A call from immigration?

eri

01-12-2006, 06:06 PM

Hello po mga ka TF…may tanong lang po ako, kasi po nag-apply kami ng husband ko ng extension para sa visa ko ,1st time ko po magpaextend, kaso po hindi pa naapprove dahil may kulang pa kaming paper na kailangan maisubmit sa Jan.13,naayos na po yun ng husband ko kahapon and napadala na today through post office. Bale tinatakan lang muna ng immgration na “Applied” yun passport ko nung araw na nagpunta kami sa office,dec26 po yun. Tapos po nung isang araw Jan10,may tumawag po dito na taga immigration,sabi ko po wala husband ko sa bahay,nagwork.Tapos sabi po nya ako daw po talaga ang gusto nya makausap,tapos po ang dami nya tanong,kung ano daw ba trabaho ng husband ko,ano exactly yun ginagawa nya,ako,ano daw ginagawa ko(work) sabi ko wala sa bahay lang,at madami pa po syang tinanong…lahat naman po ng tanong nya nasagot ko, sabi pa nga po nya maswerte daw ako kasi mabait daw po asawa ko:) then binilin nya lang po na kung malelate kami ng pagpasa ng paper e itawag lang daw sa kanila. Ang tanong ko po,kaya po ba sila tumawag e para alamin kung totoo nga kami mag-asawa?,kasi po diba madaming keikon visa na hindi naman talagang mag-asawa,wag po sana magalit kung meron man dito na member,nagtatanong lang po ako.Meron din po ba dito na tinawagan ng immgration na parang nagChecheck lang?Thank U po sa magrereply :slight_smile:

striver

01-12-2006, 06:12 PM

thats it, yan po ngayon ang parang naging SOP ng immigration don sa mga nagkaroon ng visa thru marrying japanese men po, dahil sa immitation kekkon na tinatawag nila. they call actually on the house, not only that but visit your place. nagtatanong sila sa mga kapit bahay mo kung nakikita nila talaga kayo na mag asawa talaga. and if your not lucky enough, some immigration officer daw eh, pumupunnta talaga sa house mo to check your belongings. kung talagang may gamit ka talaga don or nandon talaga yong mga personal belongings mo. if they find out na wala kang evidence, malas mo na lang. di nila aaprobahan ang visa mo. baka hulihin ka pa. ingat po.:smiley:

docomo

01-12-2006, 06:19 PM

…Hi eri! hindi naman lahat palagi chine~ chek… natyempuhan ka lang… pero may nag che-chek talaga… no need to worry much because if you’re really telling the truth walang dapat ikabahala diba :slight_smile:

adechan

01-12-2006, 06:20 PM

yes, talagang palang na check ka, wala pa siguro kayong anak ano?

usually yata nang mga tinatawagan ay iyong mga walang anak, kase sa case ko hindi ako naka receive nang call from immigration, noong nagsisimula pa lang akong mag ka visa.

pero iyong isa kong friend tinawagan daw talaga siya. at mukang may nagtanong tanong pa sa kanya. dahil naikuwento nang kapitbahay niyang close niya na may babae at lalakeng nagtatanong kung may foreigner daw bang nakatira, at tinanong yata kung may asawang hapon, at kung mukhang nagtatrabaho.

eri

01-12-2006, 06:31 PM

thats it, yan po ngayon ang parang naging SOP ng immigration don sa mga nagkaroon ng visa thru marrying japanese men po, dahil sa immitation kekkon na tinatawag nila. they call actually on the house, not only that but visit your place. nagtatanong sila sa mga kapit bahay mo kung nakikita nila talaga kayo na mag asawa talaga. and if your not lucky enough, some immigration officer daw eh, pumupunnta talaga sa house mo to check your belongings. kung talagang may gamit ka talaga don or nandon talaga yong mga personal belongings mo. if they find out na wala kang evidence, malas mo na lang. di nila aaprobahan ang visa mo. baka hulihin ka pa. ingat po.:smiley: thanks for the quick reply,stiver san:) Sabi nga po ng husband ko pinasketch pa daw sakanya noon yun location ng tirahan namin,kaya ukashikunai din daw kung may bigla na lang susulpot na taga immigration sa bahay. Pero totoo naman po talaga na mag-asawa kami kaya wala po daw kami dapat na ipag-alala;) …Good News nga po pala! kadadating lang po ni hubby,may HAGAKI na daw po na dumating,pinapapunt a po kami sa immgration hanggang sa Feb.10 daw,at may babayan na 4000yen, Ibig po ba sabihin nito maggrant na yun application ko?

