roy
09-04-2004, 08:41 AM
Meron ba dito na alam ang procedure para sa credit card application? Parang madali lang naman pero hindi ko pa nasusubukan. Mataas ba ang rate of approval?
Napaka-inconvenient kasi ng walang credit card lalo na kung o-order ka sa Internet, although madali lang mag-order ng libro sa Amazon Japan, cash on delivery at libre ang shipping pag more than 1,000 yen.
Roy
daddy_b
09-05-2004, 12:45 PM
Hindi mahirap mag-apply ng credit card kung mayroon kang full-time na trabaho at sariling bank account. Most banks have affiliations with credit card companies. For example, ang Tokyo-Mitsubishi Bank is affiliated with DC. Nag-apply ako lately and in less than 1 month, dumating na ang aking Jizile VISA. Kung mayroon kang full-time na trabaho, hindi mo na kailangan ng guarantor, which will make things easier. Sabihin mo lang kung magkano ang annual salary mo at company name tapos tatawag sila to verify. Lahat ng ito ay by mail or phone, hindi mo kailangan pumunta sa ano mang opisina. Applications forms are available from your bank - for free, of course. And when you send in your application, the only document you need is a photocopy of your alien card. Napaka-simple lang. The only hitch: the application form is in Japanese kaya kung hindi ka makapagbasa ng Hapon, magpatulong ka na lang sa kaibigang marunong magbasa.
daddy_b
jules
09-05-2004, 08:41 PM
I think daddy_b got it right.
You can easily get a credit card if you have a proper visa and a steady job. You can get application forms almost everywhere. I got mine from the local McDonald’s.
I think it was Mitsui Sumitomo. Sinubukan ko lang na mag-apply. And they sent me both VISA and Mastercard.
Some of my friends got theirs from Toys R Us!
You just fill up a form, provide some form of identification (I think I sent them a copy of my National Health Insurance card), mail it to them and wait till they call your workplace. Then (provided everything goes well) you’ll get your card in the mail.
jules
roy
09-07-2004, 02:17 PM
daddy_b and jules,
thanks for the tips. susubukan ko lang mag-submit ng application form. ma-approve sana.
regards,
roy
jay402c
08-06-2005, 03:24 PM
base sa expirience…
1.you can apply by phone sa amex.di masyadong mahigpit ang screening nila. mahal nga lang ang annual fee.
2.malaki rin ang tsansa na ma approve kung sa citibank ka magaaply.3000yen ang annual fee
3.other options ay saison cards at aeon.free ang annual fee dito.
mahigpit ang screening sa nippon shinpan,orico
makulit
08-06-2005, 04:47 PM
Yes, madali lang mag-apply ng credit card. Pero pag-aralan mong mabuti kung saan ka dapat mag-apply. I think mas maganda kung walang annual fee. Bakit ka babayad ng annual fee kung may nag-o-offer naman ng 0 annual fee.
Also, make sure na babayaran mo in full lahat ng credit card bills mo in one go. This way, you wont be paying so much interest, wala ka pang utang. Pag ganito ang ginawa mo, helpful talaga ang credit card sa yo. Dont use cashing … napakataas ng interest. And make sure that you will pay your bills on time. 5 years ago, I was getting married in India, and the bills came. I took out all the money on my main bank and put in Citibank. Nakalimutan ko na darating yung bill sa credit card. They even called the company that I was working for and ask about me
11 days after I came back to Japan, i found two english notices demanding that I settle my bill with the credit card company. That english letter cost me 5000 yens each. I deposited money to the bank next banking day. Everything settled, everyone happy. Eight years later, still using the same credit card. I like their services kasi. Isa lang din ang credit card ko. At hindi ko din madalas dalhin with me para walang temptation
houseboy
08-03-2006, 09:50 PM
Wow, swerte naman ninyo.
I tried applying for a credit card from my bank. Unfortunately, it was denied. Hirap nun, sariling bangko mo, denied application mo for a credit card.
Ask ko lang, saan pwede mag-apply na mali ang rate of approval?
vectra1123
08-03-2006, 10:01 PM

San ka nag apply Houseboy? dito ba sa Japan?Kung dito medyo mahigpit ang screening nila lalo na sa hindi residence visa holder, panigurado ba nila! Pero kung may asawa kang hapon o permanent visa madali lang,basta may trabaho ka o may asawa kang hahabulin sakaling hindi ka makabayad!HA!HA!HA!T atawagan ka nila sa bahay o opisina para malaman kung nagsasabi ka ng totoo!HA!HA!HA!JCB at Credit card ng AEON ang gamit ko ok naman sila!
houseboy
08-04-2006, 09:08 PM

Yap, dito sa Japan. Hirap talaga makakuha. Hehehehe… palibhasa kasi e pang short time lang ako… Ooops, shot lang pala stay ko.
Ako na lang gagamit sa isa mo? Hehehe…
mi-ca2720
08-06-2006, 11:24 AM
na try ko n rin mg-apply ng credit card,bukod s banko,puede rin itry ang post ofice account nyo,madalas s mga yubin kyoku may mga ngaalok ng credit card basta meron kayong account s post office.ntry ko n po ang jcb,life master card and visa cardng omc sabaysabay silang lahat…alien card zerox and insurance card…kahit wala akong trabaho nilagay ko doon housewife lang ako kaya hiningi nila ang name ng company ng asawa ko,add.,tel no.,sya yung guarantor pero s kin nakapangalan yung credit card,tinapos kong bayaran syempre tapos pinastop ko n rin lahat,isa lang ang tinira ko in case n kailanganin ko.ang hirap kasing mgcontrol e…pero syempre depende s gagamit.
efernao
08-07-2006, 03:22 PM
Hi Roy, Nang magapply ako ng credit card, kasama ko husband ko. after pagfillup ko ng form hiningi lang sakin ang bank card ko, alien card and insurance card. Kailangan din po ng hanko nio. Nagapply po ko sa mismong Saison card center at kinuha ko po ay Amex.
kiddoshin
08-12-2006, 02:58 PM
eh kung romnji ang i pang fill ko dun sa application form? ok lang ba? ndi kse ako marunong magsulat ng katakana/hiragana eh… may form ako ng visa dito? ano pa ba other requirements dun? i-fax ko ba to o mail?! help!!! gusto ko kse mag credit card, minsan kse pag malapit na sahod ko, nawawalan ako ng cash kse pinapadala ko sa bank account ko agad sa pinas pera ko para ndi ko na ma withdraw. kso minsan emergency. di ba?! help naman jan mga ka-tf!!!
