humanities visa po and na absorb sa company as a regular employee during pandemic. need daw ng duration ng contract para ma-maverify ang contract. pwede bang ilagay yung retiring age sa present company. I am 30 years old now pwdebang end of contract ay april xx. 2053?
Walang fixed end date ang contract ng mga regular employees (seishain 正社員) sa Japan. Nakasulat din sa contract ang retiring age sa company, kagaya ng sabi mo.
Ipaliwanag mo sa MWO na dahil regular employee ka, walang end date ang contract mo, alam naman nila siguro yan.
thanks sa pag sagot. ang advice sa akin ng mwo ay maglagay daw ako ng End Date na ilalagay ko sa Addenum to the contract. medyo hesitant ako kasi papa pirma ko iyon sa representative ng company namin kasi mag-iiba sa No fixed End na nakasulat. Naiintindihan ko naman ang side ng MWO kasi daw basic requirement ito na need para sa encoding sa employment sa Japan. Maybe need nila ito i encode sa pagkuha OFWpass meron kasi end of contract na area. Paano nga naman if wala noh?
Kung gagawin yan, mas mabuti nga sa Addendum. Kailangan mo lang kausapin nang mabuti ang employer mo para pumayag sila, para lang may mailagay contract expiration sa DMW.
Hindi rin naman maaapektuhan ang regular employee contract mo under Japanese labor laws kahit na may Addendum na yan.