reon
06-12-2005, 09:00 AM
Noong Golden Week, imbes na mag-relaks lang sa bahay buong linggo, pumunta kami sa Kamikochi sa Nagano at umakyat ng Yarigatake (http://www.h5.dion.ne.jp/~hokuto-7/yarigatake_1.jpg) (Mount Yari). Ang Yarigatake ay kasama sa grupo ng Kita Alps at isa sa pinakasikat na bundok sa buong Japan at panglima sa pinakamataas. Ginamit naming rough guide ang Hiking in Japan ng Lonely Planet at mga links sa Internet. Para sa mga interesadong pumunta din, ang pinakamagandang panahon para pumunta sabi ng mga guidebooks ay mula gitna ng July (summer) hanggang late September, kung ayaw ninyong pumunta ng may yelo.
Side note: Ang Yarigatake (槍ヶ岳) ay “Mount Yari” sa English. (Ang ibig sabihin ng “Yari” ay “Spear” o “Sibat”, para sa mga Nihongo-challenged.) Bakit “take” at hindi “san”, as in Fujisan (富士山)? “Magandang tanong yan,” sabi nung Hapon na kausap ko, “Hindi ko rin alam, e.” :rolleyes: Ayon sa aking very authoritative at super-bigat na New Japanese-English Character Dictionary, ang ibig sabihin ng “take” (岳) ay “high mountain” (very useful). :rolleyes: Ang translation ko nitong “take” ay “peak”, although merong isa pang kanji (峰) na ang ibig sabihin talaga ay “peak” na hindi naman masyadong ginagamit sa mga pangalan ng bundok. Ang naisip ko ay ang “take” ay ginagamit sa mga pangalan ng mga bundok na kasama sa isang mountain range. Kaya karamihan ng mga bundok sa Japan Alps ay “take” ang pangalan. Ang “san” naman ay ginagamit usually sa mga “single” mountains (kagaya ng Fuji-san at Tsukuba-san).
Ang schedule namin ay ganito: First Day: Hike from Kamikochi (http://web-japan.org/atlas/nature/nat07.html) to Yarigatake; Second Day: Hike pabalik sa Kamikochi; Third Day: Mag-ikot sa Kamikochi at puntahan ang Taisho Lake (Kamikochi). Siyempre, hindi namin nagawa ang lahat ng ito, dahil sa hindi namin nakuha ang Kamikochi-Yari-Kamikochi route within two days.
Pare-pareho kaming first-time sa Nagano, kaya hindi rin namin alam kung saan pupunta sa simula. Sabi ni Mabatag, “Punta tayo sa Nagano, sa may Taisho Pond.” Hmm, Nagano ba? “Kung pupunta tayo sa Nagano, umakyat na tayo ng bundok,” sabi ko naman. “Saan ba ang maganda?” habang kinukonsulta ang Hiking in Japan. “Eto pala, e. Malapit sa Taisho Pond mo: Yarigatake!” “Hindi ba tayo mamamatay diyan sa Yarigatake e wala tayong mga equipments?”, sabi naman ni Andres. “E di pag mahirap, baba na lang ulit tayo at panuorin ang Taisho Pond!”
Kaya nagpa-reserve kami ng bus tickets, bumili ng kung anu-anong equipments, at pumunta kami sa Nagano. May mga pictures sa baba. (Puwedeng i-click ang mga pictures para sa mas malalaking versions.)
All photos by andres, mabatag and me. Makikita rin ang mga pictures na ito sa Gallery.
http://www.timog.com/gallery/files/5/02r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/02r_original.jpg)
April 30, 11:30 PM, Shinjuku Eki Bus Stop.
Kailangang magpa-reserve ng bus tickets in advance mula sa Alpico Group. (Tatawag ka sa kanila, papadalhan ka nila ng sobre na puno ng papel, tapos magbabayad ka sa post office.) Itong Highland Express Bus nila ay pupunta mismo sa Kamikochi (hindi puwede ang mga private vehicles doon), pero may mga norikae (transfer) sa gitna. Sumakay kami sa Yokohama Eki Bus Area mga 9:30 ng gabi at dito sa Shinjuku, nagpalit ng bus (o pinababa lang kami, hindi ko alam), kasama ang ibang hikers.
http://www.timog.com/gallery/files/5/04r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/04r_original.jpg)
May 1, 6:30 AM, Kamikochi Bus Station.
Pagkatapos ng overnight bus trip mula sa Tokyo, nandito na kami sa Kamikochi at kailangang kumain ng agahan. Marami kaming pagkain na dala, pero masarap ang mainit na udon at soba bago simulan ang hike kaya pumunta kami sa malapit na restoran at kumain nang mabilis. Kailangang magmadali; nakaplano ang oras ng hike kaya importanteng makapagsimula nang maaga. Kailangan ding mag-submit ng “Climbing Plan” (nakasulat dito ang pangalan, address, telepono, persons to contact in case of emergency, at detailed schedule ng climb) sa police box na malapit sa bus station, para kung may mangyaring hindi inaasahan, mas madaling mahanap ang mga climbers.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/06m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/06m_original.jpg)
Around 8:00 AM, Kappa Bashi, Kamikochi.
Nakaalis kami sa Bus Station mga 7:30 AM na at konting lakaran lang, nandito na kami sa Kappa Bashi (Kappa Bridge), ang landmark ng Kamikochi. Usually, marami ang tao dito, pero maaga pa at hindi pa dumarating ang mga “fun hikers” at ang mga karamihang nandito lang ay mga aakyat ng bundok. Required daw na may picture ka dito, para may ebidensya na pumunta ka sa Kamikochi. Makikita ang snow-covered mountains sa background at mukhang malamig naman ang tubig sa ilog. Sabi ng lahat ng mga Hapon na tinanong ko ay maganda daw ang Kamikochi. Maganda siyempre, kaso wala kaming time na magliwaliw ngayon.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/08m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/08m_original.jpg)
Comfort room sa gitna ng gubat, malapit sa Myoujinkan.
