Share Tips on how to stretch your yens

makulit

07-29-2005, 05:30 PM

Kumusta mga kababayan. Am not sure kung nasimulan na itong thread na to. Paumanhin po kung saka-sakali.

Malaki nga ang ating sweldo dito, malaki din naman ang cost of living. Anu-ano mga pagtitipid tips ang pwede ninyong ibahagi para sa lahat ng Pilipino na naninirahan dito sa Japan? Mga lugar or online shops na mura ang bilihin?

Maraming Salamat!

NemoySpruce

07-29-2005, 06:26 PM

Ang masasabi ko lang ay… KYU KYU!! yahooo!

Paul

07-29-2005, 06:33 PM

sorry, wala akong maipapayo sa 'yong mabuti. hindi kasi ko marunong magtipid, e.

pero, pareho ni Nemoy, mahilig din ako sa KYUKYU. buti na lang me malapit sa 'min :wink:
kung online shopping naman, tambay ako ng yahoo auctions.

depende siguro kung anong bilihin ang hinahanap mo.

makulit

07-29-2005, 06:48 PM

Okey. I’ll share my experiences …

U get cheap things from Hiraki.com. Children shoes U can get ranging from 170yens and its brand new.

COSTCO … bulk buying. Magandang mamili doon kung uuwi ka sa atin or kung mahilig ka lang talaga sa american products. Its very cheap compare to japanese products and in big quantities too.

Vegetable Market sa EKI … sa mga supermarket, onions, potato and onions are very expensive. Kung pupunta ka sa eki, at magtitingin sa mga vegetable shops. You can get 2 kgs of Onion for less than 300 yens. Sa supermarket 3 pcs for 290 yens. Same with tomatoes and potatoes.

Asian shops. You can get chicken meat for 2kgs for 800 yens. Sa local grocery shops 300 grams ng chicken breast is more than 300 yens na. You can get many things from asian shops too.

Akabane bussan. Kung hilig mong mamili ng produktong pinoy. Akabane is a wholesaler. May retail din sila, pero still mura compared to other shops. You can order online or just call them.

Calling Manila. I’ve been using brastel for 6 years now. I wonder kung may mas mura sa kanila.

Clothes, Furnitures. I always get from catalog shopping. Specifically Nissen. I always wait for their VIP Sale. You can really get a good deal.

BULK Groceries. I use COOP. Groceries delivered to your home for 100 yens.

SEIYU supermarket also delivers groceries free of charge for purchases of 5000 yens or more.

v_wrangler

07-29-2005, 07:33 PM

:slight_smile: Furikake is your friend!

Paul

07-29-2005, 07:44 PM

i call to the philippines using SIPphone (http://www.sipphone.com). it’s cheaper than brastel. we do our grocery shopping at Big House (it’s a wholesale supermarket here), a lot cheaper than other supermarkets, especially on days ending in 7. we buy our shoes in the philippines. :slight_smile:

i don’t think 2kgs of onion for 800 yen is cheap. kasi bago namin siguro maubos yung 2-kilong sibuyas, bulok na. i just get onions from the 99shop, 3 pieces for 99 yen.

reon

07-29-2005, 07:51 PM

magaling itong thread na ito. (ba’t kaya hindi ko naisip 'to?) thanks makulit! nice tips, too!

:slight_smile:

lately hindi na rin ako bumibili ng mga bago, puro second-hand. data lagi kaming pumupunta sa mga fleamarket (especially noong unang dating pa lang kami sa japan at halos ipamigay na lang ang nga gamit). pero ngayon, mahal na rin sa mga fleamarkets.

hindi ko yata alam ang kyukyu. ano ba yon paul at nemoyspruce? yahoo auctions pinupuntahan ko rin. (pero paradoxically, dahil mura ang mga binebenta, mas nawawalan yata ako ng pera dahil mas madalas ang bili) :smiley:

minsan nagagawi rin kami sa costco, kaso medyo malayo galing tsukuba. ano pa ba…

furikake, v wrangler? :slight_smile: nakakatipid ba talaga yan?

makulit

07-29-2005, 08:16 PM

i call to the philippines using SIPphone (http://www.sipphone.com/). it’s cheaper than brastel. we do our grocery shopping at Big House (it’s a wholesale supermarket here), a lot cheaper than other supermarkets, especially on days ending in 7. we buy our shoes in the philippines. :slight_smile:

i don’t think 2kgs of onion for 800 yen is cheap. kasi bago namin siguro maubos yung 2-kilong sibuyas, bulok na. i just get onions from the 99shop, 3 pieces for 99 yen.
oops sorry … 300+ yens for 2 kgs of onion. actually nauubos ko yan in 2 weeks. kung may mabulok man, siguro 1-3 pcs lang. still mura pa rin keysa bumili ako sa supermarket.

i-check ko yang SIP Phone. Thanks Paul!

magaling itong thread na ito. (ba’t kaya hindi ko naisip 'to?) thanks makulit! nice tips, too!

:slight_smile:

lately hindi na rin ako bumibili ng mga bago, puro second-hand. data lagi kaming pumupunta sa mga fleamarket (especially noong unang dating pa lang kami sa japan at halos ipamigay na lang ang nga gamit). pero ngayon, mahal na rin sa mga fleamarkets.

hindi ko yata alam ang kyukyu. ano ba yon paul at nemoyspruce? yahoo auctions pinupuntahan ko rin. (pero paradoxically, dahil mura ang mga binebenta, mas nawawalan yata ako ng pera dahil mas madalas ang bili) :smiley:

minsan nagagawi rin kami sa costco, kaso medyo malayo galing tsukuba. ano pa ba…

furikake, v wrangler? :slight_smile: nakakatipid ba talaga yan? Your welcome reon. Hindi na din ako nagpupunta sa Costco. Considering pamasahe and time, online na lang ako nag-oorder. Kasi pag nagpunta naman ako doon, ganon din, I have to send everything by post. So doble-doble bayad pa ako. Namasahe na ako, napagod pa ako.

Ganon din kami, dati sa fleashops bumibili, then sa mga sayonara sale. Kaso sa sayonara sale mahal na din. Chaca problema sa shipping lalo na kung bulky yung bibilhin mo. Minsan may libre pa na ipis … kaya hindi rin maganda. Last na binili sa sayonara sale is fridge. Eto after 4 months sira na …

Ano ba yang furikake? sensya na … hindi ako familiar dyan.

reon

07-29-2005, 08:20 PM

furikake… paborito ng anak ko, hehe. yung nilalagay sa taas ng kanin, usually may tuna flakes (ba?) at nori at kung anu-anong mga dried na gulay. mas matipid kesa ordinaryong ulam. okey naman ang lasa.

v_wrangler

07-29-2005, 08:22 PM

furikake, v wrangler? :slight_smile: nakakatipid ba talaga yan? I’d normally wouldnt suggest this for those with metabolism problems - but for me,
FURIKAKE is one of the greatest Japanese inventions. Taktaktak mo lang sa iyong gohan and meron ka nang instant ulam. Yummy.