Polarbear
08-15-2006, 03:40 PM
Tila karamihan sa mga nakakuha ng credit cards ay may mga backers(guarantor) na in some way puwede nilang habulin just in case na takbuhan nyo sila.
Pwedeng malaman kung ano ang visa status ninyo at nung guarantor nyo?Meron na bang nakakuha ng credit card na ang document na maipapakita ay alien card lang (1 year) tapos walang guarantor?(imposible ba?)
vectra1123
08-15-2006, 04:07 PM
eh kung romnji ang i pang fill ko dun sa application form? ok lang ba? ndi kse ako marunong magsulat ng katakana/hiragana eh… may form ako ng visa dito? ano pa ba other requirements dun? i-fax ko ba to o mail?! help!!! gusto ko kse mag credit card, minsan kse pag malapit na sahod ko, nawawalan ako ng cash kse pinapadala ko sa bank account ko agad sa pinas pera ko para ndi ko na ma withdraw. kso minsan emergency. di ba?! help naman jan mga ka-tf!!!
Pwede rin pong romaji ang sulat sa form! Pero kung may kilala kang Hapon na pwedeng magsulat sa iyo ipakisulat mo na lang para siguradong mababasa ng maigi sa card center!Yung sa requirements ,allien card copy mo back to back ,isama mo na rin yung sa passport mo,kumpletohin mo yung mga dapat sulatan lalo na yung sa bank account na gagamitin mo sa pagbabayad at yung paglalagay ng hanko mo ayusin mo dahil kung hindi babalik sa iyo yan. Pagkasyahin mo lahat yan sa kasamang sobre sa loob ng application form at ihulog mo sa post office!Usually 2 weeks ang waiting pareiod nyan ,kung aprubado ,tatawag sila sometimes para kumpirmahin na totoo nga yung taong nag-aapply ng credit card kaya dapat alisto ka sa pagsagot,minsan yung birthday mo ang tatanungin nila at address.Kung talagang kailangang -kailangan mo ang credit card pumunta ka sa DAIE ba yun?Isang shopping center yun na ang ginagamit na Credit card yung OMC duon mataas ang chance mo ng approval kung may trabaho at ayos naman ang Visa status mo ! Hope this helps!
yuki
08-15-2006, 10:26 PM
hi my husband is an agent of mitsuisumitomo.he can help you as well.
houseboy
08-17-2006, 12:26 AM
hi my husband is an agent of mitsuisumitomo.he can help you as well.
wow!!! Yuki san, pwedeng mag apply sa hubby mo???
Jairick
08-17-2006, 10:09 AM
hi my husband is an agent of mitsuisumitomo.he can help you as well.
tried applying for smbc one’s card online a month after getting a savings account at sumitomo. but i got rejected
yuki, any ideas how soon can i reapply?
thermometer
08-17-2006, 12:59 PM
Tila karamihan sa mga nakakuha ng credit cards ay may mga backers(guarantor) na in some way puwede nilang habulin just in case na takbuhan nyo sila.
Pwedeng malaman kung ano ang visa status ninyo at nung guarantor nyo?Meron na bang nakakuha ng credit card na ang document na maipapakita ay alien card lang (1 year) tapos walang guarantor?(imposible ba?)
Hinde po impossible ang mag ka credit card…kung me legal papers ka dto…
at hinde naman kailangn ng co gurantor kung ok naman po ang documents mo…
nag apply ako sa Citibank fro credit card Ok naman ang process…alien card lang hiningi po sakin…then nag switch ako sa JAL Card pra sa maleage system…d ko gusto system ng citibank
nag apply din po ako sa JAL card through brochure nila…then pinalda ko lang copy ng alien card ko po then after 3 weeks ok na po yong card…
nag ka problema lng ako sa “Inka” dahil nakalimutan ko kung signature na ang ginamit ko sa bangko ko or Inka…kaya nabalik skin…
I think…kailangn lng nila proper documents at kung saan bangko nila idedecut ang credit mo…
and well of course veni verify nila lahat ang information nila sa application mo…kung reliable ang info at hinde bogus…kung ok naman maapproved ang credit card…
" Me mga pinoy po ako na naririning na…pinag mamalaki na madami sila credit card…it does not count kung gano karami credit card mo…mas mgnda kung ang credit card mo ay accepted sa lahat ng merchat at hinde tumtalbog… citibank has big credit limit if you are good payer tumtaas ang level nito…upto 300 man ata ang (not sure)…kung me ganon ka kalaki na credit limit bakit kailangn mo pa ng sampung credit card""…
…and last…mahirap mag mentain ng marami credit card …kapag d ka nakakabayad ma boblock list ka sa mga bangko…
Polarbear
08-17-2006, 11:02 PM
Tnx bro!
For now undecided p ako f kukuha ako ng bagong credit card.Yung last credit card ko kc ay ipinaterminate ko na.S pilipinas un, mdali lng mgapply.Nkkmanage p nman ako dto ng walang credit card kc napakaconvenient nman ng mga banko at convenience store, pwedeng magbank transfer anytime, o kya magbayad s counter.
Verification lang bro, baka “inkan” (seal) ang ibig mong sabihin.Tnx for the reply, naremind ako about s seal.May panggagamitan ako tom.Swerte!
yuki
08-18-2006, 08:34 PM
ok.but what do you mean by seal?in fact asawa ko nga gumawa ng credit card na hawak ko.visa card nga hawak ko.anyway ok bye thanks.
puting tainga
08-18-2006, 09:53 PM
what do you mean by seal?
He/she meant hanko.
