Ten tips to prevent colds and influenza

reon

02-06-2005, 04:20 PM

Kasasabi lang sa amin last week na mag-ingat sa kaze at influenza virus, kaya kinabukasan, nagkaroon tuloy ako ng ubo (na hindi pa gumagaling). :smiley: Pag may sakit ka, masama ang pakiramdam mo, nahahawa ang mga tao sa bahay, nasisira ang schedule ng mga tao sa paligid mo at nagkakaroon ng meiwaku sa trabaho (kaya panay ang pagsasabi ng mga Hapon ng kenko kanri – literally “health management”).

Ang mga tao lang siguro na nag-e-enjoy pag may sakit ay yong mga nagsasabi na, “Ang mahal-mahal ng binabayaran ko sa hoken, e hindi naman ako nagkakasakit!”

Kaya, eto, ang aking “10 tips to prevent colds and influenza”. (Sinusulat ko ito habang humahatsing sa maraming tissue.)

  1. Maghugas lagi ng kamay.

    Dahil nakukuha ang mga virus pag humahawak tayo ng mga bagay na hinawakan ng ibang taong may sipon o ubo gaya ng telepono, keyboard o door knob, laging maghugas ng kamay, lalo na kung bago kumain.

  2. Magmumog.

    Malaking bagay sa mga Hapon ang pagmumumog para lumabas ang mga virus mula sa lalamunan. May mga colored pamphlets pa sila (complete with cartoon characters) na binibigay sa mga grade school students para maturuan ang mga bata sa pagmumumog. Tandaan na hindi ito yung ordinaryong pagmumumog ng bibig; dapat galing sa lalamunan kaya dapat nakatingin ka sa taas habang pinapalabas mo ang hininga mo. Kahit mga adult na Japanese, marami akong nakikitang nagmumumog pag winter (at hindi ito yung mumog na ginagawa pagkatapos kumain).

  3. Huwag hawakan ang mukha.

    Pumapasok sa katawan ang mga virus mula sa bibig, ilong at mata kaya pag-ingatan na huwag hawakan ang mga ito lalo na kung hindi ka pa naghuhugas ng kamay.

  4. Gumamit ng humidifier sa bahay.

    Gusto daw ng mga virus na magpalutang-lutang sa malamig at tuyong hangin kaya maiging gumamit ng humidifier sa bahay lalo na kung gumagamit din kayo ng heater na nagpapatuyo ng hangin.

  5. Lumanghap ng sariwang hangin.

    Hindi ko alam kung totoo pero maganda daw sa katawan ang sariwang hangin. :slight_smile: Natutuyo daw kasi ang katawan pag gumagamit tayo ng heater sa taglamig kaya mabuting buksan paminsan-minsan ang mga bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Tandaan din na kapag malamig, maraming tao ang nasa loob lang ng bahay o buildings kaya mas maraming virus ang nasa loob at mas madaling magkahawahan ang mga tao.

  6. Mag-hot bath.

    Marami ring Hapon ang nagsasabi nito: “Mag-ofuro ka, tanggal yan.” Hindi ko alam ang exact scientific explanation pero malamang ang mainit na tubig at hangin sa loob ng ofuro ay nakakapatay o nakakapagpahina sa mga virus. Nakakatanggal din ito ng mga libag na tinataguan ng nga virus (daw, ewan ko). :slight_smile:

  7. Uminom ng maraming tubig at juices.

    Madaling makalimutan ang uhaw pag taglamig pero kailangan ng katawan ng maraming fluids para ma-rehydrate at mailabas ang mga toxins sa katawan. Uminom ng hindi bababa sa walong baso ng tubig (yung malaki, hindi yong maliliit na baso ng mga Hapon na dalawang lagok lang wala nang laman).

  8. Mag-exercise.

    Pag nag-e-exercise tayo, lumalakas ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan, bumibilis ang paghinga para mabilis ding mabigyan ng baga ang dugo ng oxygen at pinagpapawisan ang katawan habang ito’y umiinit. Napapadami ng pag-e-exercise ang mga cells sa katawan na pumapatay ng virus.

  9. Matulog ng maigi.

    Nakakapagpahina ng immune system ng katawan ang hindi pagkuha ng tamang tulog kaya matulog ka hanggang tanghali (o hanggang hindi ka ma-late sa trabaho).

