"Comfort Room"

reon

04-18-2005, 12:10 AM

Noong isang araw, pumasok ako sa comfort room ng isang car shop at medyo na-schock ako sa kanilang toilet: para lang itong “butas sa sahig”; walang tanke ng tubig, walang flush, walang kahit na ano bukod sa toilet paper. Kung matalas-talas pa ang paningin ko, makikita ko haggang ilang metro sa baba. Naalala ko tuloy yong mga toilet sa probinsya at doon sa maliit na bayan sa Pilipinas kung saan ako lumaki.

Ang nakaka-shock dito ay wala itong isang kilometro mula sa pinaka-sentro ng Tsukuba, ang Science City ng Japan, isang modernong lunsod na malapit sa Tokyo.

Paul

04-18-2005, 01:09 PM

naka-experience na rin ako ng ganyang klaseng toilet sa Hokkaido nung nag-tour ako na naka-motorsiklo. pero kumpara naman sa Tsukuba, talaga namang probinsiya yung pinuntahan ko.

reon

04-18-2005, 10:24 PM

naka-experience na rin ako ng ganyang klaseng toilet sa Hokkaido nung nag-tour ako na naka-motorsiklo. pero kumpara naman sa Tsukuba, talaga namang probinsiya yung pinuntahan ko.oo nga, sa isang camping ground sa may kyoto, meron din akong nakitang ganito, pero hindi sa ginta ng isang modern na city gaya ng tsukuba. siguro matagal na yong car shop na iyon, at nalimutan lang nilang i-upgrade ang toilet nila. :slight_smile:

pero may magandang point din ang ganitong toilet: hindi ka matatalsikan. :smiley:

Dax

04-19-2005, 11:53 AM

madalas ay di-tangke ang ganyang toire. pinapa-higop yan regularly (once a year ata?). dapat lagi mong i-sara kasi ang maho. tsaka medyo nakakatakot baka biglang lumabas si sadako! :eek: at bunutin ang… :eek:

tenkei88

07-09-2005, 09:54 AM

Yung mga LUMANG BAHAY na may lUMA ring TOILET ay ganyan ang USO noon.
Although merong mga bahay na nagparetoke na at nag-upgrade na ng modern toilets, maeron pa ring ganyang toilet sa panahong ito.

Yung bahay namin, ganyan ang toilet bago ipinagawa ang buong bahay. KADIRI! Hindi tlaga ako makagamit! Every time na medyo 3/4 na ang laman :eek: :yuck: , papatawag na ng BANNAN at papa-nnggrrrrkkk na. Buti na lang, tsokey na ngayon, may shower pa! heheheh…:smiley:

By looking at that type of toilet, we can surmise the type of living conditions before in this country…

Huwag matakot! It’s an experience, guys!:toofunny: …at least, tayo lang ang nakakita ng ganyan, noh!

:biglaugh:

houseboy

10-13-2005, 09:23 PM

Wala yan sa Lolo ko!!! Ooops, mali!

May mga ganyang toilets din sa Pinas… kaya hindi lang kayo nakakakita niyan. Hehehe…Pish!!!:smiley:

docomo

10-13-2005, 09:33 PM

interesting … didn’t know those type of toilets still exist …sana ni picturan mo po :slight_smile:

betong

10-14-2005, 04:23 PM

Akala ko pa naman eh eto lang yung Japanese style toilet. Mayroon pa palang s**t hole dito. :scratch:

Heto naman yung swiss version nung toilet hole. This is in Château de Chillon by Lake Geneva, yung butas naman dito hindi diretso sa tanke buried in the ground kundi diretse siya sa lake. :oops:
Never tried it, pero it being in the upper floors of the castle and the castle set upon a rock (actually the castle was carved from the original stone there) kaya splash-proof din ito. Wala lang dahon na pangpunas sa wetpu…:king: Holy Sh*t!
http://home.pcisys.net/~dj/pics/chillon.jpg

Hungry eyes

10-14-2005, 08:54 PM

Ganyan din yun toilet namin…sa tochigi ken…way back 18yrs ago…naiisip ko …akala ko modern ang japan.ehh bakit ganito un toilet…yakss:eek: …walang flush…staka…bad smell talaga…naging constipated tuloy ako…sa takot na higupin ako pababa eh ang liit liit at payat pa ako nun…imagine… ang ganda at ang laki ng bahay namin dun…este bahay pala ng employer…pero …naiisip ko.maganda din pala yun kasi tipid sa tubig…:smiley:

This is an archived page from the former Timog Forum website.