Gamit nyo bang real name nyo sa Japan?

nikita

10-18-2005, 01:26 PM

Gamit nyo bang tunay nyong pangalan sa Japan?I mean kilala ba kayo sa real name nyo?Ako kasi ang dami ko ng nagamit na name dito lahat japanese name,kaso di nag click or wala atang suwerte.then all my friends suggested bakit di ko na lang daw gawing JAYA ang name ko sa Japan tutal pareho daw kami ng boses(oohh,laban)ay oko sana coz parang di bagay,kaso ang kukulit talaga ng mga friends ko sa japan kaya yon,history.until now,gamit ko pa rin ang pangalang JAYA dahil lucky ata ako sa name kong ito.kaya kahit saan ako pumunta pag nalaman nilang name ko,nagugulat sila"talaga lang ha"comment pa ng isa.yung iba naman nagtatanong ba’t daw ako maputi!?yung iba naman sumisigaw ng “ang tumalo sa kampeon” oh di ba ganon sila mag react.

v_wrangler

10-18-2005, 01:35 PM

Di ko maintindihan kung bakit kailangan mag-iba ng pangalan? Unless na ikaw ay nagpalit ng nationality at kailangan mong mag-adapt ng japanese name. Bakit nga ba?

nikita

10-18-2005, 01:53 PM

v wrangler,ang ibig kong sabihin nickname ba or alias ang gamit nyo dito sa Japan?kalimitan kasi sa ating mga pilipino dito ay di ginagamit ang real name nila,katulad ko nasanay na silang tawagin ako sa alias ko,not in my real name.sorry ha di mo na get;)

hotcake

10-18-2005, 02:29 PM

Gamit nyo bang tunay nyong pangalan sa Japan?I mean kilala ba kayo sa real name nyo?Yes, real name ko ang ginagamit ko dito sa Japan. Never pa akong nag-iba ng pangalan. Di ba mas maganda kung makilala ka ng ibang tao na ang tunay mong pangalan ang gamit mo.

Ako kasi ang dami ko ng nagamit na name dito lahat japanese name,kaso di nag click or wala atang suwerte.then all my friends suggested bakit di ko na lang daw gawing JAYA ang name ko sa Japan tutal pareho daw kami ng boses(oohh,laban)ay oko sana coz parang di bagay,kaso ang kukulit talaga ng mga friends ko sa japan kaya yon,history.until now,gamit ko pa rin ang pangalang JAYA dahil lucky ata ako sa name kong ito.kaya kahit saan ako pumunta pag nalaman nilang name ko,nagugulat sila"talaga lang ha"comment pa ng isa.yung iba naman nagtatanong ba’t daw ako maputi!?yung iba naman sumisigaw ng “ang tumalo sa kampeon” oh di ba ganon sila mag react.Gusto ko lang itanong sa iyo kung bakit ang dami mo ng nagamit na names, at ano ang ibig mong sabihin na wala kang swerte sa real name mo. Maganda naman siguro ang name mo, so why change it.:slight_smile: Hajimete lang ako nakarinig ng tao na nagsabi na walang swerte sa name nila. Ang alam ko lang kasing nag-iiba ng name ay iyong mga nagtatrabaho sa gabi.(hindi po ako against sa mga nagtatrabaho sa gabi :slight_smile: )

myukasky

10-18-2005, 02:58 PM

Sa case ko naman before kasi talent ako, yung sacho namin nahihirapan bigkasin yung real name ko. Kaya gumamit ako ng nickname na Emi. At kapag sila na ang tumawag sa akin iba na ang kinalalabasan instead na Alma, Aruma ang nasasabi nila:( . Pero isang name lang or nickname ang ginamit ko at napagkasunduan namin ng husband ko na ito na lang ang gamitin ko.

rodem

10-18-2005, 03:21 PM

ako, gamit ko real name ko dito… and wala kong planong ibahin kahit na nickname pa… mahirapan mang bigkasin ng mga japs pangalan ko… hindi ko na problema yun…:stuck_out_tongue: and besides ganda ng name ko ha…:smiley:

nikita

10-18-2005, 03:43 PM

Hotcake,1st talent kasi ako ng pumunta ng Japan.naalala ko pa mismong mamasan pa ang nagpapabago ng pangalan coz baka daw mahirapan ang hapon sa pagbigkas ng pangalan kaya halos lahat kaming talent non ay nagbago ng pangalan.nika,mari,y uri,hitomi,meron pang ngang shioko.and the last is Jaya nga.Till I got married here in japan.nasanay na rin kasing husband ko sa name na jaya coz jaya ang gamit kong name ng magka kilala kami.so iyon na yon…about my real name,bata pa kasi ako di ko na type ang real name ko,ewan ko kung bakit!?

