The Timog Forum FAQ

nick

09-05-2004, 11:52 AM

The Timog Forum FAQ: Frequently Asked Questions Answered

  1. What is Timog Forum?

    It’s a forum (bulletin board, message board) for Filipinos in Japan. The first and only one of its kind.

  2. Who made this?

    A group of former and present students in Japan.

  3. Sino ang puwedeng maging member?

    Lahat ng mga Pilipino sa Japan. Actually, lahat ng mga Pilipino na mayroong koneksyon o interes sa Japan.

  4. Kailangan bang maging member? Ano ang benefits ng pagiging member?

    Hindi kailangan ang maging member para basahin ang forum. Pero mga members lang ang puwedeng mag-post ng message sa forum.

  5. Mahirap ba ang mag-register? Ano ang mga requirements?

    Kung mabilis kang mag-type, hindi aabutin ng limang minuto ang registration. Kailangan mong ibigay ang iyong email address at fillup-an ang ilang blanks. Ang email address ay confidential at hindi makikita ng ibang tao.

  6. Paano kayo nagkaroon ng idea para sa isang forum?

    Marami kasi sa ating mga kababayan sa Japan (na hindi marunong ng Nihongo) ang may mga tanong tungkol sa maraming bagay pero wala silang matanungan na malapit. Kaya kung merong isang website na kagaya ng Timog Forum, puwede silang magtanong sa ibang Pilipino kahit na saang lugar man sila sa Japan (o buong mundo). Isa itong paraan para makatulong ang mga marurunong ng Nihongo sa mga taong hindi.

    Syempre, maraming puwedeng gawin ang mga Pilipino sa Timog Forum. Maaari nating isipin ito na isang lugar kung saan tayo puwedeng magkita-kita sa Internet. Mag-usap-usap tungkol sa iba-ibang bagay, sumagot sa tanong ng ibang tao, magkalat ng news at announcements tungkol sa Filipino community, at kung anu-ano pa.

This is an archived page from the former Timog Forum website.