docomo

01-12-2006, 06:32 PM

thanks for the quick reply,stiver san:) Sabi nga po ng husband ko pinasketch pa daw sakanya noon yun location ng tirahan namin,kaya ukashikunai din daw kung may bigla na lang susulpot na taga immigration sa bahay. Pero totoo naman po talaga na mag-asawa kami kaya wala po daw kami dapat na ipag-alala;) …Good News nga po pala! kadadating lang po ni hubby,may HAGAKI na daw po na dumating,pinapapunt a po kami sa immgration hanggang sa Feb.10 daw,at may babayan na 4000yen, Ibig po ba sabihin nito maggrant na yun application ko?

yes eri… yan na po yon… congrats ha:)

eri

01-12-2006, 06:36 PM

yes, talagang palang na check ka, wala pa siguro kayong anak ano?

usually yata nang mga tinatawagan ay iyong mga walang anak, kase sa case ko hindi ako naka receive nang call from immigration, noong nagsisimula pa lang akong mag ka visa.

pero iyong isa kong friend tinawagan daw talaga siya. at mukang may nagtanong tanong pa sa kanya. dahil naikuwento nang kapitbahay niyang close niya na may babae at lalakeng nagtatanong kung may foreigner daw bang nakatira, at tinanong yata kung may asawang hapon, at kung mukhang nagtatrabaho.Tama po kayo wala pa nga po kaming anak:( sabi pa nga po sakin ng taga immigration na kinukumusta lang daw nya kung ok lang ang lagay ko, sabi ko OK na OK:D …majime ang asawa ko at mabait pa.

eri

01-12-2006, 06:38 PM

yes eri… yan na po yon… congrats ha:)Thank U po docomo san:) tuwa nga din si hubby ko eh!

cart_1001

10-15-2006, 10:23 AM

may kasama ako dati ganyan daw nang yari sa kanya.tinawagan muna office hour.wala asawa nkalusot.next un sinabi nya na off ng asawa tumawag di nakausap asawa nya.then yasumi day.wala sila pareho.ok yun.then bigla daw early morning may immgr.officer pumunta binisita bahay nila walang makita kunghindi konting damit sinama na siya.marami tanong itutuloy yun sa immigration.at pag malas nya bihira siya puntahan ng asawa nya.kya immitatin kekkon daw.pinauuwi nga siya.hindi nya ginawa,doon siya sa immigration wait ng viza.kaso4mnths na siya noon di pa ayos.di kasi siya pinupuntahan ng husband niya daw

love0308

10-15-2006, 10:42 AM

Talaga tinawagan ka pa sa house! Ako kaya tawagan din kung mag apply ng visa eh may anak kami ng hubby imposible namang di maniwala na mag asawa kami he he:D

honey

10-15-2006, 10:53 AM

may tumawag din sa akin noon pero inalam lang kung talagang wala akong trabaho at kung nasa bahay ba ako…:stuck_out_tongue:

yuto

04-11-2007, 06:06 PM

gaano ba katagal maghintay ng visa?lastweek tinawagan ako ang sabi ng immigration tatawag daw ulit un dalawa ko anak japan citizen my visa ako lang ang wala:(

wildflower

04-11-2007, 07:34 PM

ako naman nag extend ako ng visa noon january first time kung mag extend mga isang linggo lang mahigit hintay ko dumating yon hagaki tapos bumalik kami tinatakan ng 3 years visa ko wala akong na experience na may tumawag sa bahay…

yuto

04-11-2007, 07:46 PM

hi po ulit puwede po singit sa usapan ako po si yuto,:wink: tanong ko po bakit po ganun e,dalawa naman anak ko un chonan ko 7yrs old na un isa 5mos palang hhinde paba sila maniwala nun saka mga anak ko japan citizen naman bakit kaya matagal ang proseso nila ng visa ko…tnx sa mag reply:)

louvette_15

04-15-2007, 04:37 AM

hi eri san. ganyan din nangyari sa akin kaso kabaliktaran kasi ng unang tumawag ung immig sa bahay wala ako dahil night shift work ko. asawa ko ang nakausap.eh gusto yata talaga akong makausap kaya tumawag kinabukasan ng tanghali. ganun ganun din mga tanong. naikwento na pala ng asawa ko na buntis ako kaya tinanong ako ulit about sa pagbubuntis ko. 1 week after that, natanggap ko na ung post card nila.

