totomai
12-14-2005, 06:35 PM
bago pa lang ako dito sa company namin, last time may mali ako sa calculations, ayun, binatukan ako ng boss ko, mali daw kasi. nagulat ako kasi first time lang nangyari sa akin un e, masyado kasi syang perfectionist.
wala akong magawa, tahimik lang ako, sabi ng mga kasamahan ko wag ko lang daw pansinin kasi ganun lang talaga daw un.
sana di na maulit. kung sa inyo mangyari to?
abakitba
12-14-2005, 06:43 PM
That’s troubling.
Kong ako yan, tawag ako nang pulis at charge ko siya nang assault.
Then maybe I’ll get a good lawyer.
Another option is to quit.
What are you going to do?
Good luck to you.
totomai
12-14-2005, 06:49 PM
Salamat, sabi kasi nila dito next time daw na gagawin nya iba na daw un. Baka daw gusto lang ako matuto kaya ganun.
Tiis muna ako konti kung mauulit, ibang usapan na yun.
tfcfan
12-14-2005, 06:53 PM
totomai san! i understand your feeling, pero may mga hapon talaga na ganyan ang mannerism kahit saan.And actually naranasan ko na rin ang mabatukan ,pero di galing sa isang Hapon,kundi sa mismong kababayan pa natin,Kasama ko sa trabaho matanda sa akin ng halos 15 years,babae pa naman,nagkamali yung Mama San namin sa pagkwenta,tapos ako yung napagbintangan nya na nagkwenta.Umangal daw kase yung okyakusan nya actually di ako nasaktan physically but emotionally,para akong napahiya sa sarili ko kase pamilya ko at mismong asawa ko, Hapon din ni minsan di pa ako nabatukan,tapos sya lang na kung tutuusin mas nauna ako sa kanya sa pinagtatrabahuan namin,pero sya pa yung nangganon sa akin:( Nagsumbong nga ako sa asawa ko ang sabi sa akin,batukan ko rin daw sa susunod:) pero sabi ko nga bahala na ang nasa Itaas,ayoko kase ng nakikipag-away eh.Para sa akin forgive and forget!
totomai
12-14-2005, 06:55 PM
salamat din, na point out din pala un ng isa kong japanese na kasama na baka di sadya, pero minsan kasi alam mo ung biro sa hindi, di ba? tapos galit pa kasi sya nun nung binatukan nya ako e.
RAIN
12-14-2005, 07:01 PM
Huwag kang magalit normal lang yang sa hapon lalo na pag matanda na boss mo.Sa trabaho ko ako ang pinamakatagal sa trabaho 10 years pag nag kamali ang hapon na kasama ko sinisipa ko ang puwet pero biro lang sa akin tapos sagot niya sa akin gomen kondo gambarimasu normal lang sa hapon ang nang babatok
abakitba
12-14-2005, 07:10 PM
Binatukan… that must feel degrading, different kind of pain.
Hope it never happens to me.
To those na binatukan nang boss… yong iba, pag nagkamali… binatukan din ba?
If ikaw lang ang binatukan, I’d be worried and would try to put an end to it as soon as possible.
Hope it never happens to you again.
aimi2819
12-14-2005, 07:35 PM
Hi totomai san! Wag mo sanang dibdibin masyado yung pagkakabatok sayo, kasi dito sa mga japanese ang ibig daw sabihin ng batok sa kanila ay pag butihin mo ang ginagawa mo, tsaka parang normal na talaga sa kanila ang mam-batok, minsan pag may time ka manood ka ng tv, lalo na pag comedy, kasi kahit nga maganda at sexy ang guest kung batuk batukan nila ganoon na lang. Kaya ingat na lang, shigoto ganbate ne!
maimai
12-14-2005, 08:06 PM
heloo totomai,dont worry gaya ng sinasabi nila parang natural na lang sa kanila ang mangbatok…kahit ako po naexperience ko yan…hindi ko lang pinapansin,at minsan pag hindi o matiis binabatukan ko rin ang nagbatok sa akin…
abakitba
12-14-2005, 08:33 PM
Survey lang Po’. (Japan only)
- Nabatukan na ba kayo nang boss ninyo?.. anong feeling mo, kong binatukan ka?
- Japon ba o Pinoy ang nang batok.
- Kong ikaw magiging boss, mambabatok ka ba rin?
- Mga kasama mo, binatukan din ba?.. anong feeling mo sa kanila?
