Sad about attitude!

ruby

07-26-2005, 11:31 AM

Hello my dear kababayans! I have been working and living here in Japan for almost five years and I am contented with my job and life. However, i got dissapointed with some of our kababayans here in Japan. Last night I was at the 100 Yen shopping, buying some pasalubongs for my family beacuse I am going home for summer vacation on July 31st, I saw two of our kababayans also doing some shopping … so being a Filipina usually I am friendly so I approached them and said hi to them… then I asked do you live in this area…the other one said yes,…so, i got excited beacuse i really want to have friends (i just moved here)…then i asked in which area do you live here…and to my dismay the other one said “SECRET”…God, what kind of answer is that…and then the other one followed it up with "BAKIT? MAY ITINITINDA KA BA?.. So, i got sad and dissapointed with them so I answered… No, I.m not selling anything … in fact I am a High School English teacher here… then they walked away… Ano na ang nangyayari sa ating mga kababayan dito sa Japan…Siguro naman kahit na nagtitinda ako ng ITLOG … eh wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanila… or kung nagbebenta man ako… siguro naman malaking tulong na yung bumili sila sa kanilang mga kababayan para naman ma-ishare nila kahit kaunti lang yung grsya nila sa mga kababayan natin dito na kailangan ng tulong! Nakakalungkot talaga … kaya lang … hindi talaga pare-preho ang isip ng bawat tao…Sana lang kahit na nasaan tayo pairalin natin yung magandang asal…hindi lang sa mga hapones kung hindi lalo na sa kapwa nating mga pinoy!

stanfordmed

07-26-2005, 11:50 AM

Hi Ruby,

Sorry to hear about your experience. Don’t take it personally. They probably had unfavorable experience with other Filipinos, thus a bit wary. You had a good intention and it’s their loss of missing the opportunity to meet a wonderful person like you. Besides, you probably don’t want to associate with rude, unrefined people like them. So heads up! :slight_smile: And don’t be perturbed.

By the way, pareho’ng birthday natin, Nov. 21st. :yippee:

maple

07-26-2005, 11:59 AM

hello ruby,

don`t fret about this. marami talagang ganyan na kababayan natin.

if they want flippancy then, give `em what they want:p

welcome to TF

Maple

goodboy

07-26-2005, 01:12 PM

hi ruby,
stanfordmed is right, maybe they had a bad experience with other pinoys here or baka ganun lang talaga ang mentality nila, may mga ganyan talagang tao ditto, not only in japan but also in other countries, sometimes I really don’t understand why some filipinos area acting so differently in other countries. well, hayaan mo na sila, nandito naman kami mga tunay mong kaibigan na handang bumili sa binebenta mong itlog hehehehe

logical

07-26-2005, 03:55 PM

hi ruby,

dito ka na lang tambay sa TF mababait mga pinoy dito at matulungin pa. thanks
:smiley:

RISINGSUN

07-26-2005, 04:52 PM

hi ruby… habaan mo lang pasensiya mo. pabili rin ako ng itlog…hahahaha

v_wrangler

07-26-2005, 05:49 PM

hi ruby… habaan mo lang pasensiya mo. pabili rin ako ng itlog…hahahaha itlog na maalat ba?, penge!

crispee

07-26-2005, 06:09 PM

Binebenta yata yung itlog Vertex. Hindi hinihinge, :smiley: . Ang lakas na ng ulan dito sa amin, umuwi na nga kami at baka matrapik mamaya…

Welkam Ruby, feel my home:wave:

goodboy

07-26-2005, 06:33 PM

hahahaha naku pasensya ka na Ruby maybe natutuwa lang talaga kami sa itlog mo,iba kasi ang dating ehh… i guess may calling ka yata sa pagbebenta ng itlog, you never know baka lalong kang yumaman nyan sa pagbenta mo ng itlog mo, we are to support you, we can help you with the resources, just name the type of egg you want, any color, any smell and any size, then we will source it for you! Hahaha……

nah kidding aside marami talagang gusto kumain ng itlog ditto sa japan! Hehe peace

until then, Welcome to itlog! este Timog pala :slight_smile:

nick

07-26-2005, 06:35 PM

Welcome to Timog Forum, ruby. :slight_smile: RISINGSUN is right, pasensiya ang kailangan natin, kahit dito sa Timog. :slight_smile: Enjoy your stay!