  10. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

    Nakakakuha daw ng mas maraming impeksyon sa baga ang mga naninigarilyo kasya sa mga hindi. At pag nakakuha sila ng kaze o influenza ay mas masahol ang mga sintomas. (Nasabi ko na ba na nakaka-cancer din daw ito?) Ang sobrang pag-inom ng alak naman ay nakaka-dehydrate ng katawan bukod pa sa nasisira nito ang atay, na natural na nagfi-filter ng germs ng katawan, kaya matatagalang mawala sa loob ng katawan ang mga germs.

Siyempre, pag hindi umipekto ang mga tips sa taas at nagkaroon ka ng kaze o influenza, pumunta ka kaagad sa doktor (hindi ka bibili lang ng kaze-kusuri sa Terashima o Matsumoto Kiyoshi) at humingi ng tamang diagnosis at gamot (bukod pa sa magagamit mo na sa wakas ang pagkamahal-mahal mong binabayaran na hoken).

Siyempre, dapat kumain ka ng mabuti, humigop ng maraming chiken soup for the soul at maraming fluids, at mahabang tulog at pahinga. :slight_smile:

At tsaka, gumamit ka ng mask para hindi ka makahawa ng ibang tao. Kalimutan mo na ang gamot, wag lang ang mask (lalo na kung sumasakay ka ng densha). (Ang totoo, may kasama ako sa trabaho na laging naka-mask pag winter. Sabi ko, “Bakit lagi ka yatang may sipon?” Sabi nya, “Wala akong sipon, ayaw ko lang magkaroon kaya lagi akong may mask.” Extreme.)

kokorokara

03-14-2006, 10:44 AM

Ok itong tips mo reon sana binabasa ito ng mga taga TF para alam nila ang gagawin.Salamat po!

lonely me

03-14-2006, 10:56 AM

REON salamat sa mga tips:) :slight_smile: :slight_smile:

fremsite

03-14-2006, 11:00 AM

nice tips reon san … ingat and pagaling ka …:slight_smile:

depp

03-14-2006, 12:09 PM

di ako nakatulog kagabi,kung anu-ano pumapasok sa isip ko,e pano ang bunso ko sobrang taas ng lagnat,kung anu-ano sinasabi.umiyak na lang ako at nagpray.
bakit,ang hina ko pagdating sa mga anak ko?bakit ngayon pa ngyari ito na ang asawa ko ay out of the country?angb hirap talaga ng nag-iisa.ang hirap din ng walang biyenan.
e dalawang araw ding me sinat ako?pero di ko nararamdaman ang tamlay ng katawan ko,buti na lang wala raw akong influenza.
hay,pasensiya na kayo.nabuhos ko lang.

humabol pa ang influenza,hayateru pa.kaya ingat kayo mga ka- tf.gawin nyo ang mga tips ni reon.:slight_smile:

bell

03-14-2006, 03:43 PM

salamat po sa tips.maganda nga ito ngayong taglamig…:smiley:

mizo_shiru

03-14-2006, 06:12 PM

Helpful tips reon sa lahat ng mga tagaTF.
I just want to add, mas maganda rin kung magpapabakuna ka around November kasi ang effectiveness nito ay around two months pa. Tamang-tama January-February hayatteiru na ang influenza hindi ka na masyadong kakaba-kaba.
Last month nagka-influenza 'yong youngest namin pero kaming tatlo di nahawaan, tsaka importante din na kung 5 days yung prescription ng duktor dapat itong sundin para hindi na makahawa sa iba. Minsan kasi , 3 days palang eh bumababa na ang lagnat, di pa namamatay lahat ng virus sa katawan natin, kaya hanggang kahuli-hulihan ng gamot dapat ay inumin talaga.
Maganda rin kung naka-mask ka kahit nasa loob lang ng bahay para di makahawa sa kasambahay. Mahirap magkasakit dito sa Japan.

Odaijini.:slight_smile:

wolfgang

03-14-2006, 06:13 PM

Thank you sa mga tips…:smiley:

reon

03-14-2006, 10:39 PM

Teka, last year pa itong post na ito, a. :slight_smile: Tenkyu sa mga replies.

