Filipinas working in Japan farms

nonoy

09-13-2005, 10:07 PM

Social science po ang aking background at sa Pilipinas po ako naka base.

Interesado po sana akong malaman ang kalagayan ng mga Pilipinang nakapag-asawa ng Hapon at ngayon ay naninirahan sa probinsiya sa Japan. Gusto ko pong malaman ang kanilang naging adjustment; kung inasahan ba nilang sa probinsiya sila manirahan; paano nila pinalalaki ang kanilang mga anak kasalamuha ang mga Hapon, relasyon/ugnayan sa kapwa Pilipino sa community, mga nararanasang problema at pagharap dito at kasama na rin ang mga pangarap sa buhay.

Saan po kaya sa Japan ang mas maraming Piilpinang nasa ganitong setting - parang sa farm area? (tama po bang sabihing farming community?)

Marami pong salamat.

maple

09-15-2005, 09:44 PM

Hello Nonoy,

I am attaching a photo taken this morning (9/15/`05) when we began harvesting our
palay:)

I have been very tired these past few days with so many other familial obligations that, I prayed for rain, syempre kung umu-ulan, hindi kami makakapag-harvest, makakapag-pahinga ako:p

And I think the Gods heard me. Biglang umulan ng malakas kanina dito sa amin.:smiley:

You can see me and my husband in this photo—nagsasampay kami ng mga palay:)

nonoy

09-15-2005, 10:04 PM

maple,

Maraming, maraming salamat po!

Akala ko, wala nang magkaka interest na mag reply sa aking mensahe. Maraming salamat. i hope you are doing fine there. Napunta ako minsa sa isang province diyan, kayang lang, di ko na masyado matandaan ang lugar. Basta, matagal din akong nagbiyahe mula Tokyo; parang almost four (4) hours yata. Noong ipinapasyal ako ng kaibigan ko, nadaanan ko iyong mga taniman ng apples. But I never had the chance to interact with some Filipinas na nakapag asawa at nag base sa province.

Sana, hindi maging abala sa iyo ang ating communication through the TF. Muli, maraming salamat maple.

Pahabol: napakaganda ng picture. Tingnan mo naman, ang sampayan ng palay ay daig pa ang sampayan ng damit. Sa atin, sa probinsya, wala nang sampay-sampay, kaya madalas, nagingitim ang bigas pag nababad sa tubig nanag matagal bago madala sa kiskisan.

Mukhang malakas ka sa taas. They grant your prayers. I am praying also that all your future prayers will be answered and that they all bring you joy, and your family there and here in the Philippines.

Maraming salamat.

eps

09-15-2005, 10:21 PM

hello maple, Ang ganda ng view …:slight_smile: Have you already got used to working at the farm…?

nonoy, sorry ha… I’ve read your posting,… kaya lang I’m not familiar with the country life in Japan … :open_mouth:

maple

09-15-2005, 10:24 PM

hello again Nonoy,
Sa tutuo lang, hindi ko alam kung paano hina-harvest ang palay sa Pinas, dahil ni hindi ko man naranasan ang farming noong nasa Pinas pa ako.

Hindi nga ako makapaniwala sa sarili ko na I will enjoy farming pala:) Kung alam ko lang, sana BS Agriculture na lang ang kinuha ko noong college pa ako:D

regards,
Maple

nonoy

09-15-2005, 10:26 PM

It’s alright eps. Thank you din.

nonoy

09-15-2005, 10:30 PM

Eh di, Japanese harvest style o approach and naging orientation mo. Madali ka naman sigurong nakapag adjust. Natutuwa lang ako noong nandiyan ako kasi iyong mga daan ay nagta-traverse sa mga fields. Ang lapit-lapit sa mga taniman pag tumatakbo ang sasakyan.

maple

09-15-2005, 10:37 PM

hello maple, Ang ganda ng view …:slight_smile: Have you already got used to working at the farm…?

nonoy, sorry ha… I’ve read your posting,… kaya lang I’m not familiar with the country life in Japan … :open_mouth:

Hello eps,
hajimemashite.