Thank you po’:bonk:
crispee
12-14-2005, 08:53 PM
Pag ang nambatok ay ganito ang mukha:p, pwede kong palampasin. Pero kung ganito :mad:, makakatikim siya ng :karate: :fence:
c2ny2
12-14-2005, 10:07 PM
bago pa lang ako dito sa company namin, last time may mali ako sa calculations, ayun, binatukan ako ng boss ko, mali daw kasi. nagulat ako kasi first time lang nangyari sa akin un e, masyado kasi syang perfectionist.
wala akong magawa, tahimik lang ako, sabi ng mga kasamahan ko wag ko lang daw pansinin kasi ganun lang talaga daw un.
sana di na maulit. kung sa inyo mangyari to?
Sabi nga nila ugali na ng mga Hapon yun. Pero dito sa company namin wala pa namang nababatukan na Pinoy. Meron sa kapwa nila. Pakagka binatukan ka uli… just in case ( pero alam ko di na mauulit yun dahil mag iingat ka na ). Aba eh batuka mo rin, ng pabiro.:fence:
jbzealot
12-15-2005, 08:44 AM
Survey lang Po’. (Japan only)
- Nabatukan na ba kayo nang boss ninyo?.. anong feeling mo, kong binatukan ka?
- Japon ba o Pinoy ang nang batok.
- Kong ikaw magiging boss, mambabatok ka ba rin?
- Mga kasama mo, binatukan din ba?.. anong feeling mo sa kanila?
Thank you po’:bonk:
Overall Answer: NO:cool:
Overall Comment: Somehow, effect of being a company who works worldwide.
honey
12-15-2005, 05:06 PM
yung amo ko dating hapon matuwat magalit nambabatok e!
abakitba
12-15-2005, 05:48 PM
Mababa ba ang tingin ninyo… sa taong pinayagan na batukan siya boss niya…
Anong feeling ninyo
kong nakita mong kasama mo
ay binatukan sa ulo nang boss?
totomai
12-15-2005, 05:53 PM
Mababa ba ang tingin ninyo… sa taong pinayagan na batukan siya boss niya…
Anong feeling ninyo
kong nakita mong kasama mo
ay binatukan sa ulo nang boss?
Mataasan nga lang ng boses, nanliit na ako, binatukan pa. kahit ung kasama ko tinataasan ng boses, di ako mapakali kasi ang sama pakinggan
katty0531
12-15-2005, 06:53 PM
hello totomai,
Wag mo lang masyadong dibdibin sa susunod hindi kana magkakamali nyan dahil maaalala mo na yong ginawa sayo, my husband said “sonna koto wa homma dame datte” pero case by case kasi noong bata pa sya mas grabe daw as in SIPA o Tadyak lalaki kasi, pero talagang sa susunod hindi na nagkakamali, dito sa Japan may ganyan talaga pero konti nalang kasi hindi daw talaga dapat yan(sonna koto honto wa dame). Wag ka lang masyadong manliit kasi kahit kapwa nila Hapon nagagawa din ganyan…gambatte ne…
katty chan.
Stacie Fil
12-15-2005, 08:14 PM
Totomai,
If you’ll watch TV, minsan mapapansin mo na yung binatukan eh bukod sa hindi nagagalit, nakangiti at siya pa ang apologitic sa bumatok sa kanila. Lalo na kung sempai or mataas ang posisyon nang gumawa.
I maybe wrong, but I think I read then na bukod sa karaniwang ginagawa iyon na pabiro. One reason or notion hitting one in the head is to kick the devil off one’s head. Thus freeing/waking him up to good or reality. Of course galit yung tao but the heart or concern is to let you not to make another or same mistake. You might say…siguro nung araw yon.
Anyway , siguro try na lang not to commit mistakes and consider understanding a different concept and culture. Isipin mo na lang magpasensya at ang asar…talo. Ikaw ang nakaiintindi, ikaw na lang ang umunawa. Surely later, with your pateince, they’ll respect you more for that.
RAIN
12-15-2005, 08:27 PM
Ikaw lang ba ang gaijin diyan Buti na lang batok sa ibang lugar yapos
abakitba
12-15-2005, 08:29 PM
Hi Stacie Fil…
If you watch tv… makita mo na ang mga tao doon ay mas maganda at mas charming kaysa sa ‘true life.’
I get your point about tv batoks, but no comparison ang nakikita mo sa tv … sa binatukan nang boss dahil nagkamali ang tao.
Hope na wala nang mabatukan.
docomo
12-16-2005, 01:11 AM
ok lang yan totomai… di naman siguro araw araw kang nababatukan eh… baka natuwa lang sa yo…
: ako din nga gustong gusto kong mambatok eh, pabirong batok … para matauhan
abakitba
12-16-2005, 08:41 AM
Kong gusto ninyong mambatok… pinipigalan ba ninyo ang sarili nyo?
Bakit pinipigilan ninyo ang sarili ninyo kong ‘tamang gawa’ ang pambabatok?
Wala sa character ko ang pambabatok…
but sometimes I’d like to strangle people I work with.
Palagay ninyo, ako lang ba ang mey feeling na ganyan?
DJchot
12-16-2005, 09:37 AM
i’ve learned also na normal sa japanese ang nambabatok. pero in our company, wala pa sigurong nambatok or nabatukan afaik. mixed culture kasi kami dito. well, aware siguro yung mga japanese colleagues namin na sa ibang lahi, di maganda ang pambabatok kaya di nila ginagawa. siguro, pag sila-sila, nagbabatukan din hehe
katty0531
12-16-2005, 11:56 AM
Kong gusto ninyong mambatok… pinipigalan ba ninyo ang sarili nyo?
Bakit pinipigilan ninyo ang sarili ninyo kong ‘tamang gawa’ ang pambabatok?
Wala sa character ko ang pambabatok…
but sometimes I’d like to strangle people I work with.
Palagay ninyo, ako lang ba ang mey feeling na ganyan?
Ako na sa character ko ang pambabatok:D , pag hara ga tatsu, talagang hara kiru yo!
Nalahian na yata ako ng Samurai blood, syempre kalahati ng puso ko hapon eh.
Kahit computer ko babatokan ko eh:crash: .Joke joke joke…
totomai
12-16-2005, 12:33 PM
Kong gusto ninyong mambatok… pinipigalan ba ninyo ang sarili nyo?
Bakit pinipigilan ninyo ang sarili ninyo kong ‘tamang gawa’ ang pambabatok?
Wala sa character ko ang pambabatok…
but sometimes I’d like to strangle people I work with.
Palagay ninyo, ako lang ba ang mey feeling na ganyan?
ako din wala sa akin ang mambatok, siguro nga dito sanay sila sa ganun, last time kasi sabi ng kaibigan kong hapon ok lang daw yun, para daw matuto ako
abakitba
12-16-2005, 01:15 PM
ako din wala sa akin ang mambatok, siguro nga dito sanay sila sa ganun, last time kasi sabi ng kaibigan kong hapon ok lang daw yun, para daw matuto ako
Kong ang tao ay natuto dahil binatukan siya…
ano kaya ang mangyari kong binugbog siya…
maging genius kaya?
Binatukan ako nang parents ko… hindi rin daw ako natuto…
siguro it only works kong Japon ang nambabatok?
Anong palagay ninyo?
Thank goodness na meron din taong wala sa kanya ang pambabatok
gabby
12-17-2005, 12:57 AM
Limang taon na ako dito sa Japan pero hindi ko narinig o naranasan na ang mga Japanese mahilig mambatok. Kung sa akin gawin iyan talagang my upper left siyang matangap mula sa akin. Kiber kung mawalan man nang trabaho. :mad: :mad:
totomai
12-17-2005, 09:57 AM

buti ka pa, ako 2 months pa lang nabatukan na. pero kinausap na ako ng president ng company, pasensya daw muna sa amo ko
honey
12-17-2005, 12:03 PM
sabi ng hubby ko (japorms) hindi raw normal yung nambabatok e! bakit daw hindi bibig ang gamitin kung may sasabihin kung nagagalit wag lang daw mananakit .
bianca marie
12-25-2005, 06:19 AM
I don’t think na legal yong mambatok ng employee… Make sure next time di ka na magpabatok, don’t let them stepped on you…
I dated a guy before may kennoment she tungkol sa nga kasama nyang pinay, nagpanting ang tainga ko.:mad: i told him don’t you forget pilipina ang syota mo. Then he shut-up. after that i don’t take crap from anyone. The hell with them:mad: .
totomai
12-29-2005, 06:48 PM
lalabanan ko na sya pag binatukan nya pa ko uli :mad:
bianca marie
12-29-2005, 09:59 PM
lalabanan ko na sya pag binatukan nya pa ko uli :mad:
Good for you! Don’t let anyone stepped over you…
infeliz
12-29-2005, 11:03 PM
Yes it’s true that most Japanese do this:mad:
But…only to people that are close to them.
eri
12-30-2005, 12:51 PM
bago pa lang ako dito sa company namin, last time may mali ako sa calculations, ayun, binatukan ako ng boss ko, mali daw kasi. nagulat ako kasi first time lang nangyari sa akin un e, masyado kasi syang perfectionist.
wala akong magawa, tahimik lang ako, sabi ng mga kasamahan ko wag ko lang daw pansinin kasi ganun lang talaga daw un.
sana di na maulit. kung sa inyo mangyari to?hello totomai:wave: naranasan ko din mabatukan noong bagong salta pa ko dito sa japan…as in maluha luha ako at parang napahiya sa sarili ko:cry: bad trip talaga yang mga hapon na nambabatok!..pero nung tumagal na, nasanay na din ako- hindi po sa batok ha kundi sa ugali nila…Sa kaisya ng asawa ko mga Pinoy din ang Staff,yun ibang hapon kung makasigaw at makamura sa mga pilipino daig pa ang Sacho:mad: …pero yun hubby ko ni minsan hindi sya nanigaw or nanlait or nambatok kahit nagkamali sa trabaho…I think sa tao talaga ang problema,attitude na pinag uusapan dito…Lawakan mo na lang ang pang unawa mo, habaan pa ang pasensya at mag Gambatte sa work,pag tumagal tagal na,tyumempo ka at makibatok na rin:D (joks lang,pero pwde seryosohin:wink: )kasama talaga yan sa pakikipagsapalaran sa buhay-Kaya Mo Yan:king:
abakitba
12-31-2005, 04:04 AM
Yes it’s true that most Japanese do this:mad:
But…only to people that are close to them.
So…
kong hindi pa ako nabatukan nang Japon…
Wala akong Japanese friends na close sa akin?
Or if hindi ako binatokan nang boss ko…
my boss and I…
are Not close?
Tama ba yan? Hmm… magpa batok na kaya ako? but then I’d have to screw up?
infeliz
01-05-2006, 01:33 PM
No, ang ibig ko pong sabihin…kapag family member or long time friend madalas nangyayari yung ganyan In your case, mali kasi talaga…just because he’s your boss or you work in the same company it doesn’t mean pwede ka na niyang batukan
sensei
06-23-2006, 03:42 PM
Nabatukan na rin ako ni boss, hindi na mabilang. GUsto lang daw niang isaksak sa isipan kong mali ako. Pagkatapos non, syempre tatawanan ko lang siya. Malamang kasi magpapakain na naman sa labas para mag meeting…bwahaha eh di busog ang utak ko pati tyan:food: . KAya minsan sinasabihan akong “Wazato de yarimashita na…”:type: Shirankao lang ang beauty ko…
geminigirl
06-23-2006, 04:08 PM
This is one Japanese custom that I really dislike in the sense that it makes me feel so small and inferior!:mad: Nangyari na rin ito sa akin when I was a first-timer. Binatukan ako ng isang staff and I returned the gesture na medyo malakas dahil hindi ko alam na custom nila yun. I was fuming mad and my sacho had to pacify me, explaining that in Japan it is a natural gesture of people who are fond of you, or close to you. But til now di ko pa rin maiintindihan o magustuhan ang custom na ito. In our culture slapping or hitting the head, back or nape is strictly taboo. It is a hostile gesture and anyone who does this to someone is in for a fight of his life:D.
Sometimes a country’s culture is hard to understand…:con fused:
NemoySpruce
06-23-2006, 04:36 PM
The Japanese are perfectionists. Perfection is part of their culture. Borderline obsessive compulsive behavior is part of their culture. If you want to live in japan, you have to accept that fact. a sharp tap to the head is an efficient way to minimize mistakes, its harmless, quick and psychologically painful. You will remember not to make mistakes. Head taps are delivered only when making stupid mistakes. It is not meant to be derogatory as we pinoys perceive it to be. The statement is more like, wake up! you are better than that, do your work properly.
That said, i would have to say, pag ako binatukan ng kahit sino eh makakatikim ng sapak yan. We are different, and in our culture, a tap on the head is derogatory, and it is within our rights to inform them that we do not like it. Hindi pa naman ako nabatukan at sa companyang pinagtatrabahuhan ko at wala pa namang nambabatok, well minsan meron pero pabiro(hindi sakin). I would suggest that you inform your superior that in your culture it is very insulting to be tapped on the head. Suggest to them that next time that you make a stupid mistake, just ‘inform me and I will tap myself on the head for you’ explain that you understand it is their custom, but explain it is not yours. Kung binatukan ka pa din, quit your job. you are working for unreasonable people and if you respect yourself, you will not work there.
sensei
06-23-2006, 05:34 PM
If you want to live in japan, you have to accept that fact. a sharp tap to the head is an efficient way to minimize mistakes, its harmless, quick and psychologically painful.
Ok na sana eh…pagdating dito ooops
Suggest to them that next time that you make a stupid mistake, just ‘inform me and I will tap myself on the head for you’ explain that you understand it is their custom, but explain it is not yours. Kung binatukan ka pa din, quit your job. you are working for unreasonable people and if you respect yourself, you will not work there.
Nandito po tayo sa Japan, baka sabihan tayo ni boss na kung ayaw mong mabatukan, ayusin mo trabaho mo. Kung hindi mo kaya, umuwi ka na lang sa Pilipinas.
Sila po ang nagpapasahod sa atin, depende na lang kung ikaw po yung shacho. Mahirap maghanap ng trabaho sa Pinas. Ang hapon ichiban daiji ang shigoto, kaya sila ganyan.
Hindi po pwede pairalin na nagmamalaki tayo dahil sila ang superior, depende na lang kung panlalait ang ginagawa sa kapwa natin Pilipino.
Peace:)
NemoySpruce
06-23-2006, 06:29 PM
Ang hapon ichiban daiji ang shigoto, kaya sila ganyan.
Hindi po pwede pairalin na nagmamalaki tayo dahil sila ang superior, depende na lang kung panlalait ang ginagawa sa kapwa natin Pilipino.
Peace:)
I disagree. I respect and understand their culture, and I try to blend in as much as I can. But no matter what I do, I will never become Japanese. This situation (yung binatukan ka) is a good place to set your limit. Kung resonableng tao ang kausap mo, wala nang diskusyon yan. Madali namang intindihin, ‘turo sakin ng nanay ko ay bastos ang mambatok’ so kung pwede wag mong gawin sakin. hindi naman pagmamalaki yon, dahil ginagawa mo naman ang trabaho mo, at inaamin mo naman ang pagkakamali mo. Tatanggapin mo ba yun kung pwede namang hindi? Siguro depende na yan sa pagtingin mo sa sarili mo. Sa bahay kasi namin, aso lang ang pinapalo, pag umihi sa sahig. Tumayo ka nang tuwid tsong, pilipino ka diba?
sensei
06-23-2006, 07:31 PM
This situation (yung binatukan ka) is a good place to set your limit. Kung resonableng tao ang kausap mo, wala nang diskusyon yan.
Tatanggapin mo ba yun kung pwede namang hindi? Siguro depende na yan sa pagtingin mo sa sarili mo. Sa bahay kasi namin, aso lang ang pinapalo, pag umihi sa sahig. Tumayo ka nang tuwid tsong, pilipino ka diba?
Pilipino ako pero ang asawa ko hapon. Pagdating sa trabaho, trabahador ang turing nia sa akin hindi asawa. Pantay pantay kaming mgaworkers nia dito. Itinutuwid nia ang pagkakamali ko para hindi tularan ng mga kasamahan ko. Kung batukan man ako, alam ng co-workers ko na dinadaan namin sa biro. Dahil pag ang kaicho ang sumita mas nakakahiya:)
MAsyado mo naman sineseryoso…pag binatukan ka talaga kaya mong mag quit at humanap ng panibagong trabaho? Ano kayang magiging impression sayo ng bago mong papasukan?
ganda_girl89
06-23-2006, 08:02 PM
Kong ako yan, tawag ako nang pulis at charge ko siya nang assault.
ganito rin ang gagawin ko kung sa akin ginawa.kung nagawa nyang minsan,uulit-ulitin nya yun.di rin acceptable na reason sa akin na ganoon talaga ang ugali ng mga hapon aqt pagpasensyahan na lang.
ganda_girl89
06-24-2006, 01:38 AM
Pilipino ako pero ang asawa ko hapon. Pagdating sa trabaho, trabahador ang turing nia sa akin hindi asawa. Pantay pantay kaming mgaworkers nia dito. Itinutuwid nia ang pagkakamali ko para hindi tularan ng mga kasamahan ko.
nalungkot ako at natulala ng matagal ng mabasa ang post mo.nakakalungkot naman ang ginagawang pagtrato sa iyo ng asawa mong hapon…walang respeto.
hindi asawa ang turing nya sa iyo.bilang mag asawa,dapat pareho kayo ng karapatan at sabay na pinapatakbo ang negosyo nyo sa parehas o halos parehas na kapasidad.
naisip ko rin na dapat pa nga maging thankful sya na bilang asawa ay tumutulong ka sa kanya at hindi yung tatratuhin kang trabahador—di ko feel ang respect.
isa pa,maari naman sya sigurong humanap ng ibang paraan o bagay (like pagbibigay ng incentives)para magkaroon ng mabuting example na tutularan ang mga trabahador nya ng hindi ikaw ang ginagawang praktisan o guenia pig.