hotcake

10-18-2005, 03:55 PM

Hotcake,1st talent kasi ako ng pumunta ng Japan.naalala ko pa mismong mamasan pa ang nagpapabago ng pangalan coz baka daw mahirapan ang hapon sa pagbigkas ng pangalan kaya halos lahat kaming talent non ay nagbago ng pangalan.nika,mari,y uri,hitomi,meron pang ngang shioko.and the last is Jaya nga.Till I got married here in japan.nasanay na rin kasing husband ko sa name na jaya coz jaya ang gamit kong name ng magka kilala kami.so iyon na yon…about my real name,bata pa kasi ako di ko na type ang real name ko,ewan ko kung bakit!?Ganun ba ang story ng name mo, shoganai ne kung maliit ka pa ay di mo na type ang real name mo.:open_mouth: Siguro nga mas maganda na “Jaya” ang gamit mo kasi with that name mo nakilala ang husband mo. Baka iyan rin nga ang magbigay sa iyo ng swerte…:slight_smile: Gambatte ne.

fremsite

10-18-2005, 05:02 PM

Gamit nyo bang tunay nyong pangalan sa Japan?I mean kilala ba kayo sa real name nyo?Ako kasi ang dami ko ng nagamit na name dito lahat japanese name,kaso di nag click or wala atang suwerte.then all my friends suggested bakit di ko na lang daw gawing JAYA ang name ko sa Japan tutal pareho daw kami ng boses(oohh,laban)ay oko sana coz parang di bagay,kaso ang kukulit talaga ng mga friends ko sa japan kaya yon,history.until now,gamit ko pa rin ang pangalang JAYA dahil lucky ata ako sa name kong ito.kaya kahit saan ako pumunta pag nalaman nilang name ko,nagugulat sila"talaga lang ha"comment pa ng isa.yung iba naman nagtatanong ba’t daw ako maputi!?yung iba naman sumisigaw ng “ang tumalo sa kampeon” oh di ba ganon sila mag react.

yup! i use my real name , always… ! and nicknames … i got 2 :slight_smile: ,
one is for ordinary people and the other is for my special (s) family , friends and relatives :smiley:

crister

10-18-2005, 08:25 PM

real name gamit ko…kasi may ibang gumamit nito dito sa japan…heheheheheheh e

laki ng hirap ko para mabawi ulit…ikaw na ang ma-blacklist sa Japan at sa tuwing pupunta ako dito eh hinaharang ako sa Narita…buti na lang at naayos ko rin last year.

hinahanap ko nga yung taong gumamit at maidemanda para pagbayarin at makabayad ako ng utang…hehehehehehe

ganda_girl89

10-18-2005, 08:30 PM

hinahanap ko nga yung taong gumamit at maidemanda para pagbayarin at makabayad ako ng utang…hehehehehehe

wag po…wag po…di na po ako uulit…sorry na po,sir!

crister

10-18-2005, 08:51 PM

wag po…wag po…di na po ako uulit…sorry na po,sir!

siguradong hindi ikaw yun…kung ang usename mo eh :

gwapo_boy88…malama ng ikaw yung gumamit …hehehehehehe…kasi di naman pwedeng di gwapo ang ipapalit na picture sa Passport ko na may Visa na nung nahold-up ako…syempre ibabagay sa original na picture…hehehehehe he (konting lakas po ng mga heater nyo…taglamig na eh lumalakas pa ang hangin:D)

Chibi

10-18-2005, 09:14 PM

ako, gamit ko real name ko dito… and wala kong planong ibahin kahit na nickname pa… mahirapan mang bigkasin ng mga japs pangalan ko… hindi ko na problema yun…:stuck_out_tongue: and besides ganda ng name ko ha…:smiley:

ako marami kong pangalan dati Michelle tawag nila saken sa omise click nman kse daming nabulag!!!hihihihihi !yun po ay nung kabataan ko pahhh!!waaaaa!
sa family ang friends ko tawag nila saken Bel
sa kbilang site mga prends ko twag saken Mabs,mam Chibs or Chibi
sa trabaho ko naman Maruchan…ako kase beybi nila dun!:eek: …pilya dawkse ko at makulit parang c Chibimaru
dati kong bestprend Lola naman tawag saken!!!waaaa…di na kami prend ngayon.:frowning:

panalo talaga sa pangalan hihihihihi!but my real name is Mabel.:slight_smile:

