May Chinese akong co-worker nagdala ng isang malaking supot ng kaki (persimmon) sa office para ipamigay sa lahat ng may gusto (maraming Pinoy). May mahigit sa isang daang piraso ang nandoon.
Naghanda ako doon ng mga plastic para sa gustong kumuha pero isa lang ang nakita kong nag-uwi. Mukhang hindi gusto ng mga Pinoy ang kaki.
Sabi nung isa sa akin ang kaki parang hindi maintindihan kung manga o papaya ang lasa.
Napilitan tuloy akong mag-uwi nang madami, na hindi ko rin nakain lahat.
Paborito namin ang kaki sa bahay.
May iba-ibang klase kase ng kaki, merong may buto, merong wala.
May mga malalaki, may buto at matigas, meron ding medyo mapakla.
Dapat ang pipiliin nyo ay yung walang buto.
Kung pipili kayo ng may buto, piliin nyo yung 富有柿. Matamis at kokonte lang yung buto.
Nasasarapan ako sa kaki. Para sa akin hindi sya lasang papaya o mangga. Para sa akin ang naaalala ko na kahawig nya na lasa ay ang kayumito (pero walang pakla).
Pumunta kami sa Ishikawa lately at nakatikim ako doon ng masarap na kaki, may buto sya, pero kasing tamis ng binebenta sa supermarket na walang buto. Sabi namin ng anak ko itatanim namin yung buto by spring next year. ^^;
Ganyan din nangyari sa akin nung una akong dumating dito sa Japan. May kaki sa dinadaanan namin papuntang supa sa Osaka. Everytime na dumadaan ako doon pahinog ng pahinog yung mga bunga. So one time di na ako nakapagpigil pumitas ako ng isa at inuwi ko sa bahay. Nung tinikman ko sobrang pakla so hindi na ulit ako kumain nang kaki for many years.
Anyway, 22 years ago pa yan at medyo updated na ako ngayon. Alam ko na ang iba’t ibang klase ng kaki at mukhang madali lang syang palakihin as a tree. Itatry naming magtanim ng Kaki next year spring.
Para sa mga gusto ng basics ng kaki, tignan nyo to: