makulit
09-06-2005, 09:34 PM
Maraming akong tanong … kung member ka dito … sana masagot mo ang tanong ko …
Kailan lang nagkakilala tayo. Hindi naman kita tinanong kung ano ang ginagawa mo dito.
Mukhang mabait ka naman, sapat na sa akin na magkaroon
na sana ng isang kaibigan. Kahit ano ka pa, tanggap
naman kita. Bilang tao, nirerespeto kita.
Bakit kailangan mong magpanggap? Bakit kailangan mong sabihin sa akin na ALT ka sa isang International School?
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkita-kita tayo kanina. Kasama ko ang kaibigan ko. Sinabi ko sa yo na kailangan
nating mag-ingles para maintindihan nya tayo. Hindi ka makapag-ingles. Nagmamadali ka tuloy umalis …
Babae ka, babae din ako. Isa kang ina … isang Ina din ako.
Paano mo nagagawang magkaroon ng asawa at anak dito sa Japan, samantalang may asawa at anak ka din sa Pilipinas?
puting tainga
09-06-2005, 11:39 PM
Patawarin mo siya.
There must be a psychological reason why this person tried to pretend that his/her English was so good as to become an Assistant Language Teacher.
And yet this person came to the chatting room?
(That’s what you meant, I guess.)
Careless. Very careless.
By the way, most Japanese teachers who are teaching English at Junior highschools or highscools can not speak English fluently.
That’s why they need ALTs.
alyssa
09-07-2005, 12:21 AM
Hello Makulit, di naman kaya nahihiya lang siya sa iyo kasi mas magaling ka siguro mag-english sa kanya… Isa pang tanong, iisa lang ba ang tinutukoy mo na tao sa sinabi mo sa thread mo? Kung oo, hindi naman ba nakakaawa iyong tao kung member nga dito sa TF kasi binulgar mo ang buhay niya by telling here in the net na may asawa at anak siya sa pinas…Heeellllo oooo nasaan na ang manner natin, sana kung nabad trip ka sa pagsisinungaling niya sa iyo, sana naman ay huwag mo na ibuking ang personal na buhay nung tao…
Kawawa naman kasi siya, malay mo may iba pa siyang friend dito (kung member nga siya ha)
makulit
09-07-2005, 12:54 AM

Yung tao po na tinutukoy ko ay hindi ko po nakilala sa Timog. Nakilala ko sya two weeks ago on my way home. Actually sya pa nga ang unang bumati sa akin, naglalakad ako, nasa likuran ko sya. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na Pilipino ako, basta narinig ko na lang na may nagsalita ‘ginabi na kayo’. Kasama ko yung daughter ko noon 3 y.o., past 9pm na non. Tinanong nya kung saan ako, hindi naman ako nagsalita masyado. Kung natatandaan kong mabuti, it was more like a one way communication. Sya ang salita ng salita. Ako nakikinig lang. I mentioned Timog forum, sabi nya member daw sya ng ilang filipino forum sa internet. Assistant English Teacher daw kasi sya sa Sta Maria International School, free sa gabi kaya wala syang magawa kundi mag visit ng mga forums. HIndi ko alam kung member sya dito sa Forum. I gave her my number at home and she called me a couple of times the last two weeks. Kumustahan lang.
Since ALT nga sya at dito lang din sa Nerima ang International School niya. Yung friend ko kasi gusto kong maging kapitbahay ulit. So kung sa Nerima yung IS ng anak nya, malamang lilipat sya dito sa lugar namin. So I was telling my friend nga about this kababayan natin. Very proud pa nga ako, kasi syempre dapat naman talagang ipagmalaki.
Kanina, kaming dalawa ng friend magkasama kasi katatapos lang ng japanese class namin. Nagkataon naman na nagksalubong kami ulit ng kababayan natin. So excited naman ako, at yung friend ko na nagtitingin ng mabibili doon sa shop e tinawag ko at pinakilala ko sya. How are you nga lang ang nasabi nya. Tinatanong nga nung friend kung saan yung pinakamalapit na eki doon sa school. Hindi nya masabi sa Ingles, tinagalog nga sa akin at ako pa ang nagtranslate sa friend ko. Chaca namumutla kasi sya. Hindi ko alam kung bakit. E bago ko naman tinawag yung friend ko, maayos naman kulay nya. Tapos, yon nagmadaling nang umalis.