We do not have Costco in Hokkaido pero madalas din ang amin trip sa 100 yen shops. For clothing - andiyan din yun UNIQLO yun nga lang halos lahat ng makasalubong kapareho ng tshirt mo… Yan lang ang alam ko eh. Si misis ang aking manedyer kase…

v_wrangler

07-29-2005, 08:25 PM

furikake… paborito ng anak ko, hehe. yung nilalagay sa taas ng kanin, usually may tuna flakes (ba?) at nori at kung anu-anong mga dried na gulay. mas matipid kesa ordinaryong ulam. okey naman ang lasa.
Pre, I do not know kung meron dito sa Tokyo area but doon sa amin sa Hokkaido we have this sauce for genghis Khan, what I usually do - I fry a few strips of thin sliced pork, di bacon ha. Then I just make buhos ng sauce na ito. Sarap simple na tipid pa.
Peborits din ng anak ko yan - lalu na furikake…:slight_smile:

NemoySpruce

07-29-2005, 08:29 PM

…hindi ko yata alam ang kyukyu. ano ba yon paul at nemoyspruce? …

100 yen shops po. yung iba kasi 99yen nalang daw eh indi naman…105 yen din items. Im sure theres a 100 yen shop within a few blocks of your area… some good items i get from these shops are 100yen packs of mugi tea, yung instant noodels na kuro goma ramen, fruit juice, snickers bars, socks pag emergency…brip din meron pero di pa ko bumili, payong pag aanga anga, di nanood ng news uulan pala… toilet paper mga ganun…ayus din kaso pipiliin mo kasi yung iba alang kwenta quality.

crispee

07-29-2005, 09:31 PM

:slight_smile: Furikake is your friend!
Ganado akong nagbabasa sa mga unang thread pero di ko mapigilan ang tumawa dito sa sagot mo, my prend:D . Matipid nga ito.

Kung mahilig kayong mag-rent sa tsutaya (http://www.tsutaya.co.jp/index.zhtml), may mga naiipong ‘teapoints’ sa pagkakarga ng gasolina, pamimili sa lawson at iba pang participating outlets. Pwede mong gamitin ang points na ito para pambayad ng rental fee. Madalas meron din silang ‘takarakuji offers’ na points din ang premyo. Tumama ako ng 5000 points isang beses, equivalent to 5000yen.

reon

07-30-2005, 08:20 PM

Since this is a thread about saving money, here’s a timely piece I stumbled on: 10 Things You Shuldn’t Buy New (http://moneycentral.msn.com/content/Savinganddebt/Finddealsonline/P92985.asp). It includes books, DVDs, CDs, videos, kids’ toys, jewelries, cars and software on the list. I would say electronics, cameras, musical equipments and some clothes are also better purchased second-hand. Siyempre, personal preference lang, at depende kung alam mo ang bibilhin.

goldhorse

07-31-2005, 01:48 AM

Pag medyo sawa ka na sa furikake, (balik na naman tayo sa furikake) may mga murang kare packs (less than 100 yen) na iinitin mo lang sa kumukulong tubig. Ito naka save sa akin nuong estudyante pa ako. Tapos kung malapit ka sa Akihabara may eat all you can na chinese restaurant, mga 600 yen lang pag lunch. Kainin mo na ang makakain mo for the day para wala ka nang ibang gastusin.

summer

07-31-2005, 01:35 PM

Bento ko ngayon ay rice with furikake toppings. Masarap nga hehehe.

NemoySpruce

07-31-2005, 01:44 PM

Wow! subukan ko nga yan. Salamat v_wrangler sa pag banggit mo nito. Di kaya dapat may sariling thread na tong Furikake? ano ba ibig sabihin ng furikake? baka mamya pinatuyong itlog ng butiki, indi bale basta masarap at mura, at walang luto luto…ayus na ayus sakin to. bibili na ko ngayun din, sa kyukyu.

RISINGSUN

07-31-2005, 06:54 PM

mura ring rin mamili ng mga appliances, electronics, clothes, etc. sa american bases like Camp Zama, Yokota Air Base, Yokosuka Naval Base. kaya lang kailangan ng sponsor. The sponsor should be an american serviceman or his/her dependents. Marami naman pong Pilipinong asawa ng mga U.S. serviceman, so pwede pong patulong sa kanila…

reon

07-31-2005, 08:56 PM

Di kaya dapat may sariling thread na tong Furikake? ano ba ibig sabihin ng furikake?hello nemoyspruce, kung gusto mo talagang malaman: ang furikake ay galing sa japanese word “furikakeru” na ang ibig sabihin ay “to sprinkle (over)”. so ito yung mga condiments na ini-sprinkle sa taas ng kanin intsead na may ulam.

from the wikipedia: Furikake 振り掛け is a Japanese condiment usually sprinkled on top of rice. It typically consists of a mixture of sesame seeds, chopped seaweed, sugar, salt, and monosodium glutamate. Other flavorful ingredients such as dried bonito shavings (katsuobushi), salmon etc. are often added to the mix. nakakagutom ang thread na ito, a. pasensiya na sa off-topic na reply. :tiphat:

NemoySpruce

08-01-2005, 11:32 AM

Slamat pareng reon. Tama ka nakakagutom nga. May iba ka pa bang alam na tipid meals? nakita ko sa TV, yung hilaw na itlog, pinatakan ng kikoman sabay nilagok. diring diri ako…pero curious, sinubukan ko at masarap din. hehehe, itlog na may toyo. kakaiba talga mga hapon.

