Trabaho sa Japan

masaki20

05-24-2005, 09:50 PM

I just want to ask for some help. Naghahanap kasi ako ng trabaho, can someone help me? I`m here in Kawasaki, Kanagawa ken. Can you give me some advice kung san pwede makahanap ng trabaho? Thanks.

crispee

05-24-2005, 11:42 PM

Hi masaki20,
I-try mong puntahan ang hello work office na malapit sa Main Post office ng Kawasaki Shi. Katabi ito ng Used Games/DVD/CD at book store. Puwede mo rin i-check dito http://www.tfemploy.go.jp/en/coun/cont_2.html . BTW, taga-kawasaki rin ako. Baka nagkakasalubong tayo sa shotengai? Madalas ako sa Dospara or Dos/V shop kung pamilyar ka doon.

masaki20

05-25-2005, 08:09 PM

Hello Crispee,
Thanks for your reply. I will try to go there, hoping na makakita ako. Baka nga nakakasalubong na kita :rolleyes:
Thanks again.

maple

05-25-2005, 09:17 PM

crispee ma’ friend! baka gusto mo rin akong ihanap ng trabaho!? nag-away kami ng Tencho namin kanina, 10:40 AM pa lang nag walk out na ako sa trabaho:mad:

gusto pa ng Tencho namin na mag-usap kami, pero sabi ko, “kubi ni shite mo ii yo”, sabay talikod. Sa bahay nila Hotcake ako nagpalipas ng sama ng loob.

beginning 10:40 AM, jobless na yata ang beauty ko!!:smiley: :confused:

Dax

05-26-2005, 11:16 AM

masaki20,

check mo din ang mga to:

http://job.japantimes.com/index_e.php?

http://www.daijob.com/dj/en/index.html

http://www.careercross.com/en/index.php

http://www.careerforum.net/Default_e.aspx

o sige goodluck!

pointblank

05-28-2005, 03:19 PM

gusto pa ng Tencho namin na mag-usap kami, pero sabi ko, “kubi ni shite mo ii yo”, sabay talikod. Sa bahay nila Hotcake ako nagpalipas ng sama ng loob.

Hello Maple,

Konting payo lang mula sa isang beterano na sa Japan, kaya huwag mo sanang masamain.

Di ko alam kung ano ang naging issue ninyo ng tenchou mo. I am sure na mayroon kang valid reasons para awayin siya - pero kailangan siguro ay konting lamig ng ulo at “reiseisa” (cool-headedness).

Una, ikaw din ang talo. Maski na ang tenchou mo ang mali, ikaw naman ang walang trabaho. Sino ang naghirap tuloy? Ang matalinong paraan ng pag-away, dapat siya ang pag-dusain mo habang sitting pretty ka lang. Kailangan ay Machiavellian ka!

Pangalawa, di nakakabuti sa image ng Pinoy (at ng foreigners in general) ang biglang pagri-resign sabay ng may-I-walk-out-the-door-agad. Sa sine o teledrama lang nila yan nakikita. Nari-reinforce tuloy ang image na mainit ang dugo at unreliable sa trabaho ang mga foreigners.

Like I said, kung tenchou mo ang may atraso, siya ang pagdusain mo. Tandaan mo na hindi ka basta-basta pwedeng i-kubi sa Japan. Kailangan nilang magbayad ng premium sa severance pay mo!

Good luck sa job hunting! :wink:

maple

05-28-2005, 10:50 PM

hello pointblank,

maraming salamat sa mga payo mo. I really appreciate them!
I work in a bakery, nga pala. Mabuti nga ako, walk-out lang ang ginawa ko. Yung arubaito namin na Chinese, I won’t tell the whole story, pero mas matindi sa walk-out ang ginawa, sa sobrang asar dito sa taong ito. Hindi pa namin siya tenchou nung time na yun, isa lang siya sa mga seishain, happened 2 years ago.

Been working part time for this company for 5 and a half years. Plus, may 18 months pa akong experience sa ibang bakery. Ang tenchou naman namin 3 years pa lang. Or should I say, 3 years na siya sa bakery, hanggang ngayon hindi pa niya kabisado kung tag-iilang gramo ang bawat klase ng tinapay!!!

Last X’mas, ako ang may pinakamaraming nai-benta na X’mas cake (12 man en mahigit ang nai-benta ko), kaya naman pala nagagalit siya sa akin tuwing may pahabol pa ako na x’mas cake orders, eh 3 man yen lang pala ang benta niya. Modesty aside, every year ako ang may pinaka maraming benta ng x’mas cake.

