Warm clothes in the Phil.

halloween

12-04-2005, 08:02 PM

Tanong ko lang mga kapatid, may alam ba kayong mabibilan ng cheap warm clothes sa Pinas?

Iniisip ko kasi tutal uuwi ako this Decmber, bibili na ko ng pang winter ko sa aten.

Tropical country tayo oo pero since may mga lugar naman na tutad ng Baguio na malamig din ang klima siguro may mga shops din na may makakapal na jacket. Parang trip kong mag leather jacket (habang nakasoot ng boots at cowboy hat, hehehe).

Salamat sa mga magrereply.

crispee

12-04-2005, 08:09 PM

Sa bagyo ka maghanap Halloween. My friends from baguio really love to wear those outfits even in Japan. Feel at home daw kasi sila pag ganoon ang suot. At di lang pala leather jacket ang mabenta doon. May suot din silang maong jacket na may soft warmer sa loob. Dala daw nila yun galing Pinas.

reon

12-04-2005, 08:45 PM

Hindi yata magandang idea ang bumili ng winter jackets sa isang napakainit na bansa gaya ng Pilipinas. :slight_smile:

So far, wala pa akong nakitang jacket sa Pinas na magpapainit sa akin dito sa Japan, ginawin kasi ako, pero tama si Crispee, baka sa mga malamig na lugar sa Pinas may mga makakapal na jackets.

docomo

12-04-2005, 09:24 PM

Halloween meron sa marikina river banks , affordable ang price… :slight_smile:

DaiRyouKoJin

12-04-2005, 11:50 PM

marami din sa may SURPLUS SHOPS sa mga malls ( SM, Robinsons…)
Ukay Ukay sa baguio, di ko lang alam kung meron sa Greenhills.

Paul

12-04-2005, 11:59 PM

Gaya ng sabi ni DaiRyouKoJin, sa Surplus Shop sa mga SM malls. May mga branded na panlamig din doon, mga factory overruns, etc. Medyo mahirap nga lang maghanap ng size na maliit kasi mga pang-export sa US yung mga panlamig nila.

piNkAhOLiC

12-05-2005, 03:14 AM

marami din sa may SURPLUS SHOPS sa mga malls ( SM, Robinsons…)
Ukay Ukay sa baguio, di ko lang alam kung meron sa Greenhills.

Yeah try mo sa SM North/Fairview Surplus shops, they have a lot of great stuffs. Mostly branded overruns like Abercrombie,AEO etc. Mura pa:) Sa greenhills meron din.

There are some really great finds in Ukay-ukays too,But if there’s one advice I could give you, it’s watch out for stains. Seriously, you never know what they are. :smiley:

reon

12-05-2005, 10:23 PM

Surplus shops nga pala, doon ako bumili ng panlamig ko bago pumuntang Japan. Pero maginaw pa rin talaga, kaya napabili din ako dito.

goldhorse

12-05-2005, 11:00 PM

Oo nga no. Sabi nga ng mga Amerikano mahirap nang maghanap ng made in the U.S. na damit. Galing na lahat sa south… Pati nga paborito kong Nike, mayroon pa bang di gawa sa Asia?

City_rabbit

12-06-2005, 11:31 AM

Surplus shops nga pala, doon ako bumili ng panlamig ko bago pumuntang Japan. Pero maginaw pa rin talaga, kaya napabili din ako dito.

Reon, you are really “ginawin” - huh?
Me too, I do not like the cold weather… I would rather be under the warm sun, than freeze in the snow…brrrr…

:stuck_out_tongue:

tfcfan

12-06-2005, 01:27 PM

Tanong ko lang mga kapatid, may alam ba kayong mabibilan ng cheap warm clothes sa Pinas?

Iniisip ko kasi tutal uuwi ako this Decmber, bibili na ko ng pang winter ko sa aten.

Tropical country tayo oo pero since may mga lugar naman na tutad ng Baguio na malamig din ang klima siguro may mga shops din na may makakapal na jacket. Parang trip kong mag leather jacket (habang nakasoot ng boots at cowboy hat, hehehe).

Salamat sa mga magrereply.
Sa SM malls daming makakapal na jacket or leather kahit sabihing mainit sa Pinas daming makakapal na damit na nagkalat.

pahavol::slight_smile: Ba’t ako nung nagsuot dati ng leather over-all coat at knee high boots giniginaw pa din:confused: Sabi nung mga kakilala ko dito ang leather daw eh magandang isuot pag “Aki” lang pero pag winter di daw advisable.:confused:

lilo

12-06-2005, 04:08 PM

sale ngayon sa terranova sa glorietta 4. ewan ko ba why they’re selling winter clothes in pinas pero they do. according to their sales people, tuloy-tuloy ang sale nila hanggat di nauubos ang stocks.

try mo din sa greenhills. me stall dun na nagbebenta ng mga muffler, bonnet, mittens, etc. sabi nung tindera, for export daw talaga yun.

sa baguio naman, try nyo sa mga christmas sale sa may epza. meron kasing company dun na gumagawa talaga ng mga jackets, sweaters for export. yung mga di pumasa sa quality inspection, yung yung sine-sale nila. normally naman, di na mansin yung mga defects kaya good buy pa rin.

mOtt_erU

09-12-2006, 11:08 PM

hi Halloween:)

Try to visit any MANGO shop or ZARA shop…bukod sa maganda ang mga style ng mga Jackets at Winter wear nila eh , pangFuyu talaga…imported Brand kase kaya maganda yung quality…yun nga lang medyo pricey:) ,… it ranges from 3,000-7000 pesos…okey lang diba…, same din sa Nihon…–a good winter wear costs from 1man pataas…so okey lang.

This is an archived page from the former Timog Forum website.