Teddy

08-03-2005, 12:58 PM

Walang kamatayang “Tamago kake gohan”… Da best:thumb: Paboritong meryenda ng wife ko pag walang kakainin:D Make a hole sa gitna ng kanin(sa loob ng ochawan=rice bowl), i-pour yung hilaw na itlog na hinalo ng shoyu(toyo) into the hole tapos haluin na. Dagdagan pa ng konting Ajinomoto para mas masarap:cool:

Teddy

08-03-2005, 01:13 PM

dagdag sa taas

Para mas lalong masarap, lagyan ng furikake yung tamago-kake-gohan o kain kasama ng “nori”(dried seaweed). Ito ang authentic lutong Japanese para sa mga nagtitipid:japanese: Kakampi mo sya:D

honey

08-03-2005, 03:38 PM

makulit pareho po pala tayo sa HIRAKI.COM din lang po ako bumibili ng sapatos ko magaan kasi at mura pa matibay naman din.mura po dito sa hiroshima ang mga gulay minsan nakakabili ako ng \88 na cabbage meron din naman mahal na gulay kaya lang pinipili ko talaga yung sariwa at mura.mura din sa EVERY ewan ko lang sa ibang lugar kung meron nyan mura ang mga gulay marami rin pong pinay namimili dyan.bumili po ako ng makina para itong natsu hindi na ako bibili pa ng damit ako nalang mananahi ng mga damit ng baby ko inaabangan ko na magsale sa DREAM (tindahan ng mga tela) tinatahi ko na lang din ang mga punda namin at kurtina.sa \100 shop na lang ako bumibili yung iba pa naming pangangailangan mga decorations ko sa bahay \100 lang din.hindi kami nagtitipid sa pagkain mahilig kami dito sa gulay lahat ng gusto namin kainin kinakain namin pero sa mga gamit dyan po kami matipid.:slight_smile:

NemoySpruce

08-03-2005, 05:42 PM

Para mas lalong masarap, lagyan ng furikake yung tamago-kake-gohan o kain kasama ng “nori”(dried seaweed). Ito ang authentic lutong Japanese para sa mga nagtitipid:japanese: Kakampi mo sya:D

Sigurado ka di ka pilipino? :smiley: Ok to a, susubukan ko to! … eh sa pulutan naman? ano ang favorite na pulutan ng mga hapon na nagtitipid? Ang mga pilipino kasi pag nag titipid nag bubukas ng lata, kungdi sardinas, medyo sosyal, cornbip… tokwa sa toyot suka at sili na maanghaang… talap. Ano po sa hapon?

makulit

08-03-2005, 06:03 PM

makulitpareho po pala tayo sa HIRAKI.COM din lang po ako bumibili ng sapatos ko magaan kasi at mura pa matibay naman din.mura po dito sa hiroshima ang mga gulay minsan nakakabili ako ng \88 na cabbage meron din naman mahal na gulay kaya lang pinipili ko talaga yung sariwa at mura.mura din sa EVERY ewan ko lang sa ibang lugar kung meron nyan mura ang mga gulay marami rin pong pinay namimili dyan.bumili po ako ng makina para itong natsu hindi na ako bibili pa ng damit ako nalang mananahi ng mga damit ng baby ko inaabangan ko na magsale sa DREAM (tindahan ng mga tela) tinatahi ko na lang din ang mga punda namin at kurtina.sa \100 shop na lang ako bumibili yung iba pa naming pangangailangan mga decorations ko sa bahay \100 lang din.hindi kami nagtitipid sa pagkain mahilig kami dito sa gulay lahat ng gusto namin kainin kinakain namin pero sa mga gamit dyan po kami matipid.:slight_smile:

Hi Honey. Gusto ko rin matutong manahi. Balak ko din na magtahi ng lang ng punda at kurtina. Bumili din ako ng makina. Ginamit ko yung points ko sa bic camera para makabili :smiley: Napansin ko lang, medyo mahal ang tela. Bigyan mo naman ako ng tips kung paano manahi. Nag-tse-tsek din ako sa internet, kung paano mag-gawa ng pattern. Pero mukhang mahirap talaga yata …

makulit

08-03-2005, 06:05 PM

Walang kamatayang “Tamago kake gohan”… Da best:thumb: Paboritong meryenda ng wife ko pag walang kakainin:D Make a hole sa gitna ng kanin(sa loob ng ochawan=rice bowl), i-pour yung hilaw na itlog na hinalo ng shoyu(toyo) into the hole tapos haluin na. Dagdagan pa ng konting Ajinomoto para mas masarap:cool:
Paborito ko ito Teddy! Kahit ganito lang pagkain ko araw-araw okey lang sa akin!! Lalo na pag tamad akong magluto …

Teddy

08-04-2005, 11:19 AM

ano ang favorite na pulutan ng mga hapon na nagtitipid? Ang mga pilipino kasi pag nag titipid nag bubukas ng lata, kungdi sardinas, medyo sosyal, cornbip… tokwa sa toyot suka at sili na maanghaang… talap. Ano po sa hapon?
Natikman mo na ba “maabou harusame”(kaliwa, parang chinese style pancit na lagay sa kanin) o “ochazuke”(kanan, parang furikake with hot water na lagay sa kanin)? Nagatanien’s quick meals. Thank you Nagatanien!:smiley: Mamamatay ako kung wala ka…biro lang:p

http://www.nagatanien.co.jp/products/img/f001.jpghttp://www.nagatanien.co.jp/products/img/a016.jpg

honey

08-04-2005, 02:29 PM

hi sa lahat! makulit sa totoo lang po hindi ako gumagamit ng patern (di po ako expert:p ) o kahit anong libro dito napag-aralan ko po kasi iyan nun highschool po ako natatandaan ko lang ng konti.inumpisahan ko muna yung lumang damit ng asawa ko yun po ang pinagpraktisan ko.saka kapag nasa mall kami tumitingin ng mga style kun paano nila natatahi ng maayos.natututo rin po ako sa mga nakikita ko.mahirap po talaga tumingin sa patern natututo lang po ako sa mga nagagawa ko at sa mga mali na rin:D .

NemoySpruce

08-04-2005, 04:43 PM

Teddy,

Thanks sa pics! hahanapin ko yan mamaya sa grocery. Ngayun lang ata ako nakakita ng pics ng instant food sa isang forum. Ayus talaga dito sa Timog! :smiley:

RISINGSUN

08-10-2005, 12:24 PM

meron po akong alam na medyo mura ang bilihin. Sa camp zama, yokota air base, yokosuka naval bases. from electronics to clothings, etc. mura po dito compared in other places. kaya lang you need a sponsor bago makapasok sa mga american bases na ito. Ang “sponsor” po ay either US serviceman or their dependents.