may posibilidad na baka mawalan din ng respeto sa iyo ang ibang mga trabahador nyo at sa huli ay ikaw rin ay mawalang ng respeto sa sarili mo.
sensei
06-24-2006, 08:31 AM
nalungkot ako at natulala ng matagal ng mabasa ang post mo.nakakalungkot naman ang ginagawang pagtrato sa iyo ng asawa mong hapon…walang respeto.
masyado ka namang apektado…ganyan lang kami sa trabaho. pagdating sa bahay ako ang boss. Hindi ako binabatukan para ipahiya ng tuluyan, hanggang sa tumalsik ang ulo. siguro kung nandito ka mawawala yang impression na yan:D
I love my work, I love the way how they treat their workers here. Baka pag nakilala mo si bosing sabihin mong pa-arubaito naman. Ang mga co-workers ko tumagal dito ng almost 25 years, meron pa nga kaming tauhan na 62 years old eh. Dahil din yan sa magandang treatment…pati management ng mother company. Kung magbatukan kami walang personalan. Don’t get that wrong impression dahil hindi mo kilala mga tao dito, lalo na hindi mo kilala husband ko. Baka mahiya ka sa binitawan mong salita…marami kaming Filipino workers.
Peace to all:bouncy:
sensei
06-24-2006, 08:39 AM
hindi asawa ang turing nya sa iyo.bilang mag asawa,dapat pareho kayo ng karapatan at sabay na pinapatakbo ang negosyo nyo sa parehas o halos parehas na kapasidad.
naisip ko rin na dapat pa nga maging thankful sya na bilang asawa ay tumutulong ka sa kanya at hindi yung tatratuhin kang trabahador—di ko feel ang respect.
One more thing, meron pang mas nakakataas dito, ang kaicho namin. Bago ako masabihang “Firipinjin dakara”…dinidisiplina ako ng asawa ko para hindi kahiya-hiya.
Paanong hindi ako babatukan eh nagpapasimula ako ng tong its dito…kahit siguro ikaw baka batukan mo ako.
mikan1227
06-24-2006, 02:37 PM
hmmmm kung japan style ok lang yung batukan ka ng sempai mo or ng boss mo lalo na kung hapon kasi nasa culture na nila yun eh pero kung nasa pinas ako at batukan ako ng boss ko sumbong ko siya sa labor kaso ang abot nya:D at kung sakaling kapwa pinoy ko naman ang bumatok sa akin dito sa Japan abah eh paglabas namin ng trabaho nde lang batok ang aabutin nya sa akin ano siya hilo :mad: bakit hapon ba siya at kapwa niya pinoy babatukan nya:eek: giyera patani ito noh!:rolleyes::mad:
pero kung ako lang ang masusunod nde ako favor sa batukan style when it comes to work manner nde kasi maganda nakakadegrade.favor pa rin talaga ako sa working manner ng mga western very professional sila kung may mali ka kakausapin ka at sasabihin sayo kung ano ang dapat mong gawin next time…well this is Japan iba talga ang culture mahirap talga maging gaijin!:rolleyes:
nana
06-24-2006, 03:27 PM
batukan ng boss?
NAKU! yung batukan na yan biro man o hindi medyo sensitive case yan!
nung talent pa ako,way back nineteen hundred twenty one (joke)…dyan napauwi best friend ko na tomboy. the story goes this way…
our boss is yak-yak,katawang pacquiao,kabiruan nya yung ka-talent ko na tomboy
na pinakamaganda sa amin(siempre,2nd ako sa maganda :rolleyes: kase bestfriend ko siya…he…he…) sa umpisa biru-biruan lang sila,parang type yata sya ng sacho namin,kaso
nga tomboy nga siya kaya asar siya sa boss namin,minsan tinatawag siya,deadma etong
si tomboy,binatukan siya ngayon…ayun na! nagrambol sila,hinabol ni tomboy si sacho
ng bote ng sochu,eh ang big nun ano?..nung na corner sya sa dressing room,binugbog talaga siya,to make my story short. Pinauwi sya,at binayaran siya sa pagkabugbog,ako lang
ang tanging nag-witness…aba! bestfriend ko yun.Hindi naman ako pinauwi kase baka magsara na omize nya…ako na lang natirang maganda,ha!ha! walang kokontra…:lol:
kaya…hindi biro yang batuk na yan.Kung gusto mo ng katahimikan,wag mo nang patulan,
sa susunod pag inulit nya,kausapin mo at i-explain na ginagalang mo siya bilang boss
pero sa atin degrading kamo ang binabatukan at hindi ka komportable dun…yun lang…:wavey:
ganda_girl89
06-24-2006, 10:16 PM
bahala na lang ang mga gustong nagpapabatok…basta ako asawa man o boss sa trabaho,never… never…at never akong magpapabatok at never kong palalampasin kung may mambatok sa akin.
