Delikado bang mag-fillup ng census form para sa overstay?

keichang

10-04-2005, 03:28 PM

ask ko lang kung nde ba delikado ang mag-fill up ng Census form kung overstay ang nakatira sa bahay.Yung friend ko ay kasalukuyang nakikitira sa bahay kase daw may nagpupuntang hapon sa house nila at tungkol daw sa Census yun. Kung delikado dapat bang huwag na syang bumalik sa bahay nya.

Dax

10-04-2005, 03:39 PM

keichang,
“Delikado” ka din kasi pinapatira mo siya sa bahay mo. Dapat ay mag-surrender siya sa Immigration.

ganda_girl89

10-04-2005, 08:01 PM

ask ko lang kung nde ba delikado ang mag-fill up ng Census form kung overstay ang nakatira sa bahay.Yung friend ko ay kasalukuyang nakikitira sa bahay kase daw may nagpupuntang hapon sa house nila at tungkol daw sa Census yun. Kung delikado dapat bang huwag na syang bumalik sa bahay nya.

kung kaibigan ko ay overstay,ill advise her to fill up the census form kesa taguan ito.babalik-balikan lng sya ng census volunteer kapag di nila nakukuha ang resulta.

it is obligatory to participate and answer all questions of the census.statistics law of japan stipulates that enumerators and persons participated in the census have to keep all infos confidential.

sa pagka-alala ko,2 yata ang census (isa para sa statistics bureau at isa para sa peace and order)dito sa jpn.isa yung census volunteers ang nagbibigay ng papel and every 5 yrs at isa nmn yung pulis ang nagbabahy-bahay at nagtatanong-tanong sa dala nilang questinaire.sa experience ko,both ay di nagtanong about sa status of residence ng nakatira.

puting tainga

10-04-2005, 09:46 PM

May pansin ako sa census.
I searched on the net.
I talked with a few Japanese guys who are knowledgeable on this matter.

The census cards are accumulated at city halls.
And then sent to the companies that input the data.
They use mark-sheet readers.
This means the handwritten letters are not data-based.
The cards are then destroyed and recycled.
The cards never go to police or immigration.

However, there might be security breach or fraud, however low the risk is.

On the other hand, although the law stipulates you must fill in the card, a lot of people refuses to fill it in or just pretend not to be home, or partially ignore some of the questions.
For the past 60 years, there were 12 national censuses, and nobody was arrested, charged or fined. (Although possible)

This time, the government is expecting that about 7 million people will refuse to fill in the census card, daw.

reon

10-04-2005, 11:47 PM

hello keichang, kafi-fillup ko lang ng census form last weekend at puro japanese. puwede ba niyang sabihin na hindi siya marunong mag-hapon? (not that i’m condoning overstaying your visa.)

mukhang reasonable din ang advise ni gandagirl at puting tainga. walang namang tungkol sa census na makakapagsabi kung overstay ka at confidential ito supposedly, (assuming na merong english version nito na puwedeng fill-upan ng kaibigan mo).

chepot

10-05-2005, 09:51 AM

me also, kakafill-up ko lang ng census form the other day and while answering it, i thought of ung mga foreigners na nakatira dito na di makabasa and sumulat ng japanese characters neither marunong magsalita ng hapon? tama si gandagirl,puting tainga and reon…:thumb: wala namang nakasulat duon kung kelan ka dumating dito sa japan,how many years ka dito, etc.etc…ang nakasulat lang dun names,nationality,b-days,ilang tao ang nakatira,occupation, what kind of company do u work,how many hours ka nagtrabaho within 9-26~9-30,sukat ng bahay,what type of haus…un lang…pro. we dunno kung baka isang way rin yan para malaman kung san me nakatirang bilog here…yes, its confidential pero, dadaan din un sa city hall and diba ung alien registration card natin eh ung information eh naka-file sa city hall? tutal, hanggang Oct. 10 lang ang deadline, tama siguro na sabihin na “nippongo wakaranai” na lang para iwas pusoy ika nga:p

Paul

10-05-2005, 10:05 AM

dito sa 'min nagbibigay sila ng census forms sa iba’t-ibang lengwahe. yung binibigay nilang forms sa mga foreigners, may nakalagay kung anong nationality yung nakatira dun sa bahay. meron ngang pilipino na form pero ang pinili ko yung japanese kasi mas naintindihan kong mabuti. :slight_smile:

Dax

10-05-2005, 10:47 AM

dito sa ‘min nagbibigay sila ng census forms sa iba’t-ibang lengwahe.
Tulad ni Paul, noong 1995 census English din ang nakuha kong form. Nasa foreign students’ dorm pa ako noon by the way. Noong 2000 at this year naman Japanese form na ang nakuha ko kasi ordinaryong apartment na.