Habang naglalakad sa Kamikochi, naisip ko ang mga preparation na kailangan naming gawin. Ang pinakamahirap siguro para sa akin ay ang pagbili ng mga gamit at ang pagba-balance ng necessity at cost. Para sa pag-akyat ng Yarigatake sa Golden Week, kailangan ng rain-proof winter jacket, non-cotton shirts (long- at short-sleeved), waterproof pants, maraming medyas, gloves (preferably waterproof), headgear, windbreaker at waterproof boots. Kailangan din ng crampons para sa boots, hiking poles at recommended ang ice ax. Bukod pa dito ang compass, Swiss-knife, sunglasses (nakakasilaw ang liwanag sa taas), sunblock (malakas ang ultra-violet radiation sa tuktok ng mga bundok), mapa, relo, flashlight at headlamps. Pagkain siyempre at tubig – at camera. Kailangan ngayong ilagay ito sa loob ng isang malaking rucksack. Tamang-tama lang sa akin ang 45-liter-capacity backpack na nabili ko. Pero mabigat.
http://www.timog.com/gallery/files/5/10r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/10r_original.jpg)
Piktyuran sa daan lampas ng Myoujinkan. Para sa Yarigatake trip, nagdala kami ng isang D70 (digital), F70 at FM-10 (puro mga Nikon), apat na lens, isang 1-gigabyte na Compact Flash card at santambak na film (mga negative at positive).
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/12m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/12m_original.jpg)
Saru-san, sa daang papunta sa Tokuzawa.
Lalo na sa umaga, maganda ang hiking trail na papunta sa Tokuzawa, ang pinakamalayong naaabot ng mga casual hikers mula sa Kamikochi.
http://www.timog.com/gallery/files/5/14r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/14r_original.jpg)
Putikan, malapit sa Tokuzawa.
Kahit ako ang nag-suggest at gustong-gustong akyatin ang Yarigatake, medyo nawala ang aking jishin sa pag-akyat dahil mga dalawang araw bago ang departure mula Tokyo, sumakit ang kaliwang tuhod ko at halos hindi ako makalakad. Tapos pumasok na ng Golden Week kaya wala na akong mapuntahang bukas na clinic. Hindi naman puwedeng i-cancel ang trip pagkatapos gawin ang lahat ng mga preparations at bayaran ang bus tickets. Ang naisip ko, dahan-dahan na lang sa paglalakad at pag hindi na kaya ng tuhod, bumalik na lang sa Kamikochi at doon na lang sa paligid maglibot. Bumili din ako ng dalawang hiking poles para mabawasan ang strain sa mga tuhod. Mabuti naman at hindi sumakit nang husto.
http://www.timog.com/gallery/files/5/15r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/15r_original.jpg)
Around 10:00 AM, Tokuzawa Camping Area.
Karamihan ng nagka-camping dito ay hindi aakyat ng Yarigatake o Hotakadake (http://www.asahi-net.or.jp/~tx6t-yskw/MyHobby/Snowfield/Hotakadake01.jpg). Usually mga pamilya o couples na gusto ng outdoors.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/16m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/16m_original.jpg)
“Malayo pa ang Yari.” Ito ang trail papuntang Yari. Kailangan lang naming sundan ang Azusa River hanggang sa Yarizawa Valley hanggang makita na ang Yarigatake. Itong ilog na ito rin ang dumadaloy sa ilalim ng Kappabashi sa Kamikochi.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/18m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/18m_original.jpg)
Lakad.
http://www.timog.com/gallery/files/5/20r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/20r_original.jpg)
Picture.
http://www.timog.com/gallery/files/5/22r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/22r_original.jpg)
Lakad ulit.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/26m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/26m_original.jpg)
11:30 AM, Yokoo Oohashi (“The Big Bridge of Yokoo”).
Maraming climbers ang tumitigil at tumatambay dito dahil malaking sanga ito sa daan; ang kabila ng tulay ay papunta ng Hotaka-dake (Mount Hotaka), at pag nagtuloy-tuloy ka naman sa gilid ng ilog, mapupunta ka nang Yarigatake. Tumigil muna kami dito para kumain ng tanghalian at punuin ang aming mga water bottles. Ayon doon sa isang forecast na nakita ko sa Internet bago ang trip, malaki daw ang possibility na uulan sa Kamikochi sa bandang hapon ng May 1st. Pero ngayon may nakapaskil na weather report sa kainan dito na sunny daw sa Matsumoto (yung pinakamalaking city na malapit dito) at 10% lang ang probability ng ulan. Good news. Pero nararamdaman ko na ang bigat ng aking knapsack (mga 15 to 20 kilos ito).
http://www.timog.com/gallery/files/5/93r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/93r_original.jpg)
Reflections ng mga puno sa isang pool. Ichinomata, sa gitna ng Yokoo and Yarizawa.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/28m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/28m_original.jpg)
Around 2:00 PM, Yarizawa Lodge.
Pagkakain sa Yokoo Hut, nagkabit na kami ng crampons dahil may yelo na sa trail at nakaalis na kami ng mga alas dose ng tanghali. Nakarating naman kami dito sa Yarizawa Lodge ng mga 1:45. Nag-break at snack at nag-usap kung ano course of action. Ako, nararamdaman ko na ang pagod sa mga legs ko at balikat. Usap-usap. “Puwede na tayong mag-stay dito kung gusto ninyo. Tutuloy ba tayo o hindi? Teka, ayon dito sa mapa, mga 4 hours mahigit pa ang Yarigatake Hut (sa tabi lang ito ng Mount Yari, kung saan tayo matutulog). Sabi nong tao doon sa Yokoo, ang sunset daw at past 6:00. Ayon din dito sa mapa, medyo late na tayo ng konti sa pagha-hike. Siyempre, kailangan din nating isipin na ang time na nakasulat dito sa mapa ay para sa summer hiking, kung kailan walang snow. Kaya ba? O, sige. Siguro naman hindi pa masyadong madilim ng 6:00 PM.” Kaya tumuloy na ulit kami.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/30m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/30m_original.jpg)
Around 2:45 PM, near the Yarizawa Camping Ground.