DJchot

10-18-2005, 09:49 PM

panalo talaga sa pangalan hihihihihi!but my real name is Mabel.:slight_smile:

oy, MArio BELoso. dito lang pala kita matatagpuan! isa ka na palang ganap na babae dito sa japan!

Hungry eyes

10-18-2005, 10:06 PM

ako naman isa lang sa friends ko ang nakakaalam ng tunay na name ko.kasi before aloof ako sa tao.and always cold and making distant…at wala naman din kasing nagtatanong nag real name dito eh.tsaka kasi yun iba pag sinabi mo tunay na pangalan mo eh binabastos nila yun name…nakakatawa nga pati kids ko kailan lang nalaman pangalan ko…:eek:

c2ny2

10-19-2005, 04:24 PM

Ako di pa nag papalit. Pero malapit na. Kasi ba naman last May pagbalik ko dito na hold na naman ako sa POEA dahil may kaso daw ako. Tapos kapangalan lang pala. Sa NBI ganoon din . Sa local courts madaming ding kapangalan kaya sikat yung pangalan ko. Hmm… Pero di na seguro ako mag papalit, dahil suwerte sa akin itong pangalang ito. Malas lang sa kanila. He he he he.

crister

10-19-2005, 08:07 PM

Ako di pa nag papalit. Pero malapit na. Kasi ba naman last May pagbalik ko dito na hold na naman ako sa POEA dahil may kaso daw ako. Tapos kapangalan lang pala. Sa NBI ganoon din . Sa local courts madaming ding kapangalan kaya sikat yung pangalan ko.

i suggest kumuha ka ng Clearance / certificate sa Bureau of Immigration and Deportation sa Intramuros, may same case ng sa iyo, nangyari sa kasama namin, hinarang sa NAIA, kaya everytime na may aalis sa amin papuntang japan eh nakuha na ang company naming ng clearance sa BID.

fremsite

10-19-2005, 08:19 PM

ako marami kong pangalan dati Michelle tawag nila saken sa omise click nman kse daming nabulag!!!hihihihihi !yun po ay nung kabataan ko pahhh!!waaaaa!
sa family ang friends ko tawag nila saken Bel
sa kbilang site mga prends ko twag saken Mabs,mam Chibs or Chibi
sa trabaho ko naman Maruchan…ako kase beybi nila dun!:eek: …pilya dawkse ko at makulit parang c Chibimaru
dati kong bestprend Lola naman tawag saken!!!waaaa…di na kami prend ngayon.:frowning:

panalo talaga sa pangalan hihihihihi!but my real name is Mabel.:slight_smile:

chibi! mario beloso ka pala!!! hehehe
kaya pala mabel :stuck_out_tongue: ganda naman eh ! :smiley:

Chibi

10-19-2005, 08:20 PM

oy, MArio BELoso. dito lang pala kita matatagpuan! isa ka na palang ganap na babae dito sa japan!
Eduardo hwag ka maingay dyan!!hehehheheh!buk ing ang real name mo!!!Eduardo jokla!!!bwahahhahaha h!PIS!!!my prend!:rolleyes:

hindi po siya jokla lambing ko lang yun!

c2ny2

10-19-2005, 10:32 PM

Salamat crister. Meron na akong affidavit from the court tapos from BOI sa atin. Para naman sa pagbalik ko sa Nov. 9 eh wala ng problema. Hi Mabel

honey

10-24-2005, 10:38 PM

karamihan sa gumagamit ng alias TALENTO.dati iba ang gamit kong pangalan o passport pero inamin ko sa japan embassy eto maayos na namumuhay walang kaba!:wink: totoong pangalan ko na poh!:smiley:

tfcfan

10-25-2005, 12:18 AM

nung talent ako Aya ang name na binigay ni Tencho sa kin.
First timer lang ako ng makilala ko si Mister .Nang magka-baby kami tinawag namin syang Aya dinagdag yung Ka naging Ayaka.At the end yung real name ko na ang gamit ko ngayon.

