Dito sa amin, 6 kaming mga technical trainee, tapos puro mga nihonjin na, karamihan mabain naman ang mga obasan sa kaisha pero may ilan na parang hindi talaga gusto ang mga gaijin. Kapag makipag-usap sa amin parang mababa ang tingin nila, sinasabihan kami na parang mga bata, may nakaramdam na ba kayong ganito?
Racism sa Japan, kahit saan naman mayroon. Marami ding Pilipino ang racist, lalo na sa maiitim ang balat.
May mga Hapon din na racist, pero kagaya ng sabi mo, yung iba maayos namang makitungo kahit sa mga dayuhang kagaya natin.
Lalo na para sa mga trainees, pagdating natin sa Japan hindi tayo gaanong marunong mag-Nihongo, siguro nga baka mababa ang tingin sa atin ng ibang Hapon. In my experience, nag-iimprove nang malaki ang trato ng mga Hapon sa mga dayuhan kung nagbibigay sila ng oras para mag-aral ng Nihongo at alamin ang kultura ng Japan, at siyempre kung nagsisikap sila sa trabaho.
Pero may mga racists talaga na mababa ang tingin sa iyo dahil sa dayuhan ka. Iwasan mo na lang ang mga ganyang tao.
mabibilang ko siguro sa isang kamay ang experience ko sa racism/discrimination at mostly positive ang experience ko sa japan. siguradong may mga racist dito, pero wala lang akong masyadong experience sa kanila.
isa pa, “magalang na racist” daw ang mga hapon, sabi ng iba, at kahit ayaw ka nila, maayos pa rin ang pakikitungo nila sa iyo at hindi ka sasabihan ng kung ano-anong masasamang bagay.
base sa nababasa ko, marami daw ang discrimination sa paghahanap ng apartment. pero sa tagal ko na sa japan at sa dami ng lugar na natirahan ko, wala pa akong na-experience na ganito.
bukod sa isang beses.
minsan, naghahanap ako ng apartment para sa mga trainee namin sa company. tamang-tama may nakita akong apartment na katatapos lang ng renovation–luma na pero inayos nila ang loob–at maraming units ang bakante.
pinuntahan ko ang real estate company at tinignan namin ang loob. dahil siguro sa luma na ang building at naghahanap sila ng bagong occupants, mura lang ang renta: 25,000yen. tamang-tama ito, sabi ko sa sarili. sabi ko sa agent, rentahan namin ang limang units para sa aming employees.
wala daw problema, kailan ba schedule na paglipat? sabi ko darating ang mga trainees namin mula sa pilipinas in three months, kaya gusto naming rentahan bago sila dumating, para lagyan ng mga appliances sa loob.
nung narinig ng agent yung “trainee galing pilipinas” sabi niya, teka, sandali lang, kailangan kong tawagan ang may-ari ng apartment. naisip ko, mukhang may problema.
usap sila sa cellphone, tapos sabi sa akin ng agent, pwedeng rentahan ang limang units! pero ang renta ay magiging 30,000yen.
imagine mo ang galit ko nang narinig ko ito. winter yon, pero parang biglang tumaas ng ilang grado ang temperatura sa paligid.
sabi ko, bakit tumaas ang presyo?!
sabi nya, pasensya na, mas mahirap kasi ang “management” ng dayuhang residente at maraming problema, lalo na kung kadarating lang sa japan.
hindi ako nasiyahan sa ganitong paliwanag. naisip ko, diskriminasyon yan a at iligal! pero nagpasya na lang akong itago ang galit ko. sabi ko na lang, pag-iisipan ko muna pala kung rerentahan namin ito.
noong nagda-drive na ako pabalik sa company, naisip kong magreklamo sa… hindi ko nga alam kung saan. pero naisip ko rin na walang mangyayari sa reklamo na yon, at malamang wala na akong makikitang limang units na bakante sa isang apartment at sa ganoong presyo.
