Ang init ng summer

reon

07-31-2005, 03:53 PM

bakit parang painit yata ng painit ang summer sa japan? dito sa amin, sobrang init, walang maisip gawin ang mga tao kundi magkulong sa sala (kung saan lang may aircon) at manood ng dvd o magbasa ng libro. dito naman sa computer room, matutunaw ka sa init (sabi nga ni teddy sa kabilang thread (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=386 )). eto may time pang mag-picture: bulaklak sa tabi ng bintana namin, para may bulaklak naman ang frontpage ng timog, kahit picture lang.

http://www.timog.com/gallery/files/5/flowers.jpg

goldhorse

08-01-2005, 01:11 AM

Effect din siguro ng global warming. Mainit → Aircon → Ninipis ang ozone dahil sa mga gases na binubuga ng aircon at ng CO2 ng mga electric power plants → Lalong iinit. Ika nga e akujunkan. May narinig ako dati sa TV, sabi “The best way to fight the heat is not to fight it” (hah, easy for you to say!)

prettylily_1203

08-09-2005, 12:03 PM

grabe ang init din dito sa Yokkaichi. Nakakahilo ang init pag lumabas ka.

crispee

08-09-2005, 03:40 PM

Palagay ko, wala ng tatalo sa init dito sa Kawasaki. Alam niyo kung bakit? Aba eh subukan mong biyakin ang namatamago sa kalsada, pagbagsak sa aspalto > MEDAMAYAKI na!:lol: O may hihirit ba jan?

goldhorse

08-09-2005, 10:13 PM

Palagay ko, wala ng tatalo sa init dito sa Kawasaki. Alam niyo kung bakit? Aba eh subukan mong biyakin ang namatamago sa kalsada, pagbagsak sa aspalto > MEDAMAYAKI na!:lol: O may hihirit ba jan?

E yuong manok ng lolo ko nangingitlog ng hard boiled egg eh.

BTW, Kawasaki din ako.

reon

08-09-2005, 10:22 PM

hihirit sana ako kung gaano kainit dito sa tsukuba, pero dalawa na kayo dyan sa kawasaki kaya hindi na lang. :lol:

crispee

08-09-2005, 11:39 PM

Maniniwala akong mas mainit jan sa Tsukuba Reon. Lalo na siguro kung nasa tuktok ka ng Tsukuba San. 876m above sea level yung Nyotai-San, mas malapit na yun sa haring araw kumpara dito sa kawasaki:D Yung Landmark tower, 296m sa yokohama pa yun.

Ka Goldhorse,
Alam kong taga-kawasaki ka. Di ba bandang Motosumiyoshi kamo? Jan ako nag-gagala 2 months ago. Mabuhay ang KKK ng K:D

mOtt_erU

09-20-2006, 08:22 PM

grabe ang init din dito sa Yokkaichi. Nakakahilo ang init pag lumabas ka.

…grabe din ang Init dito sa Shizuoka…:frowning: haaay

fremsite

09-20-2006, 08:24 PM

…grabe din ang Init dito sa Shizuoka…:frowning: haaay

dito din … hay… …

nikkichibi

09-20-2006, 08:47 PM

dito din … hay… …

sis , dito sa amin malamig na po :smiley:

wolfgang

09-20-2006, 08:51 PM

Grabe din dito sa Himeji ang init pero mas mainit sa Kyoto pag summer…pwamis…tek a…summer pa ba…diba Fuyu na kasi nabasa ko sa kabilang thread may snow na ehh:confused:

Chibi

09-20-2006, 09:37 PM

dito din … hay… …
nyahhhh!!Sept na!!autumn na fuhh,ay sus!!Aug pa pala toh!!sowee po!!talagang supah init dito sa kanagawa that time!!!huwahhhhh,ang sarap mag hadaka!!:eek: :smiley:

hayaren

09-25-2006, 07:42 PM

guys, whatever it is got to be thankful sa init na nararanasan ninyo diyan…dito sa middle east this year it hit to the highest mark of 55 degrees!!! kaya nyo yun? thanks to technology dahil naka AC lahat ng establishments pati tirahan namin dito centralized AC pero it’s a big threat to the ozone layer. Alam nyo paglabas ng kalsada halos di ka na makahinga sa init, most especially sa gabi minsan din sa umaga akala mo winter kasi heavy ang fog yun pala “sand storm” at ang humidity, draining sa katawan, super init ng paligid, nanglalagkit at walang hangin.

adechan

09-25-2006, 07:52 PM

hahaha

@hayaren, naalala ko tuloy ang father ko. Kuwento noong nagtrabaho siya sa Saudi, doon daw pag nagsampay ka nang labahin, pagkatapos mong magsampay, tuyo na ang mga nauna mong sinampay, puwede mo nang kunin para itiklop.

hayaren

09-25-2006, 11:38 PM

hahaha

@hayaren, naalala ko tuloy ang father ko. Kuwento noong nagtrabaho siya sa Saudi, doon daw pag nagsampay ka nang labahin, pagkatapos mong magsampay, tuyo na ang mga nauna mong sinampay, puwede mo nang kunin para itiklop.

adechan hello…

mas malamig pa ang temperature ng Saudi Arabia po compared dito sa UAE, nakakaawa nga pagnaglalaba ka dito umuusok yung tubig as in boiling water na talaga nakakapaso:)

This is an archived page from the former Timog Forum website.