Yung question ko tungkol sa Filipina na may asawa at anak dito sa Japan at sa Pilipinas, hindi po sya yon. May ilan akong nakilala nitong mga nakaraang araw na ganito ang kanilang istorya. Ilang beses ko nang pinagiisipan yung istorya nila. Hindi ko maimagine kung paano nila nagawa yon … huwag na lang sigurong intindihin.
puting tainga
09-07-2005, 02:15 AM
OK, I see.
How are you nga lang ang sinabi niya
:biglaugh: (Big laugh)
ako pa ang nagtranslate sa kaibigan ko
into English?
or into Japanese?
just curious, because after the Nihongo class daw kayo.
Some ALTs are not teachers of English, but teachers of other languages, such as French, but I bet she doesn’t speak French.
makulit
09-07-2005, 07:15 AM
How are you nga lang ang sinabi niya
:biglaugh: (Big laugh)
or into Japanese?
just curious, because after the Nihongo class daw kayo.
Some ALTs are not teachers of English, but teachers of other languages, such as French, but I bet she doesn’t speak French.
Into English puting tainga. Pareho kaming hindi marunong mag japanese ng friend ko. Beginners Class nga lang kami e.
And she specifically mentioned (yung kababayan natin na filipina) na Assistant English Teacher sya. :mad:
rainer2005
09-07-2005, 08:06 AM
Maraming akong tanong … kung member ka dito … sana masagot mo ang tanong ko …
Kailan lang nagkakilala tayo. Hindi naman kita tinanong kung ano ang ginagawa mo dito.
Mukhang mabait ka naman, sapat na sa akin na magkaroon
na sana ng isang kaibigan. Kahit ano ka pa, tanggap
naman kita. Bilang tao, nirerespeto kita.
Bakit kailangan mong magpanggap? Bakit kailangan mong sabihin sa akin na ALT ka sa isang International School?
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkita-kita tayo kanina. Kasama ko ang kaibigan ko. Sinabi ko sa yo na kailangan
nating mag-ingles para maintindihan nya tayo. Hindi ka makapag-ingles. Nagmamadali ka tuloy umalis …
Babae ka, babae din ako. Isa kang ina … isang Ina din ako.
Paano mo nagagawang magkaroon ng asawa at anak dito sa Japan, samantalang may asawa at anak ka din sa Pilipinas?
nakow,ako heto ang paborito ko…lalo na sa umaga habang nagtatanggal ng muta sa mata at humihikab-hikab pa.
umuulan man at bumabagyo…umaaraw man o nagyeyelo…paborit o ko umuusok na tsismis sa buhay ng may buhay…
oissttt,ano ba kayo,nasa japan na tayo.baguhin na ang ugaling tsismosa!
rainer2005
09-07-2005, 08:37 AM
Yung tao po na tinutukoy ko ay hindi ko po nakilala sa Timog. Nakilala ko sya two weeks ago on my way home. Actually sya pa nga ang unang bumati sa akin, naglalakad ako, nasa likuran ko sya. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na Pilipino ako, basta narinig ko na lang na may nagsalita ‘ginabi na kayo’. Kasama ko yung daughter ko noon 3 y.o., past 9pm na non. Tinanong nya kung saan ako, hindi naman ako nagsalita masyado. Kung natatandaan kong mabuti, it was more like a one way communication. Sya ang salita ng salita. Ako nakikinig lang. I mentioned Timog forum, sabi nya member daw sya ng ilang filipino forum sa internet. Assistant English Teacher daw kasi sya sa Sta Maria International School, free sa gabi kaya wala syang magawa kundi mag visit ng mga forums. HIndi ko alam kung member sya dito sa Forum. I gave her my number at home and she called me a couple of times the last two weeks. Kumustahan lang.
Since ALT nga sya at dito lang din sa Nerima ang International School niya. Yung friend ko kasi gusto kong maging kapitbahay ulit. So kung sa Nerima yung IS ng anak nya, malamang lilipat sya dito sa lugar namin. So I was telling my friend nga about this kababayan natin. Very proud pa nga ako, kasi syempre dapat naman talagang ipagmalaki.
