Any gamers in Timog?

Dax

08-26-2005, 11:42 AM

Hi, may mga gamers ba dito? I’ve been playing Priston Tale, a 3D MMORPG (Massive Multiplayer Online Role-playing Game…whew naubos laway ko dun ah) these past few months. Tulad ng Ragnarok, Korean company din ang gumawa nito. Sa mga naglaro ng Legend of Zelda (circa 1997?), o Diablo/Diablo 2 alam ko magugustuhan niyo din ito.

Walang bayad hanggang level 24 ang character niyo. Roughly mga 50 hours of play din yan. :slight_smile:
From level 25 onwards ay sadly may bayad na.

http://www.netplay.ph/ ang website ng Philippine server. May Japan server din.

reon

08-28-2005, 12:38 PM

wala yatang gamers dito sa timog, dax, hehe. wala rin akong masyadong oras sa mga games pero mukhang magaling ang pagkakagawa sa winning 11 (soccer) para sa ps2 at parang gusto ko na rin bumili ng console. ang last na meron akong console ay ang famicon, haha, kung saan ako naglalaro ng battle city buong magdamag (may nakakaalam pa ba nito?):


sa pc, ang nilalaro ko lang dati ay yong age of empires, yung pinakalumang version kaso masyadong time-consuming para sa akin. sa ngayon, kontento na ako sa mga arcade games (pero hindi rin gaano). paborito ko ang “asteroids” na meron dito sa timog. nung meron pa akong mac (circa 1997), “maelstrom” ang nilalaro ko. tsaka “bloodbath” (mac users alam pa ba ninyo ito?)

(pasensya na dax, mukhang wala na ito sa topic ng mmorpg.) :slight_smile:

naging familiar lang ako sa mmorpg dahil sa article na ito: From sweatshops to stateside corporations, some people are profiting off of MMO gold (http://www.1up.com/do/feature?cId=3141815) . totoo ba ito?

Dax

08-28-2005, 03:51 PM

ah battle city! natsukashii! natapos ko yun (up to stage 32 ba o 36?) then biglang naging lode runner yung game!:confused:
wala pang memory cards para i-save ang games noon kaya nakaka-adik talaga.

may mga naririnig din akong kwento ng “bots” sa online games, pero ngayon ko lang narinig na may mga big-time racketeers pala! siguro ganun din yung nakita ko sa e-bay na nagbebenta ng game accounts. yung iba naman nagbebenta ng items atbp.

sa may mga sapat na knowledge sa coding madali lang siguro gumawa ng bots. well bahala sila sa buhay nila, basta ako enjoy na sa old-fashioned slice and dice play. :slight_smile:

cyclops

08-28-2005, 06:34 PM

I started playing computer game nang-lumabas ang “Legend Of Zelda” sa NINTENDO 64, tapos non BIOHAZARD series. I think it was 3years ago nang niregalohan ako ng kumpare ko ng DIABLO EXPANSION SET( Diablo 1 and 2), doon na nag-umpisa ang pag-pupuyat ko everyday hindi titigil hanggat hindi natatapos ang mga quest. nilalaro ko parin sya hanggan ngayou,nag-online din ako. At the present ang nilalaro ko na ON-LINE game ay CONQUER
this one is libre forever hanggang level 120 then you can be reborn.
you can download the game for free here.
226 (http://co2.91.com/)

cyclops:) :slight_smile: :slight_smile: :slight_smile:

ganda_girl89

08-28-2005, 09:19 PM

wala akong game console…but i play online chess sa yahoo.

tower23ph

08-28-2005, 09:25 PM

Gandagirl, konbanha! mahilig k pala s chess, yan din ang game ko e. Pano bang makakapaglaro nyan sa yahoo? Arigatoo!:wink:

tower23ph

08-28-2005, 09:33 PM

I agree with you mr. peacemaker. Not all filipinos are like those mr… mentioned. I think he is lack of knowledge about what he is saying about. Mabuhay ang Lahing Pilipino.!!!

Dax

08-29-2005, 02:05 PM

Cyclops:
Thanks for the info! Masubukan din nga yan someday. :slight_smile:

ganda_girl89:
Nagpo-pool ka din ba sa yahoo?

NemoySpruce

08-29-2005, 05:45 PM

Wala nga ata masyado gamers dito pareng Dax, ako medyo lang, nung nasa pinas arawaraw kami naglalaro ng warcraft at broodwars, tapos minsan CS, di ako masyado mahilig, pero sa bahay gusto ko mga first person shooters at realtime strat na games. nag simula nong bata pa ko, ang una naming computer ala pang PC non, appleII pa ang sikat, ultima ang nilalaro ko nun, tapos dumating ang PC ang una nung first person shooter ata eh yung Castle Wolfenstine 3d, nalaro ko nga pala yung 2d nun sa appleII, kakatawa parang karton lang mga drowing ng tao… taposdumaan ang panahon at lumakas ang mga pc, nalaro ko naman yung Dune, at Doom, tapos warcraft,broodwar,wa rcraft II at three, Diablo, at kung anu anong laro…tapos ngayon mga MMORG na! aba, naalala ko pa nung nagsisimula ang ragnarok sa pinas, pinagtatawanan namin pang bata hehehe, ngayun sobra milyunaryo na mga ungak sa level-up games, at malamang sila na ngayon ang humahalakhak. Gamer? ako? di naman… adik lang. eto ling baka gusto mo basahin…

ganda_girl89

08-29-2005, 08:07 PM

hello,TF pipol…hows ur monday?

mr.tower23ph,
heto po ang link sa yahoo games,mag login ka na lang…i stay usually sa social lounge 4,8,12…http://games.yahoo.com/games/login2?page=ch

dax san,sir di po ako magaling sa pool.

hotcake

08-29-2005, 10:01 PM

wala akong game console…but i play online chess sa yahoo.Hello ganda_girl89, naglalaro din ako sa yahoo games pero di chess. Sinubukan ko once maglaro ng chess kaso di ko maintindihan. :confused: Ang nilalaro ko doon ay Literati:) , turuan mo naman ako ng chess if you have time…:bowdown:

yosakoi-soran

08-29-2005, 10:22 PM

Hi hotcake, me again…hindi ka ba manonood ng horror movie ngayon:D ? ano yung “Literati” game:confused:

hotcake

08-29-2005, 10:31 PM

Hi hotcake, me again…hindi ka ba manonood ng horror movie ngayon:D ? ano yung “Literati” game:confused:Hello yosakoi san, di ako manonood ng horror movie ngayon, yung Literati ay parang scrabble game. gusto mo minsan laro tayong tatlo ni maple ng Literati:D

yosakoi-soran

08-29-2005, 10:42 PM

Hello yosakoi san, di ako manonood ng horror movie ngayon, yung Literati ay parang scrabble game. gusto minsan laro tayong tatlo ni maple:D

ii ne…sige, laro tayo… sabihin mo na alng kung kailan posibleng mag-laro…yoroshiku rin kay maple, first time kong mag-lalaro kaya turuan mo na lang ako ha. TY:)

hotcake

08-29-2005, 10:51 PM

ii ne…sige, laro tayo… sabihin mo na alng kung kailan posibleng mag-laro…yoroshiku rin kay maple, first time kong mag-lalaro kaya turuan mo na lang ako ha. TY:)sige sasabihin ko kay maple na maglaro tayo minsan…:slight_smile:

Dax

08-30-2005, 11:46 AM

Gamer? ako? di naman… adik lang. eto ling baka gusto mo basahin…

Pareng Nemoy, hindi ka naman pala “gamer” eh hard-core lang! :guitar:

Di ako naglaro ng CS, nalaman ko lang yan noong umuwi ako sa Pinas para magbakasyon. Naiinis ako kasi sa internet cafes sa Pinas hindi gumagamit ng headphones kaya ang ingay! Ako lang ata ang naiingayan ah. Mga ibang nagpupunta sanay na.

Pati kaya ngayon ganyan pa din sa Pinas? :confused: Dapat mag-provide ang cafes ng headphones para naman may konting kunsiderasyon sa mga nagpupunta para lang mag-email. :mad:

NemoySpruce

08-30-2005, 08:11 PM

nako, sobrang ingay talaga lalo na pag mga highschool ang nag lalaro. Pero yung dating cafe na pinaglalaroan namin may headphones, kaso kawawa yung mga nageemail lang at nagbbrowse kasi sobrang ingay pa din. sigawan ng sigawan, kakahiya… although madalas kasama ako sa mga sumisigaw…ehhe. Ang pinaka successful ata na internet cafe sa pinas nung umalis ako, 2004 sept, is netopia. meron sila sa galleria, megamol, greenbelt at kung san san pa… yung sa galleria, grabe more than 150 pcs ata! puro mga studyante naglalaro, at may area sila for emailing and browsing lang, dapat talaga nakahiwalay ang gaming sa cafe. parang mali na tawaging cafe, ala naman kape. balita ko ay big business din to dahil may mga kaibigan ako na nag business ng internet gaming/cafe… mabilis nila nakuha investment nila, nagkaproblema lang nung andaming nagtayo na competition, nagkaroon ng pricewar. ayun natira ang matibay. kawawa lang mga bata kasi imbes na nagaaral laro ng laro…dito sa japan ang version ata nila ng gaming lair is yung mga anime shops. Pede ka magrent ng isang cubicle type area, na may malambot na lazy-boy na upuan, ewan siguro yung may massager pa, lahat ng console games at internet access, usually overnight ang rentahan, di ko na maalala kung magkano, nabasa ko lang sa Time magazine, try ko hanapin online version nung artik.

Dax

08-31-2005, 03:01 PM

dapat talaga nakahiwalay ang gaming sa cafe.

Mabuti at may mga nakahiwalay din pala.

dito sa japan ang version ata nila ng gaming lair is yung mga anime shops. Pede ka magrent ng isang cubicle type area, na may malambot na lazy-boy na upuan, ewan siguro yung may massager pa, lahat ng console games at internet access, usually overnight ang rentahan, di ko na maalala kung magkano, nabasa ko lang sa Time magazine, try ko hanapin online version nung artik.

Pumupunta ako dati sa internet cafes dito sa Tokyo noong wala pang internet sa bahay. Ang mga nasubukan ko na ay Bagus sa Roppongi, Geragera at Maboo sa Shinjuku, Laputa sa Shibuya atbp.
Lahat sila may “all you can drink” service na kasama na sa bayad (roughly around 300 yen for the first hour, and an additional 60 yen (?) every 30 min that follow). Depende sa lugar at depende sa branch ang choices of drinks, usually may soft drinks at kape. Minsan may libreng shower pa nga at miso soup daw tuwing umaga kasi yung ibang pumupunta ay nago-overnight. Minsan naisip ko pagnaiwan ako ng last train baka mag-overnight din ako sa internet cafe. :wink: Kung tutuusin, pag nag-taxi pauwi mga 5k yen din. Kung mag-internet cafe ka from 1 a.m. to 5 a.m. (first train) kulang pa nga siguro ng 3k yen hehe. :smiley:

jhayelle

09-05-2005, 09:21 AM

may naglalaro kaya ng gunbound dito hmmmm…? :rolleyes:

piNkAhOLiC

10-05-2005, 07:38 AM

may naglalaro kaya ng gunbound dito hmmmm…? :rolleyes:
LOL! Hanggang dito ba naman! :roll:
Ako,I like playing Half-Life/Counterstrike :slight_smile: I like scrabble,literati and other word games too:)

Grey Friar

11-02-2005, 10:26 PM

hiho~ im a gamer. i play mmorpgs. ragnarok medyo na-addict ako. XD i tried tantra, priston tale, goonzu and others pero hindi ko nagustuhan kasi may bayad. lmao. right now, im playing in Flyff Japan. im just waiting for Flyff Philippines to allow international IPs sometime this month daw. Open Beta yung Flyff-Ph ngayon, it’s free-to-play kahit tapos na ang OB. sugoi ne!? it’s sorta like Gunbound, you can buy in-game items, equipments and whatnots. for more info bout the game visit www.flyff.com.ph

Flippy Aze

11-02-2005, 10:35 PM

wala akong game console…but i play online chess sa yahoo.

ganda girl, mahilig ka pala sa chess, pag may time ka laro tayo online o kaya naman tambay sa park, malapit lang ba place mo, sa Tsukuba kasi ako.

Grey Friar

11-02-2005, 10:39 PM

ganda girl, mahilig ka pala sa chess, pag may time ka laro tayo online o kaya naman tambay sa park, malapit lang ba place mo, sa Tsukuba kasi ako.

z0mg! it’s Flippy Aze! hiya ate! galing nito sa chess. lahat ng games namin talo ako. Y.Y

ganda_girl89

11-03-2005, 01:58 AM

ganda girl, mahilig ka pala sa chess, pag may time ka laro tayo online o kaya naman tambay sa park, malapit lang ba place mo, sa Tsukuba kasi ako.

hi flippy aze,how are you?good evening.

kapag hindi ako busy pag gabi,naglalaro ako paminsan-minsan sa yahoo chess. pumapasok ako sa available na pinakamababang even number na room sa social lounge doon.yan din ang gamit kong game ID.sana magkita tayo minsan doon at makapag laro.

nasa ehime ken ako ngayon pero taga matsudo ako talaga.ewan pa kung kailan ako babalik sa chiba.malayo ito sa ibaraki.

maribog

11-03-2005, 06:32 PM

ako dati sobrang naadik sa ragnarok…cguro halos 8 hours a day ako maglaro pag weekdays tapos pag saturday and sunday naglalaro pa din mga 3 hours hehe…

buti na lang over na ko sa stage na yun…ngayun wala na ko masyado nilalaro na online or kahit na console games…pag mga RPG na lang nilalaro tulad ng Final Fantasy series… tsaka pala yung NBA Fantasy sa YAHOO …kung matuturing mo ngang online game sya…

camouflage

11-03-2005, 09:48 PM

Game po ba? well its me i think, I started playing atari when i was 11 yrs old, and then dumating ang nintendo family computer, syempre si mario ang star, lumabas si sega 16 bit to beat nintendo pero nd sya nag succeed, kasi dumating si super nes 32 bit w/c is the american ver. super famicom japan ver., napikon si sega kaya nilabas nila ang cd ver. game ang sega saturn, pero cool lang ang nintendo nxt step is nintendo 64 bit. But the new challenger came, The sony play station 1, boom!!! medyo na alarm yata ang sega, kaya here comes the sega dreamcast w/c is internet ready, nintendo stays cool, but the P.S is very aggressive kaya they launch P.S 2 another BOOM!!! Syempre hindi pahuhuli ang Nintendo kaya may game cube ngayon, and then another challenger came, The Xbox, pero hindi sya gano sumikat, kaya nxt year Im sure babawi ito, sa kanilang XBOX 360, na tinapatan nmn ng SONY P.S 3.
Ito po ay sa pagkakaalam ko lang, kung may kulang paki paalala na lang po.:wave: :wavey:

maytatsu

11-03-2005, 09:50 PM

ako addict sa PYRAMID in yahoo games…meron pang tournament and its really cools once you join pati pag kain, toilet, etc. etc. pwede mo makalimutan haha kasi during the tournament off course you gotta finish ure game bago ka rest…:type: :smiley:

thommas

11-04-2005, 06:06 PM

ako dati sobrang naadik sa ragnarok…cguro halos 8 hours a day ako maglaro pag weekdays tapos pag saturday and sunday naglalaro pa din mga 3 hours hehe…

buti na lang over na ko sa stage na yun…ngayun wala na ko masyado nilalaro na online or kahit na console games…pag mga RPG na lang nilalaro tulad ng Final Fantasy series… tsaka pala yung NBA Fantasy sa YAHOO …kung matuturing mo ngang online game sya…

ragnarok ok den kya lang di ko ganong nilaro dahil medyo matagal pti sa p.c pa… mag final fantasy na lang ako…:slight_smile:

piNkAhOLiC

11-05-2005, 02:57 AM

War Hammer 40000 rocks! :slight_smile: Pero love ko parin ang walang kamatayang half-life! Hehe. Yahoo games ok rin. Gusto ko yung mga laro na tipong dudugo utak ko. LOL.

Grey Friar

11-05-2005, 10:25 PM

Flyff US (International) is now on its Open Beta. If you love playing Ragnarok Online, R.O.S.E. Online or simply an MMORPGer, you might want to try this game. Flyff is the first flying Massively Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG). It’s free-to-play forever which means no monthly fees! (I know how expensive playing an online game is. o.O;:wink:

Visit http://flyff.gpotato.com/

Privy message me here sa boards kung maglalaro kayo. I’m planning to be an Assist (support character) , currently at lvl 13, and I’m in dire need of partymates. :smiley:

tower23ph

11-06-2005, 03:36 PM

yuri’s revenge

Goku

11-08-2005, 03:55 PM

hello sa lahat ng mga pinoy gamers!

anyone playing DOTA here? DOTA is a custom game under FROZEN THRONE and it is fun!

yung mga nabasa ko sa taas like warcraft (old v), diablo, age of empires ay magaganda rin yan pero subukan nyong laruin ang FT (DOTA) at lalo kayong mag-eenjoy.

just a piece of advise…this is addicting game and you need tolimit your time playing.

PM me if you are interested then we will play together!

OWNING!!!

Goku

11-08-2005, 05:55 PM

hello to all gamers!

gamer din kasi ako at ang favorite ko ay FROZEN THRONE (DOTA). This is the number 1 they said and by Blizzard.

so if you are playing battlenet let me know and we could play together.

cheers

Goku

ecks

09-16-2006, 01:48 AM

hey…may naglalaro po ba ng online games dtuh???:confused: like gunbound, pangya or kahit ano??? ever heard of monsters game?? ung browser game lang sha :smiley:

ganda_girl89

09-16-2006, 12:22 PM

online chess lang po.

Isuy

09-19-2006, 04:18 PM

duhhhhh!!! I missed mah “AA” hehehe…

(AA-AmericasArmy) is a realistic pc online war games… where is you really need to undergo the Americas Army Online training before you can play this game, and ofcourse you must passed the training…

And since its graphics resolution is too high, you also need a high and good specs of video card and atleast you have P4 processor…

I love this game… try to visit their site… www.americasarmy.com (http://www.americasarmy.com ) :cool:

guy26

09-20-2006, 09:16 AM

GuildWars ngaun ang nangunguna sa MMORPG isang beses ka lang mag babayad pra malaru mo ung entire game pra ka lang bumile ng cd nila one time and malalaru mo na xa hangang mag sawa ka…

Ung Player Dyan ng DOTA hahaha oo maganda rin un! :D:)

Grey Friar

11-04-2006, 11:57 PM

I’m thinking of playing a Japanese version of an MMORPG. Any suggestions? It’ll be a tad more fun if you are/will playing/play too. Para naman may kasama ako in-game. I think it’s a good way to practice Nihongo lalo na yung casual conversation and slang language ne~? :slight_smile:

ichigo1223

11-05-2006, 02:14 AM

me? DOTA player…kaya lng natigil, bagal na PC ko…:smiley:
kailangan na palitan…kaya tigil muna…balik uli ako after ko magupgrade…
lag clang lahat eh…hahaha

laro me sa hamachi or GG…post ako dito kapag ready na ako laro @Goku

para naman sa mga easy games…
eto puntahan nyo…cguro alam na ng iba ito…

http://www.neopets.com/

nakakalibang din po yan…

enjoy…:slight_smile:

virgo27

11-05-2006, 10:38 AM

ako naman online wordracers lang:D

lowriderz77

11-07-2006, 02:43 AM

ako im playing freestyle japan . cool baskeball online game :smiley:

SAMURAI X

11-07-2006, 10:19 AM

nakaka addict talaga ang counterstrike kahit luma na…

Heto pa yong mga nakaka addict na games ko; World of Warcraft, Bloodrayne, Command and Conquer,Diablo 2…

Nalilito na nga ako kung alin lalaruin ko…hehehehe:D

ecks

03-30-2007, 02:04 PM

tantra philippines is now free to play…:smiley: see you ingame… :slight_smile:

hot_headed

04-17-2007, 12:38 PM

nakaka addict talaga ang counterstrike kahit luma na…

Heto pa yong mga nakaka addict na games ko; World of Warcraft, Bloodrayne, Command and Conquer,Diablo 2…

Nalilito na nga ako kung alin lalaruin ko…hehehehe:D

…counterstrike ba kamo? hehhe! adik na nga rin pati anak ko jan eh! kulet nga eh! 3 kami aagaw sa iisang pc eh! mas mgnda kase laruin yung mga online games sa pc kesa laptop eh! {computer din naman un!}:slight_smile: mga nilalaro namin dito un nga CS GUNZ at gunbound ung grandtheft din!:slight_smile: kaadik talga games! hehhe!

majasnjn

04-17-2007, 02:10 PM

try nyo rin ang Second Life

elmer

04-19-2007, 12:20 AM

ohayou.
baka may naglalaro pa ng Defense Of The Ancients dito sa gg.
add nyo lang as buddy c exaws.

Dielk

05-09-2007, 09:35 PM

Hi … ako naglalaro ng ROSE (Rush on Seven Episodes) online private server which is RuffRose… meron ba naglalaro sa server na ito dito?

paykz

07-09-2007, 07:16 AM

Good morning sa lahat ng ka-TF natin jan:) aga ko nakaharap sa pc…hehehehe…adik me now sa RAN online game sa Pinas…ask lang po kung san pwede makakabili ng load(EP)…baka may mga players din dito ng RAN…yoroshiku minna san:D

Sarevok

07-09-2007, 02:34 PM

sino naglalaro ng runescape (http://runescape.com/)?nice din ang game na ito. :slight_smile: sino naman naglalaro ng WOW?

jam3jp

11-15-2007, 10:22 PM

sino laro dito ng arma armed assault ?graphics ang ganda!

louvette_15

11-15-2007, 11:18 PM

may naglalaro ng arcade games? ako, ako kaso pacman at tetris lang minsan snake pa…hehehe…laro din ako ng chess kaso with my frens sa ym nman. then laro din ako ng scrabble, text twist, word racer, poker and blackjack sa yahoo…ung mga na-mention na games dito, hindi ako maka-relate eh. psensya na po…

ganda_girl89

11-15-2007, 11:43 PM

sa mga taga TF na naglalaro ng chess,laro tayo online sa yahoo games.pampaalis ng pagod after work.

taghirap

11-16-2007, 06:55 AM

tyr world in conflict and ghostrecon advaced warfigther…nice grapics and gameplay:)

taghirap

11-16-2007, 07:05 AM

meron din mggandang games kya lng sigle player lng like bioshock, companys of heroes sa multi players nmn anjan pa din ang series ng command and conquer at latest na lostplanet my lalabas din na super anticipated tlga like call of duty 4 at syempre crysis…

Frian

11-16-2007, 10:47 AM

Hellgate london maganda parang devil may cry ang style ng laro…^_^:)

KikoyBalayon

11-16-2007, 11:37 AM

meron bang online ma minesweeper?

hirosh

11-16-2007, 11:41 AM

ako dn walang alam na ibang online games… sana nga matutunan ko dn ung mga usong games ngaun, para maiba nman ang ginagawa ko sa araw araw…ang alam ko lang kc online bingo, slot at dominoes, gamit kong pangtaya credit card na binigay ni hubby(wala syang kaalam alam kala nya kc larong pangbata ang gnagawa ko)… waaah! talo ako kahapon sa bingo! sugalera na ata ako talaga! :slight_smile:

aviationlady

11-16-2007, 11:57 AM

sa mga taga TF na naglalaro ng chess,laro tayo online sa yahoo games.pampaalis ng pagod after work.
laro tayo :wink:

ecks

06-08-2008, 12:53 PM

may nakakaalam po ba kung pano magconnect sa cabal.ph ang mga taga dito sa japan? gustong gusto ko po kasi i-try kaso i dont know how…if meron po nakakalaro from japan ng cabal.ph kung pwede po paturo how if hindi mashadong busy…

ty po…:open_mouth:

timbog

06-08-2008, 02:28 PM

before nung nasa pinas ako addict ako sa ragnarok(pRO), meron akong 6 accounts, lahat un naka-BOT 24/7… loki server, •Årçhängël•™ guild… my main character is LordKnight… di ako nawawala sa WOE(War of Emperium) para protektahan ang castle namin… (di ako sobrang adik ano? :stuck_out_tongue: )

habang naka-BOT naman ang mga account ko sa ragnarok… pampalipas oras ko ang Pangya, GUnbound, CS, DOTA… :smiley:

ngaun nag-merge ang loki at chaos server ng ragnarok they call the new server Baldur… medyo matamlay na ang pRO ngaun dahil sa mga nagsulputang online games na libre… now my guild (•Årçhängël•™) is dominating sa Perfect World lumipat sila ng game pero online parin sia… at sa levelupgames parin… free kasi ang game time :smiley:

paguwi ko lalaro ako ulit ng online games… ginawan na ako ng account ng mga guildmates ko sa Perfect World para paguwi ko daw lalaro kami ulit… sa tagal namin magkakasama sa Ragnarok nabuo rin ang friendship sa amin na hanggang ngaun di nawawala…

ngaung nandito ako sa malayo… DOTA at CS ang libangan ko :smiley:

:king:

ganda_girl89

06-08-2008, 08:30 PM

laro tayo :wink:

sorry aviation lady.di ko napansin ang reply mo sa post ko.last yr pa pala yun.

sa mga social lounges room ako naglalaro using the same login ID.usually mga 9pm-2am.
lately, di me masyadong naglalaro dahil medyo busy but after 3rd week ng june,babalik na ako sa tokyo at di na naman busy.hopefully,makap aglaro tayo.
thanks…

guy26

06-08-2008, 09:40 PM

gawa kaya kayo - pristontale/ragnarok na private server sasali ako dyan! :cool:

timbog

06-08-2008, 09:43 PM

gawa kaya kayo - pristontale/ragnarok na private server sasali ako dyan! :cool:

ikaw gumawa bro… sasali nalang ako… :smiley: ragnarok nalang para masaya :smiley:

Bluemax

06-08-2008, 10:14 PM

Naglalaro ako ng Eudeomons Online… high definition graphics at ganda ng mga designs… been playing for almost two years na… just access www.eudemonsonline.c om… libre ito hanggang sa katapusan ng mundo hehehe… enjoy!! btw im using las vegas server… mas marami pinoy kasi
:smiley:

KikoyBalayon

06-08-2008, 10:18 PM

ikaw gumawa bro… sasali nalang ako… :smiley: ragnarok nalang para masaya :smiley:

game ako jan… nakakamiss din yung crit sin ko… nakakainis yun… naghulog ng SS card yung monster tapos nag lag yung server… may angas na dumaan pinulot… kakainis… simula nun di ko na pinatuloy hehehe…

ensanguined

06-09-2008, 12:48 AM

game ako jan… nakakamiss din yung crit sin ko… nakakainis yun… naghulog ng SS card yung monster tapos nag lag yung server… may angas na dumaan pinulot… kakainis… simula nun di ko na pinatuloy hehehe…

nangyari na din sakin to, ampness!
oo sana meron private server dito.