eri

04-15-2007, 04:16 PM

hi po ulit puwede po singit sa usapan ako po si yuto,:wink: tanong ko po bakit po ganun e,dalawa naman anak ko un chonan ko 7yrs old na un isa 5mos palang hhinde paba sila maniwala nun saka mga anak ko japan citizen naman bakit kaya matagal ang proseso nila ng visa ko…tnx sa mag reply:)
Hi ms.yuto:) Tanong lang po, permanent visa po ba ang hinihintay nyo? Kasi po kung Permanent Visa na medyo matagal yata ang proseso, kulang kulang 1year yata bago maaprubahan.Kaso po sabi nyo 7yrs old na yung panganay nyo, bakit nga kaya hindi ka pa Permanent Resident? Sorry po, hindi ko masasagot tanong nyo, wait na lang po tayo ng ibang nakakaalam. Good luck po sa inyo:wave:

eri

04-15-2007, 04:20 PM

hi eri san. ganyan din nangyari sa akin kaso kabaliktaran kasi ng unang tumawag ung immig sa bahay wala ako dahil night shift work ko. asawa ko ang nakausap.eh gusto yata talaga akong makausap kaya tumawag kinabukasan ng tanghali. ganun ganun din mga tanong. naikwento na pala ng asawa ko na buntis ako kaya tinanong ako ulit about sa pagbubuntis ko. 1 week after that, natanggap ko na ung post card nila.
Hi Ms.louvette, Congrats sayo kasi preggy ka na, kakainggit naman:) By the end of this year baka apply na ko ng PR, sana maaprubahan kahit wala pa kami baby:O

ay_me

04-15-2007, 06:02 PM

:slight_smile: Hi makisali sa usapan nyo ha.Share ko lang din ang experience ko dyan sa immigration na yan.Ako nga mga pren after 10 saka ako nakakuha ng permanent visa.Yung first na apply ko 5 yrs. na kami ng habi ko na deny ako.Why,kasi yung habi ko iba yung reason sa reason ko noon.Kaya ang immigration nag doubt samin kung tlagang mag asawa nga kami.Then,finally 2001 nag decide akong mag apply ng permanent visa wla pang 3 mons. na bigyan ako.Take note wla kaming anak ng habi ko.Talaga atang case by case ang pag bibigay nila ng permanent visa ehh :confused: .Akala ko noon pag me anak na madaling kumuha ng permanent visa,ndi pala.Kasi me kakilala ako 3 na yung anak nya ndi pa rin cya permanent,nakakaloka talaga sa immigration.Pag ndi talaga mahaba ang pisi mo matutuyuan ka sa immigration :smiley: .Good luck na lang don sa kumukuha ng permanent visa mga pren ko sa tf.

tokyovey

04-15-2007, 06:10 PM

yup.ako rin tinawagan ng immigration.marami kasing kasal kasalan lang.

yuto

04-16-2007, 10:19 AM

hi eri san,:slight_smile: hinde pa permanent ang inaapply ko sa ngayon wala pako visa yun palang ang wait ko kase nga hinde kaagad inasikaso ng husband ko yun papel ko kaya first time palang ako magkakaroon ng visa,

docomo

04-16-2007, 06:20 PM

case by case kasi ang ikinatatagal ng paglabas ng visa… kung naayos naman na ng husband mo yung mga kailangang dokumento … mabibigyan ka naman for sure… :slight_smile:

