Sora

reon

10-23-2005, 07:44 PM

Lumabas ako kanina dahil hindi ko na alam ang nangyayari dito sa paligid ng bahay namin at napunta sa isang koen na malapit. Ang maganda sa malamig na panahon ay maliwanag at blue ang langit, magandang kumuha ng pictures. Masarap ding maarawan pagkatapos ng ilang araw sa trabaho at sa harap ng computer.

http://www.timog.com/gallery/files/5/gusali.jpg

http://www.timog.com/gallery/files/5/tutubi.jpg

http://www.timog.com/gallery/files/5/puno.jpg

Paul

10-23-2005, 08:02 PM

Ang ganda naman ng kulay ng langit diyan sa inyo. Dito sa 'min ulan buong weekend. :frowning:

hotcake

10-23-2005, 08:19 PM

Reon ang ganda naman, iba talaga kapag pro ang kumuha ng litrato ano…:slight_smile: buhay na buhay ang kulay…

andres

10-23-2005, 09:06 PM

woah, shutter chance!!
paano mo nakuhanan yung tutubi??

reon

10-23-2005, 10:41 PM

Ang ganda naman ng kulay ng langit diyan sa inyo. Dito sa 'min ulan buong weekend.Ngayon nga lang umaraw dito sa Tsukuba, at ulan nga ng ulan, buti na lang naisipan kong lumabas kanina habang may liwanag pa. Eto may nakuha pang pictures, kaso konti lang kasi nag-low-bat kaagad ang camera ko.

Nga pala, Mr. Gadget Expert, pag ginamit mo ba ang battery ng hindi fully charged, iikli ang buhay nung baterya?

Reon ang ganda naman, iba talaga kapag pro ang kumuha ng litrato ano… buhay na buhay ang kulay…Hi hotcake, hindi naman ako pro, maganda lang ang kulay ng langit kanina. Maganda ang panahon at maraming mga tao sa parks, masarap magpainit sa ilalim ng araw. Sana araw-araw lagin ganito. :slight_smile:

woah, shutter chance!!
paano mo nakuhanan yung tutubi??Wala lang, nilagay ko sa manual ang focus, finocus sa pinakamalapit na kaya ng lens, pinaliitan ng husto ang aperture para mas malaki ang focus range, at pinagkukuhanan ko yung mga tutubing lulutang-lutang doon sa park. Eto ang resulta at wala pa rin sa focus, hehe. :lol:

Janer

10-23-2005, 10:52 PM

ang ganda naman! bluer than blue talaga yung sky ah :smiley:

Maruchan

10-24-2005, 02:09 AM

Ang ganda, Reon! Buhay na buhay ang mga letrato mo. Ang sarap tignan ng paulit-ulit. :king:

Teddy

10-24-2005, 11:36 AM

Ang ganda ng panahon kahapon, no? reon-san:) Hindi ko napigilan pumasyal sa paligid namin ng wife ko:) Medyo maiinit ang panahon kaya pinawisan kami ng konti habang naglalakad, pero masarap na rin yung walking sa ilalim ng araw:)

docomo

10-24-2005, 12:08 PM

Awesome! nice shot :slight_smile: … Did you use polarizer with this reon?

reon

10-26-2005, 10:12 PM

Hello Janer, Maruchan, Teddy, and docomo. :slight_smile: Thanks for your comments and sorry for this late reply. More than the pictures, masaya ang feeling nang palakad-lakad lang sa park sa isang weekend at malamig ang hangin pero maaraw at maanit pa rin. Dito ko lang naa-appreciate ang araw sa Japan. :slight_smile:

Walang polarizer ito, docomo. Pero dahil digital, puwede mong gawin na parang meron. :slight_smile: Mukhang mahilig ka rin sa pagkuha ng pictures? (Alam mo kasi ang polarizer.)

docomo

10-28-2005, 11:41 AM

Walang polarizer ito, docomo. Pero dahil digital, puwede mong gawin na parang meron. :slight_smile: Mukhang mahilig ka rin sa pagkuha ng pictures? (Alam mo kasi ang polarizer.)

…nakakaintindi lang ng konti reon pero di ko na kinarir busy kasi …paminsan minsan lang pag nasa mood … I loved taking pictures …I’ve some photos I took way,way back pa (dina-daiji ko)…usually nature kaya lang pag nature shot ang bilis po mawala ng moment ,timing -timing lang po ko,kailangan pa ng maraming practise…ikaw you have the talent kaya tuloy-tuloy mo yan :slight_smile:

reon

11-12-2005, 06:36 PM

Thanks docomo. :slight_smile:

Hindi ko naiisip na talent dahil napaka-ordinaryo naman ng mga kuha ko. Kailangan lang ng time, although kapag may anak ka na at fulltime na trabaho, wala nang time masyado. Baka puwede kang magdala ng isang maliit na digicam na puwedeng ibulsa para kahit saan puwede kang kumuha.