(may last post sa thread na ito)
yeba!
06-27-2006, 01:39 AM
mukha ngang nasa culture na nila yung mambatok. specially yung matataas towards sa lower sa kanila. ako di pa ako nabatukan sa opis pero napalo nako sa pwet. hehe. pero tapik lang naman. and its not a serious scene. funny lang yung incident in a blooper kind of way. and not work related. umh… balik sa batok. never akong mambabatok dahil ayoko din mabatukan. but then ito culture nila e. better suck it in muna hanggat kaya mo. as long as di naman special treatment lang sa iyo yun. just try not to commit the same mistake na lang next time diba
isipin mo na lang yun ang katumbas ng pangaral sa atin, iba lang way nila ng pag-express. gambatte!
aimi2819
06-27-2006, 09:11 AM
Para sakin, di rin ako papayag na mabatukan, kung yan ang culture nila, sila na lang mga hapon ang magbatukan, kahit sa husband ko, pag pinapagalitan at binatukan yung anak namin, eh talagang gyera patane kami, paluin na nya ng paluin sa puwet wag na wag nya lang babatukan.
depp
06-27-2006, 09:36 AM
makikisingit na rin,nagtrabaho ako dito sa japan for almost 10 yrs.araw-gabi kayod…pero isang bes pa lang akong nabatukan,customer ng omise…kahit umakyat dugo ko sa ulo,nagtimpi pa rin ako…ipinaliwan ag ko sa kanya na huwag na huwag na nyang uulitin sa akin yun o kahit sinong pilipina dahil hate na hate ng pilipina ang binabatukan…sabay tayo at nagpaalam ako sa tencho na uuwi na ko…hindi ko na maibabalik mood kong magtrabaho…
Bahala kayong sisantehin ako basta uuwi ako,iyun e sa loob-loob ko lang…
Mula noon,di na nambatok yung customer na yun kahit kanino,opinyon ko lang na dapat sinasabi natin yun sa kanila…ang pagsasama ng matapat,pagsasama ng maluwag…
si hubby ko,mag-seseven yrs.na kaming kasal,di pa ko nabatukan kahit itong bunso namin…
ang biruan namin ay asaran at tawanan…
Maliit pa ko e umaakyat dugo ko sa ulo pag binabatukan,kaya lumalabas ang pagiging dragon kot pagiging kulot,ggrrrrrrr… .:ohlord: :grrr: :grrr:
totomai
07-22-2006, 01:30 AM
ako na ngayon ang nambabatok sa hapon kong amo tanggalin nila kung tanggalin desidido na ako aalis kung babatukan pa ako uli
japina
07-22-2006, 11:16 AM
naku ganyan talaga sila hindi mo alam tuloy kung biro o totoo. pero if ever na maulit uli aba, batukan mo rin para maramdaman nya yun ginawa nya sayo.
stariray
07-23-2006, 03:06 PM
.For me pagbinatukan na may kasama pang bakero eh…dadakmain kong ba…nya!!!baka sakaling siya ang matauhan!!!:hihi:
aleckxis
07-25-2006, 02:28 PM
Matagal na rin ako dito sa Japan pero 1 time ako nabatukan ng hapon talagang umakyat ang dugo ko sa ulo… ang ginawa ko? binatukan ko din siya 2 beses pa. Sa lahat ng ayaw ko sinasaktan ako, mas mabuti pa pagalitan mo na lang ako kung may pagkakamali ako pero ayoko sa lahat ang nasasaktan ako lalo na ang mabatukan ako? no way… Gusto ko ipakita sa kanila na ang mga pinoy at pinay ay hindi basta-basta papayag na mababatukan man lang.
sabi nga ng mga kasama ko ganon daw talaga ang mga hapon, sabi ko naman matagal ko ng alam na ganon nga sila pero bakit natin hahayaan na batuk-batukan lang tayo di ba? ipakita din natin sa kanila na hindi lahat ng tao eh pwede na lang nilang basta babatukan dahil ang mga hapon me pagka-abusado din kaya sa una pa lang ipakita mo na ang ayaw na gawin sa yo kung gusto nilang makinig sa kanila ng maayos.
Kahit na ang asawa ko pinagsabihan ko na agad the day before kami ikasal, yung asawa ng auntie ng asawa ko nakita ko minura-mura sa harap ko (sacho yung asawa ng isa sa malaking company ng mga shimbun dito sa Japan) para tuloy ako ang napahiya ke obasan dahil sa harap ko pinagmumura siya ng asawa niya kaya kunwari deadma na lang ako pero naawa talaga ako dun ke obasan.