tfRO hehehehe/

timbog

06-09-2008, 07:12 AM

game ako jan… nakakamiss din yung crit sin ko… nakakainis yun… naghulog ng SS card yung monster tapos nag lag yung server… may angas na dumaan pinulot… kakainis… simula nun di ko na pinatuloy hehehe…

pare kiks assassin cross na tawag sa sin ngaun… ung sa akin SD type… main character ko talaga LK, pero complete ang characters ng ragna sa akin…

highwiz 99, LK 99, high priest 99, assassin cross 99 at paladin 99… medyo malakas kasi ang kita sa zeny noon kaya medyo napagpatuloy ko ang pagbo-BOTs ng mga accounts ko… hanggang sa napunta ako dito… iniwan ko ung mga accounts ko sa isang kaibigan… sayang kasi ang +9 na equips eh godlike na ang lakas :D…

KikoyBalayon

06-09-2008, 08:31 AM

^ hehe… naiiwanan na pala ako… dati naalala ko yung pina-drive sakin yung priest sa GH… daming tumitihaya dun tapos sabay open room… “resu 1 gems, resu 1k + gem”… o kaya biglang PM sayo… pa resu po… :brush:

yeheygen

06-09-2008, 09:41 AM

Aba ayus! Hangang d2 hinahabol parin ako ng ragnarok…hahahaha …Cge sali ako jan.

shuin0120

06-11-2008, 01:19 AM

mga papz eto laro tau aeRO, private server ng RO yan sali din ako tapos gawa tau guild !!! sino sasali?? dl ko na rin aeRO client…

ecks

06-11-2008, 10:34 AM

waaa…pa-pm nlng po if meron may alam pano makapasok sa ph server of cabal…thanks…

timbog

06-11-2008, 01:48 PM

mga papz eto laro tau aeRO, private server ng RO yan sali din ako tapos gawa tau guild !!! sino sasali?? dl ko na rin aeRO client…

aero server is still up pa ba? may account ako dun ah… grrrr… i forgot my password… :frowning: private server kasi kaya di ako nawili maglaro… pero malakas ung LK ko dun… :smiley:

shuin0120

06-11-2008, 03:35 PM

buhay na buhay pa papz kaya lalaro nga ulit ako e hehe.

timbog

06-11-2008, 03:37 PM

ganun ba… i remember those high wiz mga halimaw… no cast time SG type… astig…

yeheygen

06-11-2008, 04:00 PM

waaa…pa-pm nlng po if meron may alam pano makapasok sa ph server of cabal…thanks…

Friend ko po naglalaro ng CABAL online sa PH.

yeheygen

06-11-2008, 04:02 PM

Meron po ako Dati nilalaro yung Dark RO. Maganda po yun. International Server. Marami din pong pinoy na naglalaro nun. eto po yung WEB. www.darkro.net (http://www.darkro.net):type :

engr_jazon

06-11-2008, 05:14 PM

mga BROs

anu ba magandang games na ilagay sa internet shop?
siguradong yan ang bubuhay sa plano kong business eh…

medyo di ko na alam ang mga usong games ngayon…

Online saka hinde na games…
kahit Command and Conquer Red Alert / Yuris Revenge na style…
Warcraft pwede rin…

ANu na ba mga uso ngayon?

shuin0120

06-11-2008, 05:45 PM

ganun ba… i remember those high wiz mga halimaw… no cast time SG type… astig…
hehe di lang po SG, pati ME ng priest parang cure lang ang casting time ^^; sino sino po ba maglalaro nito para makapag plano na tau gawa tau guild ung tau tau lang mga pinoy na nasa japan :smiley:

guy26

06-11-2008, 05:46 PM

ikaw gumawa bro… sasali nalang ako… :smiley: ragnarok nalang para masaya :smiley:

haha mac ako d puede - wah sali na lang tayo sa ibang popular private server!

game ako jan… nakakamiss din yung crit sin ko… nakakainis yun… naghulog ng SS card yung monster tapos nag lag yung server… may angas na dumaan pinulot… kakainis… simula nun di ko na pinatuloy hehehe…

hahaha kaktawa ka naman!

^ hehe… naiiwanan na pala ako… dati naalala ko yung pina-drive sakin yung priest sa GH… daming tumitihaya dun tapos sabay open room… “resu 1 gems, resu 1k + gem”… o kaya biglang PM sayo… pa resu po… :brush:

Me2 ako nga pala si Nardong-Pnuema Priest ng Fenrir kung maalala nyo kung sino nag layo noon way back 4years ago Steam House of Crane Guild namen! :cool: gawa kayo server tapos tayo tayo GM hehe

timbog

06-11-2008, 05:49 PM

@ Engr

sa pinas ka ba mag bi-business boss? :brush:

maraming games ang nagsulputan, depende din sa lugar ng pagtatayuan mo ng business kung anong games ang nilalaro nila… DOTA at Counter-strike (online & offline) ang common na nilalaro. ung iba puro online na like Ragnarok, MU, Flyf, Pangya, Gunbound, Ran, Perfect World, WoW ang dami kasi :hihi:

depende talaga sa mga player sa paligid ng shop mo… mas ok kung magmamasid-masid ka sa ibang shop na malapit sa pagtatayuan mo ng business :smiley:

:king:

engr_jazon

06-11-2008, 05:57 PM

@ Engr

sa pinas ka ba mag bi-business boss? :brush:

maraming games ang nagsulputan, depende din sa lugar ng pagtatayuan mo ng business kung anong games ang nilalaro nila… DOTA at Counter-strike (online & offline) ang common na nilalaro. ung iba puro online na like Ragnarok, MU, Flyf, Pangya, Gunbound, Ran, Perfect World, WoW ang dami kasi :hihi:

depende talaga sa mga player sa paligid ng shop mo… mas ok kung magmamasid-masid ka sa ibang shop na malapit sa pagtatayuan mo ng business :smiley:

:king:

uu sa pinas pare…

i mean yung mga uso ngayon na bago…

ragnarok,dota,MU,gun bound, alam ko pa mga yan…yung iba na sinabi mo lang di ko ata alam…hehe

di rin kasi ko masyado naglalaro nung college…(goodboy daw sa school)

bandang 2003-2006 yan ang hit sa manila eh…
at hanggang ngayon pa naman hit pa rin…

usually naman nationwide nagmumula lang sa mga cities ang pausuhan ng mga games…

saka another thing pala, anu ba yung di masyado ang requirement sa speeds ng PCs?

halimbawa pentium 4 na 2.2 Ghz plus at 512mbs RAM na PCs ang gamit…

timbog

06-11-2008, 06:07 PM

@Engr

sa mga nabanggit kong games ang bago Perfect World ng LUG(www.levelupgames .com.ph)

maraming bagong games ngaun… i will ask my guildmates about it…


pentium 4 2.2 Ghz
512mbs RAM

i think pede na yan specs na yan… di naman masyadong mataas ang requirements ng mga online games…

Hensoldt

06-11-2008, 06:46 PM

Lalabas na in two days ang aking pinaka-aabangan. :bouncy:

Metal Gear Solid 4: Guns of the Patriots

At may kasamang starter pack ng Metal Gear Online, kumbaga patikim lang, pero mukhang mabababad ako neto at mapilitang itabi muna ang COD4 at GTA IV.

