Sunflower Festival in Chikusei, Ibaraki

Maruchan

09-06-2005, 02:30 AM

Last Saturday, hubby and I drove all the way to Chikusei City (http://www.city.chikusei.lg .jp) in Ibaraki Prefecture to visit the village of sunflower.

Hinanap ko si REON…sinigaw ko pa ang pangalan niya kaso hindi siya lumabas ng bahay. Sayang. :frowning:

http://www.timog.com/gallery/files/3/4/9/od20050903-040tf.jpg

Reon, eto ang mga kamag-anak ng avatar mo:

http://www.timog.com/gallery/files/3/4/9/od20050903-055tf.jpg

prettylily_1203

09-06-2005, 02:46 AM

ang ganda naman . nakakaalis ng stress…:slight_smile:

nick

09-06-2005, 07:04 AM

Nice pictures Maruchan. :slight_smile:

iseijin

09-06-2005, 08:56 AM

It is worth seeing po.:slight_smile:

Janer

09-06-2005, 11:11 AM

ang ganda naman! pangarap ko pang makakita ng totoong sunflower fields forever :smiley:

han

09-06-2005, 01:04 PM

how did you get there? pa-share naman ng itinerary nyo, including expenses. pero, parang hindi sunflower, parang maliliit yung golden brown sa middle. but of course, i am not sure. :> i would really love to see them. tnx in advance!

Paul

09-06-2005, 01:48 PM

nice pics, maruchan!
dito rin sa Miyagi may Sunflower Festival, sa Sanbongi-cho (http://www.town.sanbongi.mi yagi.jp/). kaya lang nakalimutan ko kaya hindi namin naabutan (mas maaga kasing mag-bloom ang sunflower dito kesa diyan). kaya nagtiyaga na lang kami dito sa sunflower na nakita namin nung nag-drive kami 2 weekends ago.

kuha nga pala to ng kaibigan naming mahilig na ring magkukuha ng pics, gamit yung lens of the month (http://people.freenet.de/stauber/mamiya-nc/m42_czj_35_2.4.htm) ko ngayon. meron din siyang phlog (http://phlog.net/user/sendai) na maraming pics na kuha niya sa iba’t ibang lugar sa japan. gala kasi. :slight_smile:

Maruchan

09-06-2005, 03:24 PM

ang ganda naman . nakakaalis ng stress…:slight_smile:
Maraming salamat, prettylily_1203! Iyan din ang na feel ko when I was standing in the middle of the sunflower field.

Nick, thank you for fixing it. I don’t know what I did wrong.

Thank you din, iseijin.

ang ganda naman! pangarap ko pang makakita ng totoong sunflower fields forever :smiley:
Salamat, Janer! Ay pareho pala tayo ng pangarap. Sana makakita ka din…baka next year. Kasi dito sa Chikusei ang Sunflower Festival nila was from August 27 to September 4 this year.

how did you get there? pa-share naman ng itinerary nyo, including expenses. pero, parang hindi sunflower, parang maliliit yung golden brown sa middle. but of course, i am not sure. :> i would really love to see them. tnx in advance!
Han, we went to the sunflower field by car. Hubby drove papunta ako naman pabalik. It took us 3 hours to go there kasi medyo traffic. Expenses? Hmm, we paid for lunch, dinner, drinks and a full tank of gas (I think). On the way home we passed by Joyful Honda to buy stuff.

Sunflower din ito. Ito ang tinatawag na (Helianthus annuus) ‘Giant Sungold.’

Ito naman ang tinatawag na Terracotta Sunflower:

http://www.timog.com/gallery/files/3/4/9/od20050903-070tf.jpg

I think mas common or popular ang sunflower ni Paul.

Maruchan

09-06-2005, 03:42 PM

Paul, ang galing din ng friend mo, ah! Dapat friends na din tayo kasi baka sakaling mahawa ako sa kagalingan ninyo. :smiley:

Seriously, mas type ko ang sunflowers ninyo diyan kaso medyo malayo ang Miyagi sa amin. Pero next year, baka sakaling makapunta. Do you know kung mga anong month ang sunflower festival ninyo d’yan?

Nice photo! Thank you for sharing. O sige, visit muna ako sa Phlog ng friend mo at baka may mapulot na teknik (hindi tinik, ha?).

Paul

09-06-2005, 04:02 PM

maruchan, yung sunflower festival sa Sanbongi-cho is held during the first half of August. sige pag napadpad kayo dito magphoto-trip tayo.

actually yung friend namin na sinasabi ko ay nandito pala sa thread na 'to. di ko napansin agad. hulaan mo na lang kung sino siya.