Hindi na ordinaryong hiking ito at lalong naging pataas na ang trail. Bukod pa sa bumabaon-baon na sa makapal na yelo ang mga boots namin. Eksaktong 3:00 PM, biglang nagsimula na ang ulan. Sinasabi ko na nga ba, e! Ang unang reaction ko ay panic! Kailangang huminahon. Binaba ko ang knapsack at hinugot ang aking waterproof pants. Tapos tinanggal ko rin ang crampons at naghubad ng sapatos at pantalon, habang nagba-balance sa isang paa sa snow (walang tao sa paligid kaya okey lang maghubad). Wala akong waterproof na jacket pero meron akong malaking poncho. Protektado ka daw sa ulan nito, ayon doon sa picture na nakita ko sa label. Maisuot nga. Hmm, puwedeng temporary solution, pero hindi siguro ako makakarating sa Yarigatake Hut ng hindi basa. Mukha kaming katawa-tawa lahat, naglalakad sa gitna ng yelo at umuulan. Ako siguro ang pinakanakakatawa (para sa ibang climbers), naka-kapote sa bundok!
Ilang minuto pa ulit, nakarating na kami sa Yarizawa Camping Ground. Marami nang mga tent ang nakatayo, at siguro kumakain na o nagpapahinga ang mga tao sa loob. Umuulan pa rin at tuloy pa rin kami sa paglalakad. Naglalakad na kami sa isang malaking valley na puting-puti sa yelo (medyo gray siguro dahil masama ang panahon). Mga ilang minuto pa ulit at tinawag ko na sina Andres at Mabatag na nauuna sa hike. “Parang hindi yata natin kayang umabot sa Yarigatake Hut sa ganitong kondisyon. Ano sa palagay ninyo?” “Lakad pa kaya tayo ng 30 minutes at tignan natin kung hihina ang ulan?” sagot naman ng dalawa.
7:15 na ng gabi at madilim na dahil lumubog na ang araw at umuulan ng malakas. Naglalakad pa rin kami at pagod na pagod at gutom na gutom at basang-basa sa ulan. Hindi namin makita ang hut dahil sa dilim at fog. Hindi na namin kayang humakbang dahil sa pagod. Natagpuan kaming frozen sa yelo kinabukasan, sa baba ng Mount Yari, mga isang oras mula sa Yarigatake Hut.
Ito ang nasa isip ko habang naglalakad at naririnig kong tumatama sa ulo ko ang mga patak ng ulan. Naalala ko ang nangyari sa amin ng mga kasama ko sa Mount Fuji mga sampung taon na ang nakakalipas, nang biglang umulan habang umaakyat kami ng gabi at nabasa kaming lahat. Hindi ko na gustong mangyari ulit yon. Huminto na ako ng lakad at tinawag ang dalawa, “Kailangan nating bumalik. Hindi tayo puwedeng tumuloy ng ganitong umuulan.” And nasa isip ko ay, “Ayaw ko pang mamatay.” Alam kong ayaw bumalik nung dalawa, pero pagod na rin kaming lahat, walang sisilungan, walang katiyakan na makikita ang hut, lumalakas lalo ang ulan at mabilis na dumidilim. Kailangang bumalik at naglakad na nga kami pababa.
http://www.timog.com/gallery/files/5/34r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/34r_original.jpg)
Around 5:45 PM, Yarizawa Hut.
Badtrip sa pagod at disappointment at naghihintay ng alas sais para makakain ng hapunan. Pagod na pagod kami nang makarating sa Yarizawa Lodge mga past 4:00 PM. “Sayang,” sabi noong tatlong ojiisan na kasabay namin sa bus, “Na-late na kayo sa ofuro at sarado na.” Wala na sa isip ko ang paliligo. Masakit ang katawan ko lalung-lalo na ng mga muscles sa puwit at balikat. Masakit ding itapak ang mga paa. Pagkarating sa lodge, nakatulog kaagad ako sa pagod at nagising lang para sa hapunan.
http://www.timog.com/gallery/files/5/32r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/32r_original.jpg)
Drying room, Yarizawa Lodge.
Dito naman namin pinatuyo ang mga basang shirts, medyas at boots.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/36m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/36m_original.jpg)
Tulugan sa Yarizawa Lodge.
Pang-anim na tao ito, pero nagkataon na kami lang ang occupants. Masaya ako kahit na alam namin na bababa na kami kinabukasan. Pagkakain ng dinner, kinausap kami ng leader ng isang grupo ng climbers na kabababa lang mula sa Yarigatake. Sabi niya delikado daw na subukan naming akyatin ang Yarigatake sa ganitong ulan. Ang Yarizawa Valley na papuntang Yarigatake ay korteng letrang U, at pag umuulan, aagusin daw kami pababa ng bundok kasama ang mala-slurpee na yelo, lalo na kung wala kami professional crampons at ice ax (wala nga). Meron pa kaming isang araw para magliwaliw sa Kamikochi at pumunta sa Taisho Lake, pero ngayong bigo ang climb ng Yarigatake, parang hindi na rin namin gustong mamalagi pa ng matagal. Kaya nagpasya kaming umuwi na kinabukasan.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/37m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/37m_original.jpg)
Around 7:30 PM, Yarizawa Lodge.
Buong gabing umuulan sa Kamikochi. Hindi pa yata ako natulog ng ganito kahimbing.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/38m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/38m_original.jpg)
May 02, 7:00 AM, entrance ng Yarizawa Lodge.
Nagising kami ng mga 5:45 AM, tamang-tama sa umagahan ng 6:00. Mas maagang nagising ang ibang mga tao sa lodge dahil pagkagising namin, naka-ready na ang lahat ng kanilang bags at mga equipments. Malamig ang kinain naming ulam pero gaya ng dati, mainit ang kanin at miso shiru. Kumain kami nang mabagal, dahil hindi naman kailangang magmadali; wala naman kaming pupuntahang malayo. Pagkalabas namin sa kainan, naghahanda nang umalis ang grupo ng mga hikers na dumating kagabi mula sa ulan. Sabi ng leader nila sa akin, “O, saan ang punta ninyo ngayon?” Sabi ko, “A, e, pupunta lang siguro kami doon sa camping ground para kumuha ng pictures.” Sabi nya, nakangiti, “Bakit hindi pa kayo tumuloy sa summit? Buong araw daw na maganda ang panahon ngayon.” Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya, pero sabi ko, “Sige, titignan namin.” Maaraw nga, sabi ng weather forecast doon sa TV at zero ang probability ng ulan. Dali-dali kaming nag-pack. Yung tatlong ojiisan na kasama namin sa bus, nakaalis na. Mukhang hindi pa kami uuwi!