ning2

08-19-2005, 12:00 AM

Hi Honey. Gusto ko rin matutong manahi. Balak ko din na magtahi ng lang ng punda at kurtina. Bumili din ako ng makina. Ginamit ko yung points ko sa bic camera para makabili :smiley: Napansin ko lang, medyo mahal ang tela. Bigyan mo naman ako ng tips kung paano manahi. Nag-tse-tsek din ako sa internet, kung paano mag-gawa ng pattern. Pero mukhang mahirap talaga yata …

makulit,

makikisingit ako ha!:slight_smile: natuto akong manahi when i was 7 yrs. old, pero hindi ako marunong gumawa ng pattern, ang ginagawa ko yung mga damit ng anak ko ang ginagawa kong pattern medyo nilalakihan ko lang ng konti ang tabas. may nabibili ring books na mayroon ng pattern at pattern lang na ayon sa gusto mong style at size ng damit. makikita mo ito sa mismong tindahan ng tela . sinusundan ko lang yung line na same ang color number at size. sa umpisa malilito ka talaga pero sundan mo lang gupitin yung guhit ayon sa tabas presto may pattern ka na!:)sa mga books naman may makukuha kang ibang tips kung paano mapapaayos ang pananahi kahit hindi mo alam basahin kung may picture naman , mamili ka lang ng ayon sa gusto mo.:slight_smile: kaya kung may time din lang gumagawa rin ako ng damit para sa family ko pero yung madadali lang:D , gamit sa school , repair ng damit etc.:smiley:

halloween

08-19-2005, 10:49 AM

Hi! Mabuti naman at may thread sa pagtitipid kasi yan din ang problema ko. Almost 3 months pa lang ako dito pero by now dapat marunong na kong mag-budget. May nakita akong Pinay minsan sa supermarket at nagpagusapan nga namin ang pagtititpid. Nagulat naman ako sa sinabi nya kasi ang reasonable monthly expenses ko ay 30 to 50 000 yen at sabi nya sa akin lavish na raw yon dahil kaya nga raw ng 1 month na Y 10 000 lang. Sabi ko nman, ngek! 1 lapad for a month, grabe, pag ginawa ko yon eh baka maging malnourish naman ako at di na ko ma recognize ng pamilya ko sa Pinas pag balik ko.

Minsan nagluluto ako tapos initin ko na lang. Pag break sa work umuuwi ako para mag snack lalo na kapag nagluto ako ng sinigang na buto2 ng baboy. Sabi sa kin nung Pinay bumili na lang daw ako ng obento sa grocery lalo na kapag lapit ng mag close dahil may 50% discount kaya minsan ganon ginagawa ko.

ANg mga skyflakes na binaon ko ng dumating ako dito, hanggang ngayon skyflakes pa rin. Pilit kasing nilagay sa suitcase ko ng umalis ako. Di naman ako mahilig don kasi feeling ko pagkaing may ulcer yon, hahahaha. Siguro kung walang kinakaltas na rent sa apartment ko at income tax malaki ang take home ko. Ayaw kasi ng boss ko na may flatmate dahil for single occupancy lang daw yon. Maganda sana kung may ka share ako so I can split the rent. Tapos ngayon nagbabalak akong bumili ng laptop kaya back to zero ang savings ko. Sabi sa ken ni Paul, instead na laptop eh mac mini na lang daw ang bilin ko dahil mas mura. ALa naman akong masyadong alam sa PC, alam ko lang gumamit. PEro sna I can arrive at a wise decision coz it will eat up a big portion of my salary. By the way, ano yung SIP phone? Ang gamit ko kasi ay smart pit card na tag 2000 yen, good for 40 plus minutes.

lovered

08-31-2005, 09:46 PM

speking of pagtitipid naiikot ko yata lahat ng mga second hand shops at ??100 shops na malapit dito sa min pero pag kailangan ko talaga ng appliances or anything na hindi kaya ng budget nagpupunta ako sa city hall kasi may board doon na nakasulat yung mga pinamimigay na gamit na bago pa naman o kung may kailangan kang gamit isulat mo lang doon…like one time gustong gusto ko ng dendo jitensha,malayo kasi ang pinapasukan ko at pruo sakamichi pa,kaso lang i can’t afford to buy it kasi medyo mahal so nagpunta ako ng cityhall at nag post ako don after 2wks may 2mwag sa kin at kunin ko raw ang dendo jitensha sa kanila dahil hindi naman nagagamit …tuwang tuwa ako non kya ngayon hindi na ko napapagod sa pagbibisikleta

Bayer

09-01-2005, 12:00 AM

With so many places to see and things to do, stretching YEN was the last on my list, however, I did try to save a little bit. For what it’s worth, I save YEN on gas by parking the Big 7 and bought a motorcycle to see places and do things up and down Japan. From Kyushu to Hokkaido and to my favorite place in Yamanashi.:slight_smile:

puting tainga

09-01-2005, 01:19 AM

I learned an expression 出ず、いらず。(dezu irazu).
It means, “if you don’t go out, you don’t need (to spend money)”
And that’s true.
Stay home, as much as possible.
Making phone calls or buying things on the net must be avoided, though.

Watching television is libre.
Pero maraming tukso sa TV.

For furikake fans: please eat somthing nutritious occasionally, at least.
For that matter, 納豆(Natto) is highly recommended, but only advanced students can eat and enjoy it.:stuck_out_tongue:

iseijin

09-01-2005, 02:08 AM

ako rin, ang monthly expenses ko for food ay in between 30K and 50K, pag nagluluto ako. kung gusto mong makatipid, mas mainam na may room mate ka para may kahati ka. kasi kapag you are living alone, kahit gaano pa kasarap ang luto mo ay mawawalan ka rin ganang ubusin ito eventually, lalo na at kun pa ulit-ulit lng ang meal menu mo.

Clean water, bili po kayo ng water refiller jugs sa mga Seiyu, Summit stores etc… Free refill po yung tubig dito sa kanilang Water Refilling stations.

for buying clothes, ginagawa ko ay paminsan-minsan dumadaan ako sa GAP stores. Kasi me sale sila every end of the season at pinauubos nila ang mga old stocks nila. magaganda ang tela at matibay pa compared ang mga ito sa Uniqlo. Plus malalaki ang discount kun sale. Tsaka maraming Made in Philippines po dito.

for travel, teikiken(seasonal ticket) ang gamitin para makatipid. kun hindi naman araw-araw ang pasok mo sa trabaho, me kaisuu-ken(10+1 ticket) na mabibili.

know your nearest second-hand shops. mararaming mga lumang bagay bagay na magaganda doon na pwede pang mapapakinabangan.

