Consular Services at Phil Embassy

RISINGSUN

07-28-2005, 02:13 PM

Mga kababayan… nabalitaan nyo na po ba ang Philippine Embassy ay open tuwing Linggo:D para sa kanilang consular services from 9am to 3pm daw.:confused: . Sana habaan pa nila ang oras ng consular services.

pointblank

07-28-2005, 03:24 PM

Hello RisingSun. Di ko pa nababalitaan yan , pero kung tutuo man na open na sila on Sundays, we should give them a big round of applause for showing concern for and flexibility to the needs of the Filipino Community in Japan. :thumb:

Hindi lang pulos complaints, but we should be fair and give credit where and when credit is due. Kudos sa mga nasa consular section for their responsiveness and malasakit. (Pero i-verify nyo muna kung tutuo nga ang balita…)

As for longer hours… huwag naman tayong abusado. :slight_smile: Nagbukas na ng Linggo, hindi lang half day kundi hanggang 3 PM, tama na yon… Maraming ibang embassies sa Tokyo, kahit na Monday to Friday, half day lang!!

Paul

07-28-2005, 04:23 PM

ok yan at bukas din sila ng linggo.:thumb: pero sana pagandahin din nila ang sistema para mas mabilis ang pagpo-proseso ng mga dokumento. tsaka sana pag-igihin din nila ang serbisyo, minsan kasi may nakita akong hindi magandang pag-trato sa kababayan natin.

at sa mga kababayan natin, sana naman kapag pupunta tayo sa embassy siguraduhin nating kumpleto ang mga papeles natin at alaming mabuti ang prosesong dapat sundan para hindi maperwisyo ang iba nating kababayan. nakasulat naman sa mga flowchart sa pader ang mga proseso at tsaka nasa website din. tsaka sana panatilihin natin ang katahimikan kasi minsan sa sobrang ingay hindi magkaintindihan ang mga tao sa counter. hindi naman tayo ganyan pag nasa immigration office dito di ba?

me tanong pala ko sa mga taga-embassy. ba’t dati-rati kapag nag-renew ng passport makukuha rin sa araw na 'yon, pero ngayon kailangan pang balikan makalipas ang ilang araw? tsaka ba’t ang mahal ng mga processing fees?

suggestion naman po. kung pwede sana ilagay sa embassy website ang lahat ng forms na ginagamit sa embassy (siyempre hindi kasama yung mga nasa security paper)? nung pinanganak kasi yung baby ko naghahanap ako ng Report of Birth (ROB) form pero wala dun sa listahan ng mga downloadable forms. may nakita ako sa internet galing sa embahada natin sa ibang bansa pero hindi naman yata pwedeng gamitin kasi nakalagay doon yung country of issue. malaking tulong ito lalo na sa aming mga taga-inaka.

mabuhay ang mga taga-embassy at sana’y ituloy ang pagpapabuti sa paglingkod sa ating mga kababayan dito.

ning2

07-28-2005, 11:38 PM

Mga kababayan… nabalitaan nyo na po ba ang Philippine Embassy ay open tuwing Linggo:D para sa kanilang consular services from 9am to 3pm daw.:confused: . Sana habaan pa nila ang oras ng consular services.
hello RISING SUN!

I’ve been there in Phil. embassy last July 21, kasi nag-renew ako ng passport. Nakapaskil na nga sa loob at labas na starting last week of july ay open na sila ng SUNDAY to THURSDAY. I think wala ng fri. and saturday, para sa kanilang consular services. hindi ko na napansin yung iba. Sa mga kababayan na mag-rerenew ng passport, may nadagdag na requirements. don’t forget to bring photo copy of your allien card , hindi nakalagay sa website nila eh.

reon

07-29-2005, 07:40 PM

thanks for the info risingsun.

maganda naman ang impression ko sa services sa embassy, kahit may naririnig ako sa ibang tao na pangit. kung minsan pumupunta sila dito sa tsukuba para magbigay ng consular services. na-renew ko ang passport ko dito sa tsukuba mismo. no complaints.

yung iba meron. naisip ko, “pumunta na nga dito para i-process ang mga papers ninyo, nagko-complain pa kayo.” :slight_smile:

i’m sure yung ibang taong pumupunta sa embassy, merong legitimate causes para mag-complain, pero ako over-all okay lang naman. lahat ng pumunta dito sa tsukuba na taga-embassy well-mannered at mapasensiya. personal opinion ko lang siyempre.