Kanina, kaming dalawa ng friend magkasama kasi katatapos lang ng japanese class namin. Nagkataon naman na nagksalubong kami ulit ng kababayan natin. So excited naman ako, at yung friend ko na nagtitingin ng mabibili doon sa shop e tinawag ko at pinakilala ko sya. How are you nga lang ang nasabi nya. Tinatanong nga nung friend kung saan yung pinakamalapit na eki doon sa school. Hindi nya masabi sa Ingles, tinagalog nga sa akin at ako pa ang nagtranslate sa friend ko. Chaca namumutla kasi sya. Hindi ko alam kung bakit. E bago ko naman tinawag yung friend ko, maayos naman kulay nya. Tapos, yon nagmadaling nang umalis.
Yung question ko tungkol sa Filipina na may asawa at anak dito sa Japan at sa Pilipinas, hindi po sya yon. May ilan akong nakilala nitong mga nakaraang araw na ganito ang kanilang istorya. Ilang beses ko nang pinagiisipan yung istorya nila. Hindi ko maimagine kung paano nila nagawa yon … huwag na lang sigurong intindihin.
makulit,ako yung babaeng yun.
pasensya ka na at nagsinungaling ako sa iyo na LT ako.sa totoo lang kasi,simula noong bata ako,pangarap ko na ang maging english teacher.kapag naglalaro kami ng mga kababata ko,ako lagi ang teacher kaya pagdating ko sa japan,naisip ko baka dito man lang at kahit sa pangarap ay mabuo ang dream ko.pasensya ka ulit pero hayaan mo,iimprove ko ang english ko para kung magkita tayo ulit sa eki,pwede na akong makipagsabayan sa iyo.
tungkol naman sa pagkakaroon ko ng asawa at anak sa japan at pilipinas,patawarin mo ulit ako dahil di ko po sinasadya.umibig po ako sa pilipinas,nagka anak pero nabigo dahil batugan ang napangasawa ko doon.sugarol at babaero pa.
pagdating ko sa japan,umibig ako sa pangalawang pagkakataon at nagka anak ulit.wag mo po akong pandirihan dahil tao lang ako na nadadarang at natutukso din.pero maniwala ka o hindi,maligaya po ang buhay ko sa piling ng aking pangalawang pag ibig sa kasalukuyan.wag ka din mag alala sa mga naiwan ko sa pilipinas dahil regular ko silang pinadadalhan mula sa sahod ko sa pagbabalot ng gulay dito sa japan.
Summer!
09-07-2005, 11:14 AM
Ambilis mo naman umamin Rainer…enjoy pa naman sana kami sa mga blind item na binitawan ni Makulit…mahirap ba magbalot ng gulay?
gambatte ne?
makulit
09-07-2005, 12:15 PM
oissttt,ano ba kayo,nasa japan na tayo.baguhin na ang ugaling tsismosa!
ang mga kababayan natin na pilipina. unang kilala mo pa lang, nasasabi na ang buong istorya ng buhay nila hindi mo naman tinatanong. at kita mo pa sa mukha nila na proud sila sa accomplishments nila.
hindi nagtsitsismis … hindi naman haka-haka. nagtatanong ako kung paano nila nagawa yon. siguro mali ang pagkakatanong ko.
e kasi, super bad trip ako kahapon!
paumanhin sa nasaktan sa aking tanong. at hindi si rainer2005 yon. cgurado ako …
adechan
09-07-2005, 12:27 PM
alam nyo ba ewan ko ba …
tsisomosa na rin yata ako … kase nakikibasa na rin ako nang mga ganito …
tamang tama ang devotional topic ko for this day … hindi ko pa nga lang nasisimulan
ang topic ko po ay Matthew chapter 7
at sa verse one po eto ang nakasulat
Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan.