After 9pm, mararaming mga paninda sa mga supermarkets na may discounts like meat and fish, vegetables and fruits and cooked meals and bread.

stanfordmed

09-01-2005, 12:21 PM

I’m not sure if this post should belong here (pagtitipid tips), but would like to add this travel site (http://www.no1-travel.com/asia/asia_main.htm)that I’ve found which I think is reasonably priced. I have no affiliation to this agency (http://www.no1-travel.com/); only came across on one of the gaijin forum. I’m new here and doesn’t have much knowledge on travel prices based in Japan. I just recently book an upcoming travel through this agency and if there are better ones out there, I would appreciate an input. :slight_smile:

http://www.andreas.melanie-andreas.com/physicscartoons/airtravel.jpg

ning2

09-01-2005, 11:50 PM

join ako ha!

para makatipid ka sa electric bill mo, turn off the lights na hindi ginagamit, tanggalin sa saksakan ang mga appliances pagkatapos gamitin dahil umaandar din ang metro kahit hindi mo ginagamit.(ayon sa nabasa kong magazine tungkol sa pagtitipid) yung ref. naman lagyan ng plastic , news paper o kahit towel na harang para hindi lumabas ang lamig. mendoksai pero ilang yens din ang matitipid mo rito.

sa water bill naman, yung galing sa ofuro na tubig , pwedeng gamitin sa washing mashine kahit pang sabon lang or pangbanlaw na rin:) . yung matira pwedeng gamitin panlinis sa loob ng bahay(kahit pampunas ng sahig). pwede ring pang flush sa toilet.:slight_smile: may bayad din kasi ang 下水道(gesuido) sa ibang areas. tulad sa amin. tapos ang hugas bigas na maiipon sa isang lalagyan pwedeng pandilig sa halaman.:smiley: o kaya naman pakuluan at pwede ring pang steam sa mukha:D :confused:

sa gas bill naman, pagkatapos gamitin ang gas range i-close lang yung pinaka switch dahil sabi gumagana rin daw ang meter non! o kaya naman kapag nakatapos magluto balutin sa towel at dyaryo ang kaldero o lalagyan at ilagay sa loob ng happoschirol (styrofoam) or boxes para hindi agad lumamig ang pagkain at hindi na kailangang initin ulit kung hindi agad kakainin. :smiley:

kung may space sa veranda o bakuran pwedeng magtanim ng mga gulay sa paso like konegi, horenso, tomatoes, piman basta yung madaling tumubo sa paso lalo na kung summer. malaking tulong din ito.

mag-e-enjoy ka rin kapag nasanay kang gawin ito sa araw-araw:thumb: . at talagang malaki ang matitipid mo.

jhayelle

09-02-2005, 08:56 AM

kaya ayoko na maglayas sa bahay namin, dahil magastos mamuhay mag-isa. Hirap magtipid, at saka nababawasan ang ipon. Kaya eto, nagpapakabait talaga ako sa parents ko. Para libre food ko, bahay, kuryente, tubig. hihihi. :smiley:

iseijin

09-02-2005, 10:39 AM

Yes, it is true that staying with your family here can save you money. At yan ang ginagawa ng ibang mga hapon. Di na sila umaalis ng bahay nila kasi alam nilang mas malaki ang makukuha nilang pera kun patuloy silang mag sama sa isang bahay ng pamilya nya kahit working adults na sila.

Maruchan

09-02-2005, 10:55 AM

Since this is a thread about saving money, here’s a timely piece I stumbled on: 10 Things You Shuldn’t Buy New (http://moneycentral.msn.com/content/Savinganddebt/Finddealsonline/P92985.asp). It includes books, DVDs, CDs, videos, kids’ toys, jewelries, cars and software on the list. I would say electronics, cameras, musical equipments and some clothes are also better purchased second-hand. Siyempre, personal preference lang, at depende kung alam mo ang bibilhin.
Naku, diyan pa naman ako magastos: BOOKS! Kapag may nagustahan pa naman ako sa mga nabasa ko…bibilhan ko din ang dalawang nakakbatang sisters sa Pinas. Kaya triple ang gastos minsan. Tapos sa best friends ko pa…mommy…grandau nt… Waaa! :weep:

andres

09-04-2005, 09:09 PM

I learned an expression ???(dezu irazu).
It means, “if you don’t go out, you don’t need (to spend money)”
And that’s true.
Stay home, as much as possible.
Making phone calls or buying things on the net must be avoided, though.

Watching television is libre.
Pero maraming tukso sa TV.

@puting tainga,
hindi naman kailangan gumastos ng malaki tuwing lalabas nang bahay. dito sa japan, mapalad tayo na napakaraming pwedeng pasyalan na lugar na mura lang o walang bayad.

tulad kanina, nag-hiking ako sa takaosan (http://www.takaotozan.co.jp/). pamasahe lamang ang ginastos ko (a little more than sen-en). Great exercise, nice views, at paguwi sa bahay sobrang pagod na para matukso pa ng terebi.

(psssssst… @puting tainga… totoo bang maraming “tukso” sa tv? a… paki-PM naman sa akin nung schedule :D)

stanfordmed

09-05-2005, 12:22 AM

tulad kanina, nag-hiking ako sa takaosan (http://www.takaotozan.co.jp/). pamasahe lamang ang ginastos ko (a little more than sen-en). Great exercise, nice views, at paguwi sa bahay sobrang pagod na para matukso pa ng terebi.

Hey, I thought you were going to take me to ‘tag along’ on your outings? :rolleyes:

andres

09-05-2005, 08:35 PM

Hi @stanfordmed,

Hindi kita nakalimutan!
Pero kahapon, super spur-of-the-moment lamang, magtatanghali na nga nung naisipan kong magtriping.

Sige, next time, sama tayo :slight_smile:

stanfordmed

09-05-2005, 10:50 PM

Hi @stanfordmed,

Hindi kita nakalimutan!
Pero kahapon, super spur-of-the-moment lamang, magtatanghali na nga nung naisipan kong magtriping.

Sige, next time, sama tayo :slight_smile:

Cool, dude! :cool: :thumb:

Mustang

02-26-2006, 12:18 PM

Break down your expenses to 2 categories…

NEEDS and WANTS
example of need (food, utilities, fees…)
example of want (toys, eating out, etc)

Make a conscious effort to screen all the “wants”. Impulse buying gets people into bad debts.

Hope this helps.

:slight_smile:

halloween

02-27-2006, 09:12 PM

@ Makulit

“Clothes, Furnitures. I always get from catalog shopping. Specifically Nissen. I always wait for their VIP Sale. You can really get a good deal.”

Tanong ko lang po, kailan ang VIP Sale? Kasi sa office kanina I noticed yung palang catalog na nasa table ko ay Nissen eh iniignore ko lang dahil iniisip ko mga mahal naman tapos bigla kong naalala may nabasa pala akong thread na ganto.

Thanks in advance.

Firipinjin

02-27-2006, 10:15 PM

Clean water, bili po kayo ng water refiller jugs sa mga Seiyu, Summit stores etc… Free refill po yung tubig dito sa kanilang Water Refilling stations.

