-2005, 01:30 AM

Hello everyone, I have few questions :slight_smile:

Question #1:
My visa will expire next year AUG 2006. I just finished talking to my mom and she’s asking me to go back to Japan this January kasi ia-apply niya na daw ako ng permanent visa. Matagal ba ang process nito? Kasi sabi niya I have to stay there for a year… Sobrang tagal naman yata nun…

Question #2:
What’s the easiest way para madala ko sa Japan yung husband ko? :confused:
Im here in Pinas right now. Sabi ng mom ko I have to stay daw in Japan for at least 6 months or something bago ko pwedeng i-apply yung papers ni hubby. Paano ba ang process nito kung sakali???

Hmm… Is there anything else I can do? I don’t want to leave without my hubby. Gusto ko talaga magkasama kami…:frowning: Im thinking na pag-applyin siya ng tourist visa. Then extend or change visa nalang pagdating sa Japan. Is that possible?

Ano ba ang pwede kong gawin? Help me naman po, wala talaga akong alam when it comes to these things. I really need help! As in H-E-L-P! :smiley: Thanks po!

ganda_girl89

11-27-2005, 12:01 PM

Question #1:
My visa will expire next year AUG 2006. I just finished talking to my mom and she’s asking me to go back to Japan this January kasi ia-apply niya na daw ako ng permanent visa. Matagal ba ang process nito? Kasi sabi niya I have to stay there for a year… Sobrang tagal naman yata nun…

i pressume meron kang child of PR or japanese national visa sa ngayon.normally 4 months ang average waiting time mula sa pagka submit ng mga dokumento hanggang sa paglabas ng resulta.yung pag aayos sa mga dokumento ay nasa sa applicant na yun kung gaano nya katagal matatapos.

kadalasan ginagawang batayan ng immigration bago tanggapin ang application mo na nakapag stay ka sa jpn ng around 5yrs kung married ka sa japanese national at 10 years kung hindi pero hindi sa lahat ng cases(in my case,4yrs and 2 month at di ako maried sa japanese national).its up to you kung paano mo ii-explain.medyo madalas ka yata sa phils…baka mahirapan ka.

ang PR permit sa japan ay mahirap talagang kunin lalo sa mga hindi kasal sa mga japanese.pero kung qualified ka sa mga minimum reqts nla at mag try hard sa pag aayos ng dokumento,makukuha naman.pero sulit naman kapag meron ka na.

Question #2:
What’s the easiest way para madala ko sa Japan yung husband ko? :confused:
Im here in Pinas right now. Sabi ng mom ko I have to stay daw in Japan for at least 6 months or something bago ko pwedeng i-apply yung papers ni hubby. Paano ba ang process nito kung sakali???

Hmm… Is there anything else I can do? I don’t want to leave without my hubby. Gusto ko talaga magkasama kami…:frowning: Im thinking na pag-applyin siya ng tourist visa. Then extend or change visa nalang pagdating sa Japan. Is that possible?

kung tama ang guess ko sa visa mo ngayon,3months na tourist visa lang ang maliwanag na paraan para magkasama kayo.pero madali nya ma-eextend yun kung maeexplain nya ang sitwsyon nyo.kpag nakakuha ka ng PR,magiging spouse of PR na ang visa nya and you can live happily ever after na magkasama sa jpn at phils.

you can apply for a temp visitor visa anytime as long na mapi present nyo ang mga requirements ng japanese embassy.

Ano ba ang pwede kong gawin? Help me naman po, wala talaga akong alam when it comes to these things. I really need help! As in H-E-L-P! :smiley: Thanks po![/quote]

get a temporary visitor visa for your husband and go back to jpn.then,try to obtain that PR na advise ng mother mo.

note.
mods sorry po sa color font.
yung info na pinost ko ay base lang sa sariling experience at pag-aaral. still better pa rin kung magtatanong sa immigration although marami din silang palpak na advise kung minsan…:slight_smile:

piNkAhOLiC

11-27-2005, 01:48 PM

Thanks ganda_girl89:)

BTW, iniiwan ba pati passport pag nag-apply ng permanent visa? or i-su-submit lang yung papers w/o your passport?:confused:

More replies please…

reon

11-27-2005, 02:32 PM

Hi pinkaholic, pag mag-a-apply ka ng permanent residence visa, kailangan mong ipakita ang passport mo siyempre at mga tamang papeles at tatatakan yon ng parang “under application” pero ibabalik din sa 'yo yung passport mo.