Paul

07-29-2005, 07:47 PM

ok yan, reon. pinupuntahan pa kayo sa tsukuba. sa ibang lugar kaya pumupunta rin sila?

reon

07-29-2005, 07:54 PM

sendai? hindi yata, hehe. di bale, isa-sajes ko. (hindi naman siguro off-topic ito ano?) :slight_smile:

makulit

07-29-2005, 09:28 PM

Bakit ganyan ang embassy natin? Tumatawag ako sa phone kasi may inquire ako. After many attempts of calling, finally, naka-connect din ako. Unfortunately, busy daw ang consular section. Sabi ng operator, i-fax ko daw ang questions ko. So I did, binigay ko ang phone number ko, fax number ko at email address.

Wala naman akong na-receive na reply!!! :mad:

makulit

07-31-2005, 01:18 PM

Nakatanggap na ako ng reply sa embasssy!

Confirmed na po, bukas ang Consular Office ng Embahada Sunday-Thursday 9am-3pm!

ning2

07-31-2005, 02:57 PM

Nakatanggap na ako ng reply sa embasssy!

Confirmed na po, bukas ang Consular Office ng Embahada Sunday-Thursday 9am-3pm!
hello makulit!

Naconfirm ko rin sa friend ko, nabago lang ang working days ng Consular Office ng Embassy , pero hindi nagbago ang oras ganun pa rin. Sana man lang hinabaan na rin nila ang oras kahit man lang 1 hour! In fairness naman pabor sa mga nagwu-work ng Monday to Friday kasi hindi na nila kailangan umabsent.

makulit

07-31-2005, 03:10 PM

Alam nyo ba yung bagong procedure sa embassy natin? Hindi na sila nag-e-entertain ng questions by phone. Ang bagong procedure daw e, i-fax lahat ang questions and by fax din sila mag-reply.

Ano ba yon!!! Yung mga simpleng tanong na answerable naman by OO o HINDI, maghihintay ka pa ng 3 araw bago masagot! Tapos pag-naka receive ka pa ng reply, yung reply standard naman. Like yung tanong ko e, kung pwede na akong mag-apply ng renewal ng passport kahit na next year pa ang expiry ng passport ko. Pinadalhan ako ng requirements for renewal. So maybe ang sagot sa tanong ko e ‘OO pwede na’. Tapos, may additional requirement daw na birth certificate. E tawag naman ako ulit kasi para malaman ko din kung pwede na ba yung birth certificate issued by NSO pero expired na. Kasi di ba may validty period yon sa likod. Naku po!!! Mag-fax daw ako at sasagutin ako by FAX … kainis talaga! Syempre kaya ako tumatawag, ayoko naman masayang ang panahon ko sa pagpunta sa embassy tapos kulang pala requirements ko …

Pero naman, paano yung mga kababayan natin na walang FAX MACHINE!!! Paano sila mag-send at mag-receive ng FAX? Kaya marami din sa mga kababayan natin na pag nagpunta ng embassy hindi kumpleto ang requirements, kasi dahil na rin sa procedure sa embassy natin …

prettylily_1203

08-03-2005, 02:02 AM

okay kung ganoon. pero sana naman yung mga workers natin huwag namang maging masungit kasi kapwa pilipino naman tayong lahat. Hindi k naman sa nilalahat.

makulit

08-31-2005, 01:32 PM

Wow! Ang galing!

Ang bilis po ng service ng Philippine Embassy natin ngayon. Compared to my previous experiences, malaki po ang ipinagbago ng serbisyo ng embassy natin. Nag-apply po ako for renewal of passport last sunday. August 31 ang release date nya. Since pina-post ko, expected ko bukas ang dating.

Surprise ako sobra! Dumating ngayong umaga ang passport ko! So cool! Super bilis!

