Son Sponsored Mom = VISA

mz.anna

12-16-2005, 08:36 PM

hi sa mga taga t.f…may tatanong lang po sana ako sana mapayuhan ako ng may sitwasyon na katulad sa akin or may kakilala ng sitwasyon ng katulad po sakin.single parent po ko,ang anak ko po nagbibigay ng visa sa akin,ang visa ko po maexpired na sa may 2006,dahil po sa hirap ng sitwasyon ko,nagbabalak po kong iuwi ang anak ko sa pilipinas para makapagtrabaho ng maayos,at mkaipon ng pera para sa amin at para sa kinabukasan ng anak ko,ang gusto ko pong itanong eh kung iuwi ko ba ang anak ko eh bigyan pa rin ba ko ng visa ng immigration o,mhihirapan dhil sa hinde ko kasama ang anak ko.pakitulungan at pa advise na rin po.thanks at more power sa t.f

aimi2819

12-16-2005, 08:51 PM

Hi mz anna! minsan napag usapan namin ng hubby ko yan, kasi meron din akong kakilalang katulad ng sitwasyon mo, baka mahirapan kang makakuha ng visa kung iuuwi mo ang anak mo, lalo na pag nalaman sa immigration na magtratrabaho ka sa gabi, kasi minsan nag che-check din yang mga yan kung totoong kasama mo ang baby mo, o kung ano man ang reason ng visa mo, at baka maputol din ang sustento ng baby mo galing sa city hall kung meron man. Pero hintay ka lang maraming sasagot sa tanong mo dito:) Ganbatte ne!:stuck_out_tongue:

mz.anna

12-16-2005, 08:56 PM

salamat mz.aimi…antayin ko na lng mga comment din nila,pero naisip ko nga din yun,gusto ko lng ksing mkapagtrabaho eh pero di sa gabi kundi sa kaisha,mhirap ksi mlayo mga trbaho sa amin eh.thanks ha

aimi2819

12-16-2005, 09:01 PM

Mahirap nga ang sitwasyon mo, wala ka bang kakilala dyang pilipina na pwedeng tumingin sa anak mo pag papasok ka ng trabaho, kasi yung kakilala ko dito ganoon ang ginagawa nya, pinaalagaan nya sa kaibigan nyang pilipina, nagbabayad din sya kaya lang di gaanong kalakihan kumpara sa houikuen.

rapterkong

12-16-2005, 09:09 PM

palagay ko bibigyan kapa rin ng visa kahit nasa phil. ang anak mo basta magkasama kayo sa alien registration na kinukuha sa kuyakso good luck!!

docomo

12-16-2005, 09:10 PM

… ok lang ipaiwan o ipaalaga mo sa kaibigan tapos susuwelduhan mo na lang kung wala ka na talagang choice… kaso piliin mong mabuti yung pagiiwanan mo dahil marami ng cases dito sa Japan na nadidisgrasya ang bata dahil yung pinagiwanan eh naging pabaya … :slight_smile:

cutie_rei

12-16-2005, 09:30 PM

hi sa mga taga t.f…may tatanong lang po sana ako sana mapayuhan ako ng may sitwasyon na katulad sa akin or may kakilala ng sitwasyon ng katulad po sakin.single parent po ko,ang anak ko po nagbibigay ng visa sa akin,ang visa ko po maexpired na sa may 2006,dahil po sa hirap ng sitwasyon ko,nagbabalak po kong iuwi ang anak ko sa pilipinas para makapagtrabaho ng maayos,at mkaipon ng pera para sa amin at para sa kinabukasan ng anak ko,ang gusto ko pong itanong eh kung iuwi ko ba ang anak ko eh bigyan pa rin ba ko ng visa ng immigration o,mhihirapan dhil sa hinde ko kasama ang anak ko.pakitulungan at pa advise na rin po.thanks at more power sa t.f

hi mz. anna…mahirap talaga ang buhay dito sa japan lalo na at single-parent ka…mas advisable siguro na wag mong iuwi ang anak mo kasi yung baby mo nga ang sponsor mo sa visa mo…mahihirapan kang maka-acquire ng visa pag wala dito sa japan yung baby mo, alam mo naman ang immigration, mahigpit masyado…isa pa, may mga offer naman ang city hall to support you, aside sa monthly allowance na 5,000 yen…mag-apply ka for boshikatei ( para sa mga single parent to), kung maka-pass ka sa mga requirements, every 4 months makakatanggap ka ng amount 10-15 lapad, depende sa city hall nyo…apply ka rin sa pabahay ng city hall, it will only cost u 1-5 lapad/monthly, depende sa income mo…kung maliit pa baby mo, syempre libre sya sa hospital, and parent din libre, siguraduhin mo lng na mag-apply ka sa city hall…kung maliit pa si baby, iwan mo sya sa houikuen, of course, konti lang din bayaran mo or minsan libre pa depende rin sa salary mo…dito kasi sa tokyo ganyan yung procedures, di ko lang alam sa inyo…para sigurado, i-check mo na lang city hall nyo…:slight_smile: i hope nakatulong ako…:slight_smile: gambatte ne!:slight_smile:

tepen

12-16-2005, 09:37 PM

hello mz. anna! okey yung advise ni aimi2819 yung kakilala ko muntik ng hindi maextend yung visa dahil sa anak na nasa pilipinas at trabaho nya. san malinaw syo. salamat.