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/40m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/40m_original.jpg)
Around 8:00 AM, near the Yarizawa Camping Ground.
Nagsimula na naman ulit ang climb! Hindi pa makita ang langit dahil sa fog at buong gabing kauulan. Malamig siyempre, pero hindi namin nararamdaman dahil maaga pa lang pawisan na kami sa kalalakad. Galing na kami dito noong nakaraang araw pero marami ang pagkakaiba ngayon: maganda ang panahon, kakakain lang namin at malakas pa ang mga tuhod dahil sa isang gabing pahinga at kasisimula pa lang ng araw. Mas mabilis at sigurado ang mga hakbang namin ngayon.
http://www.timog.com/gallery/files/5/42r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/42r_original.jpg)
Around 8:15 AM. Yarizawa Camping Ground.
Napaka-forbidding ng lugar na ito, ang simula ng Yarizawa Valley na nababakuran ng matitirik na bundok sa buong paligid, at nababalutan ng fog sa umaga. Kasalukuyang nagliligpit ng tent ang mga tao sa kaliwa. Ang karamihan ay nauna nang kumain, nagligpit ng tent at nagsimulang umakyat ulit pagkatapos ng isang gabing puro ulan. Makikita sa malayo ang maluwang at puting-puti sa yelo na Yarizawa Valley. Doon kami pupunta, paakyat sa kaliwa. Doon daw una naming makikita ang peak ng Yarigatake.
http://www.timog.com/gallery/files/5/44r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/44r_original.jpg)
Okey, adjust muna ng crampons bago tuluyang umakyat.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/46m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/46m_original.jpg)
Around 8:30 AM, Yarizawa Valley.
Dito kami nagpasyang bumalik sa Yarizawa Lodge noong nakaraang araw dahil sa malakas na ulan. Hindi namin akalain na makakabalik pa ulit kami. Pero ngayong araw, optimistic kaming kahit makita man lang mula sa malayo ang summit ng Yari.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/48m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/48m_original.jpg)
Around 9:00 AM, Yarizawa Valley.
Pagkatapos ng kalahating oras na lakaran sa malambot na snow, nandito na kami sa malaking bend sa Yarizawa Valley. Mula sa lugar na ito magiging matarik na ang daan pataas. Approximate altitude: 2,100 meters. Kung iisipin ay may mabuti rin na nagawa ng ulan: mas malambot ang yelo at hindi namin kailangan ngayon ng ice ax para sa climb, pero may mga lugar na bumabaon ang legs namin hanggang tuhod.
http://www.timog.com/gallery/files/5/50r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/50r_original.jpg)
Around 9:30 AM.
Naabutan na namin ang mga climbers na malamang nag-camp sa Yarizawa Camping Ground o maagang umalis sa Yarizawa Lodge. Sa lugar na ito, ang nasa isip ko lang ay kung paano gawin ang susunod na hakbang. Mahirap na ang pataas.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/54m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/54m_original.jpg)
Around 10:00 AM.
Kailangang magpahinga ng mga legs at kumain ng konting snack. Parang naubos na yata ang kinain kong umagahan. Wala pa rin maski anino ng Yarigatake.
http://www.timog.com/gallery/files/5/56r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/56r_original.jpg)
Around 10:30 AM.
Wohoo! Nasa likod at baba na namin ang Yarizawa Valley! Hindi ko alam kung ito yung lugar na tinatawag nilang Green Band, pero wala akong nakikitang ibang lugar na may halaman bukod dito.
http://www.timog.com/gallery/files/5/58r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/58r_original.jpg)
Aha! Ang unang view ng Mount Yari (nasa likod)! Pagkatapos ng maraming oras na paglalakad, nasulyapan na namin ang hugis ng Yari; mukha itong pyramid sa malayo. Ang nakakatawa sa mga bundok, akala mo nandyan lang, pero ilang oras mo pa itong lalakarin. Kami rin, at least 3 hours pa hanggang sa peak.
http://www.timog.com/gallery/files/3/1/60a.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/3/1/60a_original.jpg)
“Man, climbing pole, Yarigatake.”
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/61m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/61m_original.jpg)
Mga well-equipped climbers, merong gaiters, climbing poles, at ice ax.
“Paki kuha nga ang tubig.” “May tubig ka pa ba?” Marami ang usapan namin tungkol sa tubig. “Ilan na lang ang tubig na natitira dyan?” “Meron pa akong isang bote.” “Last na ‘to.” Pag umaakyat ng bundok, karamihan ang mga basic necessities lang ang nasa isip mo. Tubig, pagkain at sisilungan. Wala ka nang iisipin pang iba. Kung meron ka ng tatlong basic necessities na yan, ang kailangan mo na lang para sa sarili mo ay ang lakas ng katawan para makaabot ka sa iyong pupuntahan, at tamang pag-iisip para makapagpasya kung susulong ka o babalik.
http://www.timog.com/gallery/files/5/62r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/62r_original.jpg)
Around 11:45 AM, sa tabi ng Sassei Hyutte (isang hut).
Eto na, halos puwede mo nang hawakan ang Yari sa lapit. Pero malayo pa rin. Pagod na pagod na ako at parang hindi ko na kayang umakyat ng may bitbit na 15 kilos sa balikat ko. Si Andres din. Kaya iniwan na lang namin ang mga backpack sa mga batuhan na makikita sa background. “Wala kayang kukuha nito dito?” “Sino naman ang siraulong kukuha ng mga yan at bibitbitin pababa ng bundok?” Iniwan namin ang mga bags at nagsimula na ulit umakyat. Ngayon, bawat hakbang ay isang pagsubok. Wala na akong iniisip kundi piliting ihakbang ang mga paa ko. Dahan-dahan, kaliwa, kanan, hakbang, hinto, hakbang, hinto ulit, hakbang ulit, inom ng tubig…
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/64m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/64m_original.jpg)
1:00 PM, sa tabi ng Yarigatake Hut.