Modesty aside, napaka-galing ko nang mag-trabaho sa bukid, hindi mabubuhay ang Mister ko kung wala ako:D :stuck_out_tongue: :smiley:

yoroshiku ne,
maple

kalypso

09-15-2005, 10:40 PM

maple, sweet friend o’ mine, i agree with nonoy. napakaganda ng picture at kyut ka tingnan kahit nakatalikod :D. malapit lang ba sa bahay ninyo ang palayan? next time we’ll come for a visit dalhin mo ako dun ha.

eps

09-15-2005, 10:43 PM

maple… you seem to be an expert :wink: …and your husband must really be proud of you …:)everyday ka bang nasa farm?

maple

09-15-2005, 10:44 PM

Eh di, Japanese harvest style o approach and naging orientation mo. Madali ka naman sigurong nakapag adjust. Natutuwa lang ako noong nandiyan ako kasi iyong mga daan ay nagta-traverse sa mga fields. Ang lapit-lapit sa mga taniman pag tumatakbo ang sasakyan.

Oo Nonoy, madali lang akong nakapag-adjust, siguro dahil na sa ugali ko na kahit anong magandang bagay ay gusto kong subukan;)

eps

09-15-2005, 10:45 PM

maple, sweet friend o’ mine, i agree with nonoy. napakaganda ng picture at kyut ka tingnan kahit nakatalikod :D. malapit lang ba sa bahay ninyo ang palayan? next time we’ll come for a visit dalhin mo ako dun ha.

hello kalypso!!! :wave:

eps

09-15-2005, 10:47 PM

Oo Nonoy, madali lang akong nakapag-adjust, siguro dahil na sa ugali ko na kahit anong magandang bagay ay gusto kong subukan;)

maple, you seem to have a positive attitude… I admire you…:slight_smile:

maple

09-15-2005, 10:52 PM

maple, sweet friend o’ mine, i agree with nonoy. napakaganda ng picture at kyut ka tingnan kahit nakatalikod :D. malapit lang ba sa bahay ninyo ang palayan? next time we’ll come for a visit dalhin mo ako dun ha.

dear kalypso,
My daughter “C” (as if I have other daughters:p ), needs some sunlight naman, kaya I left a chair sa veranda namin where she can sit at para ma-arawan naman siya, and she took this photo.

kyut lang ang likod ko…pag nakaharap na, nakaka takyut na:D
next time I will give you a tour of our palayan, pero itaon mo na harvest season ang punta ninyo dito—sabay tulungan mo na rin kami:D :smiley:

kalypso

09-15-2005, 10:58 PM

hello, eps!:tiphat:

hello kalypso!!! :wave:

maple

09-15-2005, 11:02 PM

maple… you seem to be an expert :wink: …and your husband must really be proud of you …:)everyday ka bang nasa farm?

hi eps,
hindi pa naman totally expert, pero kahit ako lang mag-isa ( there are times kasi na hindi naman kami sabay ng yasumi ng Mister ko) ang lumusob sa palayan, daitai alam ko na kung ano ang gagawin ko…hindi ko lang kaya ay ang mag-buhat ng mabibigat na sako ng palay/bigas:O

Im sure hes proud of me…he`s not vocal about it though:mad:

hindi naman ako/ kami nasa farm everyday, kasi we have our respective jobs pa. My husband works in a papermill, ako naman may part time job sa isang bakery.

eps

09-15-2005, 11:04 PM

hello, eps!:tiphat:

I’m new here…:open_mouth: よろしくね。。。:tipha t:

maple

09-15-2005, 11:06 PM

maple, you seem to have a positive attitude… I admire you…:slight_smile:

marami ako niyan positive attitude:stuck_out_tongue:

thanks!

kalypso

09-15-2005, 11:09 PM

i bet c. enjoyed watching her parents working hand in hand.:slight_smile:

oo ba…kayang-kaya. kelan ba ang next harvest season? at pwede bang iuwi ko yung ma-harvest ko?:smiley:

dear kalypso,
My daughter “C” (as if I have other daughters:p ), needs some sunlight naman, kaya I left a chair sa veranda namin where she can sit at para ma-arawan naman siya, and she took this photo.