gemini_19

03-14-2006, 11:49 PM

napuna ko rin, ganon pa man salamat reon san, at salamat kay kokorokara sa paghahalungkat niya.:slight_smile:

summergirl

03-18-2006, 06:58 AM

ang galing mo reon taga ibaraki ka rin kasi eh.O daijini

stariray

05-28-2006, 04:58 PM

Reon san thanks sa mga tips mo ha:thumb: malaking bagay talaga tong tf atleast may mga taong concern citizen na nagbibigay kaalaman sa mga taong katulad kong mangmang:scratch: kasi naman kami nitong jowa ko parang naglalaro ng basketball pasahan ng ubot sipon paggaling ko cya naman ngayon cya nman gumaling meron nanaman ako…pero this time sabay na kaming kumakahol sa gabi…haaay naku kaya yun sabay kaming nagpa check up sa doctor… katulad ng tips mo dapat sundin buti na lang hindi nahahawaan mga anak namin saming dalawa na lng yun…mahirap magkasakit jyama sa lahat ng gagawin…thanks again and ingat din po kayo mga ka tf odaidyini:cool:

nidhelp

06-02-2006, 07:41 PM

sa lahat po ng may alam sa weight gain supplement, i need your help so badly, dati na po akong payat, pero lalo po akong namayat when i came here…siguro po eh dahil sa bigat ng work ko…kanina po kinausap ako ng bossing namin na medyo magpataba naman kasi nga po mabigat nga talaga yong kinds ng work ko…na try ko na po bumili ng protien supplement, pero wa epek po. baka po may alam kayo nay vitamins dito o sa pinas please kelangan ko po ng tulong nyo…im willing to buy kahit gaano pa ho kamahal ito…hintay ko po mga reply nyo…salamat po ng marami!!:slight_smile:

geminigirl

06-23-2006, 03:06 PM

Hello! Alam mo ikaw lang yata and pumunta diyan sa Japan na imbes tumaba, pumayat. Diyan kasi masarap ang pagkain lalo yung rice nila, at pati ang weather at climate ay nakakataba talaga. I used to gain as much as ten pounds pag nandiyan ako. Di ko mapigilan ang kumain lalo pag malamig ang panahon.

Sa case mo naman, baka hindi sufficient yung intake mo sa klase ng trabaho mo. You said na mabigat ang trabaho mo. Suggestion ko, sana you eat enough or more than what is required for the kind of work you have. At huwag ka magpapalipas ng gutom. Minsan kasi you eat the right foods at the wrong time and vice versa. Our body has designed a system na makukuha mo ang utmost nutrients pag kumain ka at the right time, as in breakfast at 6 or 7am, lunch at 12 noon, and dinner at 6 or 7pm. Try mo nga regimen na ito.

Regarding food supplements or vitamins, I think you should ask for a doctor’s advise there kung aling vitamin sa Japan ang pupuwede sayo. At dito naman sa atin I would recommend Enervon-C. It really worked for my younger brother na nasa US na ngayon. Kahit andun siya enervon pa rin iniinum niya. He gained weight at naalis yung hika niya. Try mo and see if it works for you.

Regards:)

maria_71jp

09-22-2006, 11:22 PM

hello mga kaTF…sorry po kung dito po ako mag a ask sa inyo about my situation,i mean my health.i hope sana me mag advice sa akin kung paano ba matatanggal ang KATA KORI sa shoulder ko,pag natutulog ako sumasakit ang mga likod ko sa may bandang wings…i was planning talaga na pumunta sa doctor pero before that gusto ko sanang malaman sa inyo mga kaTF kung me mga tips ba kayo.please help me…
again pasensiya na po di ko alam kung saan ako mag popost ng thread ko…

ugnayan

09-23-2006, 12:48 AM

Kasasabi lang sa amin last week na mag-ingat sa kaze at influenza virus, kaya kinabukasan, nagkaroon tuloy ako ng ubo (na hindi pa gumagaling). :smiley: Pag may sakit ka, masama ang pakiramdam mo, nahahawa ang mga tao sa bahay, nasisira ang schedule ng mga tao sa paligid mo at nagkakaroon ng meiwaku sa trabaho (kaya panay ang pagsasabi ng mga Hapon ng kenko kanri – literally “health management”).

Good to read this post again! :slight_smile: Thanks for posting! :tiphat:

honey

09-24-2006, 03:57 PM

Importante ito lalo na’t magtataglamig na naman :slight_smile: thanks for sharing …

Dax

12-15-2006, 12:38 AM

Uso na naman ang sipon at trangkaso kaya gusto ko lang buhayin ulit itong thread.

reon

12-15-2006, 12:57 AM

Nasabi ko na ba na mura lang ang vaccination against influenza?: around 3,000 lang ito at effective daw sabi ng mga kumuha. :slight_smile:

McBONG

12-15-2006, 01:10 AM

ang galing mo supermoderator me alam ka pala about sa health?thanks sa inpormasyon…

reon

12-15-2006, 01:36 AM

Konti lang pre, para lang makaiwas sa sakit.

mOtt_erU

12-17-2006, 12:39 AM

…salamat sa mg tips na yan Sir reon:) :stuck_out_tongue:

aeroguy30

12-20-2006, 02:30 AM

thanks for the tips reon… :D:D:D

roses_pink

11-17-2007, 09:53 PM

:slight_smile: Thanks for the tips. Malaking tulong po ito.

ambassador

01-02-2008, 05:48 PM

  1. Huwag hawakan ang mukha.

Pumapasok sa katawan ang mga virus mula sa bibig, ilong at mata kaya pag-ingatan na huwag hawakan ang mga ito lalo na kung hindi ka pa naghuhugas ng kamay.

