Ginataang Kani with Kalabasa

Maruchan

10-14-2005, 11:04 PM

Maruchan’s Ginataang Kani with Kalabasa

Just wanted to share the recipe my sister taught me when she came to visit us with her two daughters here in Japan.

http://www.timog.com/gallery/files/3/4/9/od20051014-008tf.jpg

Steam or boil the crabs as whole para hindi mawala ang lasa. Saute garlic, then add finely chopped onions. When onions are transparent add strips or cubes of pork. When pork is no longer pinkish, add patis then add 2 cans of Chaokoh coconut milk and simmer until pork is tender. Half each kani before adding, add kalabasa then salt and/or more patis and simmer for 10 minutes and add the sitaw or green beans.

I couldn’t remember kung may luya ang recipe niya but since wala akong luya, eh, hindi ko na lang ginamitan. Also, I don’t use vetsin pero kung type ninyo with vetsin, then go right ahead.

:food:

TGIF!

docomo

10-14-2005, 11:11 PM

Mmmmm oishisou ne … chodai :nuts:

c2ny2

10-14-2005, 11:14 PM

maruchan,

Kauuwi ko lang ngayon. Galing ako Komatsushima sa Shikuko Island, buti nalang kumain na ako bago nag bukas ng PC kaya…di mo ako napalaway ngayon, Hehehehe… pero parang masarap?

Ayara

10-14-2005, 11:14 PM

Maruchan mukhang ang sarap nyan . . .Tabetai na!!!

fremsite

10-14-2005, 11:14 PM

sarap naman !!!:food: Ms Maruchan , i’ll send you kani , paluto naman … give mo rin ako ng naluto na …hehehe …oichiii!!!:drool:

halloween

10-14-2005, 11:25 PM

Maruchan, naisip ko lang, since very talented ka sa pagluluto di mo ba naisipang i business yan. Mga raket tulad ng canteen o kaya may magpapaluto sa yo. Kasi sigurado ako na dito sa Japan eh maraming na kakamiss ng Pinoy food. Pag naisipan mo yon, ako unang unang suki mo, promise lalo na kung kare2 lulutuin mo.

Maruchan

10-15-2005, 01:55 AM

Docomo, c2ny2, Ayara, Fremsite and Halloween, Maraming salamat sa reply ninyo! :tiphat:

maruchan,

Kauuwi ko lang ngayon. Galing ako Komatsushima sa Shikuko Island, buti nalang kumain na ako bago nag bukas ng PC kaya…di mo ako napalaway ngayon, Hehehehe… pero parang masarap?

Ay, sayang! Anyway, how was your trip to Komatsushima? :slight_smile:

sarap naman !!!:food: Ms Maruchan , i’ll send you kani , paluto naman … give mo rin ako ng naluto na …hehehe …oichiii!!!:drool:

Fremsite, marami din bang kani sa area mo? Hindi ba pweding Kodak moment (pictures of me eating your oishii kani) na lang ipadala ko sa iyo? :smiley:

Maruchan, naisip ko lang, since very talented ka sa pagluluto di mo ba naisipang i business yan. Mga raket tulad ng canteen o kaya may magpapaluto sa yo. Kasi sigurado ako na dito sa Japan eh maraming na kakamiss ng Pinoy food. Pag naisipan mo yon, ako unang unang suki mo, promise lalo na kung kare2 lulutuin mo.

Alamo mo, Halloween, sa totoo lang I don’t really like to cook; I even hate it a bit. Pero my hubby and in-laws like my cooking at wala naman kusinerang iba sa amin so mina-mind over matter ko ang pagluluto para ma over come ko ba. That said, pero I like to know how to cook certain dishes. I love watching cooking shows sa TV din. Ang labo ko, ano?

Ang gusto ko sana matuto gumawa ng fruitcakes tapos iyan na lang ang business ko. Kaso my aunt who was the best fruitcake maker namin, eh, passed away without bequeathing the delicious very old fruitcake recipe to us. :cry:

Uy, by the way, Halloween, month mo ngayon, ah. Bongga ka dapat kasi month of H A L L O W E E E N !