kyut lang ang likod ko…pag nakaharap na, nakaka takyut na:D
next time I will give you a tour of our palayan, pero itaon mo na harvest season ang punta ninyo dito—sabay tulungan mo na rin kami:D :smiley:

eps

09-15-2005, 11:10 PM

Im sure hes proud of me…he`s not vocal about it though:mad:

…'ganun yata talaga ang typical Japanese husband…:frowning: pero I’m sure grateful siya sa iyo at inaappreciate niya yung effort mo…:slight_smile:

tata for now… :wave: …sana bukas uli ay magkakuwentuhan tayo :slight_smile:

goodnight… kay kalypso din …:slight_smile:

kalypso

09-15-2005, 11:13 PM

hajimemashite:). glad you could join us. :yippee:yoroshiku.

I’m new here…:open_mouth: よろしくね。。。:tipha t:

yosakoi-soran

09-16-2005, 02:57 PM

Hello Nonoy,

I am attaching a photo taken this morning (9/15/`05) when we began harvesting our
palay:)

I have been very tired these past few days with so many other familial obligations that, I prayed for rain, syempre kung umu-ulan, hindi kami makakapag-harvest, makakapag-pahinga ako:p

And I think the Gods heard me. Biglang umulan ng malakas kanina dito sa amin.:smiley:

You can see me and my husband in this photo—nagsasampay kami ng mga palay:)

Hey…maple…OTSUK ARESAMA DESHITA… You’d been working too much…ingat ka sa

katawan mo…SEXY pa rin naman ang likod mo…he…he…he… . regards ha… nice view

at your place of work…and good okusan ka pala…wow…hindi nga mabubuhay ang

danna san mo diyan pag-wala ka :smiley: …good job…motto gambatte ne…:slight_smile:

maple

09-16-2005, 08:48 PM

Social science po ang aking background at sa Pilipinas po ako naka base.

Interesado po sana akong malaman ang kalagayan ng mga Pilipinang nakapag-asawa ng Hapon at ngayon ay naninirahan sa probinsiya sa Japan. Gusto ko pong malaman ang kanilang naging adjustment; kung inasahan ba nilang sa probinsiya sila manirahan; paano nila pinalalaki ang kanilang mga anak kasalamuha ang mga Hapon, relasyon/ugnayan sa kapwa Pilipino sa community, mga nararanasang problema at pagharap dito at kasama na rin ang mga pangarap sa buhay.

Saan po kaya sa Japan ang mas maraming Piilpinang nasa ganitong setting - parang sa farm area? (tama po bang sabihing farming community?)

Marami pong salamat.

Hello Nonoy,
Anong ibig mo sabihin dito sa sinabi mo na "paano nila pinalalaki ang kanilang mga anak?

Parang madali na mahirap yata sagutin itong tanong mo. Anyway, I will attach a photo taken 3 years ago, when my kids helped in preparing our rice seedlings.

Sana sa photo na ito maipakita ko sa iyo (kahit konti) kung paano ko pinalaki ang mga anak ko;)

Maple

eps

09-16-2005, 08:57 PM

maple, good evening! ! :wave:

nakisilip din daw ako sa picture…he!he! he! Wow, wala naman akong masabi!! Mukhang pinalaki mo na masisipag at matulungin ang mga anak mo. Paano ba 'yan, hindi ka lang pala mabuting maybahay kundi mabuti ring ina …:slight_smile: hats off to you !!! :tiphat:

nonoy

09-17-2005, 12:29 AM

Hi maple,

Sorry, nawala ako kagabi since I had to attend to something else. Di ako nakapag paalam.

Nakaktuwa naman na sinasabi mong expert ka na sa farm. Ganyan daw ang Pinoy, kahit saan mo isabak, makakagawa ng paraan para matutunan at makabisado ang mga bagay-bagay sa paligid niya.

Baka lalong humanag sa iyo ang husband mo kapag naipag luto mosiya ng HINAGUM.

Ang hinagum ay common sa mga Waray (Samar people). Gawa ito sa bagong aning palay. Kaya, noon, parang pasasalamat na rin sa mga tumulong sa pag-ani, gumagawa ng hinagum every after harvest.