Haha! Nandito na kami! Pagkatapos ng mahabang panahon na paghihirap, nakarating din kami dito sa tabi ng Yari. Ni hindi man lang ako napangiti pagkaakyat dahil sa sobrang pagod. Hindi na yata ako makalakad. Pero, eto na at aakyat na kami hanggang tuktok sa wakas. Pero bago ang lahat, kailangan ko munang pumunta sa CR at kumain ng tanghalian dahil pitong oras na mula ng huli naming kain ng kanin. Kumain kami sa loob ng Hut. Dito ko nakain ang pinakamahal na instant curry sa buong Japan (1,000 yen). Hindi nakakapagtaka ito dahil ini-airlift ang mga supplies papunta dito. May nakita kaming mag-asawang ojiisan at obaasan sa loob. “First time ba ninyo dito sa Yarigatake?” tanong ko. Sagot nila, “Taon-taon nandito kami, spring, summer at autumn.” Hindi ako makapaniwala, "Talaga?!” Sabi nila, “Oo, maganda kasi dito kaya nandito kami lagi.”
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/66m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/66m_original.jpg)
Ang tinatawag nilang Ooyari (Big Spear).
http://www.timog.com/gallery/files/5/68r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/68r_original.jpg)
2:00 PM, Yarigatake Hut.
Nagsimula na ang final ascent ng Yarigatake. Nasa background ang Yarigatake Hut, ang objective namin noong nakaraang araw na hindi nangyari dahil sa ulan. Ang Yarigatake Hut ay may lugar para sa 650 na tao.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/70m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/70m_original.jpg)
2:10 PM, Yarigatake.
Makikita ang tamang daan pataas sa mga batong may nakasulat na bilog at mga arrows. May mga lugar dito na talagang nakakatakot, lalo na dahil may mga yelo pang natitira. Isang maling hawak sa maluwag na bato o pag-igkas ng boots sa madulas na yelo at malalaglag ka 100 meters pababa. Marami na daw ang namatay dito sa final ascent ng Yari.
http://www.timog.com/gallery/files/3/1/72a.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/3/1/72a_original.jpg)
2:20 PM. Yarigatake Hut viewed from Mount Yari.
Ang Yarigatake Hut kung titignan mula sa malapit na sa tuktok ng Yarigatake. Sa lower left ng picture ay may dalawang taong umaakyat pa galing sa baba.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/74m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/74m_original.jpg)
2:30 PM, summit ng Yarigatake.
Summit! Hindi namin ini-expect na makatayo sa tuktok ng Yari pagkatapos ng disappointment noong nakaraang araw kaya masaya ang group picture na ito. Nagpa-picture kami sa isang grupo ng Hapon sa taas. Ang nakalagay sa kahoy: 槍ヶ岳 (Yarigatake) 3,180m.
http://www.timog.com/gallery/files/5/76r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/76r_original.jpg)
Hohum. Ito na ba ang Yarigatake?!
http://www.timog.com/gallery/files/5/78r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/78r_original.jpg)
Ahhhh. And sarap ng pakiramdam sa taas.
http://www.timog.com/gallery/files/5/80r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/80r_original.jpg)
Magmi-meter ng camera sa kamay, para hindi ma-underexposed (dumilim) ang mga pictures. Makipot lang ang summit ng Yarigatake kaya may panoramic view mula sa taas at makikita ang mga malalaking peaks sa paligid.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/84m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/84m_original.jpg)
Nasa baba na ulit sa may Hut at punong-puno ng sunblock. Pero na-sunburn pa rin kaming lahat kaya kailangan ngayong sagutin ang tanong ng mga tao kung saang beach kami nagmunta.
http://www.timog.com/gallery/files/3/1/85a.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/3/1/85a_original.jpg)
Papunta sa kabilang side ng Yari, para sa mga extreme hikers. Ang Yarigatake ay nasa malaking crossroads sa Northern Alps ng Japan, at sooner or later, dadaanan ito ng mga climbers na umaakyat sa mga bundok dito. Malapit din ito sa boundary ng Nagano, Gifu at Toyama prefectures. Ang Kasagatake (笠ヶ岳) na nakasulat sa sign ay nasa Gifu-ken.
http://www.timog.com/gallery/files/3/1/86a.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/3/1/86a_original.jpg)
3:00 PM. Tingin ulit sa Yari bago bumaba. May mga umaakyat pa rin pataas.
Biglang nagko-complain si Andres ng sakit ng ulo at nasusuka daw siya: familiar symptoms ng high-altitude sickness. Sa tuktok ng matataas na bundok, manipis ang hangin kaya kaunting oxygen lang ang nakukuha ng mga baga at pumupunta sa utak. Ang unang mga symptoms nito ay sakit ng ulo at pakiramdam na gustong sumuka. Ang pinakamagandang solusyon ay bumaba kaagad. Kaya mabilis kaming nagsuot ng crampons ulit, at dali-daling nagpa-slide pababa ng slope sa aming mga puwit (gaya ng nakita naming ginawa ng ilang Hapon)!
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/88m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/88m_original.jpg)
Huling tingin sa Yarigatake.
15 minutes lang ng pagsa-slide pababa, nakarating na kami dito sa lugar kung saan namin iniwan ang mga backpacks. Mabilis ang mag-slide pababa pero medyo nag-aalala ako dahil napasukan ng yelo ang loob ng boots ko at nabasa ang medyas. Pababa na ang araw at kailangang magmadali. Malayo pa ang Yarizawa Lodge kung saan kami matutulog ulit. At kaming tatlo na lang ang natitirang naglalakad sa buong Yarizawa Valley.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/90m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/90m_original.jpg)
Around 4:30 PM, Yarizawa Valley.