May nabasa akong article na ang cold virus daw ay hindi sa bibig o ilong dumadaan kundi sa taenga. Kaya dapat daw ay hwag ipasok ang daliri sa taenga. Maganda daw ang Hydrogen Peroxide ipatulo sa tainga sa umpisa ng colds.

blue_sky

01-23-2009, 08:51 PM

thanks for the tips…it really helps a lot:)
sakitin pa naman ako…

BlitheCassia

08-12-2009, 07:25 PM

Plenty of rest is first and best remedy to combat cold and flu. When you feel like you are coming down with a cold or flu, taking eight glasses of water or even more than that is very important. Take drinks high in vitamin C to support your immun system. Take vitamin and mineral drinks by adding them to water or juice. You can benefit from steam. Thinly slice a one-inch piece of ginger and chop a bunch of green onions. Put them in a stockpot and add 32 oz of water. Boil it until the mixture becomes half. Remove the pot from the stove and place securely on a table. Breathe the steam in while covering your head with a towel. You can also drink this mixture while sitting in a hot bath to give some relief to your sinuses and help you to rest well. Drinking chicken soup is the best remedy for cold and flu.

Women Business Suits (http://www.lucyalice.co.uk/)| Ladies Business Suits (http://www.lucyalice.co.uk/)

BaconMshroom

08-13-2009, 03:26 PM

nabanggit na ba na panatilihing malakas ang immune system ng katawan?
pano? the basic advice “’ eat fruits & veggies”
yung mga nasa japan jan, i highly suggest eating berries: blueberries etc…
peras masustansya rin… yung usual saging, mangga, pinya, ay ok na rin.
ang importante araw-araw may prutas & gulay, if possible.

—coming from a pinoy in pinas na d nagka sipon/lagnat for 2-3yrs now… :slight_smile:

shotaro

08-29-2009, 06:29 PM

nice po ito salamat poh sa inyo supermod at sa mga nag update dito hahaha
may ubo pa naman ako ang hirap 3 days na hahahha

cski

06-13-2010, 06:03 PM

Kasasabi lang sa amin last week na mag-ingat sa kaze at influenza virus, kaya kinabukasan, nagkaroon tuloy ako ng ubo (na hindi pa gumagaling). :smiley: Pag may sakit ka, masama ang pakiramdam mo, nahahawa ang mga tao sa bahay, nasisira ang schedule ng mga tao sa paligid mo at nagkakaroon ng meiwaku sa trabaho (kaya panay ang pagsasabi ng mga Hapon ng kenko kanri – literally “health management”).

Ang mga tao lang siguro na nag-e-enjoy pag may sakit ay yong mga nagsasabi na, “Ang mahal-mahal ng binabayaran ko sa hoken, e hindi naman ako nagkakasakit!”

Kaya, eto, ang aking “10 tips to prevent colds and influenza”. (Sinusulat ko ito habang humahatsing sa maraming tissue.)

  1. Maghugas lagi ng kamay.

Dahil nakukuha ang mga virus pag humahawak tayo ng mga bagay na hinawakan ng ibang taong may sipon o ubo gaya ng telepono, keyboard o door knob, laging maghugas ng kamay, lalo na kung bago kumain.

  1. Magmumog.

Malaking bagay sa mga Hapon ang pagmumumog para lumabas ang mga virus mula sa lalamunan. May mga colored pamphlets pa sila (complete with cartoon characters) na binibigay sa mga grade school students para maturuan ang mga bata sa pagmumumog. Tandaan na hindi ito yung ordinaryong pagmumumog ng bibig; dapat galing sa lalamunan kaya dapat nakatingin ka sa taas habang pinapalabas mo ang hininga mo. Kahit mga adult na Japanese, marami akong nakikitang nagmumumog pag winter (at hindi ito yung mumog na ginagawa pagkatapos kumain).

  1. Huwag hawakan ang mukha.

Pumapasok sa katawan ang mga virus mula sa bibig, ilong at mata kaya pag-ingatan na huwag hawakan ang mga ito lalo na kung hindi ka pa naghuhugas ng kamay.

