A fascinating NHK documentary about Caloy Yulo, coach Munehiro Kugimiya, and the tremendous challenges they’ve had to overcome
Nice video! Bihira akong manood nang ganyan kahabang video sa Youtube pero, tinapos ko dahil fascinating. Mga impressions:
Ang hirap nyang ganyan ka kabata, dadalhin ka sa isang bansa na hindi mo alam ang lingwahe, kailangan mong aralin mula sa 0, wala kang maintindihan, malayo sa pamilya at kaibigan. Papasok ka sa school yung klase ay pure Nihongo, hindi mo alam kung ano ang sinasabi ng sensei. High school level ang subject pero elementary level lang ang Japanese mo. Hindi ka makapag-communicate sa mga tao, lalo na hindi ka extrovert, naiintindihan ko ang frustration at depresyon na mararamdaman ni Yulo.
On the other hand, gaano ka ka-swerte na may maghahanap para sa iyo ng school sa Japan, bibigyan ka ng allowance, bibigyan ka ng personal coach na magpapatira sa iyo sa kanyang bahay at lulutuan ka ng pagkain, bukod pa sa may access ka sa world-class facilities na wala ang iba na nasa Pilipinas, kung saan makikita mo ang ibang top athletes na mag-train at mag-compete?
Ma-swerte si Yulo at may natural na talent siya, at may isang coach na naniwala kanyang ability.
Yes, very good points @reon.
Hirap talaga nung pinagdaanan nya ano. Ako iniisip ko rin, considering yung introverted personality nya, siguro napaka challenging din ngayon i-navigate ang kanyang overnight fame. Wishing him all the best (as a fellow introvert hehe)