Palubog na ang araw. At hindi na rin puwedeng mag-slide dito kaya lakad na lang ulit kami pababa. Maganda rin ang malambot na yelo para hindi masakit sa tuhod ang bawat hakbang. Medyo nag-aalala na ako dahil madilim na ang paligid, tapos sabi ni Andres, “Tanggalin mo kaya ang shades mo!”
Ngayong naabot na namin ang summit ng Yarigatake, ang nasa isip ko na lang ay kung paano kami makakaabot sa pinakamalapit na tutulugan ngayong gabi. Bawat minutong lumilipas ay dumidilim ang paligid. Naalala ko tuloy ang disastrous attempt naming ituloy ang pag-akyat noong nakaraang araw. Naisip ko na kung umabot man kami sa lugar na ito kung saan namin unang nakita ang Yari, wala na siguro kaming lakas para umabot sa Yarigatake Hut. Bukod pa sa gabi na at basa na siguro kami at nanginginig sa lamig.
May nabasa ako minsan na nalimutan ko na kung saan: “Ang goal ng pag-akyat ng bundok ay hindi ang makarating sa tuktok, kundi ang makabalik sa baba ng ligtas.” (Paraphrased at tinagalog.) Kahit na maganda ang pakiramdam ng isang accomplishment (kunyari pag-akyat sa summit), marami ring matututunan sa mga personal defeats, hindi lang sa pag-akyat ng bundok siyempre, kundi sa ibang bagay din. (Cliche ito alam ko, pero effective pa rin.) Kaya gusto ko itong akyat sa Mount Yari, dahil nakarating pa rin kami sa summit pagkatapos ng malaking disappointment ng retreat noong nakaraang araw.
Mula sa Yarigatake Hut sa gilid ng Mount Yari, naglakad kami nang mga kulang-kulang tatlong oras non-stop hanggang makarating sa Yarizawa Lodge ng mga 5:50 PM, at muntik na naming hindi maabutan ang hapunan. Hindi rin namin naabutan ang ofuro ulit kaya tatlong araw na kaming walang ligo!
http://www.timog.com/gallery/files/5/92r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/92r_original.jpg)
May 3, mga 10:30 AM, Yokoo Oohashi.
Late na kaming nakaalis sa Yarizawa Lodge dahil halos hindi kami nakatulog (dahil sa katabi naming Hapon na yumuyuga ang tulugan kapag humihilik at umuutot pa ng malakas sa pagtulog :)) at hindi naman kami nagmamadali ng husto. Pababa na kaya madali na lang ang hike at mabilis. Eto, nakarating na kami sa Yokoo Oohashi at may panahon pang magkuhaan ng pictures.
http://www.timog.com/gallery/files/5/94r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/94r_original.jpg)
Ito ay kung paano hindi gamitin ang kamay kapalit ng lens shade, “#$%&!.
http://www.timog.com/gallery/files/5/95r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/95r_original.jpg)
May kuwento itong water bottle na ito. Habang naglalakad na kami pauwi sa Kamikochi, bigla naming nakita itong water bottle ni Mabatag, nakatali sa isang mababang sanga. Nalaglag ko rin ito noong nakaraang araw habang nag-s-slide pababa mula sa Yarigatake Hut at napulot naman ni Mabatag na huling nag-slide pababa. Ngayon, nalaglag na naman at may nakapulot na iba. Siyempre, nalaglag ito sa may taas pa ng trail. Kung sino man ang nakapulot nito ay may tamang pag-iisip na bitbitin ito pababa at itali sa sanga sa tabi ng trail kung saan makikita ng lahat ng dadaan doon. Siguro, naisip niya na baka hihinto ang nakahulog nito sa isang lugar at maaabutan niya pababa. Nandito nga kami pagkatapos huminto at kumain ng tanghalian sa Tokuzawa Hut. Papaano naman niya nalaman na papunta sa baba ang nakahulog nito? Hindi niya siguro alam. Nagkataon lang siguro na pababa rin siya at naisip niya na mas malaki ang chance na makikita ito ng nakahulog kung dadalhin niya pababa kaysa iwanan lang niya doon. Ano sa palagay ninyo?
http://www.timog.com/gallery/files/3/1/96a.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/3/1/96a_original.jpg)
Around 1:15 PM, last na picture sa harap ng Azusa-gawa.
http://www.timog.com/gallery/files/8/6/97m.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/8/6/97m_original.jpg)
Around 2:00 PM, Kappa Bashi.
Piktyuran sa Kappa Bashi para masabing may picture kami dito.
http://www.timog.com/gallery/files/5/98r.jpg (http://www.timog.com/gallery/files/5/98r_original.jpg)
2:45 PM, Kamikochi Bus Station.
Pa-relaks-relaks na lang sa Kamikochi Bus Station, at naghihintay ng alas tres na bus pauwi. At least 7 hours pa ang Tokyo at pagod ang lahat, pero sulit naman. Ang Mount Yari malamang ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko sa Japan. At pinakanakakapagod!
Mga libro at mapa:
http://images-jp.amazon.com/images/P/0898868289.01.MZZZZZ ZZ.jpg (http://www.amazon.co.jp/exec/obidos/ASIN/0898868289/qid=1118535742/sr=8-5/ref=sr_8_xs_ap_i5_xg l14/249-4983501-6329940)
Mountaineering: The Freedom of the Hills
“The mountaineer’s bible.” Mahalaga para sa basic skills ng pag-akyat sa bundok.
http://images-jp.amazon.com/images/P/4635013197.09.MZZZZZ ZZ.jpg (http://www.amazon.co.jp/exec/obidos/ASIN/4635013197/qid=1118535933/sr=8-1/ref=sr_8_xs_ap_i1_xg l/249-4983501-6329940)
Kamikochi Yari Hotaka
Umorder ako ng mapa sa Maruzen, at ito ang binigay nila sa akin: libro. Binili ko na rin pero hindi ito essential para sa pag-akyat ng Mount Yari o Hotaka. Maraming pictures at mapa sa loob at detailed explanation tungkol sa mga routes at mga bundok sa paligid. Para sa mga nakakabasa ng Nihongo.
