bunjo
01-08-2006, 02:27 PM
happy new year to all!! para po sa kaibigan kong hapon na gustong magasawa ng pilipina,kaya lang talento pa yung pilipina.gusto nya pakasalan dito sa japan,papaano po ba ang dapat gawin?ayaw naman pong ibigay yung passport ng talento,kung may hawak namang passport yung babae,puede ba cla ikasal dito?salamat po sa mga gustong sumagot…:confused :
tepen
01-08-2006, 07:36 PM
happy new year to all!! para po sa kaibigan kong hapon na gustong magasawa ng pilipina,kaya lang talento pa yung pilipina.gusto nya pakasalan dito sa japan,papaano po ba ang dapat gawin?ayaw naman pong ibigay yung passport ng talento,kung may hawak namang passport yung babae,puede ba cla ikasal dito?salamat po sa mga gustong sumagot…:confused :
hi! bunjo,
medyo hindi malinaw yung tanong mo about passport. baka ibig mo sabihin ayaw ibigay ng promoter nila ang passport ng pilipina, meron kasi akong kakilalang pilipina na ganyan ang kaso sa una ang ginawa nila kinausap ng maayos ang promoter para makuha yung passport ng pilipina nakuha naman sa pakiusap ngayon nakasal na sila. hindi rin kasi pwede ikasal ang walang passport. sana makatulong.
scorpionX
01-08-2006, 10:55 PM
Hi Bunjo. Actually, nangyari na sa akin yan, kung ayaw ipahiram ng promoter ang passport sa babae, ang hapon na lang ang makiusap nito. Pag nasa kanya na ang passport, kakailanganin niya ang single certificate mula sa Pilipinas na may stamp galing either malacanang or DFA at birth certificate galing NSO. Aabot siguro ng 2 or 3 weeks ang pag asikaso ng mga papeles doon sa atin. At para sigurado sya sa lahat ng mga kakailangin pumunta na lang sya sa Philippine Embassy.
noycoco
01-09-2006, 12:33 AM
kapag ayaw ibigay ang pasport nung talent e hindi sila pwedeng ikasal sa Japan.ang promoter ang dapat muna nilang kausapin para pumayag na maikasal sila…pero kung tuso ang promoter e baka sumingil ng bayad para doon sa natitira pang dapat ipagtrabaho ng talent.mahirap nga kung sa pinas pa ikakasal mas madali kung sa Japan. pero bago ang lahat e kailangan pa din nilang kalkulahin kung maibigay man sa kanila ang passport e may natitira pa bang time hanggang expiration ng visa ng talent?bago dumating ang mga papers na kakailanganin nila galing Pinas para maikasal?kung mag e -expire na edapat sigurong magpa-extend muna siya ng visa niya para maikasal siya…???tama ba ito???
katty0531
01-09-2006, 10:45 AM
Sa tingin ko naman, habang nasa Promoter pa yong Passport ibig sabihin may contrata pa yong babae sa Promoter, dapat muna niyang tapusin yon bago sya magpakasal sa Hapon, hindi talaga ibibigay yan ng Promoter basta basta(ang passport) kasi may permadong papel yong babae na hawak ng Promoter, syempre maninigurado din yong Promoter kaya bago i breach of contract hihingi ng bayad ang Promoter, nasa Promoter na yon kung magkano hihingiin nya (ewan kung may batas para dito) basta sa mga narinig ko may nag bigay ng 150 lapad, maaayos lang ang problema kasi buntis na kunyari yong babae.
Madali lang magpakasal, sa Pinas man o dito sa Japan basta wala ka lang sabit, both Hapon at yong babeng Pilipina.
tepen
01-09-2006, 02:27 PM
just to add some info., legally walang pwedeng maghold, kumuha o magtago ng passport ng kahit sino even your promoter or your sponsor bawal po yan kahit na po kayo ay may kontratang pinirmahan. sa tingin ko kaya lamang ginagawa ng mga promoter yan dahil narin sa ibang mga talento na tumatakas at hindi na nagpapakita madalas ganyan ang nagiging problema. so, ang pinakamagandang gawin is talk to your promoter ng maayos kung hihingi according to katty0531 pagusapan syempre may mawawala sa kanila at pinakamaganda sa lahat kung may tanong about passport call phil. embassy.
docomo
01-09-2006, 05:46 PM
… opinyon ko lang ha… tapusin ang kontrata ( dahil walang promoter na papayag ng ganyan kontrata po yan and for sure yan din ang sasabihin ng promoter kung mapilit yung magpapakasal baka perahan pa kayo ng promoter ,pagbayarin pa kayo ng kung anu-ano) … umuwi sa pilipinas … saka magpakasal kung gusto ng magpakasal… besides kung wala namang problema sa part nung girl lalo na kung single talaga … madali lang naman ang procedure at processing nyan
tfcfan
01-09-2006, 06:39 PM
makisali lang po,medyo ganyan din ang nangyari sa kin bago ako nagpakasal sa asawa ko ngayon,ako naman eh pumirma pa ng bagong kontrata kase nirequest pa rin ako ng club na pinasukan ko nung talento pa ako pero nagyaya na ngang pkasal yung asawa ko nga.kaya di na ko nakapagtrabaho pa ulit bilang talento.Ayaw din ibigay ng promotion yung passport ko ang ginawa namin nag pa loss passport ako at yun naikasal kami ng asawa ko.Kase nagtanong tanong muna kami at sabi nung kakilala naming abogado di sya matatawag na breach of contract sa trabaho kase di ka naman lilipat ng ibang trabaho or pipirma ng ibang kontrata,mag aasawa ka at magpapakasal kaya di pwedeng magdemanda ang promotion para habulin ang kung ano pa man sa akin,perahan lang talaga ang nangyayari sa ibang promotion at ang ibang talentong walang alam eh nagbabayad ng pera na kung tutuusin eh sila etong nagpapakahirap magtrabaho dito tapos yang mga promotion agency lang na yan ang yumayaman ng husto dahil sa pang aabuso sa mga kawawang talento.Kaya dapat magtanong tanong sila sa mga kakilala nila or makiusap dito sa promoter sa japan kase mas mahirap kung sa Pinas pa na promoter kase tyak peperahan lang sila.Aminin natin or hindi yun naman talaga ang totoong nangyayari sa mga promotion.Ang nakasulat sa kontrata ko 30man maitsuki ang sahod tapos nung matanggap ko dati 1/4 lang ng nasa kontrata ang naibigay sa kin,nung nagreklamo ako sila pa ang nanumbat at kesyo maraming deduction na di naman nila maipakita mga resibo ng binawas nila kuno!Kaya payo ko lang wag kayong maging sunud sunuran sa mga promotion agency na yan kung alam nyong nasa katwiran kayo dapat lumaban kayo.
bunjo
01-09-2006, 09:48 PM
magandang gabi po…Salamat sa mga reply nyo malaking tulong wag po sanang magsawa sa pagbibigay ng mga advice .
bunjo
02-06-2006, 09:53 PM
goodevening to all tf members!tunkol po ito sa naunang tanong ko…salamat sa mga nagbigay ng advice and sagot .ayon po doon sa kaibigan kong hapon nagpunta sila sa city hall today and hindi na kailangan ng passport ng babae ang kailangan lang ay alien card at bitrhcertificate and single certificate w/ NSO and red ribbon from Malacanang puede na.again Thank You to all …solved na problem nila sana maging Happy sila ano:)
This is an archived page from the former Timog Forum website.