YCe8f_mGXO0

timbog

06-11-2008, 07:11 PM

@Engr.

Cabal, Perfect World and Ragnarok(free to play) daw ung mga bagong games ngaun sa pinas… :king:

engr_jazon

06-11-2008, 07:16 PM

@Engr.

Cabal, Perfect World and Ragnarok(free to play) daw ung mga bagong games ngaun sa pinas… :king:

CABAL and PERFECT WORLD?

hmm… mukhang maganda ah… ganda ng title eh…

thanks bossing

yeheygen

06-12-2008, 09:09 AM

Tama pards…yan din nirerecommend sakin ng friend ko na Online Games. Yung CABAL daw.

KikoyBalayon

06-12-2008, 10:35 AM

@hensoldt

buti pa jan… dito postponed ang release nyan kasi dahil sa akihabara incident… tsk tsk tsk…

Hensoldt

06-12-2008, 04:39 PM

@hensoldt

buti pa jan… dito postponed ang release nyan kasi dahil sa akihabara incident… tsk tsk tsk…

Tuloy pa rin bro. Ang launch event lang ang cancelled. Pero sayang din ang saya siguro nun kung natuloy. Perwisyo talaga yung kumag na yon. :mad:

News article (http://spong.com/article/15562/Konami_Cancels_Akiha bara_Metal_Gear_Soli d_Event?cb=423)

paykz

06-12-2008, 05:02 PM

Good pm po mga ka TF makikisali na rin me:D
Eto po ung link ng CABAL free to play po siya
pero ako Ranonline game kinababaliwan ko hehehe…

http://www.cabal.com.ph/index.php

sana makatulong:)

yeheygen

06-12-2008, 05:20 PM

Good pm po mga ka TF makikisali na rin me:D
Eto po ung link ng CABAL free to play po siya
pero ako Ranonline game kinababaliwan ko hehehe…

http://www.cabal.com.ph/index.php

sana makatulong:)

paykz…nakakaconnec t kaba kahit d2 ka JP…Pero server mo Phil?

paykz

06-12-2008, 05:26 PM

@yeheygen

opo nakaka-connect po basta from egames.ph ka mag-download

shuin0120

06-12-2008, 08:05 PM

totoo po ba yan?

shuin0120

06-14-2008, 02:03 AM

@yeheygen

opo nakaka-connect po basta from egames.ph ka mag-download
I tried it sir pero talagang di pede, nakihiram pa ako ng account sa friend ko sa phil kasi pag nag register ka need pa ng cp number mo (legit lang sa phil… ung cp #) so talagang di po pwede >_>

@all
try ko po ung war rock mukhang ok hehe sikat din daw sa pinas to IIRC international to so pwede tau mag laro nito kahit nand2 po tau sa japan…

ecks

06-14-2008, 03:26 AM

waaaaaaa…pano kayo nakakaconnect sa ph server ng cabal? nag download na ko sa e-games ng installer wala tlga ayaw pumasok…
ayaw talaga saken @_@…im currently playing tantra.ph kaso halos lahat sila nagsilipatan na sa cabal kaya wala na gano maka PVP sa tantra huhuhu…

guy26

06-14-2008, 12:15 PM

Gunbound Philippines na lang applicable pa sa JP haha :cool:

shuin0120

06-14-2008, 12:37 PM

wala na bang malalarong international MMORPG dyan?? ung pede kahit maglaro sa laptop tapos gawa tau group dun…

paykz

06-14-2008, 02:33 PM

@shuin0120

sorry po late reply…pwede po siya kahit anong cp #…in fact ung # ko po dito sa Japan ang nka-register.Pinaka importante lang na talagang alam mo ung personal infos mo in case of hack problems.Marami po na nandito sa Japan naglalaro ng ran.ph paki-check nalang po ung forum for more details.ty see you in game hehehe.

paykz

06-14-2008, 02:34 PM

my probz pa yata sa installer ng cabal.Pki-check na rin sa cabal forum for more infos

ecks

06-14-2008, 07:41 PM

yep nagtry na din ako maglaro ng ran.ph; ay sinilip ko lang pla pumasok naman but cabal ang hindi pumapasok…

applicable ang tantra.ph for japan players and yun ang nilalaro ko as for now; free to play din po sha…so for the mean time habang wala pa ako mapagtanungan kung pano makaconnect sa cabal philippines, mabulok na muna ako sa tantra hahaha:p

anyway baka may gustong sumubok ng tantra heres the link para naman may makasama din ako www.tantra.ph :wink: Diyana server here :open_mouth:

shuin0120

06-15-2008, 03:30 PM

^hmm naghahanap ako ng rpg na pwede malaro dito sa japan e hehe… ganda nito gawa po tau ng clan/guild… as of now marami po ako nakikita pero pangit ung maker.

shuin0120

06-17-2008, 10:32 PM

nakahanap na po ako ng mmorpg kaso ung try ko sya kita ko ban IP ng Japan =))

Dax

06-18-2008, 12:53 PM

so for the mean time habang wala pa ako mapagtanungan kung pano makaconnect sa cabal philippines, mabulok na muna ako sa tantra hahaha:pMag Cabal Online Japan ka na lang ecks san. www.cabal.jp/ (http://www.cabal.jp/) :slight_smile:

yeheygen

06-18-2008, 12:58 PM

Honga…Cabal Japan nalang tayo. Tapos gawa tayo ng [PH]guild. Cguro ung taktikz dun nalng natin tingnan sa forum ng Cabal Phil. hehehehe :D:D:D

shuin0120

06-18-2008, 05:02 PM

kaso mahirap nito ung mga pinoy na di gaano nakakabasa ng jap like me ^^;

KikoyBalayon

06-18-2008, 05:29 PM

applicable ang tantra.ph for japan players and yun ang nilalaro ko as for now; free to play din po sha…so for the mean time habang wala pa ako mapagtanungan kung pano makaconnect sa cabal philippines, mabulok na muna ako sa tantra hahaha:p

anyway baka may gustong sumubok ng tantra heres the link para naman may makasama din ako www.tantra.ph (http://www.tantra.ph) :wink: Diyana server here :open_mouth:

wah… natsukashii(nostalgi a)… may pure heart vidya gandharva ako sa diyana din dati level 60 na nung iniwan ko sa barkada ko… kikay ata name nun… hmm… ano na kaya nagyari dun? pero isipin mo naman 2 years ago pa yun heheh…

shuin0120

06-18-2008, 07:27 PM

wah… natsukashii(nostalgi a)… may pure heart vidya gandharva ako sa diyana din dati level 60 na nung iniwan ko sa barkada ko… kikay ata name nun… hmm… ano na kaya nagyari dun? pero isipin mo naman 2 years ago pa yun heheh…
ako nmn po RF iniwan ko sa barkada ko aun pinakyaw na ata lahat ng mga gamit ko >_> pari ung black knight ko ginawang pang tank hehe