Though the name is Polarbear, he/she is not talking about sea animals that polar bears eat.:biglaugh:
Joke lang.
Heto ang pictures.
Legally speaking, for a foreigner, signature is fine.
But some clerks don’t know this.
It’s convenient if you have your own hanko. (inkan, seal)
babyangel
01-01-2007, 03:01 AM
Im a new member po,can i ask a question kc nalaman ko na my mga credit card ka na s aeon,jcb at visa.Ano po ginawa nyo at na isyuhan ka po nila?kasi po ako ilang beses ng ng-apply 2lad po sa aeon,jcb,mastercard at sa visa parati po akung denied:confused: bakit po kaya?Hindi kaya po dahil sa wala akung work?o di pa rin po kasi ako permanent residence:rolleyes: 3 yrs na po ako dito sa japan.wala naman po akung kaso at ginawang mali my sarili naman po akung bank account.Can you answer my question pls i want your advice,kasi wala pkung masyado kasi alam dito sa japan lalo na about credit card.Yorushiku po aasahan ko po reply mo.
Happy new year po:)
summergirl
01-01-2007, 09:45 AM
Hi,usually kasi pag sa apartment nakatira maraming nade deny dahil ganon din ang friend ko,madali lang kumuha ng mga credit cards sa postoffice,shopping center,after 2 week mo iyon ma re received if your capable.Minsan sa Visa,iba naman sa account mo,minsan naman sa tirahan mo.Good luck,try it sa na mention ko,kung sa bank medyo mahirap dito sa japan dahil they will check your aacount bago sila mag-bigay.Good luck
RODSKI
01-01-2007, 11:48 AM
Im a new member po,can i ask a question kc nalaman ko na my mga credit card ka na s aeon,jcb at visa.Ano po ginawa nyo at na isyuhan ka po nila?kasi po ako ilang beses ng ng-apply 2lad po sa aeon,jcb,mastercard at sa visa parati po akung denied:confused: bakit po kaya?Hindi kaya po dahil sa wala akung work?o di pa rin po kasi ako permanent residence:rolleyes: 3 yrs na po ako dito sa japan.wala naman po akung kaso at ginawang mali my sarili naman po akung bank account.Can you answer my question pls i want your advice,kasi wala pkung masyado kasi alam dito sa japan lalo na about credit card.Yorushiku po aasahan ko po reply mo.
Happy new year po:) . . . . . . .Happy new year! siguro mas maganda na huwag ka na lang mag credit card:D , ganun din naman yun eh, mag babayad ka rin naman at kung may savings ka naman baket ka pa gagamit ng credit card:confused: , tingnan mo nangyari mukhang mukhang desperado ka tuloy ( huwag ka magalit ha ), sabi mo nga may savings ka naman diba, so di naman kawalan siguro kung di ka na kukuha ng credit card, or sa Pilipinas ka na lang kumuha ganun din yun, magagamit mo din kahit nasaan ka, at kung ma deny ka pa din, o eh ano ngayon may savings ka naman so baket ka mag aalala:confused:
carla
01-01-2007, 12:32 PM
pasali na rin po, ako rin nag apply rin ako ng credit card dito sa japan american express naman po. 1week pag ka apply ko denied po. cguro dahil wala me work, bank account ng hubby ko ang nakalagay sa application at ung hanko nya. sayang gusto ko pa naman mag ka credit card, kasi hubby ko naman ung magbabayad sana. happy new year
ANGELIKA22
01-01-2007, 12:56 PM
minsan, ang habol ko lang sa pag-aaply ng credit card eh yung mga gift checks na ibibigay nila… minsan 2 or 3 thou yen, mga discount cards and mga freebies:)
then nagugulat na lang ako dahil sabay-sabay ang dating ng mga credit cards sa bahay:confused: 4 credit cards na ata ang nsa wallet ko pero isa lang talaga ang ginagamit ko, ung AEON. may isang card naman na hanggang ngaun eh hindi ko alam kung saan at kelan ko in-apply:O
babyangel
01-01-2007, 03:54 PM
. . . . . . .Happy new year!
siguro mas maganda na huwag ka na lang mag credit card:D , ganun din naman yun eh, mag babayad ka rin naman at kung may savings ka naman baket ka pa gagamit ng credit card:confused: , tingnan mo nangyari mukhang mukhang desperado ka tuloy ( huwag ka magalit ha ), sabi mo nga may savings ka naman diba, so di naman kawalan siguro kung di ka na kukuha ng credit card, or sa Pilipinas ka na lang kumuha ganun din yun, magagamit mo din kahit nasaan ka, at kung ma deny ka pa din, o eh ano ngayon may savings ka naman so baket ka mag aalala:confused:
Salamat po sa reply,kasi po kaya ko gustong mg-ka credit card dahil pg-my gusto kung bilhin sa internet yon ang intensyon ko kasi sa internet halos credit card ang ginagamit at kung sakali may pagkakataon man na mg-shopping at kinulang sa budget magagamit mo ang credit card di ba:rolleyes: kaya i want talaga ng credit card.Sa pinas naman kasi ng-apply na ko 4months na hanggang ngaun di ko alam ang ngyari kasi wala pa sagot sa inaplayan ko na bangko,kaya ng-try me here and japan yon nga lng denied naman lagi:( i hope na get mo ko thats way i want a credit card:)
babyangel
01-01-2007, 04:04 PM
minsan, ang habol ko lang sa pag-aaply ng credit card eh yung mga gift checks na ibibigay nila… minsan 2 or 3 thou yen, mga discount cards and mga freebies:)
then nagugulat na lang ako dahil sabay-sabay ang dating ng mga credit cards sa bahay:confused: 4 credit cards na ata ang nsa wallet ko pero isa lang talaga ang ginagamit ko, ung AEON. may isang card naman na hanggang ngaun eh hindi ko alam kung saan at kelan ko in-apply:O
Buti ka pa may mga credit card na.May work ka ba here n japan?Kaya ka siguro nabigyan ng credit card.Pls advice naman kung pano at ano dapat kung gawin para mgkaron ng credit card:rolleyes: Hapi new year po.
mbstorun
01-01-2007, 07:26 PM
Wow, swerte naman ninyo.