Nung finill-up-an ko last week medyo hesitant ako sa part na kailangan mong ilagay ang iyong telephone number at address. Pwede naman atang hanggang block number lang pero nakalagay sa example full address.

bulakenia

10-05-2005, 11:06 AM

ask ko lang kung hinde ba delikado ang mag-fill up ng Census form kung overstay ang nakatira sa bahay.Yung friend ko ay kasalukuyang nakikitira sa bahay kase daw may nagpupuntang hapon sa house nila at tungkol daw sa Census yun. Kung delikado dapat bang huwag na syang bumalik sa bahay nya.

:slight_smile: Hi! keichang. Tama si ganda_girl. At may nakuha akong leaflet sa city hall dito sa amin, na may mag ha-house-to-house nga daw sila this end of september to 1st week of october. And you have to do is fill up the sheet, and tell your friend na no problem what’s her status. Kasi they keep it confidential naman daw. Kaysa taguan nya, baka nga balik-balikan siya noon. Dito sa smin sa tokyo okay na. And isa pa, yung friend mo ay may hoshionen, ask that person. Or seek some advices pa. As of me kasi, no problem. tell her don’t worry, ok? Gambatte…go…figh t…aja:fence:

honey

10-06-2005, 09:58 PM

me nagpunta din dito nyan e! kaya lang umpisa di ko maintindihan kaya sabi ko bumalik na lang sabi ng matandang japorms importante daw ito kaya binigyan ko ng petsa ng pagbalik nya ayun sila ng asawa ko nagtuos kaya nagkaform kami at tapos na naisubmitt ko na sa japorms.

keichang naku delikado naman yan.medyo mahirap ang tanong mo!pasensya na!:frowning:

keichang

10-07-2005, 08:49 PM

salamat Kabayan sa reply.Umuwi na kaibigan ko nag fill-up na ng form.Nagpatulong sa boss nyang hapon.Ok naman na sya!

Dkid

10-07-2005, 10:07 PM

Keichang, thank you for extending support to my fellow bilog. Bilog din po ako since 1992, at naka tatlong fill-up na ako ng census. Tsaka every year nag renew po ako ng alien card registration dito po sa Ku Yakusho namin sa Kawasaki. Nasa pangalan ko rin po yung ntt telephone line ko, isp, apato keiyaku, tepco, gas,tubig, tsaka po yung online at catalogue shopping ko(Daibiki). Although I did not encourage our kababayans to condone (us? or our act?), but would be very grateful to people like you, extending (or shall I say risking?) support to people like us. Who knows, the tide might be reverse in whatever manner or form?Kayo nalang po mag comment sa mga magtaboy o magtangkang tumaboy sa amin. Kumapit lang po kami sa patalim,di nga namin nakitang lumaki mga anak namin,at tiniis kahit naging “baka” sa mga kasamahan sa gemba. Salamat ulit at more power. My apologies to others who might find us obnoxious.

chepot

10-07-2005, 10:25 PM

Tsaka every year nag renew po ako ng alien card registration dito po sa Ku Yakusho namin sa Kawasaki.
friend…san ka dito sa kawasaki? taga kawasaki din ako…magkalapit lang kami ni crispee… and dont u worry bout your being bilog…bilib nga ako kc malakas ang loob nyo…basta di naman pagnanakaw ang ginagawa nyo di ba? pare-parehas lang tayo na we have to work… to earn for a living…:thumb:

fremsite

10-07-2005, 11:12 PM

kami rin , tapos ng mag-fill-up ng census … husband ko naman ang nag-sign kaya wala akong problem .
" Kayo nalang po mag comment sa mga magtaboy o magtangkang tumaboy sa amin. Kumapit lang po kami sa patalim,di nga namin nakitang lumaki mga anak namin,at tiniis kahit naging “baka” sa mga kasamahan sa gemba. "
Dkid … i feel sorry sa inyong mga bilog … may friend din ako dati ( nung nasa osaka pa kami )
and naiintindihan kong situation nyo . konting tiis pa and siguro , pag marami ka ng naipon , makaka-uwi ka na rin and makikita mo na rin mga mahal mo sa buhay :slight_smile: . basta live quiet and peaceful … :yesyes: kung may problems ka , punta ka lang dito sa TF , share mo … marami kang makukuhang advice:wave: … ingats and ganbatte kudasai :japanese:

adechan

10-08-2005, 10:56 AM

tapos na rin po kaming mag fill up at na i submit na rin.

about bilog …

bilog din po ako dati, … at tinatakasan ko po ang mga census na iyan dahil masasabit ang pangalan nang bayaw ko at nang sis ko kung ano mang hassles ang mangyari.