She’s been picking on me kahit na noong hindi pa siya tenchou. More than a year ago, I needed carpal tunnel release, sinabi niya sa original tenchou namin na humanap na raw ng kapalit ko if I need weeks or months of rehabilitation. She knows that our daughter is in College. She knows how we badly need the dough, so to speak! Eh di suffer na lang muna ako in silence, keysa naman mawalan ng trabaho. Less than a year ago, she bought a house, she knows how hard it is to be a tenchou in our shop, 12:00 midnight na natatapos ang trabaho ng tenchou, kahit hindi niya pa talaga kaya ang lahat ng responsibilities , kinagat niya ang offer, because she also needs the dough!

Tapos ngayon parang sa akin niya binubuntun ang lahat ng pagod niya. Believe it or not, pinipili niya kung sino ang pwedeng gumamit ng “yuukyuu kyuka” (tama ba spelling). Ako at yung isang Haponesa hindi pwedeng gumamit kasi uriage warui daw ang bakeshop namin, tapos yung best friend niya na co worker din namin ay pwedeng gumamit! Ma took mo yan!?!

last Monday, just because of some wax paper around me, ilang beses niya akong pinagalitan, as if she’s scolding a retarded kid (which we normal people wouldnt do to one). And I said to myself, this will be the last straw! Sinagot ko na siya. Sat and Sun, yasumi ko, dumating ako sa shop Monday morning naka tambak na sa cusina ang mga iyun. I didn’t even bother to put those papers away, thinking that someone must have placed them there for a reason. At sinabi ko pa sa kanya na yung bestfriend niya ang mahilig magkalat ng waxpaper, natameme siya.

Until Wednesday morning, hinagis pa niya yung mga baking pans namin, halatang-halata na ‘kenka utteru’ pa siya. Hindi niya siguro matanggap na sinagot ko siya nung Monday. Kaya minabuti ko nang mag walk out na lang. Pero, late Wednesday night, she called me up, sinabi ko na lahat ng hindi ko gusto sa ugali niya, and she said i-try niya raw baguhin ang ugali niya. She even admitted, most times “yatsu atari” nga raw siya.

Sa sinabi mo pointblank na baka ma reinforce na mainit ang dugo nating mga Pinoy, between me and my tenchou lang naman ha, awa ng diyos, wala pang reklamo ang mga customers sa akin, “aisou ga ii” nga daw ako eh. Ito naman isa, kahit na nung hindi pa siya tenchou, madalas may “claim” sa kanya ang mga customers na “taidou warui” siya. Kaya hindi pa naman siguro mage-generalize ng mga kasamahan ko sa trabaho na mainitin ang ulo ng Pinoy.

Pasensya na po mga kababayan, napahaba na naman ito. Anyway, this morning, tenchou and I formally kissed and made up.

pointblank, thanks again for your concern.

maple

yuki

06-02-2005, 11:56 PM

mga kabayan im yuki.me too nghahanap din trabaho.i have my visa i know how to read and write hiragana and katakana.im here in kofu city.thank you.

pointblank

06-04-2005, 08:58 PM

Hello uli Maple,

After your explanation, medyo malinaw na kung ano ang nangyari. :slight_smile:

Sana naman ay magbago na ang ugali ng tenchou niyo, ngayong may peace treaty na kayo. However, since old habits die hard, kailangan ay maghanda ka nang back-up plan just in case awayin ka uli. (Kung masama na ang ugali since bata pa yan, ngayon pa kaya siya magbabago?)

Kung marami ang hindi satisfied sa performance niya, pati na ang mga customers ninyo, dapat siguro ay paratingin sa may ari ng bakery. Unless na kamag-anak pala siya ng owner (ika nga nila C.O.O. - hindi “chief operating officer” kundi “child of owner”), pwede naman siyang i-demote.

Ngayon, kung type mong maging dakilang contravida ala Carol Varga o Zeny Zabala sa pelikula :smiley: , maraming paraan na i-set up yan para mabuking ang kanyang mga palpak. Dapat nga lang ay smooth operator ka at mag-ingat na hindi sa yo babalik ang gulo. That’s what I mean by being Machiavellian sa awayan. :wink:

boris

07-26-2007, 05:35 PM

Hi there,

I would to ask everybody who would like to work on early time from 7 am to 11 pm only , 1,000 yen/hr. Duties in kitchen?, make sandwiches and some food to prepare like pork breading , making hamburger.
age limit is, 20-40 yrs.old, female, with a pleasing smile:) !
So, if you live nearby Haneda or in kanagawa,please call me as soon as possible.
My celfone number is 090-2423-3509. This ad is good only til next week.

Thanks!!
Myra

This is an archived page from the former Timog Forum website.