I tried applying for a credit card from my bank. Unfortunately, it was denied. Hirap nun, sariling bangko mo, denied application mo for a credit card.
Ask ko lang, saan pwede mag-apply na mali ang rate of approval?
…try to apply visa card of JAL may credit card kana meron ka pang accumulated miles sayang din yun…tatawag ka lang sa kanila…in 1 week dadating na credit card mo sayo…
babyangel
01-01-2007, 10:20 PM
…try to apply visa card of JAL may credit card kana meron ka pang accumulated miles sayang din yun…tatawag ka lang sa kanila…in 1 week dadating na credit card mo sayo…
Parang ang bilis naman po ata ng release ng credit card na inapply mo:rolleyes: Kelangan po ba my work pg mg-apply:confused: kasi ilang beses na rin akung denied siguro dahil wala akung work pero mayron naman sana kung savings nakapagtataka lng bakit denied always:( advice naman ano dapat gawin at pingi contact tel# pra maka try me sa JAL.Thanks:)
ANGELIKA22
01-01-2007, 10:37 PM
Buti ka pa may mga credit card na.May work ka ba here n japan?Kaya ka siguro nabigyan ng credit card.Pls advice naman kung pano at ano dapat kung gawin para mgkaron ng credit card:rolleyes: Hapi new year po.
oo may work ako here kaya rin siguro ako nabibigyan… kasi idi-depende nila ang credit limit mo sa sweldo mo eh. and i can say na very convenient ang may credit card lalo na kung uuwi sa aten sa 'pinas. mas mahirap kasi ang magdala ng maraming cash at baka madale pa ng hold-up or snatching. mawala man ang card, hindi rin nila magagamit kasi kailangan na ngaung ipakita ang katibayan or ID pag sa pinas mo gagamitin pag international credit card. and pede ring itawag na ipa-hold dahil nawala.
and kung advice naman kung pano magkaroon neto, kailangan lang talaga siguro ang stable job na pede nilang tawagan for CI or credit investigation and kailangan din na wala kang ibang pending na utang na hindi pa nababarayan.
HAPPY NEW YEAR!!
babyangel
01-01-2007, 11:02 PM

Thanks po sa reply at advice:) talagang dapat may work pala masyado kasi mahigpit dito sa japan.My alam po ba kau website ng immegration please tell me po kung alam mo po.
barney
01-02-2007, 12:07 AM
hello makisali nga rin ako.5 yrs. ago nag apply ako ng view at IY card, na approvan ako. may work ako noon. kasi sa bank hindi rin ako na approvan ng credit card noon. pag sa beginner mas may chance na ma approvan pag hindi sa bank.
last year i tried to apply for a credit card sa Mitsubishi UFJ na approban naman ako instead of isa nga in offeran pa ako ng isa pa and both gold card ,ginawa ko na lang family credit card siya. wala rin akong trabaho 4 yrs. ago na. 6 na nga ang credit cards ko ngayon tri nay ko lang kung ma a approban ako sabay sabay tuloy ung apat last year…
sa akin kasi lalo na may maliit ako , bendi di ba? at saka sayang din ung points.nasanay na rin ako ng ganitong style, kailangan lang malakas ang control mo sa paggamit.hindi ko naman ginagamit lahat sa ka ta try ko dumami lang siya.
sa palagay ko kahit na wala kang trabaho, bi na base nila ito sa background ng husband mo, at sa hawak mong visa.
sweetiebabe76
01-02-2007, 04:18 PM
Hindi problema mag-apply ng credit card dito kapag meron kang trabaho.Kahit saan ka mag-apply kung wala ka talagang trabaho deny ka talaga.Kung ako sa yo magtrabaho ka mo na.
babyangel
01-02-2007, 05:20 PM
Hindi problema mag-apply ng credit card dito kapag meron kang trabaho.Kahit saan ka mag-apply kung wala ka talagang trabaho deny ka talaga.Kung ako sa yo magtrabaho ka mo na.
Ganon po ba:( About work po naman kasi ayaw ng husband ko mg-work me,sa bahay na lang daw po at family na lang daw asikasuhin,by the way po thanks po sa advice.
makulit
01-02-2007, 05:34 PM
Thanks po sa reply at advice:) talagang dapat may work pala masyado kasi mahigpit dito sa japan.My alam po ba kau website ng immegration please tell me po kung alam mo po.
hi babyangel.
kung yung husband mo ang nag-wo-work at may credit card na sya at gusto ka nyang bigyan ng credit card pwede ka naman niyang i-apply as an extension.
extension means lahat ng purchases mo using the credit card will get billed to your husband and payment sya din ang magbabayad.
lahat ng card company, may ganitong option.
babyangel
01-02-2007, 05:45 PM

Thanks po sa advice.Nasabi nya na nga po yan sakin na pwede.Ang sakin lang naman yong ma try ko na ako mismo mg-apply,un nga lng po talagang denied po lahat:( Dahil nga po siguro dahil wala me work.Hirap po talaga masyado kibishi dito.
barney
01-02-2007, 05:49 PM
baby angel tama si makulit san,kasi di ba sabi ko sayo wala rin akong trabaho 4 years ago na, pero last year na isyuhan pa ako ng credit card na 4. ung dalawa sa bank pa nanggaling.
di neclare ko rin na wala akong trabaho, housewife lang. may imbestigasyon naman yan eh, try mo lang baka ma approban ka rin… kung hindi ma approban sa isa i try mo naman sa kabila, ganun lang yun, kasi iba iba rin ang sistema nila. ganbatte ne!