sa mga pagkakataong ganito usually we can’t help ourselves judging each other …
to make my point shorter
touch po ako sa nakita kong frankness and openness ni makulit, and sa grabeng honesty ni rainer. kung naiba-iba lang yan baka nagsasampalan at nagsasabunutan na (jok jok lang), hindi naman cguro dba … cguro baka kayo pa ang maging best of friends at the end …
speaking of nerima … malapit lapit lang sa min by seibu train
may all of you really found the “true peace”
mahirap sabihin lang, kung di mararanasan, napakasarap po nang haplos nang panginoon, just lay everything in prayer
honey
09-07-2005, 12:33 PM
pilipina tsismosa lahat naman ng lahi diba nasa tao yun kung gusto nyang wag syang pag-usapan manahimik sya o wag gagawa ng pwedeng ipuna sa kanya ng iba. opinion ka lang po naman.kung sino man yang blind item na itich i don’t care hanggang basa lang ako hindi ako pwedeng humusga dahil masama yun!
FRIENDS TAYO LAHAT!!!:jiggy:
Karel
09-07-2005, 06:02 PM
Hello Makulit! Bago lang ako dito sa TF kaya yoroshiku ne:cool:
Kawawa ka naman pino-problema mo ang problems ng iba. Hayaan mo sya kong sino man siya.Talo ang pikon dito. In a long run, mas mananaig naman siguro ang katotohanan kaysa haka haka lang. Wait and see na lang tayo sa taong sinasabi mo.At saka buhay na nya yan kong mayroon man syang asawat anak sa Pinas and the same time dito rin sa Japan. Tayo blessed pa rin kay GOD kasi di natin sya katulad??? Diba kawawa ang kalagayan nya kong totot man yan.Pero sana matakot din sya sa KARMA.
Pero ang tao pag humihingi sa atin ng advice bigyan natin hwag natin syang pagdamutan.Anak din sya ng GOD na katulad natin. Pero pag hindi sya humihingi ng advice di dedma na lang diba.
Idalangin na lang natin sila kay GOD na sana magbago na sila dahil kawawa ang mga anak nila.Sana wag magalit sa akin ang natatamaan. Siguro po may kanya kanya kayong dahilan kaya nyo po nagawa iyan.
Ito paalala lang po sa TF members…Bago natin walisin ang ating bakuran siguraduhin nating malinis ang ating bakuran. At saka hwag tayong humusga sa kapwa tao natin, magagalit ang GOD sa atin niyan at ipakita natin dito sa TF ang good manner na itinuro sa atin ng ating mga magulang.
Thanx for the space…
makulit
09-07-2005, 06:19 PM
Hello Makulit! Bago lang ako dito sa TF kaya yoroshiku ne:cool:
Kawawa ka naman pino-problema mo ang problems ng iba. Hayaan mo sya kong sino man siya.Talo ang pikon dito. In a long run, mas mananaig naman siguro ang katotohanan kaysa haka haka lang.
Hi Karel! Talagang talo ako. Sobrang pikon ako doon sa tao na yon. See, I dont get to meet a lot of Filipinos. Sa pitong taon kong stay nga dito dalawa lang na Pilipina ang kaibigan ko at kakilala talaga. Yung isa pa, tatlong taon na kaming walang communication, buti nagkita kami ulit dito sa Timog. Yung isa naman, colleague ko dati yung husband nya.
Bihirang makakita ng Pilipino na hindi mapagmalaki at mayabang dito sa Japan. Hindi ko naman po nilalahat. Kung hindi ka mayabang at mapagmalaki … hindi pa nagkrus ang landas natin Gustong gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan na Pinay/Pinoy dahil nakakalungkot dito talaga paminsan-minsan. Saka tingin ko mas maganda ang pasko at bagong taon kung may kakilala o kaibigan kang Pinoy. Gusto ko ng Pinoy christmas this year!
Huli ko ngang uwi sa atin e halos dalawang taon na … ganon na din ako katagal na hindi kumakain ng pagkain pinoy. Hindi kasi ako marunong magluto ng pagakain natin. Nakalimutan akong turuan ng nanay ko na magluto. Bumili na nga ako ng cookbook, wala pa rin. Masyadong malayo sa luto namin sa bahay, in short hindi masarap ang luto ko …
Anyways, napalayo ako sa usapan … kasi naman … kahit naman sino ang kausap ko, mapa-pilipino or ibang lahi. Kung anu man ang sabihin mo sa akin, maniniwala ako. Wala naman akong reason to doubt your word. Malaking problema ko daw yan sabi ng asawa ko … Well, life goes on.