Maruchan

09-06-2005, 04:12 PM

maruchan, yung sunflower festival sa Sanbongi-cho is held during the first half of August. sige pag napadpad kayo dito magphoto-trip tayo.
Ayan, mas okay sa akin ang photo-trip na iyan. :yippee: O sige, susugod kami sa Sanbongi-cho sa August next year. Kitakits tayo.

actually yung friend namin na sinasabi ko ay nandito pala sa thread na 'to. di ko napansin agad. hulaan mo na lang kung sino siya.
Ito naman si Paul…binigyan pa ako ng sakit ng ulo. O sige, magla-lunch muna ako kasi hilo na ako bago ko hulaan kung sino man ang very talented mong friend. Friend natin, diba? :slight_smile:

Maruchan

09-06-2005, 06:43 PM

actually yung friend namin na sinasabi ko ay nandito pala sa thread na 'to. di ko napansin agad. hulaan mo na lang kung sino siya.
Ayun! Nahulaan ko din kasi busog na ako. Si Janer pala ang friend natin.

Hi Janer! :wave: Ang ganda ng kuha mo sa sunflower mo. :slight_smile: I visited your Phlog, too. Nice! :thumb:

Janer

09-06-2005, 11:24 PM

Ayan, 2nd post ko na! :smiley:

Oi Paul salamats sa plug & guess who portion… hehe… kaaliw nga yung mga Joghibee na yun! :stuck_out_tongue:

Maruchan, magagaling tutors ko e kaya nakakahawa. Ala tsamba pa din pero kahit papaano nagkadireksyon na yung mga piktyurs ko, minsan hindi na tabingi. hehe… Salamat din sa pagbisita sa phlog ko, open ka na din ng account dun, ok din sya na storage sa ere ng mga kung ano-anong piktyurs pero syemps, ang best shots dito dapat isi-share :wink: . Sana nga makapasyal kayo dito sa ever pretty Sendai. :slight_smile:

kalypso

09-06-2005, 11:41 PM

very nice pictures, Maruchan and Janer! may may mga bubuyog pa:).

Maruchan

09-07-2005, 03:38 AM

Hi Janer! Naku, tsamba pa pala ang mga iyon…ang galing kasi. Oo nga eh, parang gusto ko na din mag open ng account sa phlog kaso not much photos to upload yet…at least not a lot of NICE ones yet. But thanks for the suggestion, though.

Thanks, Kalypso! Basta may maraming flowers…meroong din bees for sure. :slight_smile:

adechan

09-07-2005, 11:50 AM

Maruchan and Janer

these pictures are so great :band:

parang ang galing i pa enlarge yan ilagay sa frame para sa house interior

lalo na with matching original compositions

o kaya inspirational words

o kaya mga bible verses

:wink:

gvidanes

09-07-2005, 01:52 PM

ang ganda ng mga flowers ms. maruchan! very cool sa eyes. pwede ko bang gawing wallpaper ng computer ko dito sa office? nakakatanggal kc ng pagod.

Janer

09-07-2005, 02:46 PM

Thanks Kalypso & Adechan! I could send you the high resolution file if you want it printed. :slight_smile:

kalypso

09-07-2005, 09:40 PM

thanks, Janer! you’re so sweet.:slight_smile: sige, sige… kindly send it when you are not busy.

Thanks Kalypso & Adechan! I could send you the high resolution file if you want it printed. :slight_smile:

crispee

09-07-2005, 10:16 PM

Hello Maruchan,

Musta na my friend. Mukhang nawawala na ang alikabok sa camera mo ah:D. Alam ko kasing bihira mong pindutin ang shutter niyan. Sayang, ganda pa naman ng features. Donate mo na lang kaya sa 'kin;). Nice photos my friend…parang ang sarap kainin ng petals hehehe…very crisp ang dating.

Maruchan

09-07-2005, 10:31 PM

Adechan, you gave me tons of ideas. Muah! It sure would look good on my bare, boring, white walls. I think it would jazz up the toilet area, too. :smiley: If you want to do something creative with any of my photos, feel free to do so. Let me know if you want the high-resolution image(s).

