Amabiki Kannon Temple visit and Mount Amabiki hike (2025 Autumn 25.11.21 Fri)

Bisita ito sa Amabiki Kannon Temple sa Sakuragawa, Ibaraki, lakad-lakad sa paligid, kuha ng pictures, isip-isip ng malalalim na bagay.

Para sa gustong maglakad-lakad ng kaunti sa ilalim ng puno, may madali lang na hiking trail sa bundok sa likod ng temple (tamang-tama para sa mga taong wala sa kondisyon ang katawan kagaya ko).

Kung hindi maganda ang panahon ay ililipat ito sa susunod na araw (11/22 Sat). Kung pangit pa rin ang panahon sa Saturday ay cancelled completely. Sunny with 0% chance of rain ang forecast kaya tuloy.

Ang trip na ito ay para sa 10 tao (dahil 10 lang ang kasya sa van). Pickup from 7-11 in front of Joyful Honda in Arakawaoki. Kung may gustong sumama na may kotse, mas mainam.

Malamig sa umaga pero projected na iinit sa tanghali. Kailangan ng jacket at huwag kalimutan ang pamalit na T-shirt (hindi magandang naglalakad na malamig at basa ang likod). Ordinary shoes OK.

Magdala ng tubig (500ml-1L) , obento/onigiri (maaring bilhin ito sa 7-11), picnic sheet para may upuan. May restaurant sa tabi ng temple para sa gustong gumastos.

A transportation fee of 300円 will be collected from each participant.

Itinerary (final)

07:45 Arakawaoki Eki
07:47 Yokose Butcher Shop
07:50 7-11 Joyful Honda (buy stuff)
08:00 7-11 Joyful Honda departure
09:10 Amabiki Kannon Temple parking arrival
09:20-11:00 Amabiki Kannon Temple visit
11:15 Start of hike
12:00 Mt. Amabiki peak (lunch)
12:45 Descent
13:30 Amabiki Kannon Temple
14:00 Amabiki Kannon Temple parking departure
15:10 7-11 Joyful Honda arrival
15:13 Yokose Butcher Shop
15:15 Arakawaoki Eki

1 Like

Sunny ang forecast sa 11/21 kaya tuloy ang ating trip/hiking.

Ang trip na ito ay primarily para sa Amabiki Temple, para makapaglakad-lakad sa grounds, magpainit sa araw (kaya importanteng sunny ang weather).

Ang hiking ay optional, kaya kung gusto lang mag-stay sa temple ay walang problema. Flexible din ang oras ng hiking, puwedeng mag-hike sa grupo ng dalawa o tatlong tao, iwasan lang maglakad sa bundok nang mag-isa.

Mukhang madaling hike lang naman ito at palagay ko ay wala namang oso sa parteng ito ng Kanto area, pero mas magandang may kasama for safety.

Hike to Mount Amabiki (雨引山)

11:15 Start from Amabiki Kannon Temple
11:20 Enter trailhead
11:45 Arrive at fork
12:00 Arrive at Mt Amabiki peak

Caution: At the fork, proceed to Mount Amabiki (雨引山), not Mount Kaba (加波山). Photo from Yamap.

daming pictures!

eto mga pics ko bago nag-lowbat ang cellphone. konti lang mga people shots^^


Mount Tsukuba from Amabiki Kannon Temple