Ruins

reon

07-01-2005, 11:22 PM

廃墟探索写真館 (http://home.f01.itscom.net/spiral/research.html):

Pictures ng mga abandoned buildings at facilities sa Japan (in Japanese). Hindi ninyo kailangang marunong magbasa ng Nihongo para ma-depress.

Paul

07-02-2005, 11:37 AM

nauso yata tong mga pictures ng mga abandonado at nabubulok na mga building mga 3 years ago yata. me nakita kong isang 写真集 sa bookstore minsan na puro ganito ang pictures. na-feature na rin ito sa TV at pinagbawalan ang mga ibang photogapher na gumaya kasi delikado daw at marami na ang na-aksidente sa pagkuha ng mga litrato sa mga abandonadong building. meron namang iba pumupunta para mag-ghost hunting.

Dax

07-04-2005, 12:43 PM

Isa ito sa mga epekto ng 少子・高齢化 (reduced birthrate + aging population) ng Japan. Marami ang nagsasarahang public facilities tulad ng eskwelahan, ospital atpb.

Noong 1996 may pinasukan kami ng mga classmates kong Hapones na abandoned hospital sa Hokkaido. Para bang 肝試し o “test of courage”. Mga bata talaga :D. 5 o 6 yata kaming magkakasama. Galing lang kami sa nomikai at lampas 12 midnight na kaming pumasok. Siempre madilim at 2 lang ang flashlights namin. Maliit lang na ospital 2 stories ata. Nagkalat sa sahig ang mga piraso ng basag na bintana. Karamihan sa mga kwarto ay walang laman, maliban sa iba na may kama pa sa loob. Hanggang umalis kami ay wala namang nakakatakot. :mad: Mas nakakatakot pa nung bumalik sa dorm :lol: daan sa bintana ng isang kouhai sa first floor.

Willy,

Dapat yata sa ibang parte ng forum itong post mo. Anyway i-check nyo itong URL:

http://www.eotona.com/hotel-tokyo24.html

Search ka na lang sa net I’m sure marami kang mahahanap.

Para sa mga kababayan dyan sa Tokyo,

Bibisita ako ngayong august 1 - 4 sa tokyo. kasama ko ang aking Asawa at anak. Yung misis ko japanese din. Taga tokyo sya, pero dito na kami sa Canada naninirahan. Itatanong ko lang sa inyo kung saan ba dito or mayroon bang mga murang hotel dyan malapit sa Setagaya (Setagaya line) at sa Iogi(Seibu shinjuku line) or between sa mga station na yan. kasi, mag stay kami kahit 3 days lang… Or kung mayroon kayong mga kakilala na nagpapa-upa for short stay lang please paki email lang po. mike_0700us@yahoo.com

Salamat mga kabayan…
Willy2k5

reon

07-06-2005, 10:01 PM

Isa ito sa mga epekto ng 少子・高齢化 (reduced birthrate + aging population) ng Japan. Marami ang nagsasarahang public facilities tulad ng eskwelahan, ospital atpb.hindi pumasok sa isip ko itong graying population issue. :slight_smile: pero tama ka, dax. dito lang sa tsukuba, may mga elementary schools na magsasara dahil kulang ng mga pupils.

nang sinusulat ko yong tungkol sa hike sa mount tsukuba, (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=289 ) may nabasa akong ganito sa isang webpage tungkol sa gama matsuri sa tsukuba-san: “Ironically more gaijins (foreigners) were to be seen participating in the festivities than local Japanese. I was told that young Japanese (like everywhere else) are no longer interested in these aspects of their culture.” maaring totoo ito, pero maari ding wala na talagang “young people” na magpa-participate. incidentally, yung isang elementary school sa tsukuba-san ay sinara na dahil sa wala nang mga estudyante.

meron ding maliit na article (http://www.time.com/time/asia/magazine/article/0,13673,501050711-1079524,00.html) dito sa TIME tungkol sa low birthrate at bankruptcy ng universities sa japan.

Noong 1996 may pinasukan kami ng mga classmates kong Hapones na abandoned hospital sa Hokkaido. Para bang 肝試し o “test of courage”. Mga bata talaga :D. 5 o 6 yata kaming magkakasama. Galing lang kami sa nomikai at lampas 12 midnight na kaming pumasok. Siempre madilim at 2 lang ang flashlights namin. Maliit lang na ospital 2 stories ata. Nagkalat sa sahig ang mga piraso ng basag na bintana. Karamihan sa mga kwarto ay walang laman, maliban sa iba na may kama pa sa loob. Hanggang umalis kami ay wala namang nakakatakot. :mad: Mas nakakatakot pa nung bumalik sa dorm :lol: daan sa bintana ng isang kouhai sa first floor.hehe, hindi ko pa nagagawa ito. :smiley:

reon

02-25-2006, 08:48 PM

Naalala ko itong lumang thread dahil napapanood ko ngayon lang ng Spirited Away 千と千尋の神隠し, magaling ang film kung hindi pa ninyo napapanood.

abakitba

02-25-2006, 09:06 PM

Salamat po’.
Ano kaya ang gagawin nang mga Hapon para ma cure ang problemang ito.
I heard nami migay sila nang pera kong ma nganak at mag-stay sa town nila.

abakitba

02-25-2006, 09:07 PM

Naalala ko itong lumang thread dahil napapanood ko ngayon lang ng Spirited Away 千と千尋の神隠し, magaling ang film kung hindi pa ninyo napapanood.
Yes… good film… truly fantastic… a little long though.

striver

02-25-2006, 09:19 PM

marami na talgang school ang nagclose here in japan. lalo na sa mga probinsya. isipin mo ba naman eh ang laki ng school pero ang estudyante eh 10 lang. grade 1 to 6 na iyon ha. so they decided to close it daw kasi mas malaki pa ang gastos sa pagmemaintenace non.

one solution daw to stop the decreasing of population here in japan is mag issue ng law raw na magbabyad ng tax ang mga dokushin(single) like in other country. payag ba kayo don?

This is an archived page from the former Timog Forum website.