Yung tungkol naman sa ibang kababayan natin na may family dito at sa Pinas. Hindi ko sila pinoproblema. Madalas ko lang marinig yang istorya na ganyan sa mga pilipino na nakakasalubong ko sa cityhall o misan kaklase ko sa japanese class. Hindi mo naman kasi tinatanong, basta sasabihin na lang sa yo, tapos kita mo sa mukha nila na they are very proud of what they are doing.
Anyways, humupa na ang inis ko … paumanhin sa mga nasaktan sa thread ko …
Summer!
09-07-2005, 06:43 PM
Naintindihan kita, Makulit. Feeling mo siguro naisahan ka sa ipinakita mong pagtitiwala sa lahat ng sinabi niya, only to find out na hindi naman yata siya totoo sa mga sinabi niya. Hayaan mo na lang yun, kung anuman ang reason niya, di na natin alam. Siguro naman may dahilan siya kung bakit ganun ang sinabi niya.
Saan ka ba naglalalagi at di ka makakita ng mga Pinoy na di mayabang, kasi dito naman sa napuntahan ko nang magsimula akong matuto mag-bike at lumabas mag-isa w/o my husband, anak ko lang ang angkas ko e marami-rami na akong mga naging kaibigan at meron kaming constant lunches in each other’s houses. at hindi sila mayabang, hindi rin naman bad influence dahil halos lahat kami kain lang talaga at walang halong sugal o inom man. Sa sinabi mong unang impression mo sa babae na “AET” , na mukhang mabait naman, baka kung hindi mo na lang siya tingnan sa iba pang anggulo ay maaari na siyang maging kaibigan mo, kasi siya naman ang unang bumati sa iyo at halos nag-monologue nung una kayong magkita diba?
Napansin ko rin sa mga babae dito na madali silang mag-open up ng buhay nila kahit una pa lang nilang kilala sa iyo, para sa akin, positive iyon, siguro ibig sabihin, tiwala agad sila sa iyo o sabik lang talaga makipag-usap ng tagalog. Siguro, kailangan din nating ibagay ang sarili natin sa kung sino ang kaharap natin, kasi hindi lahat kapareho ng ugali natin. Learn to adjust kumbaga para lang magkaroon ka ng mas maraming kaibigan. Hindi naman siguro kailangan maging katulad tayo nila. Basta pakisamahan na lang natin sila. I’m sure, dadami ang kaibigan mo, try mo.
gaya nga ng sinabi ni ganda girl HTWH…(kahit unsolicited)…
NemoySpruce
09-07-2005, 08:56 PM
Malawak ang mundo at sari saring tao ang namumuhay dito
Kung ganong karaming tao ang himihigop ng hangin,
Ay ganun din kadaming kwento ng buhay.
Ganun kadami din ng bersyon ng tama sa mali.
Maubos man ang hininga at laway natin sa debate,
Ang ginawa nya ay ginawa nya, ang ginagawa ko ay sakin na lang
Ating alamin muna bago tayo humusga
at sa pag husga, sana ay walang malisya
sana ay walang galit, at pagmamalaki, dahil iba tayo ng pinangalingan
iba tayo ng nakaraan. Ang tama sayo, sakin ay kalokohan
ang dyos mo at ang dyos ko posibleng magkaiba ng simbahan
dahilan ba eto para tayo ay mag away?
dahilan ba to para tayo ay di magpansinan?
maraming tao sa mundo
hindi lahat ito ka-kulay mo
merong bwiset talaga, wag na pag aksayahan ng panahon
merong iba magisip pero marangal
bago mo sara ang pinto
alamin mo muna. siguruhin
ang dahilan sayang din yun
mahirap maghanap ng kaibigan
…pasensya na po. napatula ako! :eek:
tower23ph
09-07-2005, 09:14 PM
Palagay ko puro babae ang nag-uusap dito…pwedeng makisagot, paumanhin po. Sometimes life is hard to explain the way it does but it is harder to explain the life of others! Just think about it…we have the fredom of expression but it should be used at the right way.