Una, babayuhin ang palay para maging bigas (siempre … kasi sa tabi ng palayan at walang makinang pangkiskis . . . he he he). Pagkatapos, mulis babayuhin ang palay para magkaroon ng parang rice flour. Pag nakagawa na ng riuce flour, lulutuin naman ito sa gata (tama ba memorya ko?), na dapat ay pinakukulo muna bago ialagay ang rice flour at titimplahan ng asukal para sa katamtamang tamis. Ang iba, naglalagay ng anis para mas mabango. Although,ag bagong ani naman ang palay ay mabango talaga. Habang hinahalo ang mixture sa kawali, unit-unting ina-absorb ng floiur ang liquid, hanggang sa tuluyan itong matuyo. Dapat, alalay lang ang apoy para maluto muna ang rice flour bago matuyo ang liquid. Heavy ito sa tiyan pero masarap.

Bihira na akong makatikim niyan ksi sa Manila na nga ako naka base. Isa pa, parang sa ngayon, parang masyado nanag mahalaga ang bawat sandali ng mga farmers sa bukid para maglaan pang time sa pagluluto ng hinagum.

Kahit papano, na-enjoy ko iyon bago siguro tuluyang mawala ang nasabing practice. By the way, okey rin lang kung sa bahay na lang lutuin ang hinagum. Iyon nga lang, madalas, hindi na ganun ka bago ang rice at sa makina na ito kikiskisin.

Puede mong subukan. O baka may ibang kaibigan tayo sa TF na may ibang alam na paraan ng pagluluto ng hinagum or perhaps other “kakanin,” para lalo kangmahalin ng iyong husband.

Iyon na muna for now and God Bless!

nonoy

09-17-2005, 12:44 AM

Hi Maple,

Ngayon lang lumitaw ang last message mo kagabi after I sent my reply.

Beautiful picture! Magaaan sa puso tingnan. Tuwang-tuwa nga din si eps.

Naku, pasensiya na sa mga tanong ko. Medyo, mahabang usapin kasi iyon. Interesado kasi akong malaman kung papano sila pinalalaki considering na magkaiba ang inyong orientation ng iyong husband. Bilang Pinay, dala-dala mo ang mga kaugalian natin bilang Pilipino at conscously or unconsciously, naipapapsa natinito sa bata sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanila. But then, naroon din ang kanilang ama na may kaibang orientasyon din at naipapasa din sa kanila. May mga pagkakaiba at may mga pagkakatulad din. Pero, sa bahay palang iyon.

Papano pagdating sa mga kaibigan, kalaro, kapitbahay o mga kaklase? Papano papasok ang lenguahe? Kung diyan siya ipinanganak at lumalaki, tinuturuan din ba sila ng Filipino o Tagalog? Okey lang ba ito sa kanilang ama? (naku, sabi ko sa iyo, mahab ito. . . ) papano sila nakiki pag relate halimbawa kung may kapitbahay din kayong Pinoy? O papano pagdatig sa mga kalarong batang Hapon na, purong Hapon at hindi migrant ang isa sa kanilang magulang?

Naku, don’t be pressured na saguin lahat ang mga tanong na ito. Ang totoo niyan, naghahanap ako ng time na makapunta diyan para makausap talaga ang mga Pinay at mapuntahan ang kanilang mga lugar. Siguro, sa tamang panahon.

Sana, nasa mabuting kalagayan ang iyong buong pamilya. If the picture was taken about three years ago, aba eh, baka nanliligaw na ang iyong binatilyo by this time.

Hanggang sa muli.

maple

09-17-2005, 09:32 PM

sorry ladies, hindi ako marunong mag multiple quote, kaya sama-sama na ang reply ko para sa inyo.

Kalpypso, yes you can take home some palay (some lang ha:p ), and isama mo na rin si Saddam sa Tokyo, para naman makapag-pahinga ako:D

Eps, yosakoi, dahan-dahan sa papuri…baka lumaki ang ulo ko:p

c2ny2

09-17-2005, 09:58 PM

Galing naman Ms Mapple. Hindi talaga ako makapaniwala. I mean kala ko sa mga kababayan natin eh sa city sila or wala sa farm. Galing mo naman.:bowdown:Hanga talaga ako sa iyo. Pati may bahay ko di rin siya makapaniwala. Mabuhay ka Ms Mapple. Isa ka talangang Filipinong maipag mamalaki.

maple

09-17-2005, 11:45 PM

[quote=nonoy]

Sorry, nawala ako kagabi since I had to attend to something else. Di ako nakapag paalam.