http://images-jp.amazon.com/images/P/1864500395.01.MZZZZZ ZZ.jpg (http://www.amazon.co.jp/exec/obidos/ASIN/1864500395/qid=1118536127/sr=1-1/ref=sr_1_10_1/249-4983501-6329940)
Hiking in Japan
Isang general guide tungkol sa hiking sa Japan. Para sa mas detalyadong impormasyon at mga pictures, maraming links sa Internet.
http://img.7andy.jp/bks/images/m7/31104867.JPG (http://7andy.yahoo.co.jp/books/detail?accd=31426611 )
Yarigatake Hotakadake Kamikochi Map
Isang magandang mapa mula sa Shobunsha. Meron itong 1:300,000 scale na mapa ng Japan Alps at mga tabing lugar, 1:100,000 scale na mapa ng paligid ng Yarigatake, at 1:50,000 scale na mapa ng Kamikochi Yarigatake Hotake circuit route na may estimated course time sa pagitan ng dalawang lugar. Meron din itong listahan ng hotels at mountain huts with telephone numbers, mga kailangang dalhin sa pag-akyat, at importanteng governement offices na puwedeng kontakin. Importante ito sa pag-akyat.
kalypso
07-22-2005, 09:57 AM
ohisashiburi, reon-san. i’m happy to put faces on names:).
very nice piece about yarigatake. the mountain looks so tempting. may question lang ako: pwede kaya ang bata dun? my daughter kasi has been bugging us lately na gusto daw niyang bumalik sa mt. fuji. pero parang ayaw ko na – hinihingal na ako just thinking about it. so naisipan namin na sa ibang bundok nalang namin siya iakyat. how many routes are there ba na pwedeng daanan paakyat sa mount yari?
reon
07-22-2005, 08:37 PM
ohisashiburi, reon-san. i’m happy to put faces on names :).hisashiburi kalypso! i deliberately decided not to put names on each picture so no one will know which is which.
very nice piece about yarigatake. the mountain looks so tempting. may question lang ako: pwede kaya ang bata dun? my daughter kasi has been bugging us lately na gusto daw niyang bumalik sa mt. fuji. pero parang ayaw ko na – hinihingal na ako just thinking about it. so naisipan namin na sa ibang bundok nalang namin siya iakyat. how many routes are there ba na pwedeng daanan paakyat sa mount yari?thanks. itong yarigatake piece ang pinakamahaba ay may pinakamaraming pictures na article sa timog at ikaw lang ang nag-comment. talagang mahilig ka sa bundok! galing naman ng anak mo, gusto ring umakyat!
mahirap para sa amin ang akyat sa yari, at definitely, hindi para sa mga bata ang pag-akyat hanggang sa summit (kasi kailangang humawak sa mga bato, chains at ladders). pero kung hindi summit ang objective ninyo, makita lang ang paligid, o kaya kahit hanggang yarigatake hut, palagay ko puwede (although hindi siguro one-day trip). maganda daw sa kamikochi at sa paligid ng yari sa autumn. may pictures dito (http://tuyuhasi.hp.infoseek .co.jp/a4.htm). ilang araw ba ninyo inakyat ang fuji?
kalypso
07-26-2005, 12:06 PM
i deliberately decided not to put names on each picture so no one will know which is which.
thanks. itong yarigatake piece ang pinakamahaba ay may pinakamaraming pictures na article sa timog at ikaw lang ang nag-comment. talagang mahilig ka sa bundok! galing naman ng anak mo, gusto ring umakyat!
mahirap para sa amin ang akyat sa yari, at definitely, hindi para sa mga bata ang pag-akyat hanggang sa summit (kasi kailangang humawak sa mga bato, chains at ladders). pero kung hindi summit ang objective ninyo, makita lang ang paligid, o kaya kahit hanggang yarigatake hut, palagay ko puwede (although hindi siguro one-day trip). maganda daw sa kamikochi at sa paligid ng yari sa autumn. may pictures dito (http://tuyuhasi.hp.infoseek .co.jp/a4.htm). ilang araw ba ninyo inakyat ang fuji?
i already knew which is which. my vibes told me so :p. joke
tsk…tsk too bad hindi pala para sa mga bata ang yarigatake. di bale hanggang sa kamikochi nalang siguro kami. salamat pala sa link. the pictures are awesome! from the gogome, it took us 12 hours (more or less) to reach the peak of fuji-san.
adechan
08-24-2005, 07:19 PM
wow ang galing galing naman nang adventure nyo
at ang galing nang mga kuha nang mga picz
at pede palang mag post sa timog nang ganyan form … galing (magaya nga … though my picz could not be that good)
hajimemashite po
adechan
ning2
08-24-2005, 11:38 PM
grabe! sana makaakyat din ako dyan sa mt. yari pagdating ng araw:)
mahilig din kasi ako sa mga adventures. maliit pa kasi ang bunso ko kaya lie low muna. tsaka maghahanap muna ako ng makakasama sa pag-akyat dyan sa mt. yari. or ligawan ko na lang ang hubby ko para makaladkad ko!!
ang gaganda ng mga kuha nyong pictures ! ang galing!!!
Maruchan
08-25-2005, 12:59 AM
I like this thread a lot, Reon! Ang galing ng adventure ninyong tatlo at very informative pa, and not to mention all the great pictures you guys took. :thumb:
Bus lang ba ang sinakyan ninyo all the way tapos hiking na hanggang sa Yarigatake? How much was the bus fare per person? Did you have to pay round trip for the bus? At meroon bang toilet sa loob ng bus? Sorry ang daming kong tanong. :chatter:
Maruchan;)here
reon
08-25-2005, 02:36 AM
thanks for the comments. baka isipin ninyo na puro sa akin ang mga pictures na yan. yung magaganda most likely kina mabatag at andres; sa akin na yong iba.
