devon
03-03-2005, 06:52 AM
mga tol…er…este…to too bang mas malaki ang kinikita ng hosto sa Japan kesa sa Prime minister? at totoo bang malakas ang appeal ng pinoy hunks sa mga haponesa? tsk…tsk…tsk…-devon (may itim na binabalak)
reon
03-03-2005, 09:37 PM
Puwede ka sigurong kumita ng $360,000 kung isa kang super-hosto (http://thestar.com.my/lifestyle/story.asp?file=/2005/2/21/features/10093665&sec=features). O baka £50,000 a month (http://www.guardian.co.uk/japan/story/0,7369,1307365,00.html). Pero palagay ko, mas mababa ng husto dyan. Hindi ko alam yung tungkol sa kung “malakas ang appeal ng pinoy hunks sa mga haponesa”. Haka-haka lang siguro yon.
pointblank
03-07-2005, 07:38 PM
For every hosuto that makes $360,000 dollars a year, siguro ay ilang daan ang kumukulo ang tiyan at di mabenta.
As for the appeal of Pinoys hunks, quoting Alma Moreno, more or less, sa tingin ko… less. Saan mo naman nasagap ang haka-hakang yan? Sa mga hosuto sa Kinshicho na nagke-cater sa Haponesang di pinapatulan kahit ng kapwa nilang Hapon?
Walang ilalaban ang mga Pinoy “hunks” dito sa Japan - huwag nating kalimutan na napaka-racist pa rin ng bansang 'to lalo na sa kapwa Asyano, lalo na sa bansang mahirap tulad natin. To put it in blunt (and bastos) terms, kung sa laki ay di matatalo ng Pinoy ang mga mala-kabayong itim. Kung sa kisig ng katawan ay wala din laban si Pepe sa mga Peters and Johns na lumaki sa beef. Kung sa kulay naman ay hilaw din ang Pinoy - not dark enough, not white enough - sa kape lang uso ang au lait, hindi sa lalaki.
Pag ang isang Haponesa ay naghahanap ng hosuto na foreigner, hindi yan pipili ng Third World citizen na kumukulo ang tiyan at laki sa hirap. Papaano niya ipagyayabang sa kanyang mga amiga na may toyboy siyang kadugo ng maid o japayuki? Baka sabihan pa siya na poor siya at yon lang ang ma-afford niya.
Sorry kung lumalabas na negative-na-negative ako sa mga lalaking Pinoy. Gusto ko lang naman igising sa katotohanan ang mga may ilusyong guwapo sila at mabebenta dito. Kahit na si Gardo Versausage ka pa, in this country, too bad, baybeh…
daddy_b
03-07-2005, 09:43 PM
hahahaha…mukhang kilala ko kung sino itong si pointblank na ito! keep it up!!!
kung minsan, kailangan nating gisingin ang mga taong natutulog o nagkukunwaring natutulog at ayaw mamulat sa (itim) na katotohanan.
daddy_b
reon
03-07-2005, 10:52 PM
pointblank is not one to mince words. mabuti na lang at tagalog ang usapan dito. :hihi:
Dax
03-08-2005, 10:34 AM
hindi ko alam kung magkano ang kinikita ng prime minister kaya di ko maikukumpara sa “super hosto”.
tungkol naman sa pinoy hunks, generally sang-ayon ako kay pointblank. pero malay natin may exception/s din? although hindi ako naging hosto at hindi ako hunk, based on experience masasabi kong marami ding haponesa (na magaganda at bata pa) ang naghahanap ng “yasashisa” ng isang lalaki - at marami nito ang pinoy!
Paul
03-08-2005, 04:09 PM
although hindi ako naging hosto at hindi ako hunk, based on experience masasabi kong marami ding haponesa (na magaganda at bata pa) ang naghahanap ng “yasashisa” ng isang lalaki - at marami nito ang pinoy! na-intriga ako sa “based on experience” mo dax, a. pero palagay ko kung “yasashisa” at totoong relasyon ang hinahanap ng isang haponesa sa tingin mo ba sa hosto club siya maghahanap?
tungkol naman sa sinulat ni pointblank, meron ding mga pinoy na hindi mukhang asyano at kayang tapatan ang mga puti at itim, at meron din namang mga haponesa na mahilig sa pinoy.
Dax
03-08-2005, 05:05 PM
na-intriga ako sa “based on experience” mo dax, a.ibig kong sabihin ay, base sa experience kong tumira dito sa Japan (including 8 taon bilang estudyante, na kadalasan ay ako lang ang ryuugakusei sa klase). average juan lang ako at hindi ganun karami ang naging kaibigan kong haponesa (in contrast sa ibang ryuugakusei na ninki-mono) na magaganda at bata pa (at that time). “kaibigan” dito ay ibig sabihin kaklase, at/o kasama sa lab, kasama sa bukatsu, kainuman, kasama magkaraoke, bowling, tsuri, atbp. at kabilang na ang naging ex (2 lang naman sila). based sa mga kwentuhan namin.
pero palagay ko kung “yasashisa” at totoong relasyon ang hinahanap ng isang haponesa sa tingin mo ba sa hosto club siya maghahanap?take note wala akong binanggit tungkol sa “totoong” relasyon. ang sabi ko lang ay naghahanap sila ng “yasashisa”…pero to answer the question, sa tingin ko most probably not, pero hindi pa rin straight na “no”.
