mikong
12-29-2005, 06:37 PM
BELATED MERRY CHRISTMAS AND HAVE A PROSPEROUS NEW YEAR po sa lahat ng TF
members!!mahaba-haba rin po to at sana po`y mapagtyagaan nyo pong basahin…
Regarding po to sa problema ng pinsan ko na nandito sa Japan ngayon,nalilito po sya sa sitwasyon nya at di nya po alam kung kanino lalapit para humingi ng advice,buti na lang at may Timog Forum na nagbibigay ng advises sa mga taong nangangailangan ng tulong.At eto kaagad ang una kong naisip,alam ko pong marami ang magbibigay ng advice at malaking tulong po to para sa pinsan ko…
Hapon po husband nya,at 1 year na sya rito sa japan,w/god`s blessings 6 months preggy po sya ngayon.na extend po ang visa nya ng 3 months lang instead of 1 year dahil dito po nakroon ng komplikasyon…Nagpal it po ng apelyido yung asawa nya,advise ng immigration na dapat silang pumunta ng Phil. Embassy para mapalitan yung passport nya ng bagong apelyido na gamit na ngayon ng asawa nya,at para ma extend yung visa for 1 year.Ang kaso lang po nasa Nagoya sila at malayo sa Tokyo at Osaka embassy para pumunta at tsaka isa pa,trabaho ng asawa nya is from monday to saturday kya kulang sa panahon.
Kya nakapag decide sila na sa pilipinas na lang magpapalit at dadalhin na lang nya yung shoori ng asawa nya at the same time dun na rin manganganak.Eto po ngayon ang tanong:papano po yung marriage contrct nila?magpapakasal po ba sila ulit para lang mapalitan yung dating apelyido nya sa pagpapagawa ng bagong passport?at pag napanganak na yung bata,madadala kya ng anak nila yung bagong apelyidong gamit na ng asawa nya ngayon, Saan po sya dapat lumapit?sa City Hall po ba? Sa census?o sa dfa?anong department po ng pamahalaan ang dapat una nyang lapitan? Mahirap di po ba ang sitwasyon ng pinsan ko,kahit ako di ko alam kung ano ang dapat kong ipayo kase bago lang sa pandinig ko yung magpapalit ng bagong pangalan ang mga hapon.Sana poy matulungan nyo po sya at makakatanggap ng advice galing po sa inyo…Thanks in advance and may god bless us all…
![]()
puting tainga
12-29-2005, 08:29 PM
Hi, mikong, welcome sa TF.
Mabait ka talaga na pumunta ka dito sa halip ng pinsan mo.
By the way, pakibasa ho ninyo ang mga TF rules muna, please, bawal mag-text-speak dito.![]()
Ukol sa tanong mo, are they legally married here in Japan, and when?
Also what nationality do the parents want their child to have?
The answer may differ, kasi.
What do they want?
Why didn’t they just do it? (Being busy doesn’t make sense to me.)
Are there any hidden motive for the part of this Japanese?
Tell them don’t underestimate the law.
All these troubles came from their attitude of not doing things they have to do right on the spot by themselves, including this question itself.
RAIN
12-29-2005, 08:43 PM

Tama ka diyan puting tainga:) Sa totoo lang walang problema sa immigration kasal at may anak na hapon.Ang pinag tataka ko lang pagpapalit ng apelyido? kasi bago kinasal lahat ng papers okey na. Mikong hindi ko talaga alam ang totoo istorya paki explain lang ang pagpapalit ng apelyido.Sa case ko lalaki ako firts registration ko puwede kong gamiting ang apelyido ng wife ko pero hindi ako agree kaya ginamit ko pa rin ang apelyido ko.
docomo
12-29-2005, 08:47 PM
@ mikong
… better dito nya na lang kamo gawin … yung ganyang case ng kaibigan mo tapos sa pilipinas gagawin eh abutin ng syam syam yan pag duon… mas maganda din maayos nya yang case na yan bago pa lumabas yung anak nila…( mendokusai yan baka maisumpa nya pakamo kung bakit umuwi pa sila sa pilipinas pag nagkataon )
( ngayon lang ako naka rinig ng ganitong case, hmmm interesting)
fremsite
12-29-2005, 08:52 PM
hello mikong san … parang ang gulo yata … kasi ang alam ko , hindi basta -basta makakapagpalit ng pangalan ang mga japanese ( mahirap yan lalo pa sa law nila … ) so …
i-asked my japanese husband … ganun din ang sabi niya … hindi maaring magpalit ng pangalan ang japanese not unless na , kinuha niya name ng asawa niya ( youshi ang tawag dito sa japanese ) , or nagpa-ampon siya …
pero sa case ng pinsan mo , sabi mo , basta na lang nagpalit ng pangalan ? parang ang labo …
may diperensya ba sa dati niyang pangalan ? o first name ang sinasabi mo at hindi surname …
ito na muna … masyado hahaba …![]()
aprilluck
12-29-2005, 09:13 PM