@maruchan. yes, bus from shinjuku to kamikochi and back. nalimutan ko na kung magkano, hehe. magkano ba andres? wala nga palang cr sa loob pero may hinihintuan naman.
prettylily_1203
08-25-2005, 02:36 AM
nakakainggit nman kayo. sana next time lahat ng members magakaroon ng bonding. For we can know each other personnally. At sana gawin ito pag may mahabang yasumi…
bes
08-26-2005, 01:48 PM
hi folks!
grabeee reon…ang ganda ng pics niyo at adventure niyo.
kung nandiyan lang ako…kukuliting ko kayo…sasama ako diyan sa climb niyo…
mabuhay,
bes
Maruchan
08-30-2005, 10:45 AM
@maruchan. yes, bus from shinjuku to kamikochi and back. nalimutan ko na kung magkano, hehe. magkano ba andres? wala nga palang cr sa loob pero may hinihintuan naman.
Calling Andres! :yippee:
Okay, lang, Reon, kapang alam mo na paki PM na lang ako kung ayaw ninyo i-post dito or maybe you can direct me to a URL somewhere. If not, okay din. Thanks anyway!
So, saan kaya ang next adventure ninyo?
andres
08-30-2005, 02:16 PM
Ha?? Asan sunog??! :eeek:
A yun pala… here we go…
Night bus from Yokohama (also stopping at Shinjuku) to Kamikoochi:
take the Alpico Bus (¥7,000, one-way);
Alpico Bus Co. 03-3320-0210
sawayaka.alpico.jp
Take note, mas mabuting kunin ito muli Shinjuku kesa Yokohama, sobrang tagal kasi nung hintay. ETD 23:00 from Shinjuku.
HTH
andres
08-30-2005, 07:42 PM
At maraming salamat nga pala sa lahat nang nag post ng comments tungkol sa article!
Sige, next time, hopefully pwede tayong magsama-sama.
Maruchan
09-02-2005, 01:26 AM
Ha?? Asan sunog??! :eeek:
'Sensiya na at napasigaw ako…akala ko kasi natutulog ka pa.
Thanks nga pala for the info.
Sige, next time, hopefully pwede tayong magsama-sama.
Siyempre sali ako d’yan! :yippee:
thermometer
11-16-2005, 07:55 AM
uyy!!! kailan ba mauulet to…any plans ahead? sama nyo naman ako…
BTW…nice pic…kakaingit…f uji palang naakyat ko dto sa japan… (",)
warlock^_^
02-04-2006, 09:19 PM
Nice pics reon, envy you man!
We climbed Yari in the middle of Autumn, so instead of snow, colorful coutry side naman samin. And we traversed to the other side.
Here’s tje link of the pics taken http://www.imagestation.com/album/pictures.html?id=302 7900093
here’s the pic taKen of Yari when we climbed from Mt. Jounen
http://www.imagestation.com/picture/sraid143/pc573a25553ca7766902 d510494af8186/f6a2fb50.jpg
fisher
02-04-2006, 10:23 PM
I wish I could climb the mountain too.Kailangan kulitin ko ang mga inlaws ko dahil taga Nagano sila.Nice pics! .
reon
02-05-2006, 11:54 AM
Oy! warlock, galing naman ng mga pictures ninyo! Iba rin ang scenery pag late autumn, no? Dumaan ba kayo sa Daikiretto? At nakapunta ka na ba sa Minami Alps (yun ang pinaplano kong puntahan sana)? Hello fisher, akyat ka rin.
thermometer
02-05-2006, 12:44 PM
Oy! warlock, galing naman ng mga pictures ninyo! Iba rin ang scenery pag late autumn, no? Dumaan ba kayo sa Daikiretto? At nakapunta ka na ba sa Minami Alps (yun ang pinaplano kong puntahan sana)? Hello fisher, akyat ka rin.
Psst REON…mhilig ka dib ng sa Hiking…sama ako dyan hehhee
reon
02-05-2006, 12:46 PM
Uy thermometer, oo nga, mahilig ako sa hiking pero minsan pag wala kang kasama at walang nagmo-motivate sa iyo, mas gusto mo na lang manuod ng DVD sa iyong sala, nakaupo ka lang at walang pagod!
May interesado kaya dito sa Timog gumawa ng isang Hiking/Mountaineering Club?
thermometer
02-05-2006, 12:48 PM
Uy thermometer, oo nga, mahilig ako sa hiking pero minsan pag wala kang kasama at walang nagmo-motivate sa iyo, mas gusto mo na lang manuod ng DVD sa iyong sala, nakaupo ka lang at walang pagod!
May interesado kaya dito sa Timog gumawa ng isang Hiking/Mountaineering Club?
hmmm…Good Idea, why not we start …alam ko madami dyan ayaw lang lumbas d ba hehhee… any plan na magndang akyatin tutal naman Spring na…
…How about EB with Mt. Hiking d ba…
warlock^_^
02-06-2006, 08:04 PM
Reon, nde namin dinaan ang daikiretto since mahaba habang lakaran yun and umuulan…you know, madulas. Minami Alps? nde pa, plano namin is Kita-dake. Check muna since ang gastos ng climb, nde mura ang expenses sa yamagoya:(
Oy! warlock, galing naman ng mga pictures ninyo! Iba rin ang scenery pag late autumn, no? Dumaan ba kayo sa Daikiretto? At nakapunta ka na ba sa Minami Alps (yun ang pinaplano kong puntahan sana)? Hello fisher, akyat ka rin.
ayanis-marie
05-27-2006, 03:46 PM
Hello…haje mimashite…Aya here from Nagano.
I never know na may place to search pala to have fun and
to unite with my kababayan. Anayone from Bicol who knows
Odessa Glico?..Please naman if may alam kayo,matagal
ko na hinanap friend ko.Sorry sa advertisement,hehehe ka
papasok pa lang eh. Namimiss ko lang sya…Thanks and
korekara yoroshiku onegaishimasu!
markobe8
10-05-2008, 02:47 AM
great adventure… nice nature…
Loving Isa
10-05-2008, 02:25 PM
Nakakainggit naman ang adventure niyo…Saan ma-experience ko rin yan… My sister nga wants to go mountain climbing pero ayaw naman sumama ng anak niyang binata. Kahit Mt. Fuji gusto namin ma-experience. Kailan kaya mababalak ang “akyat-bundok gang” ng TF?
This is an archived page from the former Timog Forum website.