ハロハロ

Mag halo halo na lang tayo

uy, saan nabibili yan?^^ ministop?

Hindi, sa isang stall yan sa matsuri (¥600)

Eto yung sa MiniStop

Kakatawa rin, sa lahat ng halo-halo varieties nila, walang mukhang halo-halo :rofl:

Ba’t pa-special yang halo-halo ng Pilipinas? >_> Nagkalat naman shirokuma dito sa Japan.

Sorry po. Hater lang ang mood :joy:

Nagdagdag lang ng variety sa prutas 'kala mo kung anong espesyal na imbensyon. <_<

Sorry po. Side-effect yata 'to nang hindi makauwi ng Pilipinas. Hater talaga

para siguro exotic=tropical ang dating para naman maiba sa usual na shirokuma. yung webpage nila may beach, gumamela etc

30 years na daw ang ハロハロ ng ministop

Ay 'di lang siguro sa 'di ako makauwi kaya hater ako ngayon. Matagal na pala akong na-iinis sa mga youtuber na pa-pinoy pride sa halo-halo. >_>

… So anyway dahil hater ako ngayon, napagpasyahan kong magsayang ng oras at mag-google kung anong nauna, shirokuma o halo-halo. Mga pre-war Japanese pala na nag migrate sa Pilipinas ang nagpasimuno nyang halo-halo na yan. Pero yung modern halo-halo at shirokuma ay nadevelop post-world war na. TIL.

LIfe is too short para bigyan pansin yang mga youtuber na yan. I-block lang yang mga kups na yan hehe.

Pwede naman natin enjoyin ang halo-halo for its own sake. Marami nga syang kahawig na dessert, pero para sa akin da best pa rin yung combo ng saging na saba, leche flan at ube ice cream. Mmm-mmmm. At gusto ko yung halo-halo ng Razon’s. Simple lang. (Pero syempre da best pa rin yung gawa ng Lola ko dati).

Anyway, napaka interesting pala ng origin story ng halo-halo. Ibig sabihin nun, may sizable population ng hapon sa pinas bago ng gyera. Saan sila naka base? At anong layunin nila doon?

Matagal ko nang narinig na yung mga nag-ga-gandahang at mga nag-gwa-gwapohang mga katutubo ng Cordillera eh may lahing mga Hapon. Assumera lang ako na may naligaw sa bundok na mga Hapon noong WW2 yun pala integrated na talaga yung maraming Hapon sa norte bago pa yung WW2. At according kay Wikipedia, by the time ng 1939’s may mga Hapon na din na nag-settle sa Davao. :open_mouth:

Kaya di ako gumagaling sa nihongo, kung ano-anong random topic ang pinagkakaabalahan ko. Pasensya na OP, off-topic na ako. Wala lang, nakakatuwa lang. Sa edukasyon kasi sa Pilipinas kilala lang natin (at least noong panahon ko) yung Hapon as foreign invaders ng WW2. Kapag pinaguusapan ang mga na-unang Pilipino eh mga negrito, Malayo, at ano nga ba 'yung isa pa… yun lang pinaguusapan sa history (at least noong panahon ko). Excluded nga mga Intsik kahit mas notable ang populasyon nila kaysa sa mga Hapon sa Pilipinas.

… At ngayon assumera naman ako na kaya halos parehas lang yung omiyage sa Baguio at sa maraming dako ng Japan eh dahil sa early settlers na mga Hapon sa Pilipinas, at 'di dahil sa parehas na pumapel yung Amerika sa mga bansa natin. Saka na lang ako ulit mag-re-research. O baka meron ditong may alam ng kasagutan, pa-summarize naman.

Assumera lang ako na may naligaw sa bundok na mga Hapon noong WW2 yun pala integrated na talaga yung maraming Hapon sa norte bago pa yung WW2.

Hindi naman siguro. Likas na gwapo/gwapa lang talaga ang mga tiga-Cordillera :wink:

Pero actually, TIL tungkol sa construction ng Kennon Road:
“More than 2,300 foreign and local workers worked on the road. Aside from Filipino engineers and construction workers and U.S. Army Corps of Engineers headed by Col. Lyman Kennon, foreigners from 36 countries were recruited to work on the road; the majority, at about 1,500 or 22%, were Japanese, and about 1,000 were Chinese”

huwaw

At according kay Wikipedia, by the time ng 1939’s may mga Hapon na din na nag-settle sa Davao.

Eto rin kakagulat.

Ayon dito,
"As of 1937, a quarter of the total population of Davao province were Japanese, mainly working in the abaca industry, "

Anlayo ng naabot natin mula sa halo-halo. Salamat @adabana :smile:

dito ba galing yan?

Historians have traced halo-halo’s roots back to the Japanese.

According to famous Filipino food historians Felice Prudente Sta. Maria and Ambeth Ocampo, halo-halo originated from the pre-war Japanese who lived in the Philippines. As a snack, they used to make kakigori , a Japanese dessert consisting of sweetened beans, like garbanzos, kidney beans or mongo, milk, and shaved ice.

The Japanese created and monopolised a small business selling kakigori , which they renamed mongo-ya . Mongo is a Tagalog word for red beans. This was sold for ten cents each.