babyangel
01-02-2007, 07:28 PM

Thanks po sa advice try and try na lang po me at baka maka tsamba rin po.:rolleyes:
mbstorun
01-02-2007, 11:15 PM
Parang ang bilis naman po ata ng release ng credit card na inapply mo:rolleyes: Kelangan po ba my work pg mg-apply:confused: kasi ilang beses na rin akung denied siguro dahil wala akung work pero mayron naman sana kung savings nakapagtataka lng bakit denied always:( advice naman ano dapat gawin at pingi contact tel# pra maka try me sa JAL.Thanks:)
hi baby angel, yung credit ko from JAL bale nag fly lang ako sa kanila once then they offered me a credit card at mabilis naman…actually, wala naman akong work kaya lang yung husband ko na may trabaho ang nag garantor so kaya siguro mabilis? tapos yung isa kong credit card din ng JAL ay duplicate ng credit card ng husband ko pero sabi ng asawa ko, mabilis nga daw kung may trabaho ka…try mong tumawag sa JAL at tanong ka about credit card nila…try mo tumawag dito 03-5460-5131/03-3464-6611…
mbstorun
01-02-2007, 11:21 PM
. . . . . . .Happy new year!
siguro mas maganda na huwag ka na lang mag credit card:D , ganun din naman yun eh, mag babayad ka rin naman at kung may savings ka naman baket ka pa gagamit ng credit card:confused: , tingnan mo nangyari mukhang mukhang desperado ka tuloy ( huwag ka magalit ha ), sabi mo nga may savings ka naman diba, so di naman kawalan siguro kung di ka na kukuha ng credit card, or sa Pilipinas ka na lang kumuha ganun din yun, magagamit mo din kahit nasaan ka, at kung ma deny ka pa din, o eh ano ngayon may savings ka naman so baket ka mag aalala:confused:
RODSKI, maganda nga kase talaga pag may credit card kase mabilis lagi ang transaction tsaka kahit saan ka magpunta di mo kailangang magdala ng cash dahil delikado rin…atleast credit card, pag nawala tatawag ka lang at ipa hold ok na pero ang cash pag nawala, buti kung babalik sayo…tsaka marami kaseng mga credit card na may mag benefits tulad ng mga miles na yan…actually, ako nakakuha na ng 1 free flight from JAL dahil sa accumulated miles ko from credit card so imagine mo yun sayang din yun…free na ang flight mo, nakita mo pa pamilya mo sa pinas…at marami ng pambili ng pasalubong yun…
mbstorun
01-02-2007, 11:30 PM
Sa pinas naman kasi ng-apply na ko 4months na hanggang ngaun di ko alam ang ngyari kasi wala pa sagot sa inaplayan ko na bangko,kaya ng-try me here and japan yon nga lng denied naman lagi:( i hope na get mo ko thats way i want a credit card:)
babyangle, di ko rin maintindihan ang bank sa pinas…ako rin ganyan antagal…ako rin mismo ang inofferan ng banko ko sa pinas ng credit card ay tinanggap ko naman ang offer nila pero nyahhhh 5 months na wala parin akong sagot sa kanila…nung november bago ako bumalik dito sa Japan, sinabihan ko sila bat wala parin ang credit card na ini-offer nila sakin at babalik na ako ng Japan pero sabi nila tatawagan nalang ako…naku sobrang tagal… actually, ayoko na sana nun at meron naman akong credit card na ginagamit kaya lang, since inoffer nila sakin at libre naman kaya ko tinanggap pero nakakapagtaka at sobrang tagal wala naman akong tawag sa kanila.
ganun yata talaga sa pinas pero dito sa Japan sobrang bilis naman kahit san lang pwede ka kumuha ng credit card lalo na pag may maganda kanang record…
babyangel
01-03-2007, 01:11 AM
hi baby angel, yung credit ko from JAL bale nag fly lang ako sa kanila once then they offered me a credit card at mabilis naman…actually, wala naman akong work kaya lang yung husband ko na may trabaho ang nag garantor so kaya siguro mabilis? tapos yung isa kong credit card din ng JAL ay duplicate ng credit card ng husband ko pero sabi ng asawa ko, mabilis nga daw kung may trabaho ka…try mong tumawag sa JAL at tanong ka about credit card nila…try mo tumawag dito 03-5460-5131/03-3464-6611…
Ganon po ba:rolleyes: maraming salamat po sa impormasyon,try ko po tumawag para malaman ko po about sa pg-apply sa kanila.
babyangel
01-03-2007, 01:14 AM
RODSKI, maganda nga kase talaga pag may credit card kase mabilis lagi ang transaction tsaka kahit saan ka magpunta di mo kailangang magdala ng cash dahil delikado rin…atleast credit card, pag nawala tatawag ka lang at ipa hold ok na pero ang cash pag nawala, buti kung babalik sayo…tsaka marami kaseng mga credit card na may mag benefits tulad ng mga miles na yan…actually, ako nakakuha na ng 1 free flight from JAL dahil sa accumulated miles ko from credit card so imagine mo yun sayang din yun…free na ang flight mo, nakita mo pa pamilya mo sa pinas…at marami ng pambili ng pasalubong yun…
Korek ka dyan thats way gusto ko mg ka credit card:) Lalo na sa panahon ngaun na delikado na talaga di ka na basta basta makaka pg-dala ng cash:(
babyangel
01-03-2007, 01:36 AM
babyangle, di ko rin maintindihan ang bank sa pinas…ako rin ganyan antagal…ako rin mismo ang inofferan ng banko ko sa pinas ng credit card ay tinanggap ko naman ang offer nila pero nyahhhh 5 months na wala parin akong sagot sa kanila…nung november bago ako bumalik dito sa Japan, sinabihan ko sila bat wala parin ang credit card na ini-offer nila sakin at babalik na ako ng Japan pero sabi nila tatawagan nalang ako…naku sobrang tagal… actually, ayoko na sana nun at meron naman akong credit card na ginagamit kaya lang, since inoffer nila sakin at libre naman kaya ko tinanggap pero nakakapagtaka at sobrang tagal wala naman akong tawag sa kanila.