Sakura

07-26-2005, 11:20 PM

Actually ruby … mas ok ka pa nga kasi i got a worst one, talagang nakakainis… one time punta ako sa isang store,then buy ako ng something, while waiting for my turn meron akong na meet na 2 pinoy at this time lalaki naman po well alam ko di maikakaila na pinoy ako kaya nung smile sila smile back din po ako … Syempre kabayan eh!:slight_smile: at isa pa nagsasalita sila ng wika natin… then suddenly they ask me “Miss saang CLUB ka pumapasok?” OVER!! panting ang tenga ko:eek: … sagot ko sa kanila … HO! excuse me … yun lang po ba ang pwedeng pasukan ng pinay dito sa Japan??? sabay irap! :mad: nag apology naman yung mama,kaya lang kakaasar … yun pala mga US navy na pinoy … kaya siguro yun lang ang alam nilang ginagawa ng pinay sa japan…di sa minamaliit kopo ang trabahong iyon kaya lang… sana sa mga taong gaya ng na meet ko magisip din sila na me mga Profesional din Pinay sa Japan.
Actually Technical Trainee po ako dito padala ng company.

tokiohero

07-27-2005, 12:06 PM

Alalayan na lang po natin ang mga Pinoy na medyo di marunong maging “mabait”. hehehe!

Yoroshiku po!

ruby

07-27-2005, 02:02 PM

Dear Friends,

Maraming salamat sa lahat ng nag-reply sa aking message. Kailangan talaga eh ma-educate lahat ng mga pinoy na nag-aabroad para naman pag-dating sa ibang bansa ay alam nila kung paano mag-interact at ipakilala sa buong mundo ang magagandang katangian ng mga Filipino hindi yung sila pa ang nag-papababa sa at sumisira sa ating reputasyon bilang Filipino. Katulad ng sinabi natin … hindi natin minamaliit ang ibang mga trabaho ng ibang mga Filipina dito sa Japan kailangan lang na maturuan ng magandang asal ang ilan sa atin. Tandaan natin pag tayo ay nasa ibang bansa … hindi tayo responsable lamang sa ating mga sarili… responsable tayo sa ating sarili at sa ating mga kapwa Filipino sa buong mundo… Pagkakamali at kapintasan ng isa… kalimitan ipinupukol sa ating lahat… pag-may isang walang manners… minsan nasasabi na “GANYAN PALA ANG MGA FILIPINO” damay tayong lahat… so mga kababayan…ipakilala natin ang tunay na Filipino sa buong mundo!

honey

07-27-2005, 03:26 PM

ganun talaga ang mga pinoy dito sa japan.kanya kanya lang ugali yan kapag alam mo na naganun pala ang iba iwas ka na lang para lang samaan ng loob o maging kaaway ganyan na lang ang ginagawa ko e! nakikisama mas mababait pa nga ang mga haponesa dito kesa sa kapwa nating pinoy siguro sa 100 katao 50 meron pero 50 50 pa.hindi naman sa nilalahat ko kaya lang meron talaga e!.:smiley:

stanfordmed

07-27-2005, 05:10 PM

Objectively:

One should not methodize or categorize individuals based on their nationality or ethnicity.

Subjectively:

I deduce, having traveled to many countries that majority of ignorant or unrefined people are very close minded, which equates to having ill manner. It doesn’t matter which country you’re from or country you go to, there are always the good and the bad.

Genuine people do not discriminate against color, religion, etc.

On the side note:
As a general rule, people should abide by the rules and regulations, act in acceptable manner and try to assimilate themselves to their host country. Resistance is futile.:smiley: .No, you will not become a BORG… any Trekkies out there? :smiley: When you’re in another country, have an open mind and make an effort to try to understand them. They will give you an insight into a unique and beautiful culture.
When you’re in Rome, do as Romans do - you get the idea………

nick

07-27-2005, 08:47 PM

…Syempre kabayan eh!:slight_smile: at isa pa nagsasalita sila ng wika natin…then suddenly they ask me “Miss saang CLUB ka pumapasok?” OVER!! panting ang tenga ko:eek: … sagot ko sa kanila … HO! excuse me … yun lang po ba ang pwedeng pasukan ng pinay dito sa Japan???Welcome to Timog Forum, Sakura. Maybe we should have a positive attitude about these things. Believe me, a lot of us will NEVER be mistaken for an entertainer. If you’re asked the same question by another Pinoy, how about this: Smile, and then say, “Gusto ko sana sa club, kaso hindi ako natanggap, kaya ngayon technical trainee na lang ako.” Or maybe that’s overdoing it?

