Salamat sa Timog at humuhingi rin ako ng tulong

sherbien

10-07-2005, 08:54 PM

maraming, maraming salamat po sa mga taga timog. salamat kay point blank, nainterview na namin si ruby moreno at marlene dela pena. salamat kay sir roy, napakabait niya. gusto ko ring humingi ng tawad kay sir roy dahil sa di pagkakatuloy ng interview sa mga animators niya, naubusan na po kasi kami ng oras sa japan.

kakaiba ang naging experience ko sa japan. nawala ako sa pagpunta ko sa narita airport. natulog ako sa airport. napolice ako at ininterogate ng 6 na pulis. ang mamahal ng pagkain.

humihingi rin pala ako ng tulong. kung sino man po sa mga members dito ang gustog magsponsor sa pamasahe ng isang subject ko papuntang japan. yung isang subject ko kasi ay di pa nakikita ang anak sa loob ng 13 na taon. nakausap na namin yung tatay na hapon at payag naman itong ipakita ang anak sa subject ko. kung sino po ang pwedeng magsponsor sa subject ko ng back and forth na pamasahe niya papuntang japan, paki-email naman ako sa sherbien@yahoo.com. sana matulungan natin siya at maibsan ang kanyang pangungulila sa anak. kung sino man po ang may ginintuang puso na pwedeng tumulong. maraming, maraming salamat po.

maple

10-07-2005, 10:09 PM

maraming, maraming salamat po sa mga taga timog. salamat kay point blank, nainterview na namin si ruby moreno at marlene dela pena. salamat kay sir roy, napakabait niya. gusto ko ring humingi ng tawad kay sir roy dahil sa di pagkakatuloy ng interview sa mga animators niya, naubusan na po kasi kami ng oras sa japan.

maraming salamat po.

Hello Sherbien,

Nalilito lang ako kung sinong ROY ang tinu-tukoy mo. Meron TF member na roy ang username, he`s from Ibaraki yata. At meron din isang member dito na iba naman ang user name, but his real name is Roy.

Bakit ka naman na-interrogate ng 6 na pulis, suspicious looking character ka ba? :confused: :eek: Biro lang ha! :slight_smile:

Maple

This is an archived page from the former Timog Forum website.