Keep Up the good work Philippine Embassy!

maple

09-01-2005, 09:16 PM

Ano ba yon!!! Yung mga simpleng tanong na answerable naman by OO o HINDI, maghihintay ka pa ng 3 araw bago masagot! Tapos pag-naka receive ka pa ng reply, yung reply standard naman. Like yung tanong ko e, kung pwede na akong mag-apply ng renewal ng passport kahit na next year pa ang expiry ng passport ko. Pinadalhan ako ng requirements for renewal. So maybe ang sagot sa tanong ko e ‘OO pwede na’. Tapos, may additional requirement daw na birth certificate. E tawag naman ako ulit kasi para malaman ko din kung pwede na ba yung birth certificate issued by NSO pero expired na. Kasi di ba may validty period yon sa likod. Naku po!!! Mag-fax daw ako at sasagutin ako by FAX … kainis talaga! Syempre kaya ako tumatawag, ayoko naman masayang ang panahon ko sa pagpunta sa embassy tapos kulang pala requirements ko …

Hello Makulit, anong nangyari dito sa binanggit mong expired birth certificate, nagamit mo rin ba?

Maple

makulit

09-01-2005, 09:36 PM

Hello Makulit, anong nangyari dito sa binanggit mong expired birth certificate, nagamit mo rin ba?

Maple

Hi Maple.

OO tinanggap naman nila yung birth certificate kahit na ang issuance date ay 2001 pa :smiley:

maple

09-01-2005, 10:51 PM

Hi Maple.

OO tinanggap naman nila yung birth certificate kahit na ang issuance date ay 2001 pa :smiley:

Thanks, Makulit!

Buti nga yung sa iyo year 2001, eh itong sa akin mas luma pa diyan:D

maple

chip melon

03-31-2006, 08:58 AM

tnong ko lng ho kung posible bang maampon ko ang kpatid ko?nrito sya ngaun visiting relatives ang visa nya.pwede bang ako na lng ang umampon sa kanya kasi wla n rn nman syang uuwian sa pinas dhil nag-asawa na sa iba ang mother nmin? kung baga pinabayaan na kmi!24 yrs.old ung sister ko.sna msagot nyo ang t nong ko.
:confused:

sisteract

03-31-2006, 12:39 PM

actually hanggang 3pm lang open ang window pero andun pa rin sila till 6pm at nagtatrabaho para i process ang papers na isinubmit natin

Firipinjin

04-15-2006, 01:42 PM

Ang sistema ba sa embassy natin ay pareho sa Pinas na kailangan maaga kang pumunta dahil aabutin ka ng buong araw para maka-pag renew ng passport? Mahaba ba ang pila o efficient naman ang service?

makulit

04-15-2006, 03:38 PM

Ang sistema ba sa embassy natin ay pareho sa Pinas na kailangan maaga kang pumunta dahil aabutin ka ng buong araw para maka-pag renew ng passport? Mahaba ba ang pila o efficient naman ang service?

morning lang ang processing ng application sa embassy natin. kung nasa loob ka na bago mag 11:30, lunchbreak ng 12:00 - 1:00 then balik ulit sa loob ng embassy para i-accept lahat ng application ng natirang applicants. take note, pag dumating ka ng lampas 11:30 sa embassy hindi ka na papasukin. sabihin sa yo, bumalik ka na lang bukas.

i suggest na pumunta ka ng maaga, at least 9:00 (9:30??) nandoon ka na. Mas maganda rin kung kumpleto lahat ng requirements mo at na filled up properly ang application form. that will save you a lot of time. remember the passport picture. kailangan kitang kita ang mukha mo doon. better doon ka na lang mag papicture. again, for some reasons, kahit okey naman yung dala mo na picture, they will tell you its not good and will ask you to get another picture at doon ka magpa-picture sa loob.

summergirl

05-11-2006, 07:20 AM

ok naman ang embassy pag pumupunta dito sa tsukuba,ang working day nila ay Mon thru thursday EXCEPT fri & sat,ang iba naman kasi hindi pa maintindihan yon kaya nagagalit sila sa embassy.That true mahirap kumontak sa embassy ,pudpod ang kamay mo,pero maraming tao ang kumokontak sa kanila hindi lang tayo,Keep on smiling mga dear ganon talaga,tayo ang dadami ang wrinklse hindi sila

summergirl

05-11-2006, 07:23 AM

yes dear ganon din ang system,kailangan maaga kang pumunta dahil aabutin ka ng mag hapon para sa kailangan mong serbisyo nila,sorry to say that kasi maraming pila,nakakaloka

This is an archived page from the former Timog Forum website.