KikoyBalayon

06-18-2008, 10:43 PM

^ cora ka pala… ako meron ako striker dun… kaya lang nung pumunta na ako ng japan hindi ko na napatuloy… tsk tsk…

Dax

06-19-2008, 12:36 AM

Honga…Cabal Japan nalang tayo. Tapos gawa tayo ng [PH]guild. Cguro ung taktikz dun nalng natin tingnan sa forum ng Cabal Phil. hehehehe :D:D:DAhahaha ok na idea yan! Makakatulong pa sa pagaral ng Nihongo di ba? Pati translation! :smiley:

ecks

06-19-2008, 02:30 PM

wah… natsukashii(nostalgi a)… may pure heart vidya gandharva ako sa diyana din dati level 60 na nung iniwan ko sa barkada ko… kikay ata name nun… hmm… ano na kaya nagyari dun? pero isipin mo naman 2 years ago pa yun heheh…

balik ka po paps pra may kasama nmn ako waaaa…may mga friends nmn ako sa game pero the more the many-er diba? hahaha…and badly need FS in vedi kruma ( mid lvl-kruma lvl 60-99 ):wink:

ung cabal jp gusto ko sana pero sasakit ulo ko dun di ako marunong magbasa :(maganda sana yan pra matuto ako magbasa pero hirap ng walang mapagtanungan dahil nag iisa lang ako dito sa bahay most of the time…hehehe

rockinchiq

06-19-2008, 02:52 PM

konnichiwa!
just wanna share my online games…
i played EverQuest I and II,then we(my hubby and i) currently playing Age of Conan…it’s really fun.pinakamalupet for me…we spend most of our time playing this games…lalo na ako na nasa bahay lang…we’ve joined a nice guild also mostly form asia and australia coz of the time zone kailangan yun lalo na pag may raid…maganda sya,nakaka-addict…

timbog

06-19-2008, 02:55 PM

konnichiwa!
just wanna share my online games…
i played EverQuest I and II,then we(my hubby and i) currently playing Age of Conan…it’s really fun.pinakamalupet for me…we spend most of our time playing this games…lalo na ako na nasa bahay lang…we’ve joined a nice guild also mostly form asia and australia coz of the time zone kailangan yun lalo na pag may raid…maganda sya,nakaka-addict…

nabuhay ang addict sa online games… hahaha the EverQuest queen :smiley:

rockinchiq

06-19-2008, 03:00 PM

Hhaha! OT ka huh?Just came back from vacation.(Phil.,HK and Macau)
Di na ko naglalaro ng EQII eh,Age of Conan na game ko…madugong labanan kasi yun tapos may PVP character pa ko…nakaka-addict…
Musta na pareng timbog koy?:stuck_out_tongue:

timbog

06-19-2008, 03:11 PM

Hhaha! OT ka huh?Just came back from vacation.(Phil.,HK and Macau)
Di na ko naglalaro ng EQII eh,Age of Conan na game ko…madugong labanan kasi yun tapos may PVP character pa ko…nakaka-addict…
Musta na pareng timbog koy?:stuck_out_tongue:

ok lang naman, lipat games na rin mga guildmates… from Ragnarok to Perfect World another levelupgames… may account na rin ako dun… mga guildmates nga lang ang napapalevel… wai tdaw nila ako umuwi eh lol…

Ngaun ko lang narinig yan game na yan ah… bago ba?.. addict sa PVP siguro malakas ang character mo lady D…

rockinchiq

06-19-2008, 03:23 PM

yes.bago lang sya…nung april lang nilabas,Jan or Feb pa lang nag order na kami sa amazon.com…hehe…na g start sya ng april,may na kami nakapag start maglaro…Malakas character namin,bad trip nga ako nung lvl 12 (My 4th character)pa lang ako,pinatay ako ng lvl 14,grabe asar ko nun,pinagtatawanan tuloy ako ni hubby…LOL!
I got my revenge already.harharhar! it was tasty!:wink:

timbog

06-19-2008, 03:25 PM

hahaha sarap talaga maglaro ng online games na may PVP mode… mas makikita mo ang lakas ng character mo kung kapwa mo player ang kalaban mo kesa sa mga monsters… at pede ka pa maghari-harian sa isang PVP room… nyahhaa

rockinchiq

06-19-2008, 03:35 PM

hahaha sarap talaga maglaro ng online games na may PVP mode… mas makikita mo ang lakas ng character mo kung kapwa mo player ang kalaban mo kesa sa mga monsters… at pede ka pa maghari-harian sa isang PVP room… nyahhaa
i don’t attact other players,maliban na lang kung sila mauuna…then ayun! dadanak na ang dugo…wehaha…magand a syang laruin,try mo.:wink:

shuin0120

06-19-2008, 06:11 PM

perfect world po ba pede malaro dito sa japan kahit english?

timbog

06-19-2008, 06:20 PM

^ try mo dude… wala kasi ako sa japan… www.levelupgames.com

guy26

06-19-2008, 06:21 PM

wow rockchiq gamer ka pala pano mag laru dyan sa nilalaruan mo? tank moko ah!

timbog

06-19-2008, 06:23 PM

gawa ka muna account dude… bago ka pa tank kay lady D :hihi:

shuin0120

06-19-2008, 10:58 PM

^ try mo dude… wala kasi ako sa japan… www.levelupgames.com
waa… kala ko nasa japan kau >_> sure po yan di pede :smiley:

ecks

06-21-2008, 06:07 PM

perfect world po ba pede malaro dito sa japan kahit english?

pwede po malaro ang perferct world kahit nandito ka sa japan but not perfect world philippines…kelang an po mag download ka and register sa international server and may english version po sila don…I tried it already kaso mahina specs ng pc ko kaya sobrang lag ako and halos d ako makagalaw maybe because of heavy graphics na din…try mo po heres the site:

http://www.perfectworld.com .my/

:):):):slight_smile:

rockinchiq

06-21-2008, 06:20 PM

wow rockchiq gamer ka pala pano mag laru dyan sa nilalaruan mo? tank moko ah!

