Bakit hindi gumagamit ng tabo ang mga Hapon?

crister

08-11-2005, 08:38 PM

Bakit di sila naghuhugas ng p**t pagkatapos , punas lang ng tissue OK na sa kanila. Kaya sa sa CR ng company namin di ako naghuhugas ng kamay sa gripo na malimit gamitin ng mga katatapos lang makipagusap kay pareng doro:D

jay402c

08-12-2005, 12:11 AM

explanation ng hapon na nakausap ko,maselan daw kasi ang mga hapon.ayaw nilang mahawakan ang dumi nila kaya sila gumagamit ng tisyu.while yung mga pinoy,madudumi daw kasi hinahawakan nila ang dumi nila pag naghuhugas sila gamit ang tubig at sabon.

juy

08-12-2005, 12:13 AM

yun din sabi ng mga frend ko na hapon!

jay402c

08-12-2005, 12:27 AM

pero lately,dahil sa high technology,natututo na ang mga hapon.marami ng meron electric toilet seats ngayon kahit sa mga public CRs.minsan nakita yun ng isang trainee namin na galing cebu…bilib na bilib! paglabas nya galing sa cr sa isang restoran,sabi sa akin,high tech daw talaga sa japan–lahat ng cr meron water fountain…at ang sarap ng tubig!

stanfordmed

08-12-2005, 09:49 AM

pero lately,dahil sa high technology,natututo na ang mga hapon.marami ng meron electric toilet seats ngayon kahit sa mga public CRs.minsan nakita yun ng isang trainee namin na galing cebu…bilib na bilib! paglabas nya galing sa cr sa isang restoran,sabi sa akin,high tech daw talaga sa japan–lahat ng cr meron water fountain…at ang sarap ng tubig!
That’s grossly :yuck: hilarious!:roll: :toofunny: :biglaugh:

Teddy

08-12-2005, 10:40 AM

Ano yung “tabo”:confused:

Yung asawa ko naman(nihonjin), nung nandun kami sa Pinas, wala syang idea daw kung para saan yung yung tubig nasa pail pag nasa isang CR sa Jollibee:D
Sayang, wala pa kaming “woshuretto”(wash+toilet) sa amin… Ang ginagawa ko instead ay binabasa yung tissue sa parang water fountain sa may toilet tank, at pinupunas yung P**** ko:p

jay402c

08-12-2005, 11:33 AM

Ano yung “tabo”:confused:

Yung asawa ko naman(nihonjin), nung nandun kami sa Pinas, wala syang idea daw kung para saan yung yung tubig nasa pail pag nasa isang CR sa Jollibee:D
Sayang, wala pa kaming “woshuretto”(wash+toilet) sa amin… Ang ginagawa ko instead ay binabasa yung tissue sa parang water fountain sa may toilet tank, at pinupunas yung P**** ko:p

teddy san,
yung tabo ay pansalok ng tubig mula sa pail ng tubig sa jolibee.since magaan ang isang tabo na tubig,yun ang gagamitin na panghugas sa wetpu.
tabo ay pansalok ng tubig na about 1 liter ang laki.usually gawa ito sa plastik o lata.

Dax

08-12-2005, 11:38 AM

Ang tanong naman ng mga Hapones (atbp. non-Pilipino) ay: “Bakit naghuhugas ng p**t ang mga Pilipino samantalang pwede naman punasan lang ng tissue?” :smiley:
Ang point ko lang ay wag nating iisiping mali sila at tama tayo. What we call “common sense” is not common to everyone. :wink:

Para sa akin, unless hugasan mong maigi (i.e. brush-in ang mga kuko + gumamit ng disinfectant tulad ng alcohol pagkatapos) ang iyong mga kamay ay mas madumi ito kesa sa nagpunas lang ng tissue. Hindi naman nakakalusot sa tissue ang dumi (bacteria etc.) na nasa pwet habang pinupunasan ito, well except kung medyo watery siguro. Mas pipiliin kong medyo madumi ang pwet pero malinis ang kamay, kesa medyo madumi ang kamay pero malinis ang pwet! :smiley:

Btw, meron nang 流せる wet tissues.