melo825

12-17-2005, 02:07 PM

ang unang makakatulong sa iyo ay maybe yung tatay ng bata… because he is the father of your baby diba? be patience kung magkausap kayo and not be pride dahil sa ginawa nya. GOD Bless you and your baby…:slight_smile:

mz.anna

12-17-2005, 03:22 PM

marami pong salamat sa mga nag reply,hayaan nyo pag isipan ko ring mabuti…thank you tlaga sainyo.

striver

12-17-2005, 03:39 PM

hi mz.anna. i think hindi ata pwede. kasi yong friend ko rin na same with your situation eh hindi nya inuwi anak nya. there will be a possibility na di ka makakakuha ng visa kasi sya nga bale ang sponsor mo. one more thing eh kung kukunin mo iyong support money from the city hall, sometimes eh hinahanap nila iyong bata. so better na kasama mo talaga sya dito. then kung nasa pinas sya, since hapon ata citizenship nya, marami ka pang aayusing papers para tumagal sya don di ba. kung magaalaga ang problema mo, ako na lang. he he he. joke lang po. tama nga sabi nila, better na paalagaan mo sa mga kakilala mo na nagaalaga po. or kung medyo kabado ka kasi bata pa iyon, papuntahin mo dito nanay mo or isa mong kapatid po. bale ang anak mo ang magsponsor sa kanya. ganon kasi ginawa ng kaibigan ko. pinapunta nya nanay nya dito. sya nagaalaga sa bata and nakakapag work maigi iyong friend ko. for sure makakakuha ng visa na matagal iyon kasi maganda ang reason mo po. for the benefits of your baby, marami kang support na makukuha dyan. better na pumunta ka po sa shiyakusyo(city hall) and mag inquire ka. by the way, san ka sa gifu? nakapunta na rin kasi ko dyan eh.:slight_smile:

freakyzone

12-17-2005, 10:31 PM

d2 na lang kau ng baby mo…mahirap mawalay sa baby mo lalo pati maliit pa sya…bat dmo sya ipasok ng hoikusho…from 6mos.old pede na sa hoikusho…how old na ba sya?saka dahil single parent ka maiintindihan ka ng city hall and may matatanggap ka mula sa city hall, at ama ng baby mo,basta ba sasabihin mo sa city hall ang sitwasyon mo…sna nkatulong ang payo ko. regardz sau at sa baby mo.:slight_smile:

Lapu_lapu

05-25-2008, 01:22 AM

Visa… Visa… Questions.
Yung kaibigan ko, nabigyan sya ng VISA dahil sa anak niya. Nakipag divorced kasi sya dahil hindi na nya makayanan ang mga problemang mag-asawa. Ngayon , nasa kanya na ang full obligasyon sa pagpapalaki sa bata. Ibig sabihin, nag give up na ang Japanese Husband nya. Nakaka pag renew sya ng VISA last year, sponsored by her son, pero one year lang daw ang lenght. Renewable sabi nya. But i doubt it. kasi , ang anak nya nasa pinas ngayon at doon na rin nag aaral. Ang lola nya mismo sa pinas ang nag aalaga. Reason nya, hindi nya kayang magtrabaho na may bata kasi sagabal talaga at hindi nya maasikaso ng maigi. Nakakawa lang daw tingnan. Kukunin lang daw nya ang bata sa pinas pag mag renew sya ng VISA. Pero sabi ko sa kanya baka magkakaproblema ka nyan in the future pagdating sa pag rerenew. Sabi naman nya ok lang daw.

Ang tanong dito, pwede bang marenew ang VISA nya kahit ang bata nasa pinas? Kung dadalhin nya ang bata for renewal purpose lang, ibang problema kaya ang haharapin nya?

Kung may similar thread na sa case na ito, please kindly post it here. Thanks.

louvette_15

05-25-2008, 02:16 AM

uu nga po may thread na po akong nabasa before tulad po ng sa inyo kaso kanina pa ako naghahalukay, hindi ko makita… hindi rin kasi ako nakapag post dun kaya lalong nahirapan ako…

anyway, if my memory serves me right, ang mga posts po dun eh malamang sa una ay ok pa daw yun kaso later on masisita na daw po sya kung bakit ang bata na syang nagbibigay ng visa sa kanya ay wala dito…kasi daw po kaya nga sya bibigyan ng visa to stay in japan ay dahil nandito kasi anak nya at citizen ng japan tapos wala naman pala dito… something to that effect po…