![]()
ganun yata talaga sa pinas pero dito sa Japan sobrang bilis naman kahit san lang pwede ka kumuha ng credit card lalo na pag may maganda kanang record…
Oo nga po talagang napaka tagal po talaga 6mnth na nga din po ako wla pa rin answer sa pg-apply ko sa bank na yon.Dito sa japan madali nga po maka pg-apply ang problema denied me lagi wala naman me record na masama pero denied po talaga siguro dahil wala po work me kaya ganon siguro:mad:
mbstorun
01-03-2007, 02:46 AM

babyangel, ako rin walang trabaho pero yung asawa ko ang nag garantor…or pwede mo rin sigurang pag aplayin ang asawa mo tapos magpadownline/duplicate ka nalang ng para sayo…kase meron kaming credit card na mag asawa na ganun…bale credit card nya pero meron din akong duplicate so means, isang credit card company lang at ang asawa ko lang nag apply pero dalawang card (under sa name nya then yung isa sa name ko at magkaibang credit card number…pero both asawa ko nagbabayad nun…so dahil sabi mo lagi kang nadedenay, mas maganda sigurong asawa mo ang pag aplayin mo kase pwede ka namang magkaron din ng duplicate…ewan ko kung tama ang term na duplicate dun or downline siguro ang tamang term dun hehe…
noycoco
01-03-2007, 05:09 AM

extension card ang tawag yata doon pero di ko alam ang tawag sa japan…tungkol naman sa creditcard application sa pinas, madali naman…himdi naman mahirap, marami ka mang savings o wala masyado e hindi naman ito ang magiging dahilan para di ka mabigyan ng card…kaya lang pag hindi mayadong marami ang nasa bank mo e hindi rin malaki ang credit limit ng card mo. siguro kaya natatagalan ang application nyo e kailangan lang ng follow-up ninyo.
RODSKI
01-03-2007, 09:09 AM
RODSKI, maganda nga kase talaga pag may credit card kase mabilis lagi ang transaction tsaka kahit saan ka magpunta di mo kailangang magdala ng cash dahil delikado rin…atleast credit card, pag nawala tatawag ka lang at ipa hold ok na pero ang cash pag nawala, buti kung babalik sayo…tsaka marami kaseng mga credit card na may mag benefits tulad ng mga miles na yan…actually, ako nakakuha na ng 1 free flight from JAL dahil sa accumulated miles ko from credit card so imagine mo yun sayang din yun…free na ang flight mo, nakita mo pa pamilya mo sa pinas…at marami ng pambili ng pasalubong yun…
. . . . . Happy New Year! Mbstorun;2128891 , yung JAL ang gamit ko nung umuwi ako few weeks ago at tulad nung sabi mo free gawa ng free milage,at madalas yun ang gamit namin ng wife ko pag umaalis kame. . . . .ang point ko since hindi kase makakuha ng credit card yung nag umpisa ng thread na ito at mukhang desperado sya magkaroon. pwede naman kahit wala sya credit card, katapusan na ba ng kaligayahan nya kung di sya magkaroon nun, di naman di ba? so di kinakailangan mag alala kung di mag karoon nun, at tulad ulit nung sabi ko try nya kumuha sa pilipinas,mahirap talaga kumuha ng credit card dito lalo na kung wala ka trabaho:confused: , meron din naman nakakakuha kahit walang trabaho?yun eh di ko alam kung paano:D meron naman kaseng iba na pag may credit card na nagiging iresponsable na di naman makapagbayad kaya nagiging negative ang feedback, isa din siguro sa dahilan yun kaya na dedeny ang mga gusto kumuha ng credit card.so cheer up kahit di sya makakuha diba.
mbstorun
01-03-2007, 11:22 AM
extension card ang tawag yata doon pero di ko alam ang tawag sa japan…tungkol naman sa creditcard application sa pinas, madali naman…himdi naman mahirap, marami ka mang savings o wala masyado e hindi naman ito ang magiging dahilan para di ka mabigyan ng card…kaya lang pag hindi mayadong marami ang nasa bank mo e hindi rin malaki ang credit limit ng card mo. siguro kaya natatagalan ang application nyo e kailangan lang ng follow-up ninyo.
…yeas extension nga ang tamang term dun…
…well ewan ko kung ano ang problem kung follow up or ano…kase lahat ng accnts ko sa kanila at kahit mga kapatid ko pero sa dami ng requirements na hinihingi kaya siguro matagal pero since wala akong news sa kanila di ko alam kung anong nangyayari na sa application ko kase sabi nila tatawagan ako pero wala naman…anyway, ok lang naman kung di ma approve dahil sila naman ang nag offer nun di naman ako ang nag apply talaga so no big deal hehe…
emyken1423
01-03-2007, 02:21 PM
Pasali naman ako dito ha!Tanong ko lang roy, bakit ba gustung-gusto mo mag ka credit card dito e kung marami ka namang cash mas maganda diba…kasi ako sa pinas di ako nag apply ng CD kusa nila itong pinadala sa akin tapos tinawag ko lang para ma activate dalawa yun under AIG comp…alam mo dahil sa akin yun ang sakit ng ulo ko sa pagbabayad tapos ang taas pa ng interest…Dito naman sa japan yap very convenient pag may credit card yung sa akin kasi tatlo gamit ko ang kagandahan lang asawa ko nagbabayad kasi application nya family so sa account nya yun dumideretcho kaya no limit pag ginagamit ko yun garabe umaabot ng 7 kada isang card…lagi naman ako sa bahay kaya pag dating ng mga bills tinatago ko para di makita ni hubby ko baka ma high blood he-he-he…,Never ko pa palang tinry na mag apply for my own CD kasi ala naman akong bank account dito ala me work kasi sa bahay lang pala…lang ba…he-he-he…Advice ko lang try and try ika nga until you succeed! Gambatte ne!