To ADECHAN, ano religion mo.?
puting tainga
09-07-2005, 09:41 PM
Ayon sa profile ni Rainer, nakatira siya sa Kashiwa city, Chiba. :gossip: :gossip: :gossip:
Bakit pumunta siya sa Nerima, (at least dalawang beses) I wonder.
Maybe she works there.(Kahit malayo, hindi imposible)
Maybe she moved to Nerima, or its vicinity, after writing the profile.
Of course, you don’t have to write the true name of your city, it is understandable.
Makulit, patawarin mo siya.
jhayelle
09-08-2005, 07:53 AM
kung pretentious sya na tao, and so? wag ka nalang maging apektado diba as long as di naman nya ginugulo buhay mo or niyuyurakan pagkatao mo. Kung ganun ang ugali nya, wag mo na problemahin, wag mo na kunsumihin sarili mo. Intindihin mo buhay mo. Asawa mo, Anak mo. At lalong wag mo ikukumpara pagiging ina mo sa pagiging ina nya. Iba-iba kase naman tayo ng pananaw sa buhay eh. Ibat-ibang choice. At kanya kanya tayo ng dahilan kung baket ganito/ganyan ang gusto nating buhay. Di mo naman alam buong istorya ng buhay nya eh. At siguradong may dahilan sya kung baket nya nagawa ang ganun sayo. Oo, Mali ang ginawa nyang pakikitungo sayo, pero di naman masama. Wala naman siguro sya masamang intensyon. Malamang gusto nya na ma-impress ka sa kanya, para maging kaibigan ka nya. Puede rin natin isipin na kaya sya nag pepretend na ALT, malamang dahilan sa isa syang failure, diba.
At kung in-open nya yung personal life nya sayo,… diba dapat matuwa ka nga eh dahil, feeling nya ay comfortable sya sayo na pag-usapan ang mga ganun na bagay. At nasa saiyo na yun kung ipagsasabi mo sa iba or ikukubli mo nalang iyon sa yong sarili. (naks, seryoso na ito).
Choice mo pa rin kung sa kabila ng pakikitungo nya sayo, gusto mo pa rin ba sya maging kaibigan or hinde…
Kung tanggapin mo sya bilang kaibigan mo, yun na ang paraan para ikaw mismo ang magbago sa ugali nya.
Pero kung ayaw mo sya maging kaibigan at wala ka panahon sa mga ganung klase na tao, e di wag nalang pakielaman.
at ako naman,… katulad ni Adechan… naku… "ewan ko ba nagiging chismosa na rin ata ako… kase nakikibasa na rin ako nang mga ganito "
Matthew ch. 7; vs1
Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. —> AMEN to that!
basta peeps… remember… “Dont judge by its cover”
lol… nagpapatawa lang…
puting tainga
09-08-2005, 08:19 AM
honey
Hi,
Bakit talagang maliit ang font mo?
Just to be polite?
Next time, please use bigger fonts.
puting tainga
09-08-2005, 09:47 AM
nasa likuran ko sya. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na Pilipino ako.
Bilang isang drummer/singer sa kapilya namin, maraming beses nag-tract ako sa 100 yen shop o sa harap ng estasyon.
Recognizing a pilipina is talagang madali, kahit from behind. The way she dresses, the long legs (as compared to a Haponesa), etc.
Also, usually pilipinas stick together, or have kids, and rarely walk alone. (Totoo)
Recognizing a pilipino(male, I mean) is not as easy as recognizing a pilipina.
As for the Bible telling you not to gossip or judge people:
Go to a pinoy church, and you will find philippine foods, and people who are trying not to gossip or judge others.
Ako?
If I were to stone a person who sinned, I shall not do that, and I shall just walk away, knowing hindi ako karapat dapat.
betong
09-08-2005, 02:24 PM
Bihirang makakita ng Pilipino na hindi mapagmalaki at mayabang dito sa Japan. Hindi ko naman po nilalahat. Kung hindi ka mayabang at mapagmalaki … hindi pa nagkrus ang landas natin Gustong gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan na Pinay/Pinoy dahil nakakalungkot dito talaga paminsan-minsan. Saka tingin ko mas maganda ang pasko at bagong taon kung may kakilala o kaibigan kang Pinoy. Gusto ko ng Pinoy christmas this year!