Paul

10-15-2005, 02:13 AM

Ang sarap naman niyan, Maruchan! Ganyan din ang ginagawa ng misis ko pag nakaka-tiyempo ng murang kani. Ginto kasi kani dito e. :smiley:

Maruchan

10-15-2005, 02:29 AM

Maniniwala ka, Paul, I bought those 3 kani for 140 yen lang kasi lagi akong pumupunta ng Tokyu Store around 8:35 P.M. kasi ang closing nila around 9:00 at night so ang dami at ang laki ng sale. :yippee:

Janer

10-15-2005, 06:17 AM

ang yummy naman nyan! :smiley: medyo tamad nga lang ako maghimay kaya wala akong masyadong “crab mentality”… hehe… pero sa gulay pa lang solb na ako. ang galing mong magluto Maruchan… ano bang next recipe natin? (though ang dapat tanong ko ay, “pwede magpa-ampon?”:stuck_out_tongue: )

adechan

10-15-2005, 09:08 AM

NAMAN (YUMMY)

one of our favorites here …

:slight_smile:

reon

10-15-2005, 09:43 AM

kakakain ko lang, nagugutom na naman ako :hihi:

Maruchan

10-15-2005, 03:06 PM

ang yummy naman nyan! :smiley: medyo tamad nga lang ako maghimay kaya wala akong masyadong “crab mentality”… hehe… pero sa gulay pa lang solb na ako. ang galing mong magluto Maruchan… ano bang next recipe natin? (though ang dapat tanong ko ay, “pwede magpa-ampon?”:stuck_out_tongue: )

Janer, ano kaya kung inihaw na 22B? :stuck_out_tongue: Naku, huwag ka ng kumain ng crabs kasi baka maging crabby ka sa paghihimay nito. :smiley: Ako nga sampid lang dito tapos magpapa-ampon ka pa. :rolleyes: :hihi:

NAMAN (YUMMY)

one of our favorites here …

:slight_smile:

Pareho pala tayo, Adechan! Linalagyan mo ba ng luya ang ginataang kani niyo?

kakakain ko lang, nagugutom na naman ako :hihi:

Ganyan ang buhay ko, Reon. Buhay matakaw – kakakain lang gutom na naman. :smiley: Ano ba ang fave na food mo at para mailuto. I’ll send you pictures. Ang cruel ko ba? :stuck_out_tongue:

adechan

10-15-2005, 05:30 PM

Pareho pala tayo, Adechan! Linalagyan mo ba ng luya ang ginataang kani niyo?

now i know pareho pala tayo nang fave.

me, bicolano kase father ko, kaya lumaki ako sa mga putaheng ginataan.

kaya kahit nandito ako, pag nakakain, basta may mga gulay, igisa ko lang at lagyan lang nang gata ok na. puro imbento.

At sa lahat nang mga ginataan ang nagustuhan nang asawa ko ay ito ngang ginataang kani.

Yes, may luya. Ikaw? Ang image ko kase sa mga ginataang ulam ay with matching luya, kaya hindi nawawala sa luto ko.

fremsite

10-15-2005, 07:33 PM

Docomo, c2ny2, Ayara, Fremsite and Halloween, Maraming salamat sa reply ninyo! :tiphat:
Fremsite, marami din bang kani sa area mo? Hindi ba pweding Kodak moment (pictures of me eating your oishii kani) na lang ipadala ko sa iyo? :smiley:

yup ! marami pong kani dito a place namin:) … pero sabi nung mga taga-rito , by end of oct pa daw maganda mamili ng kani kasi masarap na daw :eeek: . sayang ! , yoko naman ng pictures:growl: … di ko malalasahan yun eh . :drool:

Janer

10-15-2005, 11:38 PM

Janer, ano kaya kung inihaw na 22B? :stuck_out_tongue: Naku, huwag ka ng kumain ng crabs kasi baka maging crabby ka sa paghihimay nito. :smiley: Ako nga sampid lang dito tapos magpapa-ampon ka pa. :rolleyes: :hihi:

Maruchan, konti lang naman ang kain ko e! (hirit pa talaga :bricks: )

Maruchan

10-16-2005, 02:31 AM

now i know pareho pala tayo nang fave.

me, bicolano kase father ko, kaya lumaki ako sa mga putaheng ginataan.

kaya kahit nandito ako, pag nakakain, basta may mga gulay, igisa ko lang at lagyan lang nang gata ok na. puro imbento.

