Ano ang magiging kapalit ng Hokensho (Health Insurance Card) sa December 2025?

Simula sa December ay hindi na magagamit ang lumang health insurance card. Ano ang gagamitin na kapalit?

1. Maina Hokensho マイナ保険証 (My Number Health Insurance Card)

Ang Maina Hokensho ay ordinaryong My Number Card na ipinarehistro bilang health insurance card.

Paano kukunin: Pagkatapos makuha ang My Number Card ay iparehistro ito para magamit bilang health insurance card.

Paano gamitin: Ipasok ito sa Maina Hokensho card reader sa clinic o hospital.

Mag-ingat na hindi mag-expire ang My Number Card dahil hindi magagamit ito bilang health insurance card kung lumampas na ang validity.

2. Kenko Hoken Shikaku Kakuninsho 健康保険資格確認書 (Eligibility Confirmation Card)

Ito ay kulay dilaw na card na ipinapadala sa mga taong hindi nakarehistro ang My Number Card bilang health insurance card.

Paano kukunin: Walang kailangang gawin, darating ito sa mga taong hindi nagparehistro ng kanilang My Number Card upang magamit bilang health insurance card.

Paano gamitin: Ipakita ito sa counter sa clinic o hospital, kagaya ng lumang health insurance card.

3. Shikaku Joho no Oshirase 資格情報のお知らせ (Notice of Eligibility Information)

Ito ay paper card na nagpapatunay na nakarehistro sa health insurance, pero hindi maaring gamitin nang hindi kasama ang Maina Hokensho.

Paano kukunin: Binigay na ito sa lahat ng residente noong 2024.

Paano gamitin: Gamitin lang ito kung walang Maina Hokensho card reader ang clinic o hospital. Ipakita ito sa counter kasama ng Maina Hokensho.