adechan

10-25-2005, 08:16 PM

ako rin po dati alyas ko “Aiko” pero nang mag-asawa na ako at mag-kaanak, original name ang gamit ko.

sa trabaho po adechan talaga ang tawag sa akin.

adechan

10-25-2005, 08:21 PM

Eduardo hwag ka maingay dyan!!hehehheheh!buk ing ang real name mo!!!Eduardo jokla!!!bwahahhahaha h!PIS!!!my prend!:rolleyes:

hindi po siya jokla lambing ko lang yun!

hi there “Chibi” just wondering! female ba talaga o male?

kagalang galang na mga moderators: sana kahit sex personality puwede kaagad malaman ano … or mas may exciting ba iyon kung hindi kaagad malaman kung F or M?

DJchot

10-25-2005, 08:43 PM

:slight_smile: check her pix na lang sa yokohama EB.

ako rin, nahihiwagaan e. pag nag CR nga, sasabayan ko minsan. titingnan ko kung nakatayo or nakaupo…:smiley:

Chibi

10-25-2005, 08:51 PM

hi there “Chibi” just wondering! female ba talaga o male?

kagalang galang na mga moderators: sana kahit sex personality puwede kaagad malaman ano … or mas may exciting ba iyon kung hindi kaagad malaman kung F or M?

Hi! Adechan:) hwag ka maniwala dyan kay Dj wala lang yang magawa…kita mo na ko sa friendster di ba??just read na lang yung testi ng prend ko dun!:slight_smile:

DJchot

10-25-2005, 08:53 PM

Hi! Adechan:) hwag ka maniwala dyan kay Dj wala lang yang magawa…kita mo na ko sa friendster di ba??just read na lang yung testi ng prend ko dun!:slight_smile:

aber, patunayan mo nga sa akin! :stuck_out_tongue:

Chibi

10-25-2005, 09:00 PM

aber, patunayan mo nga sa akin! :stuck_out_tongue:

uyyyy!!!gusto mo kong isahan ha???no way!!wais tohh!!manigas ka dyan!!:whistle: :hihi:

adechan

10-25-2005, 09:07 PM

Hi! Adechan:) hwag ka maniwala dyan kay Dj wala lang yang magawa…kita mo na ko sa friendster di ba??just read na lang yung testi ng prend ko dun!:slight_smile:

i checked it once again … eh ang ganda nung nakita ko sa pic eh … pati testi eh no doubt naman.

na pa hihihihihi tuloy ako sa biruan ninyo … nakakagoyo

:nuts:

DJchot

10-25-2005, 09:10 PM

uyyyy!!!gusto mo kong isahan ha???no way!!wais tohh!!manigas ka dyan!!:whistle: :hihi:

:grinny: hahaha! sino kaya sa ating dalawa ang gustong makaisa? hehe :toofunny: :toofunny:

off topic na tayo…baka pagbakasyunin tayo ng maaga hehe

tabi-tabi po mga mods…

michiko

03-02-2006, 09:17 AM

ako din po real name ko talaga ang gamit ko.:stuck_out_tongue:

maimai

03-02-2006, 09:22 AM

ako rin nung simula napunta ako dito real name ko na talaga ang gamit ko…kasi nasanay ako yan ang tawag sa akin…kahit itong user name ko dito ay related pa rin sa real name ko…:wink: :stuck_out_tongue:

lonely me

03-05-2006, 09:39 AM

Di ko maintindihan kung bakit kailangan mag-iba ng pangalan? Unless na ikaw ay nagpalit ng nationality at kailangan mong mag-adapt ng japanese name. Bakit nga ba?kailangan ba talagang magpalit ng name pag nagpalit ka ng nationality?

abakitba

03-05-2006, 10:22 AM

Looking for Peneng Garcia.
Can you help?

myk

03-07-2006, 01:10 PM

real name din gamit ko.

tfcfan

03-07-2006, 01:19 PM

Me too!:slight_smile:

mika21

03-07-2006, 04:40 PM

me too i used my original name

wolfgang

04-01-2006, 12:16 AM

tunay kong pangalan ang gamit ko noong pumunta ako dito sa japan …kaya lang pagdating sa omise iba na ang pangalan ko kasi hirap din silang bigkasin ang name ko dahil mahaba
marami rin akong naging alyas…aira…joy and last is niki…pero ngayon yung mga kaibigan ko sanay silang joy pangalan ko …kasi nakasanayan na at asawa ko lang ang tumatawag sa akin nang real name ko…:wink:

Tonyang

04-01-2006, 07:40 AM

Interesting itong thread na ito. Tanong ko lang mga kapatid kung anong pakiramdam kung gumagamit ng ibang pangalan at kung gusto ba ninyong magamit ang totoong pangalan? Parang nasa showbiz, iba ang pangalan.