@Fremsite ,totoo hindi ganoon kadali sa japanese na lalaki ang mag change ng apelyido unless nga lang kung magiging,“omukoosan” ka ng angkan ng asawang babae ,ito iyung kung wala ng ibang magsa-succeed ng ng apelyido ,kaya "youshi"ang gagawing paraan para mabago ang pangalan .
@Mikong ,Medyo magulo ang case ng pinsan mo,Baka naman dati omukoosan ang napangasawa ng pinsan mo sa past marriage ( ito lang ang possible reason na naiisip ko),kaya ngayon ibabalik n’ya ang dating n’yang apelyido ,puwede kasi iyon kung divorced na s’ya sa unang asawa n’ya .Mas mabuting dito nila ayusin ang papers ,kaysa umuwi sa 'pinas ,may pagka
complicated kasi ang situation.Thanks.
mikong
12-29-2005, 09:37 PM
opo!inampon po sya ng tiyahin nya na walang anak…kya adopted po ang lagay nya ngayon…ala na po mga magulang nya patay na po at bale tiyahin nya na po ang natitira buhay ata sa lahi nila ayon sa pagkakaalam ko…kaya bale siya na lang at ang natitirang kamag anak ng tiyahin niya dito kaya daw siya inampon…
docomo
12-29-2005, 09:42 PM

may dahilan pa yang iba kung bakit siguro magpapalit ng apelyido kaya ganon ang case … anyway … mas ok talaga na dito nya ayusin lahat… the best yon… ![]()
mikong
12-29-2005, 09:45 PM
sa pilipinas po sila legally married pero nasa family tree na ang pangalan nung pinsan ko sa dating apilyedong ginamit ng mister nya…pati na po sa bagong pangalan nakapasok na po sa family tree yung pangalan ng babae…
ang gusto po nila ay magamit na ng magiging anak nila ang bagong apelyido na dala ngayon ng mister nya po…
salamat nga po pala sa paalala mr.puting tainga,pasensya na po kayo…
docomo
12-29-2005, 09:50 PM
@ mikong
kung nakalagay sa kosekitohon na yung pinsan mo using the new surname eh magagamit din yun automatic ng anak nila … wala naman magiging problema dun … kahit sa pinas pa ipanganak yang bata …
liza_k
12-29-2005, 11:06 PM
Hi Mikong. Agree ako sa lahat ng nag-reply. Mas mahirap gawin sa Pinas siguro. I know the Phil. Embassy in Tokyo is open on Sundays.But I forgot which day of the week they’re off.
mikong
12-29-2005, 11:57 PM
[FONT=Verdana] thank you very much tlaga sa lahat ng nagbibigay ng reply ukol sa katanungan ng pinsan ko…nabasa na po nya lahat lahat ang mga sagot nyo kaya po may idea sya kung ano ang dapat nyang gawin bago sya uuwi ng pilipinas…salamat din po sa mga information dahil kung ako lang ang tatanungin,wala tlaga akong kaalam alam about sa case nya…salamat na lang at may timog forum at malaking bagay para sa mga kababayan nating pilipino na nangangailangan ng payo at tulong…MORE POWER and GOD BLESS!!!HAPPY NEW YEAR to all!!!
striver
12-30-2005, 01:37 PM
hello there! about your problem, mukhang complicated nga po. but like other payo here mas better na dito mo ayusin ang mga papers. kasi kung sa pinas po mas matagal siguro iyan at marami ka pang dadaanan. one more thing is kung sa pinas sya manganganak marami lalo syang kailanganng ayusin papers kung gusto nya dalhin iyong bata here since japanese ang father nya po. but financially mas mura manganak sa pinas kesa raw dito. since may hoken naman ata mister nya wala siguro magiging problema. good luck!
This is an archived page from the former Timog Forum website.