Bakit di sila naghuhugas ng p**t pagkatapos , punas lang ng tissue OK na sa kanila. Kaya sa sa CR ng company namin di ako naghuhugas ng kamay sa gripo na malimit gamitin ng mga katatapos lang makipagusap kay pareng doro:D

Teddy

08-12-2005, 11:59 AM

teddy san,
yung tabo ay pansalok ng tubig mula sa pail ng tubig sa jolibee.since magaan ang isang tabo na tubig,yun ang gagamitin na panghugas sa wetpu.
tabo ay pansalok ng tubig na about 1 liter ang laki.usually gawa ito sa plastik o lata.
Jay-san, salamat talaga sa pagtuturo mo;) Natatandaan ko na kung ano ang “tabo”:slight_smile:

One more question po. Baklit sa Pinas kadalasan walang toilet seats sa toilet bowls kahit sa malalaking malls? Paano kayo umupo dun? Deretso sa bowl? Lagi kaming nagdadala ng mga wet tissue na may chemical na patayin ang germs.

stanfordmed

08-12-2005, 12:27 PM

One more question po. Baklit sa Pinas kadalasan walang toilet seats sa toilet bowls kahit sa malalaking malls? Paano kayo umupo dun? Deretso sa bowl? Lagi kaming nagdadala ng mga wet tissue na may chemical na patayin ang germs.My guess is that you hover-piss. :smiley:

(I think there was a previous thread about hover- pissing here in TF)

My second guess is that you stand on the bowl and squat? But how about those wearing high heels? :confused:

P.S. I just found this online.

A rather gross and funny commentary… (http://www.hey-joe.net/mag06/m003.html)

Frankly I am terrified of the toilets in the Philippines. One important question I have is, what happened to all the toilet seats in this country? I was always under the impression that, like a pot and a lid, a toilet and a seat were downright inseparable. I have a feeling that all those seatless toilets around here once came with seats and they were either stolen, or more likely, broken by people who, afraid to sit on them because they were so repulsive, decided to put their feet on the seat and squat over the bowl.
Well, I’m sorry. Balancing over the bowl is simply not my idea of comfort. I like to be comfortable. I like to relax. I need to be able to get through the entire sports page.

jay402c

08-12-2005, 01:19 PM

One more question po. Baklit sa Pinas kadalasan walang toilet seats sa toilet bowls kahit sa malalaking malls? Paano kayo umupo dun? Deretso sa bowl? Lagi kaming nagdadala ng mga wet tissue na may chemical na patayin ang germs.

teddy san,kaya walang toilet seat sa mga cr sa mall kasi di nasanay ang mga pinoy na gumamit ng ganoon lalo ang mga below middle class …sa mga ordinaryong bahay kasi tbowl lng usually ang gamit ni

now if maglagay ng toilet seat sa mga public cr,malaki ang posibilidad na masira yun ng mga gumagamit (imagine na ipapatong ng isang 80kg na tao ang mga paa nya na naka sapatos sa plastik na toilet seat) o dudumihan nila esp yung mga bata…kaya maybe for convinient na dahilan,di na nilalagyan ng toilet seat kasi same result pa din…madumi pa din wid o wdawt tseats.

Teddy

08-12-2005, 02:53 PM

(imagine na ipapatong ng isang 80kg na tao ang mga paa nya na naka sapatos sa plastik na toilet seat)
Jay-san, bakit naman ipapatong nila ang mga paa nila sa toilet seat imbes na dun sila uupo :confused:

Sorry for many questions:o

Dax

08-12-2005, 03:28 PM

Teddy-san,

Ang mga Pinoy tradionally katulad din ng mga Hapones pag pumupu: naka-squat. Nakakita ka na ba ng traditional Pinoy inodoro? Kamukha ito ng 和式 na 便器. Minsan sa inaka may ganito pa, although karamihan din ay 洋式 na. Siguro mas kumportable pa din para sa iba ang mag-squat sa itaas ng inodoro kesa umupo. Isa pa, almost always ay basa ang inodoro ng public toilets (pati na sa ibang malls), minsan madumi pa nga, kaya mapipilitan kang mag-squat. :mad:

Jay-san, bakit naman ipapatong nila ang mga paa nila sa toilet seat imbes na dun sila uupo :confused:

Sorry for many questions:o

pinaypie04

08-12-2005, 08:23 PM

kxe mga hapon feeling na nila malinis na un:D tatay ko sosyal
wet tissue:)) heheheh!!!

nick

08-12-2005, 08:36 PM

My guess is that you hover-piss. :smiley: (I think there was a previous thread about hover- pissing here in TF)You mean this (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=134 )? I hope I’m not straying too far from this interesting topic. :slight_smile:

jay402c

08-12-2005, 08:45 PM

teddy san,
mahirap at mahabang paliwanag ang kailangan sa tanong mo kung bakit nila ipapatong ang sapatos sa toilet seat instead na upuan ito.

but i think,yung kawalan ng disiplina ng mga pinoy ang dahilan kaya ganoon.yung naunang gumamit sa cr ay walang disiplina,inapakan nya ang toilet seat kaya nadumihan.kaya nmn yung sumunod ay aapakan din nya dahil madumi na nga…hanggang sa dumumi ng dumumi at masira sa katagalan.
isa din yan sa dahilan kung bakit matrapik sa maynila at kung bakit madaming kalat sa lansangan,etc.
maraming tao ang ayaw sumunod sa tama dahil sa pansariling kasiyahan at ginagaya naman
ng iba.

sensei

06-23-2006, 02:55 PM

BAkit nga ba hindi sila gumagamit ng tabo.
Parang ako hanggang tissue na lang…pahid dito pahid dun!!!
Nasanay na ako…
Ang alam ko kasi puro washlet at system toilet dito sa JApan. High tech diba!!!