sana mahalukay ng mga nakapag post dun yun thread…

clovergirl

05-25-2008, 02:20 AM

Visa… Visa… Questions.
Yung kaibigan ko, nabigyan sya ng VISA dahil sa anak niya. Nakipag divorced kasi sya dahil hindi na nya makayanan ang mga problemang mag-asawa. Ngayon , nasa kanya na ang full obligasyon sa pagpapalaki sa bata. Ibig sabihin, nag give up na ang Japanese Husband nya. Nakaka pag renew sya ng VISA last year, sponsored by her son, pero one year lang daw ang lenght. Renewable sabi nya. But i doubt it. kasi , ang anak nya nasa pinas ngayon at doon na rin nag aaral. Ang lola nya mismo sa pinas ang nag aalaga. Reason nya, hindi nya kayang magtrabaho na may bata kasi sagabal talaga at hindi nya maasikaso ng maigi. Nakakawa lang daw tingnan. Kukunin lang daw nya ang bata sa pinas pag mag renew sya ng VISA. Pero sabi ko sa kanya baka magkakaproblema ka nyan in the future pagdating sa pag rerenew. Sabi naman nya ok lang daw.

Ang tanong dito, pwede bang marenew ang VISA nya kahit ang bata nasa pinas? Kung dadalhin nya ang bata for renewal purpose lang, ibang problema kaya ang haharapin nya?

Kung may similar thread na sa case na ito, please kindly post it here. Thanks.
Sa pagkakaalam ko po talagang dapat kasama nya ang bata sa Japan hindi lang tuwing kailangan nya mag-apply ng VISA. Yung kapitbahay po namin sa Pilipinas, ganun din ang ginagawa, nung una po nakakalusot pero nung huli na nabisto po na wala pala sa Japan ang anak at pinapupunta lang ng Japan kapag magrirenew ng VISA. Ang naging problema po nya hindi na sya pinayagang magrenew ng VISA kaya napilitan sya umuwi sa Pilipinas. Ang sabi daw po kasi yung bata ang Japanese tapos yung bata ang wala sa Japan instead yung nanay lang na nagka VISA dahil sa anak nya.
Umuwi po sa Pilipinas yung kapitbahay namin then ngayon naghihintay po sya na umabot sa tamang edad yung anak para makapagtrabaho sa Japan at mabigyan sya ulit ng VISA.
Siguro po kaunting ingat pa para sa friend nyo para di siya magkaproblema.
Goodluck po!

shakey

05-25-2008, 08:34 AM

ganito din yung case ng frend ko,sinabihan sya ng immigration na di pedeng nasa pinas yung bata,kaya ginawa nya pinapunta nya dito yan bata ,dito na sya nag aaral…kaya tuloy tuloy ang visa ni mommy nya.sana ganun din ang gawin ng frend mo…

itchay

05-25-2008, 09:28 AM

may nahanap akong thread, Bairaps…

http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=181 8

ilang taon na ba ang bata? how about daycare centers dito?

la_tina512

05-25-2008, 09:40 AM

Magkakaron talaga ng problema. Ang magiging impression pa nyan ginagamit lang ang anak para magka-visa. We have to take the necessary precautions para ma-enjoy natin ang benefits of having a relative that can give us the chance to stay here legally pareho ng anak. Isa pa, the Japanese government is very supportive to single mothers. They give priority to them like putting their children sa mga day care centers na uunahin talaga sila. They even provide cheap rents for apartments na puwede nilang ma-avail; even assign social workers na puwedeng takbuhan/tawagan anytime may problema. The government also gives financial support to the children until the age of 18. Marami akong mga kaibigan that endured and persevered being single moms. 'Yong isang friend ko nga apat ang anak and received almost 20man monthly and they survived, and still surviving. The eldest is now working. Mga anak nya nagbibigay ng visa sa kanya. The other one din for so many years was under the care of the government. Kailan din lang sya nag-rent ng sarili nya pero government housing pa rin. Maraming cases na ganyan. Kailangan lang maging strong sya, physically, emotionally and mentally.

Tell your friend huwag nyang hintaying malaman pa ng immigration na nasa Pinas ang anak nya. Malaki ang mawawala lalo sa kanya pag inalisan sya ng visa.

Lapu_lapu

05-25-2008, 10:17 AM

may nahanap akong thread, Bairaps…

http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=181 8

ilang taon na ba ang bata? how about daycare centers dito?

Thanks for the link itchay. Sulit ang link na binigay mo. Regarding sa bata, grade 1 na sya. Hindi ko lang alam kung ang nanay ay tumatanggap ba sustento sa Cityhall buwan buwan. Kung mayroon man, malamang e check sya ng cityhall at talagang mahirapan syang mag renew next time. Hindi nya rin ma i daycare ang bata kasi panggabi ang work nya. Factory lang ang work nya. Nakakaawa nga eh.

@to all
Guys , thanks for all your posts. Tumpak yung mga post ninyo. Sana nga mapayuhan ko na lang yung kaibigan ko na kunin na lang nya ang bata para sa ganon talagang segurado na maka renew sya next time. Balak pa na man nya na makaipon ng husto para sa anak nya. At kapag ang anak nya ay nasa tamang edad na, pwede na nyang bigyan ng rights kung saan gusto nyang tumira. At ang nanay in the future , sa pinas lang at mamuhay ng mapayapa.

Thanks

This is an archived page from the former Timog Forum website.