paborito kong buwan ang mayo. may bakasyon ng ilang araw, banayad ang hangin, hindi gaano kainit at hindi rin gaano kalamig, berde ang paligid at tumutubo ang mga halaman.
panahon din ng pagtatanim ng palay.
sa simula ng lakad kaninang umaga, dumaan muna kami sa jinja para gisingin ang mga diyos. mula sa loob ng bakuran ng jinja matatanaw ang palayan.
sa palayan naman makikita ang mga itik, uwak, tagak at green pheasant na nanghuhuli ng mga palaka at iba’t-ibang insekto para sa almusal.