Baka lalong humanag sa iyo ang husband mo kapag naipag luto mosiya ng HINAGUM.

Hello Nonoy,

mukhang masarap nga yang HINAGUM na sinasabi mo. Bigla tuloy akong nagutom:p I always cook Ohagi during vernal and autumnal equinox. These are considered fiesta ng patay (also) dito, aside from Bon season. I offer ohagi to the souls of my in-laws.

Ohagi nga pala is parang bibingka kaya lang hindi nilalagyan ng coconut milk.

Puede mong subukan. O baka may ibang kaibigan tayo sa TF na may ibang alam na paraan ng pagluluto ng hinagum or perhaps other “kakanin,” para lalo kangmahalin ng iyong husband.

Baka batukan ako ni Crispee…pero sa tutuo lang napaka/super galing mag-luto ng kakanin ng Misis ni Cripsee:)

God bless you as well.

Maple

maple

09-17-2005, 11:54 PM

Galing naman Ms Mapple. Hindi talaga ako makapaniwala. I mean kala ko sa mga kababayan natin eh sa city sila or wala sa farm. Galing mo naman.:bowdown:Hanga talaga ako sa iyo. Pati may bahay ko di rin siya makapaniwala. Mabuhay ka Ms Mapple. Isa ka talangang Filipinong maipag mamalaki.

Hello c2ny2,

Thank you…nakakataba naman ng puso itong sinabi mo;)

Haponesa ba ang misis mo? Marami akong kakilala na Haponesa na may palayan din sila pero hindi talaga sila tumu-tulong sa trabaho sa bukid.

Ewan, parang takot na takot sila sa trabahong bukid.

thanks again.
maple

nonoy

09-18-2005, 03:07 AM

Hello Maple and Tf friends,

I am happy na nakapag generate ng konting discussion/interaction ang initial posting/message ko. Natutuwa din akong malaman na ang pag gawa sa farm ay extra household activity mo Maple since nagpa part time job ka pala sa isang bakery.

Nagka interes ako don sa sinabi mong may mga Haponesang may farm pero di naman sila gaanong lumulusong sa farm. You see, I’m sure na-aapreciate ng husband mo ang effort mo to help him in the farm. This is an unsolicited advice, but don’t force yourself na buhatin ang mabigat na bagay na sa tantiya mo ay di mo kay, kasi, pag nabali ang likod mo, mahirap mag “pa-repair” nito. Alam ko maraming bakal sa Japan pero, malaking pahirap naman sa katawan natin pag nakabitan tayo nito.

Thank you for sharing your practice of offering Ohagi to the soul of your departed in-laws. That’s something new na natutunan ko from you.

Hanggang sa muli.

c2ny2

09-18-2005, 09:36 AM

Hi Maple,
Pareho kaming Filipino ng misis ko. Dito na ako sa Japan since 1995 pa. At mga twice a year lang ako nakakauwi, kaya misis ko napasunod na rin ng August last year. Alam mo kasi halos four times a week napapadaan ako sa mga palayan dito sa bandang west ng Japan papuntang mga ship building yard at dry dock ng mga barko. Ang trabaho ko kasi ay mag assist ng mga merchant mariners at 75 percent sa mga ito ay Pinoy. At minsan napapag usapan namin na segurado walang Pinay na mag tratrabaho sa palayan dito sa Japan. Yun pala mali kami.

Kaya kanina galing kaming ship yard ng Tsuniishi sa Fukuyama, Hiroshima Ken, Sabi ko sa mga kasama kong marinong Pinoy na kayang gawin yan ng Pinay, eh alam mo di rin sila makapaniwala, kaya pagdating namin ng Kansai Airport yun pinakita ko sa kanila ang picture nyo sa palayan. At alam mo ba saludo din sila sa iyo. Kaya Maple mabuhay ka.

