Akyat sa Mount Tsukuba

reon

07-03-2005, 01:41 PM

Kilala ang Mount Tsukuba sa Ibaraki dahil ito ang pinakamataas na bundok na makikita sa isang lawak ng Kanto Plain. Kahit mababa lang ito (876 meters) kumpara sa ibang bundok sa Japan, mayroon itong panoramic view ng paligid at sa maliwanag na umaga, kapag walang fog, makikita sa gawing silangan ang Pacific Ocean at sa gawing timog naman ang Mount Fuji. Kasama din ang Mount Tsukuba sa 100 Famous Mountains ( 百名山 ) ni Fukada Kyuuya.

May dalawang peaks ang Tsukuba-san: ang Nantai-san (870 meters) at ang mas mataas na Nyotai-san (876 meters). Sa Nyotai-san kami umakyat. Madali lang ang hike; ang totoo ay naisipan lang naming umakyat at wala kaming ginawang preparation bukod sa pagbili ng tubig at kaunting snack sa malapit na 7-Eleven. Normal na inaakyat ito ng mga elementary school students sa paligid ng Ibaraki. Tamang-tama para sa family hike o praktis para sa mas matataas na bundok.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_0987.jpg

Ang Mount Tsukuba sa summer. Katatapos lang ng mahinang ulan at maulap pa sa tuktok.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_0990.jpg

Kailangang mag-drive papunta sa Tsukuba Shrine, kung saan magsisimula ang hike.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_0994.jpg

Ang Hiking Map papunta sa tuktok ng Mount Tsukuba kung saan nakalagay ang iba-ibang courses at estimated hiking time. Nakalagay din dito ang stations ng cable car at ropeway, para sa ayaw mapagod pagpunta sa taas.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1000.jpg

Ang “kisame” ng isa sa mga structures sa Tsukuba Shrine.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1037.jpg

Nakakapagod sa simula ng hike. Madulas pati ang mga bato dahil sa mga lumot at putik dahil sa ulan.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1010.jpg

Kahit na hindi ka naman siguro maliligaw sa isang maliit na bundok ng kagaya ng Tsukuba-san, may mga mapa para malaman ng mga hikers kung nasaan na sila.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1066.jpg

Gubat. Maraming puno sa paligid. Madilim. Mahiwaga at nakakatakot kung minsan. Kung natatandaan ninyo ang sikat na opening sequence sa film ni Kurosawa na “Rashomon (http://www.dvdverdict.com/reviews/rashomon.php)” o ang opening paragraphs ng short story ni Joseph Conrad na “Lagoon (Short Stories: The Lagoon by Joseph Conrad)”, malalaman ninyo ang ibig kong sabihin. Hindi ko siguro gustong maiwan dito pagsapit ng dilim.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1042.jpg

Hiking boots na puno ng putik. Parang ako yata ang maghuhugas nito pagbalik sa bahay.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1108.jpg

Madilim sa loob ng kahuyan. Naaalala ko tuloy ang hometown ko sa Pilipinas; maraming lugar na parang ganito.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1095.jpg

Picture sa malaking puno. Maganda palagay ko para sa mga bata ang pag-akyat ng bundok. Natututo sila ng paghihirap para makamit ang mga objectives, disiplina, at appreciation ng kalikasan.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1135.jpg

Pikyuran sa gitna ng malalaking bato.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1076.jpg

Mga patay na kahoy at dahon.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1148.jpg

May tawag sila dito sa malaking bato na ito: Hokuto Iwa (Great Bear Rock). Isang piraso daw ito ng nalaglag mula sa langit na North Star. Palagay ko hindi totoo ito. :slight_smile:

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1163.jpg

Maliliit na dahon ng gumagapang na halaman sa mga lumot.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1152.jpg

Akyat ulit pataas. Nangunguna yong maliit. Nasa taas ang tinatawag nilang Daibutsu Seki (Great Buddha Rock).