  1. Gumamit ng humidifier sa bahay.

Gusto daw ng mga virus na magpalutang-lutang sa malamig at tuyong hangin kaya maiging gumamit ng humidifier sa bahay lalo na kung gumagamit din kayo ng heater na nagpapatuyo ng hangin.

  1. Lumanghap ng sariwang hangin.

Hindi ko alam kung totoo pero maganda daw sa katawan ang sariwang hangin. :slight_smile: Natutuyo daw kasi ang katawan pag gumagamit tayo ng heater sa taglamig kaya mabuting buksan paminsan-minsan ang mga bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Tandaan din na kapag malamig, maraming tao ang nasa loob lang ng bahay o buildings kaya mas maraming virus ang nasa loob at mas madaling magkahawahan ang mga tao.

  1. Mag-hot bath.

Marami ring Hapon ang nagsasabi nito: “Mag-ofuro ka, tanggal yan.” Hindi ko alam ang exact scientific explanation pero malamang ang mainit na tubig at hangin sa loob ng ofuro ay nakakapatay o nakakapagpahina sa mga virus. Nakakatanggal din ito ng mga libag na tinataguan ng nga virus (daw, ewan ko). :slight_smile:

  1. Uminom ng maraming tubig at juices.

Madaling makalimutan ang uhaw pag taglamig pero kailangan ng katawan ng maraming fluids para ma-rehydrate at mailabas ang mga toxins sa katawan. Uminom ng hindi bababa sa walong baso ng tubig (yung malaki, hindi yong maliliit na baso ng mga Hapon na dalawang lagok lang wala nang laman).

  1. Mag-exercise.

Pag nag-e-exercise tayo, lumalakas ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan, bumibilis ang paghinga para mabilis ding mabigyan ng baga ang dugo ng oxygen at pinagpapawisan ang katawan habang ito’y umiinit. Napapadami ng pag-e-exercise ang mga cells sa katawan na pumapatay ng virus.

  1. Matulog ng maigi.

Nakakapagpahina ng immune system ng katawan ang hindi pagkuha ng tamang tulog kaya matulog ka hanggang tanghali (o hanggang hindi ka ma-late sa trabaho).

  1. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Nakakakuha daw ng mas maraming impeksyon sa baga ang mga naninigarilyo kasya sa mga hindi. At pag nakakuha sila ng kaze o influenza ay mas masahol ang mga sintomas. (Nasabi ko na ba na nakaka-cancer din daw ito?) Ang sobrang pag-inom ng alak naman ay nakaka-dehydrate ng katawan bukod pa sa nasisira nito ang atay, na natural na nagfi-filter ng germs ng katawan, kaya matatagalang mawala sa loob ng katawan ang mga germs.

Siyempre, pag hindi umipekto ang mga tips sa taas at nagkaroon ka ng kaze o influenza, pumunta ka kaagad sa doktor (hindi ka bibili lang ng kaze-kusuri sa Terashima o Matsumoto Kiyoshi) at humingi ng tamang diagnosis at gamot (bukod pa sa magagamit mo na sa wakas ang pagkamahal-mahal mong binabayaran na hoken).

Siyempre, dapat kumain ka ng mabuti, humigop ng maraming chiken soup for the soul at maraming fluids, at mahabang tulog at pahinga. :slight_smile:

At tsaka, gumamit ka ng mask para hindi ka makahawa ng ibang tao. Kalimutan mo na ang gamot, wag lang ang mask (lalo na kung sumasakay ka ng densha). (Ang totoo, may kasama ako sa trabaho na laging naka-mask pag winter. Sabi ko, “Bakit lagi ka yatang may sipon?” Sabi nya, “Wala akong sipon, ayaw ko lang magkaroon kaya lagi akong may mask.” Extreme.)

I totally agree with this post. Super complete nito. The only thing missing would be the yearly flu vaccine. It costs around Php 700, I’m sure it’s a lot cheaper somewhere. But super worth it yung bayad because you’re really protected from flu if you get the vaccine every year, especially before the rainy season starts.

jptole

06-14-2010, 04:48 PM

I like to read this type post more. :yesyes:

Thanks for this nice posting! :slight_smile:

Shine888

07-07-2010, 12:55 AM

Today in the modern world crimes are everywhere even in our home is no longer safe. As individual citizen we must have Personal Alarms (http://www.LylaJ.com)and Self Defense Products Women (http://www.LylaJ.com), to ensure our safety in everyday living.

jptole

08-04-2010, 03:30 PM

Nice tips.

This is an archived page from the former Timog Forum website.