At sa lahat nang mga ginataan ang nagustuhan nang asawa ko ay ito ngang ginataang kani.

Yes, may luya. Ikaw? Ang image ko kase sa mga ginataang ulam ay with matching luya, kaya hindi nawawala sa luto ko.

Ang isa pang fave ng hubby ko ay ang Bicol Express yata ang tawag doon, Adechan. Very hot! I don’t know how he can eat that. :rolleyes:

That’s what I thought my luya dapat kaso naubusan kasi so wala na lang…pero okay din ang lasa…ang sarap…para sa akin. :slight_smile:

yup ! marami pong kani dito a place namin:) … pero sabi nung mga taga-rito , by end of oct pa daw maganda mamili ng kani kasi masarap na daw :eeek: . sayang ! , yoko naman ng pictures:growl: … di ko malalasahan yun eh . :drool:

Ah, oo, tama sila kasi masarap ang kani sa winter. O sige na nga, Fremsite, picture na lang ng kani ang ipadala mo sa akin para patas tayo. :smiley:

Maruchan, konti lang naman ang kain ko e! (hirit pa talaga :bricks: )

Ah, ganoon ba, Janer, puwes ako marami kumain kaya mas sexy (este siksik) pa ako sa hubby ko. :smiley: Dito sa amin, tuwing time ng kainan, eh, parang sasabak kami sa gera ni hubby – may bakbakan :fence: at may jan ken pon pa. Ikaw din…baka hindi ka makatagal. Pero seriously, though, sana sa next sunflower season eh makapunta kami diyan sa inyo at kuha tayo ng maraming pictures together nila Paul and family. Picnic tayo para masaya. :slight_smile:

adechan

10-25-2005, 08:52 PM

Hi there Maruchan

i got an idea from you, kung sinabi mong masarap ang walang luya, i want to try it, kase ang mga bata, tuwing ang ulam namin ay gata, lagi nilang hinahanap ang luya dahil takot na takot silang makain iyon.

wow bicol express … may hubby ay matindi din sa maanghang kaya lang I never tried, dahil may mga bulilit …

speaking of maanghang:
favorite din namin ang kimchee nabe … kaya pag ilalagay na namin ang kimchee ihinihiwalay na namin ang kayang kainin nang mga bata … iyan ang mahirap pag mahilig sa maanghang na may malilit pang anak … though ang panganay ko, pakonti konti medyo tumatapang na sa maanghang. Naglalagay na siya nang konting rayu at ichimi sa ramen at sawsawan nang gioza.

:slight_smile:

ichimar

10-26-2005, 04:41 PM

maruchan ang sasarap talaga ng mga niluluto mo,lalo na itong kani w/kalabasa,sus maryosep talaga namang naglaway ako…thank you kasi nabibigyan mo ako ng idea,kung ano ang lulutuin ko next time:)

Maruchan

10-26-2005, 04:45 PM

Hi there Maruchan

i got an idea from you, kung sinabi mong masarap ang walang luya, i want to try it, kase ang mga bata, tuwing ang ulam namin ay gata, lagi nilang hinahanap ang luya dahil takot na takot silang makain iyon.

wow bicol express … may hubby ay matindi din sa maanghang kaya lang I never tried, dahil may mga bulilit …

speaking of maanghang:
favorite din namin ang kimchee nabe … kaya pag ilalagay na namin ang kimchee ihinihiwalay na namin ang kayang kainin nang mga bata … iyan ang mahirap pag mahilig sa maanghang na may malilit pang anak … though ang panganay ko, pakonti konti medyo tumatapang na sa maanghang. Naglalagay na siya nang konting rayu at ichimi sa ramen at sawsawan nang gioza.