Dkid

10-08-2005, 08:15 PM

Maraming salamat po sa mga inspiring words ninyo for the undesirables like me. Thanks for the sympathy, nakakaalis ng lungkot talaga. Most of us just go out for work, minsan dadaan sa supa, at deretcho na sa bahay (wan pattan), we are doing this for our family back home. We live like in a war, with only “prayer” as our weapon.
Sana yung na fill up namin na census, ay hangang doon lang talaga, just like in the past census.
Nasa bandang Mizunokuchi pala ako Che, thanks again.

seanty

10-09-2005, 05:25 PM

uuy, Mizunokuchi, lagi kami diyan hehehe mura kasi mamalengke diyan kaya malaki ang natitipid ko!!!

about sa pagiging bilog, sa akin, oks lang yun! hindi naman po sa pangungunsinti, kaya lang kahit ako siguro kesa naman sa makita ko na super hirap ang pamilya ko, kakapit na rin ako sa patalim…sabihin na lang natin na medyo mas swerte ang iba sa atin dahil may mga proper visa tayo…pray na lang tayo na instead na mahuli sila eh makaipon na sila para makauwi na sila sa oras na gustuhin nila, di ba!!!

Dkid

10-09-2005, 09:59 PM

mura nga mamalengke sa mizunokuchi, dun po ako namamalengke sa jujiya, mga 3,000yen weekly expense ko sa pagkain, tanghalian at hapunan. may mga kababayan din natin namamalengke dun. thanks for the support.

ganda_girl89

10-09-2005, 10:24 PM

mura nga mamalengke sa mizunokuchi, dun po ako namamalengke sa jujiya, mga 3,000yen weekly expense ko sa pagkain, tanghalian at hapunan. may mga kababayan din natin namamalengke dun. thanks for the support.

mizunokuchi is very memorable to me…dyan ako nag graduate—Logos International Institute sa chitose.

naiiyak na tuloy ako…na miss ko yung place.:cry:

DaiRyouKoJin

10-09-2005, 11:06 PM

san po yung mizunokuchi? parang ang sarap naman mag market dun!!

ganda_girl89

10-09-2005, 11:33 PM

san po yung mizunokuchi? parang ang sarap naman mag market dun!!

den-entoshi line…chuorinkan<<<>>>shibuya

crister

10-10-2005, 01:40 AM

kaya pala may pabalik balik na matanda dito sa lugar namin, panay ang door bell at katok sa pinto pero takot ako labasin kasi di naman kami magkakaintindihan. one day pag uwi ko may nakita na lang ako na form , naalala ko about this thread regarding Census. So what I did , sinulatan ko na lang yung Note na iniwan (in hiragana) : sabi ko na I am a foreigner and will be going back to Philippines next jan 2006. Then iniwan ko ang form at note sa harap ng pintuan, ayun kinuha nila at nagiwan ng note , pero ang nabasa ko lang eh Arigatou Gozaimasu…kanji na kasi yun iba.

cyndi

10-10-2005, 10:23 AM

naku ako rin cris kasi madami na rin dumating saken akala tungkol lang sa undokai na malapit na school samin yun pla census yun kasi may naka-drawing na baby kya akala ko yun na yun…kasi hindi din ako nagbubukas ng pinto kahit na may kumakatok ay hindi ako gumagalaw pra kunwari walang tao ayun kahit pinoy yun taong kumakatok ay hindi ko napapagbuksan kasi hindi ako talaga lumalapit sa pinto takot kasi ako luuban ng bahay kasi mag-isa lang ako:mad: unless nalang kun tatawag muna sakin yun pinoy bago ko papasukin mahirap na kasi diba …lalo yun tungkol sa pinoy na nag-suicide nakakatakot na tuloy …diba may nangyari din tungkol dun sa hongkong na pinatay ang pinaghinalaan ay pinoy din ang pumatay…ano ba ang dapat kung gawin dun kasi in-ignore ko lang kasi ???