God Bless,

maple

09-18-2005, 09:36 PM

Hi Nonoy,
I always have big, hard and black booger (eeewww) in my nose after a day`s work in the farm, yan siguro kung bakit ayaw ng mga Haponesa mag trabaho sa bukid:p
Meron din akong kapit-bahay na Pinay, meron din palayan ang biyenan niya, pero natatakot siyang mangitim kaya hindi siya tumu-tulong sa trabaho sa bukid. Gusto ko nga siyang sabihan na, " dati ka naman nang maitim eh":eek: …to each his own, wika nga.

I’ll keep your advice in mind, thanks.

maple

09-18-2005, 09:40 PM

Hi Maple,
Pareho kaming Filipino ng misis ko. Dito na ako sa Japan since 1995 pa. At mga twice a year lang ako nakakauwi, kaya misis ko napasunod na rin ng August last year. Alam mo kasi halos four times a week napapadaan ako sa mga palayan dito sa bandang west ng Japan papuntang mga ship building yard at dry dock ng mga barko. Ang trabaho ko kasi ay mag assist ng mga merchant mariners at 75 percent sa mga ito ay Pinoy. At minsan napapag usapan namin na segurado walang Pinay na mag tratrabaho sa palayan dito sa Japan. Yun pala mali kami.

Kaya kanina galing kaming ship yard ng Tsuniishi sa Fukuyama, Hiroshima Ken, Sabi ko sa mga kasama kong marinong Pinoy na kayang gawin yan ng Pinay, eh alam mo di rin sila makapaniwala, kaya pagdating namin ng Kansai Airport yun pinakita ko sa kanila ang picture nyo sa palayan. At alam mo ba saludo din sila sa iyo. Kaya Maple mabuhay ka.

God Bless,

hi c2ny2,
nakaka-kilig naman itong sinabi mo. thanks!:slight_smile:

sensei

06-23-2006, 01:51 PM

:slight_smile:

Very impressive !!! Iba talaga ang pinoy, hatarakimondesune:)

Sana kahit one time lang…kung pwede pong bumisita sa place nio?

ozy_m3

06-23-2006, 02:17 PM

hello maple…biyenan ko may farm din sila kung ano-ano na lang ang tinatanim malaki kasi lupain nila halos yan na ang bumuhay sa kanila eversince…alam mo ba di basta-basta ang mga farmer?alam mo bang mapera ang mga yan tulad ng biyenan ko araw-araw may kikitain.ako minsan tumutulong yan nga lang di doon sa talagang farm kasi maliliit pa mga anak ko walang magbabantay dito lang sa bahay nagpapack ng mga gulay tulad ng spinach,lettuce,cabb age,mizuna basta lahat ng uri ng gulay depende kasi sa season yan eh sa ngayon tomorokoshi at palay…natutuwa ako sayo maple at subarashii ang ginawa mo:thumb:

maverick_jp

06-23-2006, 03:47 PM

Nakakatuwa naman itong thread mo Maple-san…:slight_smile: Isa lang yan sa mga patunay na mabubuting ina at asawa ang mga Pinay…

Cheers:)

Maverick_jp

Mustang

06-23-2006, 04:08 PM

Magtanim ay di biro’

Maghapong nakayuko’
Di ka man makatayo’
Di ka makaupo’.

Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Halina, halina
Mga kaliyag
Tayo’y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas

Para sa araw ng bukas.

maple

06-24-2006, 10:22 PM

hi sensei,
Syempre naman, pwede kang mag-bwisita dito sa bahay ko:D…peace po!:slight_smile: Mag-sabi ka lang kung kailan mo balak pumasyal dito, para makapag-linis naman ako ng bahay (baka lagnatin ako ah:O). Ah basta, i-deadma mo lang ang mga kalat sa bahay ko, magkaka-sundo tayo:) yoroshiku ne.

naku ozy_m3 & maverick_jp,
Sa tutuo lang hindi pa naman ako ganun ka ulirang oyomesan. May mga trabahong bukid din na ayaw ko. Tulad ng pagha-harvest ng kuri (chestnuts) at green tea. Talagang hate na hate ko yan:p Kaya 'wag muna kayong bumilib sa beauty ko:D

hi Mustang,
Thank you for sharing the lyrics, pero sa tutuo lang yung first stanza lang ang alam kong kantahin:O

sensei

06-24-2006, 11:11 PM

hi sensei,
Syempre naman, pwede kang mag-bwisita dito sa bahay ko:D…peace po!:slight_smile: Mag-sabi ka lang kung kailan mo balak pumasyal dito, para makapag-linis naman ako ng bahay (baka lagnatin ako ah:O). Ah basta, i-deadma mo lang ang mga kalat sa bahay ko, magkaka-sundo tayo:) yoroshiku ne.