Please be careful about this and do read the small notice at the bottom of the label. It says (in Japanese) ‘Please consume this water within 5 days’. Generally, the tap water in Japan is clean so drink up.

myukasky

02-27-2006, 10:17 PM

@ Makulit

“Clothes, Furnitures. I always get from catalog shopping. Specifically Nissen. I always wait for their VIP Sale. You can really get a good deal.”

Tanong ko lang po, kailan ang VIP Sale? Kasi sa office kanina I noticed yung palang catalog na nasa table ko ay Nissen eh iniignore ko lang dahil iniisip ko mga mahal naman tapos bigla kong naalala may nabasa pala akong thread na ganto.

Thanks in advance.

Sa internet din meron site ang Nissen, doon mo rin makikita yung mga Sale nila na halos 50% off.

Firipinjin

02-27-2006, 10:59 PM

We check the prices at kakaku.com for anything we would like to buy. We even buy online for some items.
Wear thick clothing during the cold/cool seasons (fall, winter, spring) instead of using your heater or airconditioner heavily like setting it on 22 or 24 degrees. I set ours at about 18 degrees only which is warm enough if you wear the right clothes. I’ve heard of some people who wear t-shirts at home while their aircon is set at 24 degrees.
Like what was mentioned earlier, my family also do not go out to the malls so much. Not that we don’t like to have fun but we tend to spend a lot when we go out. Sometimes I just bring my eldest son to the nearby park to play.
When I call my family, I used to call them using brastel. That changed when my family back home bought a pc video camera. Then, we just use yahoo messenger (with video) to have a video conference. I also use Yahoo messenger to send text messages to my family and inform them what time i will be online for the videocon. I still have brastel but only use it to make urgent calls home.
My wife loves to go through the day’s flyers (inserted in the newspapers everyday). She sifts for bargains at nearby supermarkets.
Supermarket obento gets a 50% discount just before lunch is over or a couple of hours before closing.
Amazon.co.jp is my favorite place to buy books specially english books. The prices are cheaper than Kinokuniya or some other japanese book shops plus Amazon delivers for free if your purchase is 1,500 yen or more.
I try to charge as much as I can to my credit card. I get to earn points which I can use also as mileage points for JAL flights. I know of at least 1 pinoy who charged nearly all his expenses (house bills, insurance, grocery, rent) to his credit card and got a free round trip ticket home within a year. Shopping points go a long way so grab those free point cards and start earning points as you shop.

ankizze

02-28-2006, 12:08 AM

yap @ puting tainga… ang laki ng masasave mo kung sa bahay ka lang, ako nakakatipid din sa foods, sa damit di naman ako maluho kung ano lang yung meron tayo yun na lang pagkasyahin… mahilig din naman kasi ako manahi tapos natuto pa me sa biyenan ko magknitting.tapos nagtatanim tanim din me sa veranda ng mga gulay like kamatis,coriander atbp. tapos gumagawa ako ng itlog na maalat para pang-ulam ulam din. kailangan talaga alam mo kung papaano ka makakatipid dito lalo na sa mahal ng mga bilihin…:stuck_out_tongue:

apricot

02-28-2006, 12:16 AM

Kumusta mga kababayan. Am not sure kung nasimulan na itong thread na to. Paumanhin po kung saka-sakali.

Malaki nga ang ating sweldo dito, malaki din naman ang cost of living. Anu-ano mga pagtitipid tips ang pwede ninyong ibahagi para sa lahat ng Pilipino na naninirahan dito sa Japan? Mga lugar or online shops na mura ang bilihin?

Maraming Salamat!

Para makatipid? Spend wisely… set aside ung mga wants, mga needs lang ang bilhin

angelitosh

02-28-2006, 09:05 AM

We shop at Yamaya shops for my husband’s liqours, sake,etc once a month, also tin tomatoes, pasta and sauces are cheap there. I buy almost all my baby’s toys and books in Yahoo auctions. I hardly buy baby’s clothes as I get them from my husband’s sister children. I’ve only shop once on NIssen online, I did buy one carpet for 60%off but I think the clothes don’t have good quality. We also hardly go out to eat, only when we travel. When we do domestic travel, we only use JAL bargains.

makulit

03-28-2006, 01:26 PM

@ Makulit

“Clothes, Furnitures. I always get from catalog shopping. Specifically Nissen. I always wait for their VIP Sale. You can really get a good deal.”

Tanong ko lang po, kailan ang VIP Sale? Kasi sa office kanina I noticed yung palang catalog na nasa table ko ay Nissen eh iniignore ko lang dahil iniisip ko mga mahal naman tapos bigla kong naalala may nabasa pala akong thread na ganto.

Thanks in advance.

hi halloween.

VIP Sale’s for VIP Members.
Hindi lahat may access dito. However, kapag may VIP Sale, I will send you link via PM. Try mo din kung makabili ka …

try mo din nga pala yung sale nila. upto 91% off. click here (http://www.nissen.co.jp/sale/index.htm).

maimai

03-28-2006, 02:34 PM

puede ba magtanong dito…kasi kamemember lang namin ng asawa ko sa nissen last saturday…pano po ba magsubcribe ng VIP member sa Nissen??:confused: kasi narinig ko dati sa prend ko na pagVIP…mas mabilis ang shipment nila…:slight_smile:

makulit

03-28-2006, 02:38 PM

puede ba magtanong dito…kasi kamemember lang namin ng asawa ko sa nissen last saturday…pano po ba magsubcribe ng VIP members sa Nissen??:confused: kasi narinig ko dati sa prend ko na pagVIP…mas mabilis ang shipment nila…:slight_smile:

may accumulated purchase requirement sila na sinusunod from the time na maging member. pag na reach mo na yung amount nila, gagawin nila na VIP member ang asawa mo. They will notify by post.

sa case ko, 3 years bago ako naging VIP member.

maimai

03-28-2006, 03:00 PM

ganun po ba…:frowning: kailangan pala marami ka na nabili sa mga items nila para maging VIP ka…:slight_smile:

…tanong po ako ulit sayo makulit tsang…totoo po ba pagmay nagrecommend sayo sa Nissen na VIP member din…automically baging VIP member ka din??:confused:

makulit

03-28-2006, 03:11 PM

i dont think so maimai :smiley: i have friends na ni recommend ko pero till now hindi pa sila VIP.

actually kahit hindi ka naman VIP pwede kang mag-request na mas maagang delivery sa Nissen. Just check yung ASHITA check box. For VIP’s this service is for free. For non VIP’s, may bayad, 350 yens if am not mistaken.

maimai

03-28-2006, 03:25 PM

ok…salamat sa info;) …pasensya na sa kakulitan kow!:smiley:

barabara

03-28-2006, 08:16 PM

Hi Teddy,
Masarap iyan, nakaluto na ko niyan,dali lang , gusto ng anak , asawa at biyanan ko.

osca

11-13-2007, 05:00 PM

this is a nice thread.
baka meron kayong ibang tips dyan
considering kyonen pa ito.
thanks.

accralegon

11-14-2007, 12:02 AM

I’d normally wouldnt suggest this for those with metabolism problems - but for me,
FURIKAKE is one of the greatest Japanese inventions. Taktaktak mo lang sa iyong gohan and meron ka nang instant ulam. Yummy.