Then ng nasa car na kami sinabihan ko asawa ko na huwag niyang gagawin sa akin ang ganon lalo na sa harap ng mga tao at mapahiya ako o kaya saktan ako dahil pag nagkataon maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Kaya naman ang asawa ko pag medyo may mali ako kinakausap niya ako ng maayos at ganon din ako sa kanya kaya never na nakikita ng mga anak namin na nag-aaway kami.
totomai
07-28-2006, 11:40 PM
salamat po sa lahat ng advice, lapit na ako one year, lapit na akong babay sa kanila
Fuzzy
01-06-2007, 01:59 PM
masyado ka namang apektado…ganyan lang kami sa trabaho. pagdating sa bahay ako ang boss. Hindi ako binabatukan para ipahiya ng tuluyan, hanggang sa tumalsik ang ulo. siguro kung nandito ka mawawala yang impression na yan:D
I love my work, I love the way how they treat their workers here. Baka pag nakilala mo si bosing sabihin mong pa-arubaito naman. Ang mga co-workers ko tumagal dito ng almost 25 years, meron pa nga kaming tauhan na 62 years old eh. Dahil din yan sa magandang treatment…pati management ng mother company. Kung magbatukan kami walang personalan. Don’t get that wrong impression dahil hindi mo kilala mga tao dito, lalo na hindi mo kilala husband ko. Baka mahiya ka sa binitawan mong salita…marami kaming Filipino workers.
Peace to all:bouncy:
Hi Sensei… no matter how great you describe your husband is towards workers - I still do NOT agree that “hitting” is one good way to discipline employees though… I dont know, but am sure many will agree that somehow it is humiliating… aint a shame that this GREAT BOSS you are talking about could not even realize or think of other resort than laying a gentle hand???
mark_15
01-06-2007, 04:25 PM
Hi Fuzzy,
Some readers may find your text color a little bit brilliant. So I toned it down. Other than that you made a good comment to Sensei. Thanks! have a nice day.

01-06-2007, 06:02 PM
Hi Fuzzy,
Some readers may find your text color a little bit brilliant. So I toned it down. Other than that you made a good comment to Sensei. Thanks! have a nice day.
The text color I used was a simple “bold black”… standard color I guess to highlight (and not even striking colors)… I thought you could use these added features here when you feel like it??? But with your comment - I take it as annoyance with what you call “brilliant colors”… so what is the use of these added features??? Might as well set RULES here to FORBID use of these bold/text colored fonts? So are you trying to say that we are NOT SUPPOSE to use bold/text when we feel like it???
Geeezzz!!!
mark_15
01-06-2007, 06:21 PM
The text color I used was a simple “bold black”…
Nope. It was bright blue color. Otherwise, it’s still there if I haven’t changed it to “bold black.” And you could make use of these colors, you just don’t use it on the whole text, so that others can read it clearly, it’s for your own sake too. It is a friendly reminder for everyone around here. Thanks, and have a nice weekend.
Fuzzy
01-06-2007, 06:46 PM

…mark says I could make use of those colors, just DONT USE IT ON the whole text…
Please show the rules and regulations of this forum Mark because your wishes sound like a command… might as well ask the administration to get rid of these rich-text font features here… :mad:
sharpener
01-06-2007, 09:45 PM
bago pa lang ako dito sa company namin, last time may mali ako sa calculations, ayun, binatukan ako ng boss ko, mali daw kasi. nagulat ako kasi first time lang nangyari sa akin un e, masyado kasi syang perfectionist.
wala akong magawa, tahimik lang ako, sabi ng mga kasamahan ko wag ko lang daw pansinin kasi ganun lang talaga daw un.
sana di na maulit. kung sa inyo mangyari to?
kung sa akin nangyari ito
on the spot lalayasan ko sya!
joeblack
01-06-2007, 09:58 PM
…mark says I could make use of those colors, just DONT USE IT ON the whole text…
Please show the rules and regulations of this forum Mark because your wishes sound like a command… might as well ask the administration to get rid of these rich-text font features here… :mad:
I think, in my opinion you have a point Fuzzy san… One thing is, if you have noticed, all the headlines which in front of the TF is all authored by Mark_15. which is informative…
Why not also feature the ideas which is of great information to the TF members in the front line?
We respect him and the administrator to run this forum. But do they follow rules? Anyway, " Law Makers, are the Best Law Breaker"!!! I only voiced out my opinion…
This is an archived page from the former Timog Forum website.