Advice para sa baradong lababo

Kanina lang may nag-message sa akin tungkol sa baradong lababo. Pangalawa na ito nitong nakaraaang buwan.

Karamihan ng dahilan ng baradong lababo ay mga mantika, raw waste o mga buhok na hindi nasasala at namumuo sa ilalim ng tubo ng lababo.

Kung napapansin nating medyo mabagal na ang pagbaba ng tubig, bumili nitong Paipu Yunisshu パイプユニッシュ sa malapit na home center. Tinutunaw nito ang mga nakabara sa tubo ng lababo.

Pwede itong gamitin sa lababo o sa shower room.

パイプユニッシュ

Paano gamitin

  1. Ibuhos sa drain lababo ang laman. Kung matindi ang bara ay ibuhos ang lahat ng 800ml na laman.

  2. Iwanan ng 30 minutes hanggang isang oras.

  3. Buhusan ng maraming tubig ang drain.

Caution

Delikadong chemical ito kaya huwag ihahalo sa ibang liquid, at mag-ventilate ng kwarto kung gagamitin ito.

Ito ang isang video kung paano ito gumagana.

Nice to hear this, just in case.

Bakit naman dumami ng ganyan ang tubig sa lababo at parang aapaw na? Parang bang “Ayaw mawala ng tubig, dagdagan pa natin”? :smiley:

Baka naman nawili lang sa baghuhugas ng plato at hindi napansin na aapaw na ang tubig, nick. Nagyayari yan e. :innocent:

Pipe Yunish, lagi naming binibili yan at epektib. Hindi ko nga lang alam kung saan galing yang Yunish na pangalan.

yunisshu: sabi ng iba galing daw sa pipe unit washer パイプユニット ウオッシュ→ユニ+ッシュ→ユニッシュ.

ito naman ang sabi ng page na ito: galing daw sa Unicharm + Wash. unicharm corporation ang dating gumagawa ng Pipe Unish sa japan.