Alam nyo po ba ang trainee visa?

katty0531

11-16-2005, 06:06 PM

hello,
Sa mga may idea about training visa, o sa mga may karanasan po, ano po ba yon? at bakit may napapauwi nang maaga? gusto ko lang pong bigyan nang impormasyon yong kakilala kong pupunta dito as trainee,salamat po sa mga sasagot sa tanong ko…

makulit

11-16-2005, 06:57 PM

hello,
Sa mga may idea about training visa, o sa mga may karanasan po, ano po ba yon? at bakit may napapauwi nang maaga? gusto ko lang pong bigyan nang impormasyon yong kakilala kong pupunta dito as trainee,salamat po sa mga sasagot sa tanong ko…

please see this link (http://www.mofa.go.jp/j_info/visit/visa/appendix1.html)
website po yan ng MOFA, dyan po ang explanation ng Trainee Visa.

ganda_girl89

11-16-2005, 07:00 PM

kadalasan binibigyan ng trainee visa ay yung mga empleyado ng mga companies na ang head office ay japanese o nasa jpn.karamihan nito ay nasa mga EPZA locations sa buong phils.6mos ang visa renewable to 1 yr.

kadalasn may 3rd party sponsor ang mga ito like AOTS na syang nag so shoulder sa kalahati ng expenses ng trainee at kalahati at sa company sa jpn.

on paper ang purpose ng pagpunta ay tech training sa technology ng company at business management development.

nikita

11-16-2005, 11:11 PM

Last 2 years,nagpunta dito sa japan yung cousin ko as a trainee.pinadala sya rito sa bansang hapon ng kompanyang pinag tatrabahuhan nya sa pinas.di ko na maalala kung 6 or 9 months ang tinagal nya rito sa japan.8 lapad ang pagkaka alam ko sa sahod nya monthly syempre libre pabahay(dorm)kaso bawal silang magluto.kwarto lang ang space nila pero malinis.nag te train sila papasok at papa uwi(libre din ang densha dai)ang pag kaka alam ko rin may allowance silang 2 lapad for foods.yung iba napapa uwi ata dahil ang hirap makasa ulo ng trabaho at yung iba tatamad tamad.yung iba naman ayaw sumunod sa patakaran ng kompanya kaya siguro agad agaran silang pinapa uwi.yung pinsan ko naman ayaw ng bumalik uli dito as a trainee dahil natalo ng homesick.marami akong kilalang trainee dati sa chiba naman yon,halos pare pareho sila ng sahod.bumabawi lang talaga sila sa allowance halos di nila ginagastos para pam pauwi sa pinas:) sana makatulong ako sayo

thermometer

11-17-2005, 12:37 PM

naipadala din ako dto sa japan bago nagkaron ng chance mag work dto… sa pag kakaalam ko…as trainee visa… puede ka mag stay dto sa japan ng legal as long na wla ka gingawa na masama…

kung napauwi naman sila. baka me ginawa sila na labag sa japanes goverment or kailangn sila pauwiin ng company nila dahil tapos na ang training period nla dto sa japan or nag karon nag pag babago sa training contract nla.

as trainee normally…me allowance sa japan at buo ang sahod sa pinas…depende sa contrata ng company sa pnas at yong pag work nla po dto…

katty0531

11-17-2005, 05:27 PM

hello,
Sa lahat ng nagreply salamat po, sasabihin ko agad lahat yan sa kakilala ko papunta palang dito, kailangan lang matiyaga ka at tiis tiis lang pala sa lungkot…ang laki ng tulong nang sagot nyo…salamat talaga! God bless us always…:smiley:

houseboy

11-23-2005, 07:15 PM

Hmmmm… marami kasing klase ng “Trainee Visa”.

Masama kasi, may mga umaabuso sa ganito. May mga agencies sa Pinas na nagrerecruit ng mga “workers” pero as “trainees” ang visa nila.

This is an archived page from the former Timog Forum website.