Aquamarine

04-01-2006, 07:53 AM

Yes, real name ko ang ginagamit ko dito sa Japan. Never pa akong nag-iba ng pangalan. Di ba mas maganda kung makilala ka ng ibang tao na ang tunay mong pangalan ang gamit mo.

Gusto ko lang itanong sa iyo kung bakit ang dami mo ng nagamit na names, at ano ang ibig mong sabihin na wala kang swerte sa real name mo. Maganda naman siguro ang name mo, so why change it.:slight_smile: Hajimete lang ako nakarinig ng tao na nagsabi na walang swerte sa name nila. Ang alam ko lang kasing nag-iiba ng name ay iyong mga nagtatrabaho sa gabi.(hindi po ako against sa mga nagtatrabaho sa gabi :slight_smile: )

Maybe she’s not lucky using her real name in her field of work. Gaya ng mga artist sa Pinas, parang screen name ang dating.

gemini_19

04-01-2006, 09:52 AM

nakakatawa di ba? ako kasi sa personal experienced ko baka di kayo maniwala, for sure merong hihirit diyan pero ito ang totoo. when i enrolled my first grade in school hinanapan ang parents ko ng baptismal certificate ( sa probinsya kasi namin baptismal not the birth certificate ang hiningi) so bigay ang parents ko, kaya lang here is the kwento my name in birth certificate is english version of my spanish baptismal name, kaloka talaga kasi ang nag registered ng name ko sa baptismal is my ninang (pakialamera, sumalangit nawa ang kalolowa niya) without informing my parents. so yon ang nadeclared sa registrar office na hanggang mag college ako yon ang dala kong pangalan. when i went abroad sa middle east dahil sa diploma ko is my baptismal name ang dala ko ng kumuha ako ng passport i use that name. kaya lang heto ang kwento at lumabas ang totoo, when i got married to my husband hinanap sa akin birth certificate dahil papakasal daw, but i’m using my baptismal name sabi ba naman sa japan embassy sa asawa ko meron daw akong dalawang katauhan so nagreply ako na typographical error yon since magkatunog na pangalan lang siya, kaya lang ilang letters din ang pagkakaiba kaya nawalang saysay yong una naming marriage, kaya the next month balik na naman siya para pakasal uli kami and i used my real name na, at gumastos ng malaki sa abogado para lang ma chance na sa tunay. kaya eto ako illiterate dahil ang mga diploma ko since grader ay iba ang pangalan. yan ang malungkot kong karanasan sa pangalan ko.

pero kahit anong pangalan ang gamitin ko ok lang.

sorry po medyo naiba na sa topic.
para di OT,
i use my real name na since i came here in Japan

Autumn

04-01-2006, 11:07 AM

gamit ko Real Name ko ~~~ kaya lang asar eh lagi nilang binabastos name ko…Kris(クリス) pangalan ko eh ginagawa nilang clitoris(クリトリス):shut up: so gumamit ako ng ibang nick …napansin ko lang noon iba na ginagamit kong name ~~~~~ parang nag iba din yata katauhan ko:biglaugh: kasi yun name na kris pwedeng pambabae at panlalake …kaya boyish ako noon…naughty ~ stubborn ~ minsan sobrang arte pa ako sabi nga nila parang dalawa katauhan ko:D :smiley: eh ayaw kong dalawa lang katauhan ko so ginagamit kong name is Sean pina ikling Season…para apat …Sala sa panahon ang ugali ko ngayon:D :wink:

chubby_kulot

04-01-2006, 06:43 PM

marami rin akong naging alyas…aira…joy and last is niki…pero ngayon yung mga kaibigan ko sanay silang joy pangalan ko …kasi nakasanayan na at asawa ko lang ang tumatawag sa akin nang real name ko…:wink:

naks katokayo ko pa pala sa alyas itong si wolfgang… [di kaya kambal tayong nagkahiwalay ] :jiggy: :jiggy: :jiggy:
tunay na name ko po ang gamit ko…pero may kwento ako…
noong talento ako paiba iba rin ako ng alyas at dun na ako nakikilala…kasi naman nung 1st timer ako RHEA ang name ko then 2nd ko may gumagamit na daw ng name na un kaya iba naman RICA naman then the last 3rd timer ko nauwi na sa JOY dahil meron na rin may gamit ng rica…kaya ang mga kaibigan ko since 1st timer pag nakita ako tawag nila sakin rhea den kung kasama ko un ka-talent ko ng 2nd timer rica ang tawag or un kapit bahay namin na ka-talent ko ng 3rd timer eh joy naman…kaya minsan ako din ang hirap… :cry: :cry: :cry:

pero nung nag aaral ako never akong tinawag sa real name ko dahil nang aaway ako pag tinatawag ako sa real name ko…napapangitan kasi ako eh :order: :order: kahit di naman totoong panget ang name ko…lolo ko daw ngbigay non bago sya namatay after ng isilang ako [sumalangit nawa sya…]okie parin naman sana kaso may isang artista na gumamit ng name ko eh nagkataon BOLD STAR pa…kaya tinutukso ako ng mga classmate ko…since then ayoko na sa name ko…kahit mga teacher ko di ko sinasagot pag tinatawag ako sa real name ko unless galit na sila :jiggy: :jiggy: di pa sila magalit eh di ako tumatayo pag tawag nila sa name ko :jiggy: :jiggy: kaya un ibang teacher ko pag nalaman nila na ayoko sa name ko sa last name nila ako tinatawag…at kahit sa mga friends ko nick name ko ang binibigay ko o kahit sinong poncio pilato pa puro nick name lang…then sa hubby ko…alam nya name ko pag gusto akong asarin tinatawag ako sa name kong iyon…asar tlaga naman kasi…:order: :order: :order:

Tonyang

04-01-2006, 07:09 PM

Sa mga Pinoy lang yata Chubby usong ibahin iyung name. May kilala ka ba na mga talento na ibang nationality na iniba ang pangalan nila nang magtrabaho sa Japan? Parang mga artista sa pelikula o may puting tabing.

wolfgang

04-01-2006, 07:14 PM

yes po meron po akong kilala kagaya noong mga kasamahan kong russian sa omise,iba rin po ang pangalan nila sa omise kasi …minsan yung mismong mama or yung namamahala sa omise ang nagpapapalit nang pangalan ng mga talento para dawmadaling matandaan at madaling bigkasin:)

chubby_kulot

04-01-2006, 07:15 PM

oo meron…kasi nung 2nd timer ako sa ibaba namin omise ng mga bakla…meron ding mga pinoy at ibang bansa…iba din ang name nila dun…syempre bakla kasi kaya kelangan name ng girl ang gamit nila sa omise nila…then ng minsan naman mag asobi kami noon…pumunta kami sa omise ng haponesa…meron din gumagamit din ng alyas …kasi lalo na sa trabaho pag omise…kung minsa kahit papaano nahihiya rin sila na un real name nila gamitin sa omise…kaya iniiba rin nila…pero di rin laht ng pinoy nagpapalit ng names…or alyas…un kapit bahay ko na talento rin…since mag 1st timer sya until now talento parin sya at un real name nya…iisang name lang ang gamit nya… :sweeties:

maple

04-01-2006, 11:21 PM

Op kors, tunay na pangalan ko ang gamit ko:) Kaya lang, a Pinay friend in Atami, Shizuoka Ken, christened me after a mountain in the Philippines. :eek: Na tamang-tama naman is a very common Japanese name for girls:p Am lovin’ it:cool:

Tonyang

04-02-2006, 07:01 AM

Chubby, Wolfgang, uso pala sa mga nasa omise ang pagbabago ng pangalan. Ibig sabihin ng nagpapalit ng pangalan, nahihiya sa trabaho nila? Bakit kaya? Iba iba naman ang mga omise di ba?