Just a friendly advice. Enjoy your stay here. :slight_smile:

…Kailangan talaga eh ma-educate lahat ng mga pinoy na nag-aabroad para naman pag-dating sa ibang bansa ay alam nila kung paano mag-interact at ipakilala sa buong mundo ang magagandang katangian ng mga Filipino hindi yung sila pa ang nag-papababa sa at sumisira sa ating reputasyon bilang Filipino. Katulad ng sinabi natin … Tandaan natin pag tayo ay nasa ibang bansa … hindi tayo responsable lamang sa ating mga sarili… responsable tayo sa ating sarili at sa ating mga kapwa Filipino sa buong mundo…Hello, ruby. Japayukis are fine with me. Nakatagpo ka lang siguro ng hindi maganda ang asal, pero marami naman ang mababait din. And you’re right, people tend to stereotype so kahit ginagawa lang ng ibang mga Pinoy, lahat tayo damay.

Alalayan na lang po natin ang mga Pinoy na medyo di marunong maging “mabait”. hehehe! Yoroshiku po!Nice suggestion. Hisashiburi, tokiohero! Yoroshiku.

v_wrangler

07-27-2005, 08:56 PM

Oh well save the energies - why lie. tell them you don’t work in the bars - tell them you’re in the technical field! Kidding aside - they probably didnt know there’s a bunch of pinoys in other industries - its your chance to educate. And Say it with a smile:)

makulit

07-27-2005, 09:11 PM

Its true, most Filipinos dito are ganyan. I dont see lots of Filipinos, meron ilan-ilan na filipino dito sa area ko. Whenever they talk to me, the first question na tanong nila sa akin. Japanese asawa mo? Ilan taon na sya? Weird questions … hindi ko ma gets … i dont bother to ask why din …

Yung iba naman, talagang suplada. Like one time, magkatabi kami sa clinic while waiting for our turn, almost 2 hours kami magkatabi. I smiled at her, blank stare lang ang ibinigay sa akin. Am pretty sure na filipino sya … minsan talagang kaiinis ang mga kalahi natin …

May mga chinese-filipino dito, they wont say na Filipino cla. They wud say Chinese cla. Pag tinanong mo kung bakit sya marunong magsalita ng tagalog, then you’ll get to know na Filipino pala tagala cla, just dont want to say …

ruby

07-28-2005, 12:12 AM

Dear Friends,

Salamat ulit sa mga messages. I have been teaching for nineteen years now…14 years sa Pinas and almost five years in Japan. Usually, the way how I educate my students is showing what I want them to pick up by example. I live what I teach. I first taught in an International school in Tokyo then I moved to Chiba and worked for a senior and junior high school. In the said school I did my best as a teacher and as a person. I was the first Filipino teacher hired by that school. People in that school were so susprised to know how well Filipinos speak English and how dedicated we are to our job. There were different reactions from students and teachers. Students wanted me out of the school because I am not a native speaker, some native speaker teachers wanted me out because I was getting much higher salary than them. But i proved to them that Filipinos are capable and deserving. I wasnt easy but I did it. Then after two years, that school hired another Filipino and other Asian teachers. This school used to hire native speakers, blonde hair, blue eyes only. My point here is, doing our best and exhibiting proper manner and treating people well regardless of race, status, country of origin, japayuki man, nagbebenta ng itlog o phone card…makes a lot difference to ourselves and to other people. Dahil sa magandang asal na ipinakikita natin … nakakatulong tayo sa ating kababayan at maging sa ibang lahi, "nagkakaroon ng tiwala at may mga opportunity na nag-bubukas para sa atin at sa mga ibang lahi na nangangailangan ng trabaho. Sana lang kung nag-babasa tayo ng ganitong messages…hindi lang natin binabasa…pero pinagiisipan natin and isinasagawa.

Maraming salamat po!

This is an archived page from the former Timog Forum website.