Huli ko ngang uwi sa atin e halos dalawang taon na … ganon na din ako katagal na hindi kumakain ng pagkain pinoy. Hindi kasi ako marunong magluto ng pagakain natin. Nakalimutan akong turuan ng nanay ko na magluto. Bumili na nga ako ng cookbook, wala pa rin. Masyadong malayo sa luto namin sa bahay, in short hindi masarap ang luto ko …
Okay. Ako naman guilty of listening to (or reading) tsismis. Sumimasen.
I was wondering how come it is so hard to meet Filipino’s here in Japan. It’s true, I’ve been living here for 4 months and have only met one Filipina working in a restaurant that serves Filipino foods 1 day a week.
There are a lot of Filipino’s coming to Japan and even though the number will be greatly reduced after the new laws concerning ‘entertainers’ and the sort, it should be easier for us, like Makulit to meet our fellowmen (women…).
Where I lived (Geneva) there is a thriving Filipino community, just near our place which is smack in the center, there are atleast 3 Filipino stores within walking distance. And there are tons of Filipino restaurants. There are even youngster barkada’s (even gangs, though small but still quite boisterous).
Is it the visa status (most work in international organizations or working at homes), professional status (those here working in the night world - thus hard to see or would rather not be seen by others)? What is it?
In other big cities, Frankfurt, London, Toronto… there are so many Filipino’s around that it is easy to have only Filipino friends and live like you’re in the Philippines (food, activities, inuman…).
Anyway, just wondering:O
Sorry, this is totally off the thread.
makulit
09-08-2005, 04:42 PM

Actually Betong, I have seen few filipino’s in my area. Some I saw at Hospitals habang naghihintay sa reception area. Kaya lang even if you smile at them, blank stare lang ang ibibigay nila. Yung iba nga malapit lang sa bahay ko (kasi every morning, nakikita ko sila passing by on their bicycles … pero wala talaga, hindi namamansin.
betong
09-08-2005, 05:07 PM

Yun ba yung mayabang na sinasabi mo?
makulit
09-08-2005, 05:11 PM
Yun ba yung mayabang na sinasabi mo?
hindi suplada ang tawag don.
honey
09-08-2005, 11:45 PM
MAKULIT friendly ka pala naku ako makakita ng pilipina nahihiya syempre di ko kilala papansinin ko kaagad di kasi ako ganun e!kung talagang lalapitan ako at kakausapin kakausapin ko din non stop.
betong
09-08-2005, 11:48 PM
hindi suplada ang tawag don.
Oo nga no suplada.
houseboy
09-10-2005, 11:49 AM
Ayos!!! Makitsismis na rin ako.
Hehehe… . comment lang po…
BAKIT (title ng post) naglalagay kayo ng mga Bible passages na wag mag-judge e in the process medyo jina-judge niyo rin ang character ni Makulit? Hindi ba ironic yun?
Kung tungkol sa Pinoy na mayabang, siguro may ipagyayabang sila kaya ganun. Maganda nga yun e.
Gusto niyo ng Pinoy Christmas? O kaya ay New Year? Invite niyo kami! Kami magluluto, pero kami rin ang kakain.
joeyboy1218
09-12-2005, 02:53 PM
melanie marquez : dont judge my brother he is not a book…
anyways kung ano man nagawa nung nakilala mo siguro may reason behind it, sabi mo nga ang english lang na sinabi nya HOW ARE YOU at least nag english diba, at sa pamumutla nya baka naman may LBM na nag trigger nung nakita ka (joke lang po) …since pare pareho din naman tayo nag hahanap ng friend dito give her (him?) another chance…malay mo maging mag bestfriend pa kayo…
at dun sa chika na may anak at asawa dito at sa pinas…iba iba ugali ng tao yung lang po ang sagot…
at dun sa mga taga yokohama, kawasaki (church) kapag nakita nyo po kaming mga grupong pinoy wag po kayo mahihiya na kausapin kami dipo kami suplado…
This is an archived page from the former Timog Forum website.