Hey pareng guy!
yep.i’m a gamer…tama si pareng timbog…pero before that buy the game first.
we bought ours from amazon.com
baka meron sa akihabara,not sure though…
it’s really fun…we(hubby and i) spend most of our time playing Age of Conan Hyborian Adventures…mas maganda sya sa EQI and II and Lord of the ring online…Try mo 'tol.:wink: (silip mode ako dito sa TF while resting from playing Conan for 10mins…:p)

shuin0120

06-21-2008, 06:42 PM

pwede po malaro ang perferct world kahit nandito ka sa japan but not perfect world philippines…kelang an po mag download ka and register sa international server and may english version po sila don…I tried it already kaso mahina specs ng pc ko kaya sobrang lag ako and halos d ako makagalaw maybe because of heavy graphics na din…try mo po heres the site:

http://www.perfectworld.com .my/

:):):):slight_smile:

wow salamat po ^^ kaso same po tau di mababa aspects ng laptop ko so I think cabal pede kaso wala pong internation nun dahil may mga sarili na silang server T_T

ecks

06-22-2008, 02:12 AM

wow salamat po ^^ kaso same po tau di mababa aspects ng laptop ko so I think cabal pede kaso wala pong internation nun dahil may mga sarili na silang server T_T

pwede po maglaro ang mga non-philippine players ng cabal philippines but u have to use philippine IP proxy to login cabal.ph…something like that…since d ko alam pano gawin yan eh sorry nalang ako hahahaha…:stuck_out_tongue:

shuin0120

06-22-2008, 10:35 AM

pwede po maglaro ang mga non-philippine players ng cabal philippines but u have to use philippine IP proxy to login cabal.ph…something like that…since d ko alam pano gawin yan eh sorry nalang ako hahahaha…:stuck_out_tongue:
hehe ok lang po maraming thanks po :smiley:

LUPEN

06-22-2008, 01:02 PM

hello guys! bago lang ako d2 ^^

smarthide yata pwede gamitin para sa proxy na para mag create ka ng ip address ng pinas ^^

ewan ko lang d2 ko pa na try to, pero marami nag sabi ito daw ang ginagamit kaya lang d ko alam kung saan makaka kuha ng free, may bayad kasi e ^^

shuin0120

06-23-2008, 04:06 PM

^mukhang ok po yan kaso may bayad ata T_T

Badz01130

06-25-2008, 08:15 PM

dami pala online games pero cabal pa lang po natry ko medyo maganda rin sya kasi may combo sya eh ito po un character ko

Dax

06-25-2008, 08:21 PM

dami pala online games pero cabal pa lang po natry ko medyo maganda rin sya kasi may combo sya eh ito po un character koNice Mr. ForceBlader. :slight_smile: Saang Cabal ba yan? Di ako makapasok sa Pinas, sa Europe, sa U.S., pati na sa SEA servers. :smiley:

Badz01130

06-25-2008, 08:40 PM

sa pinas po ito hindi ko pa po natry sa EU saka sa US saka sa SEA ngaun lang ako nahilig sa online medyo addict na ngaun hehehe lagi ng puyat :sleep:

Dax

06-25-2008, 09:31 PM

Sinubukan ko sa Pinas pero di ako makapasok, mukhang blocked ang ip ko. :frowning: Si ecks din daw ganun. Naglalaro ako sa Japan server. Sarap mag combo no? Pero mahirap ang timing, 5 pa lang pinakamarami ko. :smiley: Blader nilalaro ko.

ecks

06-25-2008, 11:28 PM

boss Dax sa japan server po ba japanese ang sulat??? walang english option? huhuhu…:frowning:

shuin0120

06-26-2008, 08:51 AM

kung merong english option yan install na ako nyan hahaha

yeheygen

06-26-2008, 10:29 AM

mukhang maganda nga. sana malaman natin kung pano makaconnect sa pinas. mas masaya pag dun eh. yung ibang server nga daw sabi ng friend ko Sarado na sa sobrang dami ng naglalaro. :D:D

Badz01130

06-26-2008, 02:23 PM

oo nga lahat sarado minsan naghihintay pa ako ng matagal bago makapasok may nabasa ako sa forum hindi daw pwede kpag nasa ibang bansa eh kulang pa rin Server nila sa dami ng naglalaro :smiley: sarap sana kung nakakapasok un ba ibang bansa buo tayo ng guild :wink:

yeheygen

06-26-2008, 02:38 PM

hahaha.tama buo tayo guild… “Japans Finest”… hehehe… jowk lang. :smiley:

Dax

06-26-2008, 08:02 PM

boss Dax sa japan server po ba japanese ang sulat??? walang english option? huhuhu…:(Oo naka-Japanese. Pero makakapaglaro ka naman basta nababasa mo katakana, para sa pangalan ng NPCs at mumu. Yung shortcut keys pareho din sa iba, C for character, I for inventory etc. Tsaka yung quests pwede mo tingnan sa English sites. :wink:

Maliban sa laro, masarap sumayaw! :smiley:
UfWoIE0pN5c

More dancing:
QlXdj-Yo5Ho

shuin0120

06-26-2008, 08:10 PM

wow siguro nga ok yan… tapos buo tau guiild dyan para di lonely tau hahaha ano sa palagay nio?? kaso ung skill and effects di natin basta basta mababasa yan lalo na ako T_T

ecks

06-27-2008, 12:17 AM

bhwahahahahhahahahah hahaha!!! walangya ka Dax tawang tawa ako hahahahhahahahha…a yan nag register na ko cabal jp…now installing cabal :D…paturo ako ha plsssss…

ay isa pang tanong; free to play din ba dto sa japan ang cabal?

yeheygen

06-27-2008, 09:28 AM

Question lang po, ano pala ang system requirements ng CABAL? parang PW lang po ba?. :confused:

Dax

06-27-2008, 12:48 PM

bhwahahahahhahahahah hahaha!!! walangya ka Dax tawang tawa ako hahahahhahahahha…a yan nag register na ko cabal jp…now installing cabal :D…paturo ako ha plsssss…

ay isa pang tanong; free to play din ba dto sa japan ang cabal?Oo free to play din. Kung hindi, di papayag si misis. :stuck_out_tongue: May bayad lang kung gusto mo ng premium items. Sige kung may hindi ka maintindihan i-post mo lang ang screenshot, turuan kita. :slight_smile:
Question lang po, ano pala ang system requirements ng CABAL? parang PW lang po ba?. :confused: Sorry di ko alam ang perf. world. Ito ang requirements ng Cabal:

  • Minimum
    CPU: Pentium 3, 800MHz +
    RAM: 512 Mb
    Graphics card: 3D accelerator
    Sound card: Any DirectX 9.0c compatible sound card
    HD space: 2.5GB +

  • Recommended
    CPU: Pentium 4, 1.4GHz +
    RAM: 1GB +
    Graphics card: Radeon 9800PRO + / Geforce 6600GT +
    Sound card: same as above
    HD space: same as above

countermx

06-27-2008, 03:32 PM

mukhang ok ang cabal a. dati perfectworld.ph ako naglalaro. kaso pagpunta ko dito di na ako makaconnect dahil sa IP block. Tinry ko dati yung neosteam.jp (banned din sa english version ng neosteam) kaso boxbox yung nababasa ko. Hindi marender ng maayos yung mga japanese characters. Ok lang kaya yung cabal.jp sa english OS ko Anyway ill try this game tonight.

jacksoft

06-27-2008, 06:07 PM

Try nyo po Zu-Online, a Free2Play MMORPG.

http://rich.igg.com/zu/4226023

Rich and abundant with features you wish to have in an RPG.
No grinding, and has a large community.

Ito po pastime ko, really interesting MMORPG.
I’ve played many MMORPG, this one i found the best.

Try it out.

In case your in, i am in Ghost server IGN: Cannot

@Edit, this is International game but a lot of filipinos around

:slight_smile:

This is an archived page from the former Timog Forum website.