majasnjn

04-16-2007, 07:06 PM

Makikisali lang po sa usapan…
About sa immigration nakakaloka nga sila… Kahit ako waiting rin ako ng visa. totoo rin kaming nag sasama ng asawa ko. Tinawagan na nila ako. kya lang hanggang doon lang. Nangamusta lang ata:D :rolleyes: Tatawag nalang daw sila ulit. Bakit ko sinabing nakakaloka?.. Kasi may kakilala ako 3yrs syang bilog, last year ng sept. nag pakasal sya ng fake. imagine nag antay lang sya ng 2 and half months nabigyan na sya ng visa. nabigyan sya dec. Kung sino yung fake ang bilis mabigyan habang wala pa syang visa non nag wwork sya sa gabi. gumagala etc. Samantalang yung majime naka stay lang sa bahay nag aantay ng call nila, na totoo namang nagsasama (mag asawa) Pinag aantay nila. Grabe~~:( :frowning: Wala lang nalulungkot lang ako… Case by case nga talaga… may minamalas at may sinusuwerte…:slight_smile:

yuto

04-16-2007, 07:32 PM

hello majasnjin:) pareho pala tayo minsan lang tumawag saken ganun din ang sabi tatawag daw uli pero hangang ngayon wait parin ako ng call nila pinasasabik lang ba tayo :confused: dalawa pa anak ko at totoo nagsasama kami kainiz na sila ha:mad:

majasnjn

04-16-2007, 07:38 PM

Hi! yuto:) Ako wala pa ako anak. Kung ikaw nga na may dalawang anak na pinapatagal pa… Siguro maslalo na ako.:frowning: Hay buhay~~~ siguro nga pinapasbik lang tayo:D :smiley: Sana naman dali~dalian na nila mag bigay :smiley: :smiley: :slight_smile:

docomo

04-16-2007, 07:40 PM

@majasnin

… fake? hmmm anong kaso bakit mo nasabing fake? kakaiba yun ha, napagisip ako dun … sa higpit ng immigration ? kahit galing naman sa pagka bilog nabibigyan din naman … pwedeng baka yung supporting papers nya pulido… maayos na nagbabayad ng tax yung napangasawa nya …malaking tax na binabayaran … may maayos na trabaho… maayos ang background… sa madaling salita maganda yung record… and kahit mabigyan yung bilog ng visa… may penalty din naman sila… hindi naman sila pwedeng makauwi basta basta … malay mo 3 years o 1 year na hindi pwedeng maka~uwi? or ang visa nya 6 months lang ang binigay malay mo 3 months pa … mabibigyan ka rin nyan for sure… malay mo ibigay sa yo 3 yrs kagad … wait nyo lang … darating din yan :slight_smile:

yuto

04-16-2007, 07:49 PM

hello majasnjin ayan pinag uusapan palang natin tumawag na saken yun immigration pinapapunta na kmi:) thank you lord ang saya saya ko:yippee: :roll: :smiley:

majasnjn

04-16-2007, 08:46 PM

hello majasnjin ayan pinag uusapan palang natin tumawag na saken yun immigration pinapapunta na kmi:) thank you lord ang saya saya ko:yippee: :roll: :smiley:

Hi! yuto:)
WOW!:slight_smile: :slight_smile: Galing naman!:jiggy: :king: Good news! ako… waiting mode nalang~~~:) :slight_smile:

majasnjn

04-16-2007, 08:58 PM

@majasnin

… fake? hmmm anong kaso bakit mo nasabing fake? kakaiba yun ha, napagisip ako dun … sa higpit ng immigration ? kahit galing naman sa pagka bilog nabibigyan din naman … pwedeng baka yung supporting papers nya pulido… maayos na nagbabayad ng tax yung napangasawa nya …malaking tax na binabayaran … may maayos na trabaho… maayos ang background… sa madaling salita maganda yung record… and kahit mabigyan yung bilog ng visa… may penalty din naman sila… hindi naman sila pwedeng makauwi basta basta … malay mo 3 years o 1 year na hindi pwedeng maka~uwi? or ang visa nya 6 months lang ang binigay malay mo 3 months pa … mabibigyan ka rin nyan for sure… malay mo ibigay sa yo 3 yrs kagad … wait nyo lang … darating din yan :slight_smile:

