tech talk

andres

12-27-2004, 12:17 PM

ano nang nangyari sa “tech talk” section? diba meron dati nito dito?

anyway, hihingi kasi sana ako ng advice sa mga tech-savvy dyan, mukhang marami dito sa TF.

unang-una, naghahanap ako ng electronic dictionary/translator ek-ek. meron ba na english ang default language, at pwedeng mag translate ng nihongo, at iba pang languages (spanish, french etc.)?? saan ba bumibili nito, sa akihabara?

pangalawa, may maire-recommend ba kayo na portable mp3 player na compatible sa mac? meron bang magandang alternatives sa ipod na mas mura?

arigatenks.

nick

12-27-2004, 07:41 PM

a, e… pasensya na at binura ko kung matatandaan mo, hehe :tiphat:

pero pinalitan ko ulit ang pangalan itong section na ito. “Technology and Recreation.”

reon

12-27-2004, 10:27 PM

meron ako ditong 10-year old na WordTank from Canon, kaya WordTank din ang mairerekomenda ko sa yo. tignan mo kaya ang IDF-3000 (http://cweb.canon.jp/wordtank/standard/idf-3000/index.html) (tsekin mo rin ang ibang models sa canon website), mukhang madaling gamitin, at merong choice ng japanese or english menu (parang yong lumang WordTank–standard yata ito sa lahat ng WordTank). mukhang okey din ang G50 (http://cweb.canon.jp/wordtank/language/g50/index.html) pero mas mahal nga lang. merong comparison dito (http://www.wordtankcentral.com/compare.php) in english. magandang pumunta siguro sa akihabara para mahawakan mo at malaman ang “feel” ng bawat isa.

tungkol naman sa ipod, gumagamit ka ng macintosh, tapos maghahanap ka ng ipod alternative?! hindi kita maintindihan. :rolleyes: hindi, wala lang kasi akong mp3 player kaya wala akong mai-recommend. :slight_smile:

Paul

12-29-2004, 01:36 PM

yung electronic dictionary maghanap ka na lang sa akihabara. marami diyan. ako kasi mula nung dumating ako dito sa japan ay hindi ako gumamit ng electronic dictionary. mas ok pa rin yung normal na dictionary para sa 'kin. mas comprehensive pa rin at marami ka pang matututunan. sa mga hapon mas marami akong nakikitang may dalang electronic dictionary na gawa ng seiko.

tungkol naman sa portable music player, mukhang wala ng mas maganda pa at mas madaling gamitin kesa ipod. lalo na kung may mac ka. wala pa ring tatalo sa ipod + itunes na combination.

This is an archived page from the former Timog Forum website.