RAIN

11-27-2005, 07:13 PM

apply ka ng extension the same time apply ka ng permanent residence.PR 6 month ang pinakamadali extend ka ng visa 1 week.

ganda_girl89

11-27-2005, 09:37 PM

Hi pinkaholic, pag mag-a-apply ka ng permanent residence visa, kailangan mong ipakita ang passport mo siyempre at mga tamang papeles at tatatakan yon ng parang “under application” pero ibabalik din sa 'yo yung passport mo.

may tama ka,reon san

piNkAhOLiC

11-28-2005, 02:10 PM

Ano ba ang kakailanganin niya sa paga-apply ng tourist visa? Kailangan ba ng bank certificate or something? And kailangan ba ng guarantor???

BTW, does it take a month bago makakuha ng tourist visa?

OMG, I really have to leave ASAP, and kailangan maayos na namin yung papers ni hubby:( Help naman po…

piNkAhOLiC

11-28-2005, 02:19 PM

quote=ganda_girl89
i pressume meron kang child of PR or japanese national visa sa ngayon.normally 4 months ang average waiting time mula sa pagka submit ng mga dokumento hanggang sa paglabas ng resulta.yung pag aayos sa mga dokumento ay nasa sa applicant na yun kung gaano nya katagal matatapos.kadalasan ginagawang batayan ng immigration bago tanggapin ang application mo na nakapag stay ka sa jpn ng around 5yrs kung married ka sa japanese national at 10 years kung hindi pero hindi sa lahat ng cases(in my case,4yrs and 2 month at di ako maried sa japanese national).its up to you kung paano mo ii-explain.medyo madalas ka yata sa phils…baka mahirapan ka.ang PR permit sa japan ay mahirap talagang kunin lalo sa mga hindi kasal sa mga japanese.pero kung qualified ka sa mga minimum reqts nla at mag try hard sa pag aayos ng dokumento,makukuha naman.pero sulit naman kapag meron ka na.

I currently have a ‘3years long term visa’. Pareho ba yun ng sinasabi mong child of PR or japanese national visa? Madalas nga ako dito sa Pinas, medyo mahirap nga yata yun. Ano ba ang magandang reason? QUALIFIED SA MINIMUM REQUIREMENTS? May I ask kung anu-ano ba ang minimum reqts para makapag-prepare ako?

kung tama ang guess ko sa visa mo ngayon,3months na tourist visa lang ang maliwanag na paraan para magkasama kayo.pero madali nya ma-eextend yun kung maeexplain nya ang sitwsyon nyo.kpag nakakuha ka ng PR,magiging spouse of PR na ang visa nya and you can live happily ever after na magkasama sa jpn at phils.you can apply for a temp visitor visa anytime as long na mapi present nyo ang mga requirements ng japanese embassy.

Balita ko nagbibigay na ng ng 15days visa ngayon ang japanese embassy. Ok sana kung 3months agad ang ibibigay eh. Pano ba to? Ipapasulat ba sa application kung how long mo balak mag-stay sa Japan?

tfcfan

11-28-2005, 02:22 PM

Ano ba ang kakailanganin niya sa paga-apply ng tourist visa? Kailangan ba ng bank certificate or something? And kailangan ba ng guarantor???

BTW, does it take a month bago makakuha ng tourist visa?

OMG, I really have to leave ASAP, and kailangan maayos na namin yung papers ni hubby:( Help naman po…
may link po dito sa tf ng website para sa japan embassy,andun po yung mga requirement ng tourist visa.kung ang guarantor po ng asawa nyo ay japanese or yung mother mo dito di na kailangan ng bank certificate

piNkAhOLiC

11-28-2005, 03:25 PM

Hi. I already checked it. Yun lang ba talaga ang mga kailangan? And updated ba yung page nayun? Baka kasi mamaya kulang yung nakasulat dun…:frowning:

BTW, gustong palabasin ng mom ko na he’s visiting NOBODY. Yung siya mag-isa ang magsho-shoulder ng expenses niya. Kung ganon’ ba kailangan pa ng Certificate of Employment aside from bank Cert. & ITR Form???