We do not have Costco in Hokkaido pero madalas din ang amin trip sa 100 yen shops. For clothing - andiyan din yun UNIQLO yun nga lang halos lahat ng makasalubong kapareho ng tshirt mo… Yan lang ang alam ko eh. Si misis ang aking manedyer kase…
add ko pa noong college anak ko sa tokyo laman ng ref nya natto,tofu at pang-misoshiru.
malaking tipid at pang good health pa.damit sa pinas kami bumibili kung nagbabakasyon yung price na mumurahin dito medyo magandang klase na mabibili sa pinas.

shiawase

11-14-2007, 12:14 AM

Just don’t buy unnecessary things. (nagsalita ang magastos…:stuck_out_tongue: ) Kung wala rin lang namang pera, wag ipagpilitang bilhin. Nakakatukso man pero learn to discpline your minds and control your pocket. :wink:

yasashi

11-17-2007, 07:59 PM

isiping mabuti yung bibilhin nyo.. like shiawaseo709 said do nt buy unnecessary t hings..:wink:

malibuPine

11-19-2007, 07:20 PM

…"if you don’t go out, you don’t need (to spend money)

I agree. Impulsive buyer ako, hindi ako makauwi ng walang bitbit.
Now, stop shopping na ako, if I can help it. I realized marami sa mga nabili hindi kailangan.

When I started using Softbank, White Plan, I spent less on Celfone bills.
Meron din akong Docomo, cus my SO won’t settle for less and wants me to use this, but most of my friends use Softbank kaya tipid ako sa free calls and free SMS. Works for me fine.

When I started ordering food rather than cooking myself. Mas nakakatipid ako.
SO ko kasi napakapili sa pagkain, kung ako lang kahit hindi na ako kumain ok lang.

Sa Supermarket naman, I buy necessary goods with red tags (cheaper) on certain days but you have to check right the receipts, cus most of the time, pagdating sa Cash Register hindi discounted, akala mo nakatipid ka yun pala hindi binabago ang price.

I use my Credit Card as much as possible for all purchases, to accumulate Worldperks Mileage Points, 0-interest for 2 payments, but I see to it to pay them one time. I’d been using the points for free flights to Pinas.

ICHIBAN08

11-19-2007, 09:59 PM

Salamat sa thread na to malakin tulong talaga kasi magastos na ako ngayon…Kung kelang gusto ko magtipid saka naman ako natutuksong gumastos:mad: …Hirap magtipid talaga…

louvette_15

11-19-2007, 11:59 PM

meron po dito sa may amin na BIG FUJI ang name ng supermarket every fri-sat-sun lng sila open at talaga pong mura tinda nila compare sa ibang supa… 3 po kming kumakain pero ung 1 lapad na pinamalengke at consumable po samin ng 2 weeks at minsan lagpas pa ng ilang kainan un…ksama na po sa 1 lapad ang drinks at mga biskwit ko…saka ung itlog po dun minsan 10yen ang tray.tas pag sunday at mlapit na closing time buy 1 take 1 na po ung ibang binibenta nila lalo na ung karne at gulay.

shinshinobi

11-20-2007, 12:39 AM

Noong magisa pa lang ako dito sa Japan:

Food:

Bibili ako ng 5Kilo na bigas, sa isang araw kalahating baso lang isasaing ko, gagawin kong onigiri then babaunin sa opisina. Sausage at cheese ang palaman.

5Kilo = Y1780/month
Sausage(6pcs /day)= Y3352/month
Cheese=Y627/month
Water=free refill
Snacks Y100/day = Y3000/month

Utilities:

Water/Gas/Electricity= Y10,000/month
Cellphone/Internet = Y10,000/month
TFC/GMA= free sa internet

House: 60,000/month

Transpo: company expense

Total: Y88,759/month

kuripot ano haha…

pero ngayon hindi na puwede magtipid hehe

danasan143

09-29-2008, 07:53 PM

im not working husband ko lang but we send 8man yen a month sa pinas kaya tudo ako sa pagtitipid para naman di na madagdagan gastos ng asawa ko lalo na we are planing to loan a house pa basta pag grocery yong kailangan lang talaga iwas din sa mga pasyal pasyal lang kasi mahal gasolina at baka matukso pa kami kumain sa labas save din sa paggamit ng ketai at gumagamit kami ng mga coupon para makamura :open_mouth:

chinaeyes13

09-30-2008, 01:01 AM

Okey. I’ll share my experiences …

U get cheap things from Hiraki.com. Children shoes U can get ranging from 170yens and its brand new.

COSTCO … bulk buying. Magandang mamili doon kung uuwi ka sa atin or kung mahilig ka lang talaga sa american products. Its very cheap compare to japanese products and in big quantities too.

Vegetable Market sa EKI … sa mga supermarket, onions, potato and onions are very expensive. Kung pupunta ka sa eki, at magtitingin sa mga vegetable shops. You can get 2 kgs of Onion for less than 300 yens. Sa supermarket 3 pcs for 290 yens. Same with tomatoes and potatoes.

Asian shops. You can get chicken meat for 2kgs for 800 yens. Sa local grocery shops 300 grams ng chicken breast is more than 300 yens na. You can get many things from asian shops too.

Akabane bussan. Kung hilig mong mamili ng produktong pinoy. Akabane is a wholesaler. May retail din sila, pero still mura compared to other shops. You can order online or just call them.

Calling Manila. I’ve been using brastel for 6 years now. I wonder kung may mas mura sa kanila.

Clothes, Furnitures. I always get from catalog shopping. Specifically Nissen. I always wait for their VIP Sale. You can really get a good deal.

BULK Groceries. I use COOP. Groceries delivered to your home for 100 yens.