nakupo…magse-set ako ng araw, ayoko magpwamis basta magdadala ako ng camera:)
hayaan mo sanay ako sa deadmahan…hindi naman ako maarte noh:wavey:

Sacod

06-24-2006, 11:45 PM

hello maple…ang galing mo.dapat kang tularan…sana maraming pang pinay na maging katulad mo…
hats off to you…
:toast:

sensei

06-24-2006, 11:55 PM

hello maple…ang galing mo.dapat kang tularan…sana maraming pang pinay na maging katulad mo…
hats off to you…
:toast:

Sugoi desho? Puro gawa walang sali-salita…napahanga talaga ako kaya pinilit kong ilabas ang baul na ito para makita ng kapwa natin Pilipino dito sa TF.:slight_smile:

summergirl

06-27-2006, 06:47 AM

hi dear,dito rin ako sa ibaraki na probinsya, kaya lang ngayon under developing city ngayon,pero ang lugar namin as in lahat ng daanan mo puro rice field ,kailangan ngang hatid ko pa ang anak ko sa medyo mataong lugar para hindi ako kakaba-kaba sa pag lakad nya,ok lang sa akin dahil may sasakyan naman kaya kahit malayo malapit na rin dahil naka sasakyan nga.Naging friendly ako sa mga japanese naming kapitbahay ,para hindi bored,tapos pinalaki ko ang mga anak ko sa philippine style,nakakapag salita rin sila ng tagalog at english kaya hindi ako hirap.pag taniman at anihan naman hindi naman nila ako kino compulsary na tumulong dahil ako naman ang nag luluto sa kanila sa araw araw ,iniisip mo lang siguro iyon kaya medyo nahihirapan ka.Kasama ko pa ang both in laws ko,kaya lang parang naging routine ko na ba sa araw araw ang ganon kaya parang use to it na ako.Mahirap pero no choice di ba.Ngayon nga mag namatay dito sa tabi namin,porke sa probinsya ka nakatira hanggang mailibing ang patay mula umaga hanggang ala 6 ng gabi andoon ka .Ganon lang iyon.Do what the romans do di ba>Good luck dear

mOtt_erU

08-24-2006, 01:02 AM

Hi Nonoy,…alam mo may friend ako na ang asawa nya ay Farmer at syempre may Farm sila…sabi niya saken Masaya daw siya at enjoy sa farm at Inaka, okey naman daw mga biyenan niya…kaso nakalimutan ko kung saan particular yung place nila kase bihira lang kame magkita, hayaan mo pag nagkita kame ulit itatanong ko saan siya…malay mo malapit lang jan sa inyo :slight_smile:
Ganbate nalang & stay happy:) :slight_smile: :slight_smile:

crispee

09-23-2006, 03:53 PM

Anihan na naman…Napakaganda naman talaga ng palay dito sa Japan.
Eto ang ilang kuha sa probinsiya.

http://static.flickr.com/85/245367379_0791b21283 .jpg
Si ‘nanang’ habang isa-isa niyang dinadala ang mga bungkos ng palay sa sampayan.

http://static.flickr.com/85/245367479_635ebfb4b2 .jpg
Ito yung sampayan ng palay. Pinapatuyo muna bago isalang sa ‘pagpagan’.

http://static.flickr.com/93/245367640_df7924ad7e .jpg
Isang maliit na barangay, napapaligiran ng kabundukan.

benihana

09-23-2006, 03:59 PM

mr. crispee, pwede mong isali yan sa asahi life insurance photo contest… ang ganda ng kulay nya, buhay na buhay.:slight_smile:

crispee

09-23-2006, 04:18 PM

Thanks a lot benihana…

Have a nice weekend.