Chibi
01-03-2007, 11:31 PM
ngayon lang din po ako nagka credit card,ayaw kase ni hubby kase laki nga daw ng interest,nagpunta lang kami sa Mizuho bank,nag open ng account,tas nilagay ko lang na working na ko for almost 4 years,state my annual income tsaka hiningi nila yung insurance card ko,after 2 weeks approved na po yung Credit card!:rolleyes:
Fuzzy
01-05-2007, 12:18 AM

just sharing my own… malaki lang ang interest ng credit card kung mag-purchase ka ng installment payment - at kung hiram ka ng cash… pero kung one-time payment purchases lang walang interest… Sa akin naman baligtad… ako ang may credit card at asawa ko eh wala… Convenient din talaga ang credit card and earning points means freebies too:) kaya lang talagang malaking temptation:D
bianca marie
01-08-2007, 06:58 AM
AAAAHHHHH…The credit card… hmmmmm… im not a good person to have a credit card cuz im a shopaholic a girl like me can’t get enough shoes:D . But i got 2 visas try not to maxed it out but it so easy to get carried away so watch girls. I have a rent to pay and im leaving alone no roommates. As long as you pay the minimum every month your okay but i try to pay as much as i can.
dawn_gazer2
01-09-2007, 06:08 PM
Having a credit card requires a lot of responsibility…
Dawn
mbstorun
01-09-2007, 08:31 PM
Having a credit card requires a lot of responsibility…
Dawn
…kung di mo siguro babayaran ng one time payment lang so yun siguro malaking hazzle pero kung one time payment malaki ang advantages…madali ang transaction pag may credit card plus may mga points ka…try mo baka makalibre ka pa ng flights pauwi ng pinas…tested ang proven the best!
bianca marie
01-09-2007, 09:38 PM
Having a credit card requires a lot of responsibility…
Dawn
If your a good payer they won’t hazzle you…
dawn_gazer2
01-10-2007, 10:28 AM
@mbstorun and bianca_marie…happy new year!
tungkol sa credit card, mbstorun…i have had two credit cards for many years now. the first one that i had was during my university days, an extension card from my family. i had the service terminated nung magkatrabaho naman na ako, and acquired my own.
tama ka, pag may credit card madali ang transaction…lalo na kapag nagta-travel. kasi hassle minsan ang magdala ng cash. i’ve also acquired points also na nakabili kami ng mommy ko ng 2 free round trip tickets sa bangkok last august. what i was trying to say tungkol sa responsibility ng pagkakaroon ng credit card ay reminder lang sa mga MERON ng credit card(s) at sa nagkaroon pa lang. let’s face it, temptation ang credit card…marami na din akong kilala na nabaon ng husto sa credit card. iyung one-time payment na you were referring to sa post mo, tutoo din iyan. kaya lang dapat maging maging responsible din tayo sa pag-purchase. baka naman naka-declare na one time payment eh pagdating sa due date na, hindi din nabayaran. maraming cases na ganyan.
hindi ko dini-discourage the people to have a credit card. nagpapaalala lang ako sa marami. yun pong tsina-charge natin sa credit card natin, dapat eh hindi sumobra sa kakayahan ng salary na hinihintay natin monthly, at, most of al, hindi dapat ma-sacrifice ang savings naman natin.
dawn
mbstorun
01-10-2007, 02:27 PM

…now i got what you mean dun sa unang post mo…clear na po…
dawn_gazer2
01-10-2007, 02:33 PM
…now i got what you mean dun sa unang post mo…clear na po…
mabuti naman…
mbstorun
01-10-2007, 03:14 PM
mabuti naman…
…next time kase…paki~clear ng post mo para madaling maintindihan…tingna n mo yung ibang sumagot din sayo iba rin ang pagka~intindi…peace out bro…
bianca marie
01-10-2007, 11:19 PM
@mbstorun and bianca_marie…happy new year!
tungkol sa credit card, mbstorun…i have had two credit cards for many years now. the first one that i had was during my university days, an extension card from my family. i had the service terminated nung magkatrabaho naman na ako, and acquired my own.
tama ka, pag may credit card madali ang transaction…lalo na kapag nagta-travel. kasi hassle minsan ang magdala ng cash. i’ve also acquired points also na nakabili kami ng mommy ko ng 2 free round trip tickets sa bangkok last august. what i was trying to say tungkol sa responsibility ng pagkakaroon ng credit card ay reminder lang sa mga MERON ng credit card(s) at sa nagkaroon pa lang. let’s face it, temptation ang credit card…marami na din akong kilala na nabaon ng husto sa credit card. iyung one-time payment na you were referring to sa post mo, tutoo din iyan. kaya lang dapat maging maging responsible din tayo sa pag-purchase. baka naman naka-declare na one time payment eh pagdating sa due date na, hindi din nabayaran. maraming cases na ganyan.
hindi ko dini-discourage the people to have a credit card. nagpapaalala lang ako sa marami. yun pong tsina-charge natin sa credit card natin, dapat eh hindi sumobra sa kakayahan ng salary na hinihintay natin monthly, at, most of al, hindi dapat ma-sacrifice ang savings naman natin.
dawn
Dawn, happy new year too!
Maybe iba ang palakad ng credit card diyan… I got Mastercard and visa does’nt mean binigyan nila ako ng limit na $10,000 ema-maxed out ko na yon. I pay my bills on time and i always choose a card with low interest. Like line of credit. But thanks for the advice i always watch my bills.
sweetscrazy
01-14-2008, 09:40 AM
konnichiwa,
meron bang mga Philippine credit card na pwedeng gamitin sa Japan o mas madaling gamitin sa Japan? kukuha kasi ako ng bagong card sa Pinas para magamit ko sa mga biyahe ko sa Vietnam, Thailand at Japan, kaya naghahanap ako ng card pang-international travel na hindi mataas ang charges or conversion rates
makulit
01-14-2008, 11:33 AM

Meron pong mga credit cards na pwedeng gamitin worldwide na issued mula sa mga Philippine Banks sa atin. Ito po ay ang mga sumusunod:
PNB-Classic International/Gold International
Metrobank-Visa & Mastercard Gold/Classic
Citibank-Visa/Master Card
Banco De Oro-BDO Home MasterCard
BPI-BPI WorldPerks MasterCard,Blue/Gold MasterCard
Yan lang po ang mga bangko na tinignan ko. Am sure yung ibang banks meron din. As for conversion rates, pagkakaalam ko, isang rate lang ang ginagamit, yun po ay ang Visa at MasterCard rates.