hotcake

11-28-2005, 03:32 PM

Hi. I already checked it. Yun lang ba talaga ang mga kailangan? And updated ba yung page nayun? Baka kasi mamaya kulang yung nakasulat dun…:frowning: Hello pinkaholic, sinubukan mo na ba mag-inquire diyan sa Japanese Embassy sa pinas. Siguro para mas makasiguro ka ay tawagan mo ang Japan Embassy at magtanong ka ng requirements para sa case mo. Mas sigurado iyon at updated.:slight_smile:

piNkAhOLiC

11-28-2005, 03:43 PM

Hello pinkaholic, sinubukan mo na ba mag-inquire diyan sa Japanese Embassy sa pinas. Siguro para mas makasiguro ka ay tawagan mo ang Japan Embassy at magtanong ka ng requirements para sa case mo. Mas sigurado iyon at updated.:slight_smile:

Yeah I called them kanina. Pumunta daw ako sa embassy at kumuha ng papel sa may guard:rolleyes:

ganda_girl89

11-28-2005, 06:29 PM

I currently have a ‘3years long term visa’. Pareho ba yun ng sinasabi mong child of PR or japanese national visa? Madalas nga ako dito sa Pinas, medyo mahirap nga yata yun. Ano ba ang magandang reason? QUALIFIED SA MINIMUM REQUIREMENTS? May I ask kung anu-ano ba ang minimum reqts para makapag-prepare ako?

parehong specified visa ang dalawa.may pagkakahawig pero mas malawak ang sakop ng LT visa.
example>>si maria na may anak sa pagka dalaga ay nag asawa kay mr.tanaka.ang magiging visa ni maria ay spouse of japanese national at yung anak sa pagkadalaga ay pwedeng makakuha LT visa dahil wala naman visa na dependent of spouse of japanese national or child of spouse of japanese national.

minimum reqt para sa PR permit?show financial stability to live permanently in japan…meaning,dapa t meron ka kahit sa alin dito>>> stable job ,may pera sa banko,ari-arian sa japan like bahay,etc.

isa pa ay dapat may 10 yrs kang tumira sa japan although di ito nakasulat sa list of requirements ng immigration,ginagawa itong basehan ng mga staffs ng immigration kung tatanggapin ang mga dokumento mo hindi.

Balita ko nagbibigay na ng ng 15days visa ngayon ang japanese embassy. Ok sana kung 3months agad ang ibibigay eh. Pano ba to? Ipapasulat ba sa application kung how long mo balak mag-stay sa Japan?

oo,isususlat yun sa applicatin form.bagong style ng japan embassy ngayon pag sinabi mong maikli lng ang stay mo sa japan,maikli din ang ibibigay na visa.:slight_smile:

BTW, gustong palabasin ng mom ko na he’s visiting NOBODY. Yung siya mag-isa ang magsho-shoulder ng expenses niya. Kung ganon’ ba kailangan pa ng Certificate of Employment aside from bank Cert. & ITR Form???

dahil sya ang magbabayad ng expenses nya sa trip nya,kailangan may bank cert sya to prove na may pang bayad sya sa trip nya.to prove na kanya yung pera sa bank,dapat ma prove nya na may source sya kaya kailangan ang cert of employment.to prove na totoong may work sya at nakapag save sya ng ganoon kadaming pera,dapat may ITR sya na kung saan doon ay makikita ang binayaran nyang tax at annual income nya.

Yeah I called them kanina. Pumunta daw ako sa embassy at kumuha ng papel sa may guard:rolleyes:

funny…lolss.only in the Philippines.kaya nga tumawag para malaman tapos DIY din pala ang advise.buti na lang walang bayad ang tawag sa phils.

piNkAhOLiC

11-28-2005, 10:17 PM

Thanks you so much for your replies, lalo na ikaw ganda_girl89:)

quote from=ganda_girl89

minimum reqt para sa PR permit?show financial stability to live permanently in japan…meaning,dapa t meron ka kahit sa alin dito>>> stable job ,may pera sa banko,ari-arian sa japan like bahay,etc.

Stable job? Ari-arian? Wala ako niyan - Pero si mama meron. Bale kasi parang siya parin ang guarantor ko. (Tama ba?!) :confused: Basta “under” niya parin ako. Like, siya daw ang bahala maglabas ng proof of financial stability etc. Ok lang ba iyon?

oo,isususlat yun sa applicatin form.bagong style ng japan embassy ngayon pag sinabi mong maikli lng ang stay mo sa japan,maikli din ang ibibigay na visa.:slight_smile:

Ilalagay ko 3 months, ok lang kaya yun? Baka naman ma-deny?!

dahil sya ang magbabayad ng expenses nya sa trip nya,kailangan may bank cert sya to prove na may pang bayad sya sa trip nya.to prove na kanya yung pera sa bank,dapat ma prove nya na may source sya kaya kailangan ang cert of employment.to prove na totoong may work sya at nakapag save sya ng ganoon kadaming pera,dapat may ITR sya na kung saan doon ay makikita ang binayaran nyang tax at annual income nya.