tinawagan ko ulit yung agent kinabukasan, “kukunin namin ang limang units.”
pagkatapos ng tatlong buwan, dumating ang mga trainees galing sa pilipinas. at pagkatapos noon ay ilang beses akong tinawagan ng real estate agent dahil sa mga reklamo mula sa kapitbahay tungkol sa ingay at basura mula sa limang units na yon, at kailangan kong mag-gomennasai ng ilang beses at mangakong pag-ibayuhin ang pagtuturo sa aming mga trainee tungkol sa ingay at tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura, at mag-seppuku kung hindi titigil ang mga problemang ito.
ikaw, racism/discrimination ba ito sa parte ng may-ari ng bahay sa palagay mo? o tama lang dahil maraming dayuhan ang hindi sumusunod sa kalakaran sa japan? ikaw na ang bahalang humusga.
op, minsan mababa tibgin sa yo ng mga hapon hindi dahil sa pilipino ka kundi dahil sa hindi ka marunong mag-hapon, ibig sabihin nasa ibaba ka talaga sa heirarchy kumbaga
payo ko lang sa yo aralin mo ang nihongo mo, makibagay sa mga hapon, sundin ang rules ng lipunan, gawin ng mabuti ang trabaho
ito ang isang example ng pangit na karakter ng iba nating kababayan sa japan. hindi ko alam kung ano ang eksantong pangyayari, kung sinabihan sila na “corona” o “kuruna” (wag kayong lumapit sa akin), wala pang mask yung babae, hindi ko alam ung lalaki pero kalagitnaan ng pandemic ito at expected ng mga tao na nakamask ka lalo na sa loob ng tren.
sabihin na nating masama yung lalaki para lang sa ating argument, mas pangit ang ginawa ng dalawang pinoy na ito dahil nagwala sa loob ng tren, walang konsepto ng meiwaku para sa ibang tao na nandoon.
sabihin na nating may 20 na tao doon sa tren, ibig sabihin may 20 na hapon ngayon na pangit ang impression sa mga pinoy kahit na ano pa ang ginawa nung isang hapon na yon sa kanila. hindi naisip ito ng dalawang pinoy na ito, gusto lang magpasikat, gustong ipakita na kaya nilang lumaban o marunong mag-hapon, pero ang resulta ay lalong pangit ngayon ang impression ng mga hapon sa kanila at mga pinoy.
tapos ang mga pinoy na nakakita nito ay pinupuri pa sila siyempre tuwang-tuwa sila gusto pa nilang iupload sa yutube para makita ng lahat ang pagbibigay nila ng abala sa ibang tao.
may hapon na racist may hapon na hindi, parang pinoy din
dapende kung saan ka mapunta, kung kasama mo mababang pinagaralan na hapon, makikita mo talaga ang trato nila sa mga se asians. kung medyo may pinagaralan baka mas polite kahit racist sila, hindi naman sa lahat na lang ganyan, may mga kaibigang hapon stbok naman sila
you’re more likely to be discriminated as a middle class in the philippines than as a filipino in japan
i assume maraming hapon na feeling superior sa mga pilipino. palagay ko natural ito dahil nakikita nila ang pamamalakad dito at pamamalakad sa pilipinas at hinuhusgahan nila tayo base doon
based on my experience, nawawala ito sa person-to-person relationship. kung makita nila na magaling ka sa ginagawa mo (trabaho, sports, academics), marunong kang sumunod sa rules ng society, nakikita nilang nagsisikap kang matutunan ang nihongo, nawawala/nababawasan ang mga bias nila
o baka nandoon pa rin hindi lang nila sinasabi sa akin dahil sobra silang reserved/polite
low-class japanese meets low-class filipinos, parehong mga kupal
wala naman akong experience sa racism sa japan pero parang feeling ko tino tolerate lang ako ng mga hapaon at hindi fully accepted
well, kung hindi naman sila bastos okay lang kung sa akin kung ano ang nasa isip nila privately wala akong magagawa sa ganyan