Anybody interested in soccer/football?

mquial

10-31-2005, 11:55 AM

Since Japan and Korea hosted the soccer world cup I became very much interested in football. Before that time I dont know anything about the game, now I know why its considered to be the most popular sport in the world.
Although I dont watch local Japanese league games but I do follow European teams.
I even bought Winning Eleven PS2 game.
So is there somebody here who also likes soccer?
Whats your favorite team and whos your favorite player?

League Team : Real Madrid/Chelsea/Ac Milan
Player : Beckham
National Team: Brazil (Dida,Cafu,Carlos,Lu cio,Juan,Emerson,Kak a,Juninho,Ze Roberto,Ronaldinho,R onaldo,Adriano) World Cup 2006 champions to be.

ganda_girl89

10-31-2005, 12:23 PM

League Team : arsenal gunners and nagoya grampus 8(both bec of bobby valentine…este arsene wenger pala)
Player : zidane(mf) and thierry henri(striker)
National Team: france but ill for argentina to win in germany:)

mquial

10-31-2005, 01:01 PM

nice to know na meron din palang ibang nahilig sa soccer, kasi sa lahat ng mga kakilala kong pinoy dito sa japan ako lang yata

reon

10-31-2005, 09:08 PM

Cool! May mga mahilig din pala sa soccer dito sa Timog! Hindi rin ako nakakanood ng Japanese soccer pero ang gusto ko ay ang European leagues.

League Team: Arsenal (pero hindi yata sila magaling ngayon mula nang nawala si Vieira) at Real Madrid (siyempre).

Player: Zidane and Henry! (mukhang nagkakapareho yata tayo ganda girl, at fan ka rin pala ni Wenger!) Magaling din siyempre sina Beckham at Ronaldinho.

National Team: Gusto ko siyempre ang France (magaling yung 1998 World Cup nila at Euro 2000, big disappointment yung 2002 World Cup)

Lately, hindi na ako nakakapanood ng soccer. Ano ba’ng magaling na team ngayon?

ganda_girl89

10-31-2005, 09:25 PM

reon,apir tayo…pareho tayo ng taste sa futbol.

medyo naguumpisa pa lang yung mga euro leagues ngayon.halos tig 10 games pa lang sila at di pa malinaw kung sino ang nananalo.pero as usual andyan ang juventus at chelsea sa mga nauuna.

reon

11-01-2005, 11:23 PM

Wala sa cable namin ang Liga Espanola o Premiership kaya wala akong mapanood na European club ngayon. Ano ba’ng interesting na local club, mquial at ganda girl?

ganda_girl89

11-01-2005, 11:48 PM

sa skyperfect lang ako nanonood saka sa wowow,reon.para sa akin,di na masyadong interesting ang local league kasi nag aalisan sa jpn ang mga magagaling.after ng 2002WC,halos wala ng natira sa mga member ng japan natinal team kaya di na ako nanonood.standing na lang ang tinitingnan ko…

mquial

11-10-2005, 03:01 PM

Reon,

wla akong paboritong specific na local japan league team.
Pero players may mga ilang magagaling

CB: Nakazawa (must have sa national team)
RB/WB : Kaji (must have sa national team)
LB/WB : Santos (must have sa national team)
MF: Ogasawara (kaya lang medyo mahina pa pag physical ang kalaban)
CF : dito kulang ang japan, hindi pa world class talaga yung mga strikers nila, I hope Oguro can be one

Dax

11-10-2005, 04:33 PM

I’m not much of a sports fan in general. Nanonood lang ako ng soccer tuwing World Cup season. My favorite player the last WC was Oliver Khan of Germany. :slight_smile:

reon

11-10-2005, 10:10 PM

I’m not much of a sports fan in general. Nanonood lang ako ng soccer tuwing World Cup season. My favorite player the last WC was Oliver Khan of Germany. :)Gaya ni mquial, nahilig din ako sa soccer noong magkaroon ng World Cup sa France nung 1998. Sa Finals natalo nila ang Brazil 3-0 kahit nandoon pa si Ronaldo.

Disappointing para sa akin yung last na World Cup dahil ini-expect ko pa naman sanang mapanood ang France team dito sa Japan (kung hindi sa stadium kahit man lang sa live TV) kaso na-eliminate kaagad sila sa first round dahil injured si Zidane. Hindi ko na tuloy na-enjoy hanggang sa huli. Zannen.

Magaling nga si Kahn. Hindi ba nasa Japan siya ngayon?

Mquial, ano ba ba’ng nangyari sa Japan team? Lumusot ba sila para sa 2006 World Cup.

Para sa mga baguhan, baka gusto ninyo i-access ang webpage ng FIFA (http://fifaworldcup.yahoo.c om/06/en/), may mga videos (http://fifaworldcup.yahoo.c om/06/en/p/video.html).

mquial

11-11-2005, 10:48 AM

Reon, yes nakapasok ang Japan para sa World Cup 2006.
Actually sila ang first country, aside Germany dahil host sila, na nag-qualify.

Regarding Khan, after ng World Cup 2002 medyo bumaba ang performance nya.

maribog

11-11-2005, 12:41 PM

wow may mga adik din pala sa soccer dito hehe… sana nga mag invest na lang sa soccer ang pinas kesa basketball since sa soccer di naman factor ang height, mabibilis naman mga pinoy kaya may laban tayo…

favorite team ko: Real Madrid, Chelsea
favorite players: syempre Ronaldo, Frank Lampard, Ronaldinho, Robinho

This is an archived page from the former Timog Forum website.