wolfgang

04-02-2006, 02:38 PM

Hindi naman po sa kinahihiya nila yungbtrabaho nila…kagaya nga po nang sinabi niyo iba-iba po ang omise…pero yung mga nagtatrabaho sa panggabi kagaya nang mga club…eh madalas talagang ibang pangalan ang gamit nila…Kasi ang katwiran nang ibang kilala kong arubaito sa gabi ay may mga personal silang buhay na ayaw nilang malaman nang mga kostumer nila…atsaka…mahir ap daw po kung malalaman ang tunay nilang pangalan kasi nga madalas may kostumer na stalker …ayaw po nila yon…at higit sa lahat iwas tsismis na rin kasi madalas po lalo na dito sa lugar ko,… maraming magkakapareho nang pangalan kaya kahit itsismis sila di pa rin tukoy kung sino yon sinasabi dahil pareho nang mga pangalan na ginagamit… :smiley: :smiley: :smiley: :smiley:

Tonyang

04-02-2006, 05:04 PM

Wolfgang, sorry, di ko nagets… maraming stalker na mga Hapon kaya dapat ibahin ang pangalan ng mga Pinay? So gustong magtago ng mga Pinay sa mga ganitong Hapon na customer dahil baka mahanap sila? So meaning, mate-trace sila ng mga Hapong ito kung iisa lang ang pangalan nila. Tama ba analysis ko sis?

proud me

04-05-2006, 11:28 AM

:yesyes: me rin gamit ko ang real name ko pero mas kilala ako sa alyas ko

clovergirl

05-24-2008, 10:21 PM

ako, gamit ko real name ko dito… and wala kong planong ibahin kahit na nickname pa… mahirapan mang bigkasin ng mga japs pangalan ko… hindi ko na problema yun…:stuck_out_tongue: and besides ganda ng name ko ha…:smiley:
ako din po, gamit ko real name ko dito sa Japan kaya lang masyado atang unique hindi mabigkas ng marami kaya iba-iba ang tawag sa akin (kakainis minsan) pero bahala na sila, sila naman nabubulol hindi ako, basta ako love ko ang name ko just like most of us here I guess!

engr_jazon

05-24-2008, 10:43 PM

may nakilala rin ako dati na chikababes…ang dami gamit na names…
iba sa YM
iba sa trabaho
iba sa bahay
iba pag kasama ang friends…

ang gulo…:confused:

my_i_me

05-24-2008, 10:44 PM

nung 1st & 2nd timer po ako (same omise) nag iba po ako na pangalan.Dahil mahilig ako sa Mickey Mouse MIKI po ang ginamit ko.Di naman pangit real name ko pero di daw madaling bigkasin sabi ng mga sempai.Para daw UDEN…:food:

rubyuki

05-24-2008, 10:56 PM

ako since nandito sa Japan alias ang gamit ko, kasi di mabigkas ng mga Hapon ang name ko. nagiging pangalan ng lalaki. :biglaugh:

tadashi

05-24-2008, 10:57 PM

ako may nickname talaga mula pa nuong bata dahil napakahaba ng pangalan ko kaya ang family ko yun nickname na yun ang tawag sa akin hanggang makapunta pa rin ako dito sa japan yun parin ang tawag ng lahat sa akin…pero sa mga legal paapers ko siyempre true name gamit ko…

erokawaiiAYA

05-25-2008, 12:29 AM

Gamit nyo bang tunay nyong pangalan sa Japan?I mean kilala ba kayo sa real name nyo?Ako kasi ang dami ko ng nagamit na name dito lahat japanese name,kaso di nag click or wala atang suwerte.then all my friends suggested bakit di ko na lang daw gawing JAYA ang name ko sa Japan tutal pareho daw kami ng boses(oohh,laban)ay oko sana coz parang di bagay,kaso ang kukulit talaga ng mga friends ko sa japan kaya yon,history.until now,gamit ko pa rin ang pangalang JAYA dahil lucky ata ako sa name kong ito.kaya kahit saan ako pumunta pag nalaman nilang name ko,nagugulat sila"talaga lang ha"comment pa ng isa.yung iba naman nagtatanong ba’t daw ako maputi!?yung iba naman sumisigaw ng “ang tumalo sa kampeon” oh di ba ganon sila mag react.

Sis kung JAYA ang alias mo dito sa Japan, bakit NIKITA ang name mo dito?? dapat diba JAYA din?..:smiley:

This is an archived page from the former Timog Forum website.