HTH
Joshua
01-14-2008, 12:49 PM
sorry po! pa OT.
good day po!
tanong ko lang po, ung tungkol sa JAL card at JAL mileage bank card, balak ko din po kcing kumuha ng credit card.
- paano po ba un, aoutomatic po bang kapag may JAL card ka, ay hindi na kailangan ng JAL MB card?
2.paano po kung matagal na hindi na gagamit ung JAL card? nateterminate po ba ito?
3.may yearly payment din po ba ang JAL card? kgaya ng sinasabi 3000 yen daw.
4.alin po kaya ang mas maganda ung credit saison or yung JAL card? o mas mganda kaya ay parehas n meron ka nito?
5.kc po ang sa pag-kakaalam ko, ung points sa credit saison ay pde rin ibili ng ticket sa JAL? at pede rin ata pong ibili ng mga item? tama po ba?
maraming salamat po sa mkkpgbigay ng mga kasagutan.
rhynissa
01-16-2008, 04:29 PM
hello there. ako din po gusto ko din sana pagawa ng VISA, pero di po ba pwede kung wala akong trabaho? Housewife lang din kasi ako eh…
miffy
01-16-2008, 04:43 PM
hello there. ako din po gusto ko din sana pagawa ng VISA, pero di po ba pwede kung wala akong trabaho? Housewife lang din kasi ako eh…
hi!..may mga credit card company na nag iisue din ng card even plain housewife ka lang BUT…bihira lang…mas maraming case ang denied…pero try your luck din!..
mas mataas ang chance mo for approval kung may work ka,kasi may sarili kang income…
goodluck!..
yusarose0407
01-16-2008, 05:33 PM
Hi sa lahat. total tungkol naman sa credit cards ang pinag uusapan dito, ask ko na rin po kung papano po ba malaman yung pong points sa credit card? San po ba yun pwedeng iinquire? Maraming salamat po sa magrereply…
gud
01-16-2008, 05:57 PM
makikita un points sa monthly bill statement ng card or Online… then pede ipalit un points ng gift certificate or simulation…
re sa housewife nman, pede naman khit wala kan work, iba-base nila yan sa income ng asawa mo kun can afford nga kaya magbayad ng magigin USAGE na monthly bill at sya lalabas na guarantor mo… tsaka depende kun marami kayong loan, che-check nila yan… pag na verify nila un, then me tendency kan ma-DENY sa application mo…
kase housewife rin lan ako at principal holder ng 7 card… 1 ginawa ko extension sa asawa ko…
pero sa totoo lan, if u’re out of control, matutuyuan ka ng dugo o mabubutas tlaga bulsa mo kababayad… one good thing sa card is, very convenient lalo na pag online shop at pag naubusan ka ng cash…
bad thing is if u lost it !!! twice na nangyari sakin yan… one is ung gold mastercard ko sa citibank, na-snatch un bag ko, but dhil sa me picture, d nya pede gamitin kaya un cash ko lan nagalaw nya… 2nd is un visa ko, nahulog sa machida 3 yrs ago… buti nalan at mali pa pagkaka-pirma nya… pinagtataka ko lan, bakit inallowed ng shop magamit un card samantala me pirma sa likod un ?
nilaban ko yun sa credit card co. kase sinend nila sakin yun receipt na may pirma after na itawag ko sa kanila yun nung nawala… syempre after investigation, d nila pinabayaran sakin un nagamit… buti less than 5 lapad lan… 1 time payment pa ginawa nya ha…
kaya ingat dapat and be wise enough…
rhynissa
01-16-2008, 06:27 PM
hi!..may mga credit card company na nag iisue din ng card even plain housewife ka lang BUT…bihira lang…mas maraming case ang denied…pero try your luck din!..
mas mataas ang chance mo for approval kung may work ka,kasi may sarili kang income…goodluck!..
salamat miffy san, sana nga swertihin ako, hirap talaga ng nasa bahay lang, ayaw kasi ako magwork ng asawa ko, kaya eto katulong dating ko hahaha.
yusarose0407
01-16-2008, 06:47 PM
San po pwedeng magpapalit ng points? Sorry di kaasi alam eh meron akong mga cards dito almost 6 years na sa akin at lagi ko gamit kaya lang ni minsan di ko man lang nagamit yung mga points niya… Yun po bang points is hanggang ilang points ang pupwede ng palitan ng gift certificate?
makulit
01-16-2008, 06:56 PM
@yusarose407
mas makakatulong po siguro kung sasabihin mo kung ano ang pangalan ng bangko o credit card company mayroom ka (halimbawa DC Card) para mas masasagot ng mga ka TF ang iyong katanungan.
gud
01-16-2008, 07:08 PM
San po pwedeng magpapalit ng points? Sorry di kaasi alam eh meron akong mga cards dito almost 6 years na sa akin at lagi ko gamit kaya lang ni minsan di ko man lang nagamit yung mga points niya… Yun po bang points is hanggang ilang points ang pupwede ng palitan ng gift certificate?
pede mo po sya papalitan mismo, un points mo sa credit card co na hawak mo…
kun name mo un card, tawag ka sa kanila… pero kun principal ng card eh asawa mo,
sya lan po may access na papalitan un points…
kun view card hawak mo, pede ipalit points nyan sa magagamit mon pang densha
ung iba, pag 1,000 points na pede na convert sa 1,000 gift certificate…
so kun halimbawa, 5,031 point sya, un 5,000 lan an pede mo ipapalit ng 5,000
gift certificate at un butal d sya magagamit… maiiwan lan sya… kahit ilan points
sya basta buo… (jcb gift certificate, gift certificate for dept stores etc)
yusarose0407
01-16-2008, 09:45 PM
@yusarose407
mas makakatulong po siguro kung sasabihin mo kung ano ang pangalan ng bangko o credit card company mayroom ka (halimbawa DC Card) para mas masasagot ng mga ka TF ang iyong katanungan.
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag reply:) Ngapopala OMC, JCB and VISA Cards po ang gamit ko… Thank you ulit po sa lahat…
This is an archived page from the former Timog Forum website.