@docomo

Yes, fake po yung kasal nila. sya rin ang nag kwento sakin at maraming nakkalam…Nag bayad sya ng 50lapad unang bayad pag tanggap ng visa. Tapos monthly 5lpad. Napaka swerte nya po talaga… 3yrs, syang nag bilog. tapos yung asawa ng kaibigan nya na kapatid yun or pamangkin (di ako sure) ni reto sa kanya… yung lalaki diko pa na meet… according lang sa mga kwentuhan nila, yung lalaki daw wala pang pinapakasalan… meaning, sya yung unang pinakasalan, nasa 40+ lang daw yung age nung lalaki, may magandang trabaho.malanis yung papel nung lalaki. Kilala din ng hubby ko yung friend ko at alam din nya na fake (kasi na kwento ko:p ) Sabi nga ng asawa ko pag hindi daw ako pa binigyan mag rereklamo daw sya at sasabihin daw nya na bakit yung fake ang bilis nyo bigyan. Yung totoong kasal (mag asawa) nag ddoubt kayo… Sinabihan ko nalang habi ko na wag nang mag reklamo mag antay nalang na mabigyan… at wag na mang damay…Ngayon yung friend ko nasa pinas nag bakasyon.(wala po syang penalty). umuwi sya last week lang… Siguro sinuwerte lang talaga sya~~

yuto

04-16-2007, 10:09 PM

ang nagkaka penalty lang yun mga nahuhuli tpos nakapending pa yun visa,dami ako friend nagpakasal dito wala naman sila penalty yun isa friend ko nahuli sa kulungan nya na hinintay yun visa nya tapos may penalty sya 5years hindi sya uuwi ng pinas.

wolfgang

04-16-2007, 10:44 PM

@docomo

Yes, fake po yung kasal nila. sya rin ang nag kwento sakin at maraming nakkalam…Nag bayad sya ng 50lapad unang bayad pag tanggap ng visa. Tapos monthly 5lpad. Napaka swerte nya po talaga… 3yrs, syang nag bilog. tapos yung asawa ng kaibigan nya na kapatid yun or pamangkin (di ako sure) ni reto sa kanya… yung lalaki diko pa na meet… according lang sa mga kwentuhan nila, yung lalaki daw wala pang pinapakasalan… meaning, sya yung unang pinakasalan, nasa 40+ lang daw yung age nung lalaki, may magandang trabaho.malanis yung papel nung lalaki. Kilala din ng hubby ko yung friend ko at alam din nya na fake (kasi na kwento ko:p ) Sabi nga ng asawa ko pag hindi daw ako pa binigyan mag rereklamo daw sya at sasabihin daw nya na bakit yung fake ang bilis nyo bigyan. Yung totoong kasal (mag asawa) nag ddoubt kayo… Sinabihan ko nalang habi ko na wag nang mag reklamo mag antay nalang na mabigyan… at wag na mang damay…Ngayon yung friend ko nasa pinas nag bakasyon.(wala po syang penalty). umuwi sya last week lang… Siguro sinuwerte lang talaga sya~~
hi majasnjn… sa tingin ko hindi peke ang kasal nila valid…papers lahat yun at may rehistro sa cityhall…tunay silang mag-asawa sa papel (lang nga)ang peke ay yun pagsasama nila…dahil di sila na nagsasama kagaya nang tunay na mag-asawa:)
Tama ka rin sa sinabi mo sa asawa mo na wag na ngang mandamay(hindi naman yata kayo pinupuwerhisyo noong tao) para pati siya isabit niyo kapag di ka nabigyan agad nang visa

majasnjn

04-17-2007, 02:04 PM

Hello wolfgang,
Yes, tama ka hindi fake ang papel nila o yung kasal nila… Diba ganon yung sinasabi nilang fake kekkon?(immitation kekkon etc.) totoong nag pakasal, legal lahat ang papers, kaya ngalang hindi sila totoong mag asawa sa papel lang sila mag asawa… Hindi naman pwede dibang dayain ang papel as in i fake ang papel ng kasal…Dahil tiyak huli agad yan sa immig. About naman don sa habi ko na mag ccomplain sya sa immig.Tingin ko di naman nya gagwin yon… Salita nya lang siguro yon kasi naiinis din sya sakin sinisisi ko kasi sya… its a long story kasi hindi ko na makwento…masyado ng mahaba at baka ma super o.t nako…:slight_smile: :stuck_out_tongue: :slight_smile:

eri

04-17-2007, 06:47 PM

hello majasnjin ayan pinag uusapan palang natin tumawag na saken yun immigration pinapapunta na kmi:) thank you lord ang saya saya ko:yippee: :roll: :smiley:
Uy! Sistah, Congratss sau:D

yuto

04-17-2007, 08:40 PM

thanks eri:D

This is an archived page from the former Timog Forum website.