ganda_girl89

10-10-2005, 11:22 AM

naku ako rin cris kasi madami na rin dumating saken akala tungkol lang sa undokai na malapit na school samin yun pla census yun kasi may naka-drawing na baby kya akala ko yun na yun…kasi hindi din ako nagbubukas ng pinto kahit na may kumakatok ay hindi ako gumagalaw pra kunwari walang tao ayun kahit pinoy yun taong kumakatok ay hindi ko napapagbuksan kasi hindi ako talaga lumalapit sa pinto takot kasi ako luuban ng bahay kasi mag-isa lang ako:mad: unless nalang kun tatawag muna sakin yun pinoy bago ko papasukin mahirap na kasi diba …lalo yun tungkol sa pinoy na nag-suicide nakakatakot na tuloy …diba may nangyari din tungkol dun sa hongkong na pinatay ang pinaghinalaan ay pinoy din ang pumatay…ano ba ang dapat kung gawin dun kasi in-ignore ko lang kasi ???

may mga lugar sa japan na kung saan ang mga pinoy ay gumagamit ng ‘‘lets go pinoy’’ pinoy ito katok pag kumakatok sa bahay ng tulad nilang pinoy.di ka ba familiar doon,cindi?

cyndi

10-11-2005, 03:45 AM

:slight_smile: naku ganda!hindi ako familiar jan a sinabi mo na :confused: hindi ko alam yun eh at siguro wla pa ko ksi narinig na nagsabi nyan dito samin:dogpile: .and tungkol pla dun kay Dkid grabe naiiyak ako sa sobrang pagwo-worry ko sa situation nia na-touch tlga ako naawa ako sa mga katulad nia mga bilog kasi anytime hndi nila alam kung kelan sila mahuhule i wish and i pray na rin na makaipon kana pra makauwi kana ng pinas dahil alam namin ang pakiramdam ng nahihiwalay sa pamilya …gudluck and we are here to support all our bilog kababayans !!!GO GO GO! PINOY!

Dkid

10-11-2005, 09:02 AM

[.and tungkol pla dun kay Dkid grabe naiiyak ako sa sobrang pagwo-worry ko sa situation nia na-touch tlga ako naawa ako sa mga katulad nia mga bilog kasi anytime hndi nila alam kung kelan sila mahuhule i wish and i pray na rin na makaipon kana pra makauwi kana ng pinas dahil alam namin ang pakiramdam ng nahihiwalay sa pamilya …gudluck and we are here to support all our bilog kababayans !!!GO GO GO! PINOY![/quote]

Maraming salamat po sa supporta nyo, ako nga ang na-touch sa concern nyo sa mga katulad ko, di pala kami nag-iisa. Di naman kami ganon ka kawawa(kung di lang mahule o maaksidente), kahit papano kumikita din kami sa construction industry, may mga shacho pa rin na nag take ng risk pa ra sa amin. Mga dalawang taon nalang siguro at makauwi na ako, makumpleto ko na siguro yung hinuhulugan kung bahay at lupa, at makapagtayo ng maliit na negosyo sa atin. Masuwerte talaga ako na napadpad dito sa TF, nakakaangat ng morale ang mga supporta ng mga members, tsaka andami kung natutunan.God bless

cyndi

10-13-2005, 05:37 AM

<Di naman kami ganon ka kawawa(kung di lang mahule o maaksidente), kahit papano kumikita din kami sa construction industry, may mga shacho pa rin na nag take ng risk pa ra sa amin.>
Thats not what i mean nmn Dkid na kawawa financially:O i mean is kht na gusto mo umwe pra makapiling ang family mo ay dmo magwa dba…kya ang hirap ng pakiramdam dba…pero maswerte din tayo dahil nakarating tayo dito sa dinami-dami ng tao na nangangarap makapagtrabaho dito sa japan…At nakakataba ng puso na makarinig from our fellow kababayan na concern sila lalong lalo na yun mga may problema sa visa…:slight_smile:

Dkid

10-13-2005, 08:11 PM

[Thats not what i mean nmn Dkid na kawawa financially:O i mean is kht na gusto mo umwe pra makapiling ang family mo ay dmo magwa dba…

Tama ka jan cyndi.umalis ako sa atin 4 years old palang yung daughter ko, mula noon hangang telepono lang kami nag-usap, buti nalang ngayun may internet na, mag chat na kami sa ym. nasa college na sya ngayon. There’s always a price for everything. Andaming hirap na dinaan, pero ang pinakamahirap talaga yung malayo ka sa pamilya. thanks ulit.

This is an archived page from the former Timog Forum website.