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1165.jpg

Ang unang sulyap ng mga ulap malapit na sa tuktok.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1174.jpg

Nasa tuktok na kami ng Nyotai-san at nakatingin sa Nantai-san, ang isa pang peak ng Mount Tsukuba. Sa gitna ng picture makikita ang station ng cable car, kung saan kami sasakay pababa. Medyo pagabi na kasi.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1173.jpg

Si Estong, nakatingin naman sa bangin. Makikita ang station ng ropeway at mabababang ulap sa taas ng mga puno.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1184.jpg

Ang iba pang hikers, nagpapahinga lang sa tuktok. Maraming fog kaya hindi masyadong makita ang malayo.

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1191.jpg

Pababa na kami at nadaanan namin itong tinatawag nilang Gama Seki (Toad’s Rock). Mas mukhang butiki ito para sa akin. Magkakaroon ka daw ng good luck pag naka-shoot ka sa bibig ng palaka ng bato. Naka-shoot naman, kaso nalaglag ang ibang bato na nai-shoot ng ibang tao. Mamalasin kaya sila dahil dito?

May mga pictures din dito ng Tsukuba Winter Hike. (http://www.timog.com/gallery/browseimages.php?c=1 5)

daddy_b

07-03-2005, 08:43 PM

Thanks, Reon, for introducing Mt. Tsukuba, a must-see attraction for those who visit our small corner of the earth. For those who want to know more, here’s an article (http://www.geocities.com/tpbnt/tsukuba.htm) that gives you more details. It was previously published in Philippines Today, Alien Times and in a magazine in the Philippines.

daddy_b

reon

07-04-2005, 07:05 PM

Salamat sa link, daddy b. Hindi ko nga masyadong alam ang kuwento ng Tsukuba-san. Nice article. :slight_smile:

nick

07-09-2005, 08:58 PM

That web link looks like a fine collection of articles, daddy b! Why not contribute some to our Articles section? You can end each submitted article with a link back to your webpage. That way, a lot more people can get to read your articles. Nice design by the way, and the Misirlou background music isn’t bad either. :slight_smile:

cyclops

07-09-2005, 10:50 PM

Reo-San:
baka pwede naman i-post mo kung anong mga equipment(s) ang dapat bilhin para sa mga nag-babalak( o first timer) na mag-ha-hiking.
ex. shoes, type of back pack, etc…
cyclops :slight_smile: :slight_smile: :slight_smile:

reon

07-10-2005, 08:19 AM

baka pwede naman i-post mo kung anong mga equipment(s) ang dapat bilhin para sa mga nag-babalak (o first timer) na mag-ha-hiking. ex. shoes, type of back pack, etc…hello cyclops,

ang totoo, para sa mga bundok na kagaya ng tsukuba-san, hindi mo kailangan ng kung anu-anong equipments. yong normal na sapatos lang at backpack puwede na. (naaalala ko noong pababa na kami noong winter hike sa tsukuba, may nasalubong kaming babae na umaakyat at naka-high heels–shinjirarenai!)

meron akong sapatos na parang ganito ng new balance (http://www.newbalance.co.jp/live/PageDisplayHandler?p ageId=1107&id=549&pb=l&gen=1).

siyempre mas maige siguro kung bumili ka ng hiking boots; mas maganda ang kapit sa mga bato at mas protectado ang paa mo kung yung high-cut ang bibilhin mo. kung gusto mo noong waterproof na boots, kailangan kang bumili noong may GORE-TEX fabric, para hindi pasukan ng tubig.

maraming boots na ganito sa mga sportswear shops, lalo na ngayong summer. yong GORE-TEX na boots siguro mula 10,000 hanggang 20,000 ang presyo. baka may mahanap kang mas mura kung mag-ikot-ikot ka sa mga shoe shops. (example (http://www.asolo.com/content.asp?L=1&idMen=187)).