May pera naman kami ngayon sa bank. Nakaipon rin kahit papaano. Pero balak ko kasi maglagay ng malaking halaga sa bank para kapani-paniwalang kaya niyang bayaran ang expenses niya. Yun nga lang wala siyang job at the moment. Pano yun? Eh yung last job niya only lasted for 6 months!:confused: BTW, san kukuha ng ITR?

ganda_girl89

11-28-2005, 10:48 PM

Stable job? Ari-arian? Wala ako niyan - Pero si mama meron. Bale kasi parang siya parin ang guarantor ko. (Tama ba?!) :confused: Basta “under” niya parin ako. Like, siya daw ang bahala maglabas ng proof of financial stability etc. Ok lang ba iyon?

hmmmm…medyo tagilid ang application mo for PR dito.baka sabihin ng MOJ,LT visa ka na muna.

Ilalagay ko 3 months, ok lang kaya yun? Baka naman ma-deny?!

yun ang gamble o risk doon.syempre kapag matagal,maraming pera ang kailangan.sa 1 lapad na expenses na lang per day,90 lapad ang kailangan nya.isa pa,mahirap mapuno ang 90 days sa daily sched sa itinerary.kaya nga yung iba usual na sagot ay 1 week o 10 days lang sila sa jpn.kaso magulang na rin ang jpn embassy.kung ano ang sinabi mo,yung malapit sa 15,30,90days ang ibibigay.

May pera naman kami ngayon sa bank. Nakaipon rin kahit papaano. Pero balak ko kasi maglagay ng malaking halaga sa bank para kapani-paniwalang kaya niyang bayaran ang expenses niya. Yun nga lang wala siyang job at the moment. Pano yun? Eh yung last job niya only lasted for 6 months!:confused:

hmmm.medyo tagilid na naman tayo dito.kapag tinanong nila kung saan galing ang pera sa banko nya,ano ang isasagot nya?kahit anong isagot nya may kasunod na tanong.example,sinab i nya na ipon ng asawa nya>>>kasunod na tanong ay,work cert at ITR ng asawa.

BTW, san kukuha ng ITR?

sa BIR.

pero sabi nga,maparaan ang pinoy.baka may magawa ang mommy mo para makalusot sa PR application mo at TV ng husband mo.wait pa tayo ng reply sa ibang TF members.

piNkAhOLiC

11-30-2005, 01:12 AM

pero sabi nga,maparaan ang pinoy.baka may magawa ang mommy mo para makalusot sa PR application mo at TV ng husband mo.wait pa tayo ng reply sa ibang TF members.

Thanks po sa reply! I really appreciate it. More replies please!!!:slight_smile:

docomo

11-30-2005, 01:23 AM

… minsan pag ni-specify mo kung ilang months ka mag stay … halimbawa 3 months ang nilagay mo … ganon ang ibibigay nilang period of stay sa passport … friend ko nilagay nya one week … ayun one week lang ibinigay… may case pa minsan 3 days lang …:slight_smile:

fremsite

11-30-2005, 01:37 AM

… minsan pag ni-specify mo kung ilang months ka mag stay … halimbawa 3 months ang nilagay mo … ganon ang ibibigay nilang period of stay sa passport … friend ko nilagay nya one week … ayun one week lang ibinigay… may case pa minsan 3 days lang …:slight_smile:

ganyan na ba sila ngayon ? ang lupet pala ! :eek:

piNkAhOLiC

12-04-2005, 10:49 PM

Question:
Pag naipasok naba sa immigration yung papers ko para sa PR pwede ako ulit umuwi sa Pinas habang pina-process siya??? Ganun kasi balak gawin ng mom ko. Palalabasin niyang nag-aaral ako sa Pinas. Ganito daw kasi ginawa ng friend niya, ok naman daw. What do you think:confused:

piNkAhOLiC

01-18-2006, 01:58 AM

Just wanna say thanks sa mga tumulong at sumagot sa questions ko :slight_smile: Ayos na visa ni hubby :slight_smile: Domo arigato~!

This is an archived page from the former Timog Forum website.