:slight_smile:

Basta, Adechan, huwag mong titipidin sa bawang at sibuyas kasi iyan ang nagbibigay ng lasa kung walang luya. And don’t forget the patis.

Ah, fave ko din ang kimchi nabe! :food: Malamig na so puwede na ngang mag nabe. Masarap lagyan ng udon ang kimchi nabe. Ah, ginutom na ako ng todo.

Happy cooking na lang sa iyo, Adechan, at happy eating naman ang family mo! :wavey:

maruchan ang sasarap talaga ng mga niluluto mo,lalo na itong kani w/kalabasa,sus maryosep talaga namang naglaway ako…thank you kasi nabibigyan mo ako ng idea,kung ano ang lulutuin ko next time

Ay, thank you very much, Ichimar! :open_mouth: Ikaw din, kapag may naluto ka na i-share mo din sa amin, ha? Happy cooking to you, too! :yippee:

Hungry eyes

10-26-2005, 09:05 PM

Maruchan alam mo i have one wish …sana matikman ko luto mo oneday…lagi kasi akong ng ma mouth watering sa mga foods mo:food:

Maruchan

10-27-2005, 01:35 AM

Maruchan alam mo i have one wish …sana matikman ko luto mo oneday…lagi kasi akong ng ma mouth watering sa mga foods mo:food:

Hindi imposibleng mangyari 'yan, Hungry eyes. Tulad ni Makulit, uuwi din ako next month at baka matagalan sa Pinas, pero kung hindi matuloy ito, I’ll invite you sa amin sa December. Kung matuloy naman ang trip ko, I’m sure may next time pa. Pero don’t expect nga lang na talagang masarap akong magluto. I think mas masarap magluto si Crispee kesa sa akin. Anyway, thank you sa papuri mo. :slight_smile:

adechan

11-05-2005, 09:01 PM

Maruchan

nakatanggap ako last week nang maraming kalabasa at talong … eh sa dami ibinigay ko iyong iba sa kapitbahay, at naisipan kong subukang igata sa baboy na walang luya, sinunod ko iyong advice mong maraming sibuyas at bawang …

ok na ok … sarap na sarap iyong mga buta kun ko …

hontou ni mata arigato ne

Maruchan

11-07-2005, 12:51 AM

Buta kun, Adechan?! Ahihihi! :biglaugh:Ang cute siguro ng mga anak mo. :slight_smile:

Anyway, you’re very welcome pala. I’m glad na masarap ang kinalabasan ng luto mo kahit walang luya. Hanggang sa susunod…happy cooking na lang. :yippee:

adechan

11-11-2005, 08:09 PM

Buta kun, Adechan?! Ahihihi! :biglaugh:Ang cute siguro ng mga anak mo. :slight_smile:

Anyway, you’re very welcome pala. I’m glad na masarap ang kinalabasan ng luto mo kahit walang luya. Hanggang sa susunod…happy cooking na lang. :yippee:

iyong bunso ko lately lang naging palakain. Muka ngang nakama hasure sa pamilya namin dahil siya lang ang payat.

Etong panganay kong girl … naku hindi mapigil sa pagkain, laging naghahanap nang pagkain. At sobrang kumain, triple kung kumain sa akin. Pinipigilan ko nga, at sinasabihan kong pag naging dalaga na siya magiging conscious ka diyan sa katabaan mo. Kaya lang pag pinipigilan kong, hanggang diyan na lang ang kakainin mo, nakakaawa naman ang mukha, parang inaapi.

Mabuti na lang sports minded eto kahit chubby. Boyish pa. Ang gustong sports na pasukan ay either soccer or karate. Mukang sa soccer ko yata ipapasok starting by january or febraury.

thanks again for the tips

This is an archived page from the former Timog Forum website.