yung rucksack, kahit na ano lang din, basta kasya ang mga tubig at snacks na dadalhin ninyo, okay lang. puwede kang bumili ng mas “pag-hiking” na bag na kagaya nito (http://www.thenorthface.com/opencms/opencms/tnf/gear.jsp?productId=3 247). may extra pockets at sabitan ng kung anu-ano at may lalagyan ng tubig for easy access.

kung sigurado kang hindi uulan, puwede ka sigurong walang rainwear (kagaya namin noong umakyat). pero kung hindi, baka kailangang may kapote ka o kahit payong. yung kapote less than 1,000 yen lang sa mga sports shops.

maraming mga tindahan ngayon ang nagbebenta ng mga ito dahil summer na at panahon na ng hiking at camping kaya hindi ka mawawalan ng pagpipilian. siguro bumili ka muna ng mga basic na gamit, at saka ka na lang magdagdag kung nagustuhan mo talaga ang hiking sa bundok. ang importante ay yung experience, sabi nga nila. yung equipments, malalaman mo na lang kung kailangan mo talaga later on. good luck.

nga pala: camera, importante yon. dala ka lang ng kahit na ano basta meron. :slight_smile:

lonely me

03-04-2006, 09:04 PM

:slight_smile: thanks Reon sa pag share mo ng magagandang view sa mt. tsukuba . ako nakapunta narin kaso diko ata mararating yung tuktok kagaya ng ginawa nyo , at nung pumunta ako diko gaanong nakita yung mga magagandang views na nakita ko sa pictures mo , kasi hinihingal na ako sa pagod kaya cant consentrate na sa views:O

reon

03-09-2006, 09:24 PM

Magkapitbahay lang pala tayo lonely_me. :slight_smile: Nakarating ba kayo sa taas? Hindi pa ako nakakaakyat doon sa kabilang peak. Dati umakyat kami na may kasamang mga elementary school kids (around 8 years old) at ambibilis nilang umakyat, at kailangan pang tawagin pabalik dahil ay hingal na hingal na yung mga adults. :smiley:

markobe8

10-01-2008, 07:48 PM

Nice din d2, try ko ito after fuji

dalajoey

10-01-2008, 10:48 PM

naakyat ko na rin ang Mt. Tsukuba. yong isang bundok lang. Di ko na matatanda-an
kung asan do’n sa 2 :slight_smile:

yes, binabato to ng mga bata. para kasi siyang palaka diba?
ano ang story behind the frogs?
ang dami kasing mga souvenirs na palaka binebenta don :wink:

http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1191.jpg

Pababa na kami at nadaanan namin itong tinatawag nilang Gama Seki (Toad’s Rock). Mas mukhang butiki ito para sa akin. Magkakaroon ka daw ng good luck pag naka-shoot ka sa bibig ng palaka ng bato. Naka-shoot naman, kaso nalaglag ang ibang bato na nai-shoot ng ibang tao. Mamalasin kaya sila dahil dito?

May mga pictures din dito ng Tsukuba Winter Hike. (http://www.timog.com/gallery/browseimages.php?c=15)
[/b][/color]

docomo

10-02-2008, 01:36 PM

ito sana yung aakyatin last july bago sana yung Mt Fuji… kaso nag sipag urungan yung mga kasama ko :stuck_out_tongue:

hmmm hindi naman masyadong mahirap akyatin… akyatin naten gusto nyo?:smiley:

thermometer

10-02-2008, 02:18 PM

puede ba akyatin ito ng sunset :smiley:

docomo

10-02-2008, 02:28 PM

ano na fafa therms … tara na akyat ulit tayo:D … ok siguro kase di naman gano kataas at katarik yan … si sarfon pwede na dito umakyat :stuck_out_tongue:

thermometer

10-02-2008, 02:36 PM

set na natin …

meron yasumi ng October 11 -12-13 … one day trip ito… picnic nalng tayo sa taas… :smiley:

This is an archived page from the former Timog Forum website.