hayaren

09-24-2006, 07:21 PM

hello Maple,

grabe saludo ako sa yo:) , dapat kang tularan! sa Pinas ang laki ng taniman namin ng palay pero NEVER pa po kaming magkakapatid na umakto talaga sa pagtatrabaho sa palayan dependent kami sa mga trabahante namin…pero itong nakita ko sa mga pictures mo, speechless ako for a while kasi you’re such an optimistic person and you seemed to fit in naturally where you are, parang di mo naramdaman ang kati o sakit sa katawan…ang ganda ng lugar ninyo sana makapunta diyan

adechan

09-24-2006, 09:16 PM

Hello Nonoy,

Sana sa photo na ito maipakita ko sa iyo (kahit konti) kung paano ko pinalaki ang mga anak ko;)

Maple

:tiphat:
parang ang sarap manirahan diyan Maple

wag lang iisipin na kailangang masanay sa trabahong bukid

mahirap pero parang mas masarap ang trabahong bukid kesa ang pressured na trabaho sa siyudad

hotcake

09-24-2006, 09:21 PM

@ crispee

ganda naman ng mga kuha mo crispee. sa lugar ba nila maple yan picture na iyan?:slight_smile:

maple

09-24-2006, 10:20 PM

hello maple…ang galing mo.dapat kang tularan…sana maraming pang pinay na maging katulad mo…
hats off to you…
:toast:

Hello Sacod, thank you very much. Nakaka-kilig naman ang papuri mo;):slight_smile:

maple

09-24-2006, 10:28 PM

http://static.flickr.com/93/245367640_df7924ad7e .jpg
Isang maliit na barangay, napapaligiran ng kabundukan.[/quote]

crispee, akala ko sasabihin mo, "isang maliit na barangay, napapaligiran ng mga “unggoy”:smiley:

maple

09-24-2006, 10:48 PM

hello Maple,

grabe saludo ako sa yo:) , dapat kang tularan! sa Pinas ang laki ng taniman namin ng palay pero NEVER pa po kaming magkakapatid na umakto talaga sa pagtatrabaho sa palayan dependent kami sa mga trabahante namin…pero itong nakita ko sa mga pictures mo, speechless ako for a while kasi you’re such an optimistic person and you seemed to fit in naturally where you are, parang di mo naramdaman ang kati o sakit sa katawan…ang ganda ng lugar ninyo sana makapunta diyan
Hello hayaren, why don’t you give it a try;)

thank you very much for the compliments:)

Hi adechan, naku, sinabi mo pa! Mahirap talaga ang trabahong bukid pero, “ki ga raku” ka naman. Sarili mo lang ang pakikisamahan mo:p

Makiki-update na rin ng harvest season namin this year:D
Habang nagha-harvest kami kanina.

5783

hayaren

09-25-2006, 04:43 PM

hello Maple,

thanks for the reply…we’ll never know I’ll give it a try in the future to work in my family’s rice field, I know I can ask this question from my husband who happens to be a Japanese, gaano ba kalayo biyahiin papunta diyan sa inyo from Tokyo? I would love to visit your place, my hubby loves the country side nagsawa na sa hurly-burly sa Tokyo. Though right now am IN UAE but hopefully I’ll be joining my husband for good once my work circumstances would free me eventually from all the fetters.

Thanks for updating us with that pic:) grabe ang sipag sipag mo!

japina

09-25-2006, 04:55 PM

maple san saludo ako sa iyo:tiphat: im very sure that your husband really proud of you!! kasi you really deserve it!!ang pinay talaga kahit saan nakikita ang pagiging masipag kaya proud to be pinay ako:)

ringo

09-25-2006, 08:29 PM

maple san saludo ako sa iyo:tiphat: im very sure that your husband really proud of you!! kasi you really deserve it!!ang pinay talaga kahit saan nakikita ang pagiging masipag kaya proud to be pinay ako:)

dapat ganun! ang pilipinas naman kundi ako nagkakamali ay once known to be the rice bowl of Asia so talagang masisipag ang mga pinoy magtrabaho sa farm. pero sa ngayon dito sa japan ay medyo mezurashii ang katulad ni maple san. Kaya saludo din ako sayo. Sana mas mapalawak pa ang impluwensya ng magandang halimbawa mo maple san.

This is an archived page from the former Timog Forum website.