SEIYU supermarket also delivers groceries free of charge for purchases of 5000 yens or more.

wow, ang galing ng thread na eto. very informative at helpful po. lalo na un idea about Hiraki and nissen. thanks makulit-san. i wonder lang po, kung kelangan pa ng credit card to purchase online? wala pa po kasi akong credit card at di pa rin marunong magbasa ng kanji.

baka may additional info pa po ang mga katf natin regarding buying from these online shopping, patulong naman po. maraming salamat :slight_smile:

dami ko ng nakitang murang bilihin:p

makulit

09-30-2008, 01:29 AM

thanks makulit-san. i wonder lang po, kung kelangan pa ng credit card to purchase online? wala pa po kasi akong credit card at di pa rin marunong magbasa ng kanji.
:slight_smile: dami ko ng nakitang murang bilihin:p

Wala pong anuman. Nakakatuwa at hanggang ngayon may napupulot pa rin palang useful tip ang mga ka-TF natin mula sa thread na ito.

Okey lang po kung walang credit card, pwede pong COD.

Isang makulit na paalala!

Mura lang po ang bilihin sa Hiraki hindi FREE :stuck_out_tongue: May tendency kasi tayo na kapag mura magpa-panic buying. HIndi na tayo makakamura pag ganun. Isipin pong mabuti kung kailangan pa rin talaga ang bibilhin.

Nangungulit lang si ate makulit … :wink:

chinaeyes13

09-30-2008, 01:31 AM

buti na lang ipinaalala mo, na may bayad pala :D:D:D

sana po mabuhay ang thread na eto. maraming mapupulot dito na useful tips especially para sa mga young mommies na marami pang kelangan matutunan sa pagtitipid.

kaya mga ka-tf, keep the tips comin’. :wink:

kajumi092706

10-13-2008, 06:35 PM

sa akin nmn po every day nagtatago ako ng 500¥ atleast khit ppno nkkaipon ako ng d ko namamalayan.:slight_smile:

mac2x

10-19-2008, 03:36 PM

ako nmn ininvest ko money for making profits selling items online …gaya ng reselling items or auction , shoes most especially …binibase ko ung price ng item sa current market value nia ngaun …khit pangit o maganda basta depende sa popularity ng isang item…at ung tinatawag nilang “most sought after all” at sa status nila na “holy grails” …e2 ang tinatawag nilang shoe games at part ng pop culture ngaun…every item na binibili ko me price limitation ako kung mgakno ko lng dapat bilin ung item base on current price value.pero inextend ko rin ung price limitation ko once na 2-3x ang pd ko maging profits tapos pd ko sia ibenta ng double sa price na magkano bili ko…hindi ito rip-off kundi base talaga ung price value ng isang item na meron silang category every each of them…dun nagsimula ang interest ko sa mga ganitong bagay…kya ngaun this is part of my connection kaya ako and2 ngaun …to get more info and idea…“cheers”:slight_smile:

nhatni

10-19-2008, 08:42 PM

ako naman matakaw kasi ako kaya magstos ako usually sa pagkain…ang ginagawa ko sa isang buwan nagluluto ako ng curry ng marami then reto ko siya kasi anak ko at asawa favorite yung curry kahit thrice a week kakain sila basta alternate.laking tipid sakin ang reto curry.tapos sa isda naman gaya ng sanma,salmon at aji…tapos luto ako hamburger syempre konti lang niku…kasi dadamihan ko ng sibuyas,ninjin at panko…para madami tignan…hehehehe.pag nagluto din ako ng hamburger good for twice na kainan.irereto ko din yung ibah…help yun sa obento ng anak ko…tsaka ask ako lagi sa nanay ng asawa ko yung mga murang menu…grabeh din kasi yung nanay ng asawa ko kung magluto sa tipid super pero healthy sa katawan ang mga pagkain…yun ang natutunan ko sa kanya…kaya medyo tipid sa pagkain…naiipon ko sa pitaka ko yung natitipid ko…pag medyo malaki laki na ipon ko…tsaka ko nilalagay sa banko sa metrobank kasi may interest siya…hindi gaya ng banko d2 walng interest…yan nag ginagawa ko sa ngayon…need kasi tipid para may sariling ipon…hehehehehe

black angel

10-19-2008, 08:54 PM

pa share din mga sis. ako naman lalake kasi ang anak ko kaya bumibili ako ng mga damit nya pag patapos na ang season para may waribiki na at talagang malaki ang natitipid ko ( sa boys naman walang masyadong uso uso di tulad ng girls):stuck_out_tongue:

chevelle:)

10-20-2008, 09:30 AM

Hi Honey. Gusto ko rin matutong manahi. Balak ko din na magtahi ng lang ng punda at kurtina. Bumili din ako ng makina. Ginamit ko yung points ko sa bic camera para makabili :smiley: Napansin ko lang, medyo mahal ang tela. Bigyan mo naman ako ng tips kung paano manahi. Nag-tse-tsek din ako sa internet, kung paano mag-gawa ng pattern. Pero mukhang mahirap talaga yata …

uy! may thread pala syang ganito. ngayon ko lang na-discover:p sagutin ko lang ito ha. sa nippori station po marami doon na mabibilihan ng mga tela sa mga gustong manahi. hindi ko po alam sa ibang place kung meron din nung omise na ito na tomato ang pangalan. marami po silang tela worth 100 yen/meter po;)

makulit

10-20-2008, 09:32 AM

tara samahan mo ako. bili tayo :stuck_out_tongue:

chevelle:)

10-20-2008, 09:37 AM

tara samahan mo ako. bili tayo :stuck_out_tongue:

halika na! kailan ba:p:D

shintaro

01-19-2009, 11:21 AM

Kumusta mga kababayan. Am not sure kung nasimulan na itong thread na to. Paumanhin po kung saka-sakali.

Malaki nga ang ating sweldo dito, malaki din naman ang cost of living. Anu-ano mga pagtitipid tips ang pwede ninyong ibahagi para sa lahat ng Pilipino na naninirahan dito sa Japan? Mga lugar or online shops na mura ang bilihin?

Maraming Salamat!

Huwag mag-grogrocery ng gutom… there is a tendency that you will over do the buying because of your cravings…

mamimo

01-21-2009, 04:15 PM

Total: Y88,759/month

kuripot ano haha…

pero ngayon hindi na puwede magtipid hehe

maniwala ako sayo, galante mo ngang manlibre eh :stuck_out_tongue:

para di OT:D

pag pupunta ko sa store like may bibilhing damit dala ko lang cash yung budget for that specific item at pangkain then iwan ang credit card. may makita man akong ibang gustong bilhin wala akong dalang extra money to purchase it.:open_mouth:

This is an archived page from the former Timog Forum website.