And dadi kong hapon pag uwi sa Pinas naghahanap ng toilet paper…puro tabo kasi at timba ng tubig pambuhos. Ang nangyari…hinila nia ung tali na akala eh flush.
Ayun bumuhos sa kanya yung isang plangganang tubig na nakapatong sa ibabaw:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: Diba yung mga planggana sa atin me tali pa para pwedeng isabit? Ayun galit na galit!!!:smiley:

barabara

06-23-2006, 03:32 PM

Noon nasa tokyo pa kami bagong magasawa pa lang kami. lagi akong may tabo na cute naman ha! galit si hubby ko!kaya natuto na ako magtoilet paper., pero hugas ako sa bathroom kasi feel ko mainit ang wetpu ko:D naging problema ko pa ang brief niya eh ingay ko kaya bili siya ng electric toilet seats at nagustuhan. sarap daw ng feeling presko at linis na brief niya.tinuruan ko pa pano pag gamit alisan muna ang dumi bago hugas kasi nagtatalsikan. ako may wet tissue pa bago wash…pag sa sariling bahay gamitin ninyo okey lang pero pag sa maraming gumagamit kagaya ng kaisha no good dahil marumi, sa girl magkaka UTI kayo. kaya ingat…

camouflage

06-23-2006, 08:09 PM

Mukang mahirap na po yatang mabago pa ang tradisyong TABO at ang tamang paggamit ng toilet sa Pilipinas dahilan na rin po sa kakulangan sa disiplina at edukasyon sa tamang pag gamit nito, at dahil na rin sa hirap ng buhay. Yung pambili ng tissue eh, ibibili na lng siguro ng pagkain ng ibang kababayan natin.:frowning:

Kaya para sa akin siguro ang tanging maitutulong ko eh, unahin na natin mismo sa ating sariling pamilya ang pagbabago, turuan natin silang gumamit ng tissue sa bahay para kung atakihin man sa labas at walang tabo at tubig, may tissue naman na dala. :slight_smile:

vectra1123

06-24-2006, 01:31 AM

Katulad na nga rin ng sabi nila ,parang tradisyon at nakasanayan na rin sa atin isama pa rito ang kahirapan ng buhay kaya hanggang ngayon sa tabo pa rin dumidipende ang karamihan sa atin.Pero sa mga nakakaangat naman sa buhay at medyo hightech na ang mga gadget sa bahay syempre tissue na with matching alcohol pa di ba?Pansinin nyo naman ang karamihan ng yari ngayon ng bahay dito sa Japan? Sa klase pa ba naman ng yari ng bahay ngayon dito na kahoy ang sahig uubra pa ba naman na gumamit ng tabo? Bakit hindi nyo tanungin ang mga kaibigan nyong Hapon ,yung matatanda na kung ano ang gamit nila dati pag sila ay umuuo? Dahon ng bayabas?HE!HE!HE!Pan apanahon lang yan!!!JOKE:D

nasty

05-11-2007, 12:08 PM

kxe mga hapon feeling na nila malinis na un:D tatay ko sosyal
wet tissue:)) heheheh!!!
ako din pala sosyal,hehehe (wet tissue eversince ,after mag tissue syempre)

katty0531

05-12-2007, 02:01 PM

Interesting naman topic na ito, parang nanay ko iniisip na raw nya pano pag dating nya dito sigurado wala daw kaming “tabo” sa toilet, kasi hanggang ngayon tubig parin gamit nya…hehehe…sabi ko naman nay, wag kang mag alala pa pindot pindot ka nalang po, high tech na Japan, meron na silang tinatawag na “washlet” na kahit sa pangkaraniwang bahay meron. Kung gusto mo di lang puwet huhugasan sayo pati ano…isang pindot dito, gusto mo puwet lang ito naman si isa, gusto mo i dry puwet mo pindotin mo naman to, gusto mo pag labas mo walang amoy maiiwan ito naman ka ko…sabi ng nanay ko…“ahh…ganon ba” hehehehe…

Pero ako sa public toilets, mas gusto ko don sa lumang style na Japanese inudoro, hehehe…kasi kahit gaano pa ka linis yong toilet kahit sa bagong mga mall never ako umuupo kasi squat talaga ako…kahit may pang punas pang disinfectant tissue/gel.

This is an archived page from the former Timog Forum website.