Gvidanes, thank you sa compliment mo, ha? Sure! Okay lang sa akin. Let me know if you want the high-resolution copy, too. :slight_smile:

Maruchan

09-07-2005, 10:48 PM

Hello Maruchan,

Musta na my friend. Mukhang nawawala na ang alikabok sa camera mo ah:D. Alam ko kasing bihira mong pindutin ang shutter niyan. Sayang, ganda pa naman ng features. Donate mo na lang kaya sa 'kin;). Nice photos my friend…parang ang sarap kainin ng petals hehehe…very crisp ang dating.
Crispee!!! Welcome back ma friend! :kiss: Na miss kita…sobra. Okay, I want to know all the stuff you and M did sa Pinas with matching photos, ha? Oo nga, ang sarap…may shot nga si hubby sa akin while I was trying to bite one of the biggest sunflower. Yummy! :smiley: Shh. :sssh: Masyado mo naman akong binubuking dito sa TF, eh. Masyado akong na-i-intimidate sa camera ko na iyan…parang pang Olympus lang ang beauty ko kasi. :smiley: O siya, call me as soon as you can and a big beso to M, too. I hope you had a nice time sa Pinas…with your parents and siblings.

P.S. Nakita mo ba ang langit this morning at during the sunset? Ang ganda, ano?

crispee

09-07-2005, 11:30 PM

P.S. Nakita mo ba ang langit this morning at during the sunset? Ang ganda, ano?

Langit ba kamo? Basta kasama ko si M, panay ganda ng langit nakikita ko:D. Uy! I missed that one. Alam mo, one of the best time to shoot photos ay pagkatapos nga ng bagyo. Kasi daw maaliwalas ang paligid, at tinangay ng bagyo ang dumi sa hangin. May kuha ka ba ng sunset kanina? Share naman jan. Hi to Mr. M ne:)

sam

09-07-2005, 11:51 PM

Nice pictures out there! Sugoi!!! Sunflower is one of my favorite subject in painting. Nakaka aliw. Thanks, Maruchan. Nice post.

Maruchan

09-08-2005, 12:14 AM

Langit ba kamo? Basta kasama ko si M, panay ganda ng langit nakikita ko:D.
I’m sure. :smiley: Oh, behave, Crispee! Baby pa ako.

Uy! I missed that one. Alam mo, one of the best time to shoot photos ay pagkatapos nga ng bagyo. Kasi daw maaliwalas ang paligid, at tinangay ng bagyo ang dumi sa hangin. May kuha ka ba ng sunset kanina? Share naman jan. Hi to Mr. M ne:)
Exactly! O sige, I’ll check kung meroon akong magandang kuha. I-try mo din tommorrow baka maganda ulit ang sunrise.

Maruchan

09-08-2005, 12:17 AM

Nice pictures out there! Sugoi!!! Sunflower is one of my favorite subject in painting. Nakaka aliw. Thanks, Maruchan. Nice post.
Thanks, Sam! It must be so nice to be able to paint. Hay…sana ako din.

mcgregor

09-11-2005, 07:52 PM

ang gaganda ng kuha! sa pilipinas, sa university avenue lang ako nakakakita ng totoong sunflower!!! ang galing!

reon

09-11-2005, 08:40 PM

Hinanap ko si REON…sinigaw ko pa ang pangalan niya kaso hindi siya lumabas ng bahay. Sayang.tulog siguro ako noon. :smiley: maganda ang mga sunflowers na kuha mo maruchan. :thumb: sayang, hindi pa ako nakakapunta sa isang sunflower park.

Maruchan

09-16-2005, 01:03 AM

ang gaganda ng kuha! sa pilipinas, sa university avenue lang ako nakakakita ng totoong sunflower!!! ang galing!
On behalf of Janer, maraming salamat, mcgregor! :yippee:

Maruchan

09-16-2005, 01:06 AM

tulog siguro ako noon. :smiley: maganda ang mga sunflowers na kuha mo maruchan. :thumb: sayang, hindi pa ako nakakapunta sa isang sunflower park.
Maraming salamat, reon! Next time punta tayo kina Paul and Janer kasi mas maganda ang mga sunflower doon sa kanila. :yippee:

adechan

09-16-2005, 06:18 PM

Thanks Kalypso & Adechan! I could send you the high resolution file if you want it printed. :slight_smile:

thanks

adechan

09-16-2005, 06:28 PM

Adechan, you gave me tons of ideas. Muah! It sure would look good on my bare, boring, white walls. I think it would jazz up the toilet area, too. :smiley: If you want to do something creative with any of my photos, feel free to do so. Let me know if you want the high-resolution image(s).

thank u very much … (i don’t know how to say it deeper … thank u talaga)
i will check it out first kung ok lang kahit hindi high-resolution
i will let u know pag naasikaso ko na

hindi pa ko makahinga sa kabisihan … undokai pa bukas nang anak ko

cg … probably nasa koen pa kayo ni crispee habang tina-type ko to

docomo

09-16-2005, 08:04 PM

Nice pic …I enjoyed staring at it :slight_smile:

rhynissa

06-25-2008, 04:49 PM

wow very nice sunflowers…:wink:

This is an archived page from the former Timog Forum website.