Kanina habang naglalakad kasama ko ang anak ko sa park na malapit, may kinuha ulit akong “sky” picture. Gusto ko ng mga ulap at bughaw na kalawakan. It reminds me that living in this planet (because its atmospere is able to support life) is a privilege only we humans can appreciate.

http://www.timog.com/gallery/files/5/yuugata.jpg

docomo

11-12-2005, 06:52 PM

@reon … Amazing detail …You captured the clouds just the way it should be captured…I like the unique touch of the bridge under the clouds , is that a bridge? :slight_smile:

reon

11-12-2005, 06:53 PM

Isang building na mukhang bridge. :slight_smile:

crispee

11-12-2005, 07:03 PM

Baka puwede kang magdala ng isang maliit na digicam na puwedeng ibulsa para kahit saan puwede kang kumuha.

Kung mahilig ka talaga sa pagkuha ng litrato anytime anywhere, maganda nga ang maliit na camerang pwede lagi sa bulsa. Hindi bulky, at hindi rin istorbo kahit naka-jeans ka lang.
Kanina, napadaan ako sa Kimura Camera, second hand shop ng mga camera at video cam. (analog at digital) sa B1 ng Tokyo Eki. Me nakita akong katulad ng pocket cam ko (Sony DSC-F77 (http://www.sony.jp/products/Consumer/DSC/DSC-F77/)) selling for 2lapad lang… 4.0 megapixels, good condition. Kulay niya ay parang light violet.

Maruchan

11-14-2005, 12:52 AM

Thanks docomo. :slight_smile:

Hindi ko naiisip na talent dahil napaka-ordinaryo naman ng mga kuha ko. Kailangan lang ng time, although kapag may anak ka na at fulltime na trabaho, wala nang time masyado. Baka puwede kang magdala ng isang maliit na digicam na puwedeng ibulsa para kahit saan puwede kang kumuha.

Kanina habang naglalakad kasama ko ang anak ko sa park na malapit, may kinuha ulit akong “sky” picture. Gusto ko ng mga ulap at bughaw na kalawakan. It reminds me that living in this planet (because its atmospere is able to support life) is a privilege only we humans can appreciate.

Ah, another lovely blue sky. It gave me a very nice feeling so thanks, Reon! :yippee:

hotcake

11-19-2005, 04:48 PM

@ Reon makikipost din ako dito sa thread mo ha…:slight_smile: Nagandahan lang kasi ako kanina sa ulap kaya kinunan ko ng litrato. Pero di siya kasing ganda gaya ng mga kuha mo…:smiley:

piNkAhOLiC

11-28-2005, 01:53 AM

Love the pics reon! Ang ganda ng shots grabe! Post rin ako.

This shot was taken in Prestige Bldg’s roof deck in Ortigas. Medyo madilim na, around 5 na kasi ng hapon ito eh. :slight_smile:

docomo

11-28-2005, 12:52 PM

Love the pics reon! Ang ganda ng shots grabe! Post rin ako.

This shot was taken in Prestige Bldg’s roof deck in Ortigas. Medyo madilim na, around 5 na kasi ng hapon ito eh. :slight_smile:

… bigla kong na-miss pilipinas dito sa pic. pinkaholic (lapit bahay namin dyan):frowning:

Janer

11-28-2005, 04:44 PM

dati puro ako angal na nde talented yun sky dito banda kaya nde ganun ka blue. binabawi ko po. :slight_smile:

kuha 'to nung saturday dun sa iwadeyama hot-airballoon festival.

crispee

11-28-2005, 06:30 PM

dati puro ako angal na nde talented yun sky dito banda kaya nde ganun ka blue. binabawi ko po. :slight_smile:

kuha 'to nung saturday dun sa iwadeyama hot-airballoon festival.

Janer, patingin nung hot-air balloons. Glider 'tong pinakita mo eh. Baka naman nakasakay ka sa isang ballon…Share naman ng aerial shots mo… I like aerial photography din…

Some photos I took during take-off from Manila.

Janer

11-28-2005, 08:57 PM

Janer, patingin nung hot-air balloons. Glider 'tong pinakita mo eh. Baka naman nakasakay ka sa isang ballon…Share naman ng aerial shots mo… I like aerial photography din…

Some photos I took during take-off from Manila.

Crispee, ok yun aerial shots mo ah, organized naman pala tingnan ang Manila sa taas e. :smiley:

Nde kami nakasakay dun sa balloons, competition pala yun kaya naki-piktyurs lang kami nung take-off nila. Kaaliw nung nagliparan na, eto yung ilang pics. :slight_smile:

crispee

11-29-2005, 08:03 PM

Pag sakay ka na ng eroplano paalis ng maynila, dumungaw ka sa ibaba. Kahit saang dako ng maynila ka tumingin, maganda ang makikita. Iba na kasi ang view pag malayo ka na. Di na mo nakikita ang mga basura, squatters, maduming ilog, grabeng trapik at iba pang tanawin na masasabing ‘onli in da pilipins’.

Balik tayo sa ‘sora’. Ang galing naman ng balloon pics mo. Naalala ko tuloy yung supot ng pandesal. Pag wala na itong laman, ilalapag ko ito sa lupa ng nakataob. Tapos sisindihan mula sa ibaba. Pabayaang matupok ng apoy at kusa itong aangat sa lupa. Ah, childhood days;)

This is an archived page from the former Timog Forum website.