cyclops
03-08-2005, 10:22 PM
good evening to all…
I used to work as a CLUB manager(tenchou) for 3 years, pero hindi Hosto Club, mga Haponesa ang Hostes and mga Japanese ang mga costumers (syempre dahil nandito sa Japan hehehe…)
Actually hindi dahil sa maganda o gwapo and isang tao madali syang maging number one hostes or hosto. Based on my experience nga, kung wala kanamang WITS at BOKA tutungaga ka lang sa isang tabi habang ang mga number one sa omise ay ginagawa kang utusan. Meron kasi akong nakasamang pilipina na talaga namang maganda kumpara sa mga haponesang hostes, kaya lang, hindi na nga sya marunong masyadong mag-hapon, sintunado pang kumanta, ayun for 3 years na pag-tatrabaho ko sa club na yon utus-utusan lang sya, at ang suweldo nya basic lang palagi kumpara sa mga haponesa na umaabot ng 45-50 kalapad isang buwan.
Sa mga hosto documentary na napapanuod ko sa T.V. hindi naman mas hamak na gwapo ang mga alalay ng mga number one kesa sa kanila pero kumikita sila hindi lang 30 kalapad kundi milyon yen pa nga.
cyclops
pointblank
03-10-2005, 02:52 PM
pero palagay ko kung “yasashisa” at totoong relasyon ang hinahanap ng isang haponesa sa tingin mo ba sa hosto club siya maghahanap?
EGGSakli the point!! Pun intended, dahil at the end of the day ay “bola” naman ang binebenta ng hosuto - either magaling mambola ng chicks o matrona, or may mahiwagang mga bola somewhere sa katawan (normally ay dalawa, pero minsan ay tatlo!), all the same, iba’t ibang uri man siya ay pare-parehong “bola”! (Medyo naging bastos ang usapan, but I hope na wala naman menor de edad sa Timog Forum. At sa mga inosente pa sa buhay na nagtataka kung paano naging tatlo ang bola, clue: one of them is much smaller than the other two.)
Pero balik sa seryosong usapan: tama si Paul diyan. Iba nga kasi ang mga Haponesa na nagpupunta ng hosuto club - hindi relasyong pam-pamilya ang hinahanap nila, kundi ang fantasy na meron silang toy boy o trophy “boyfriend”. Sad to say ay hindi nga bragging material ang mga lalaking 3rd World dahil nga sa image natin na gutom. Gutom din ang mga itim, pero mas malakas ang image nila na “animal” sila sa kama, kaya pwedeng ipagyabang ng Haponesang nympho na sagana siya in that department. :devil:
Tulad din ng sabi ni Cyclops, maraming factors pwera sa looks lamang ang nagde-determine kung magiging malakas kumita ang isang hosuto o hostess. Ang pinakamalaki siguro ay ang total image - looks, plus personality, charm AND background. Iba ang criteria ng hostess sa hosuto. Hindi malaking disadvantage sa hostess na Third World siya, dahil ang lalaking customer ay mas willing mag-support ng “mahirap” na babae dahil nga siya ay lalaki at yun ang traditional role ng lalaki sa lipunan. Totally different set of rules yan pag dating sa hosuto - lalo na’t ang mga Haponesa ay napaka-brand conscious. Gagastos na rin siya, doon na siya sa high class. Nakasuot siya ng damit na Dior na may scarf na Hermes, naka-sapatos na Manolo Blahnik, may bitbit na bag na Louis Vuitton, at may earrings na Bulgari, pagkatapos ang magiging katabi niya sa dohan ay Pinoy hosuto?? I really don’t think so… Siguro noong 1960s o 70s na sikat pa dito si Bimbo Danao o Bobby Gonzales, pero ngayon…?
devon
03-11-2005, 07:58 AM
hmmm…i see my little ‘hosto’ theory of nothingness - or mediocrity…duh!.. made quite a stir. Ey, Sir Pointblank, u really got me at pointblank! Aww!..That hurts! But point taken Pointblank…point taken.
My goodness! What a silly info i’ve gathered-shame on me! (yun cguro dahilan kaya dapat hindi ko sineseryoso kausap ko sa ibabaw ng Ginebra…that nitwit!)
Phooff!..Darn! There goes my dream…i swear, heads will roll for this!
Anyway, thanks guys, that was some revelation…and Poinblank, my no-nonsense-straight-in-ur-face-hosto-bulls–t-sensei…i salute u!
Oh well, meanwhile, i’ll retire to my little hole again.
Oh wait!..Say…Umm… how about another stirring topic?
devon
03-11-2005, 08:04 AM
Thats it! tell him Paul…
Paul
03-11-2005, 02:43 PM
tell who what?
pointblank
03-11-2005, 02:59 PM
Hello Devon,
Unless you were actually SERIOUSLY thinking of going into the hosuto business, don’t take it personally… teka… all this was meant to be with-a-grain-of-salt discussions, I hope.
devon
03-12-2005, 07:37 AM
hello mga tol,
'la 'un pointblank, okey nga eh. slamat din sa iba para sa ‘enlightening words’. Pambihira kasi ‘barkada’ ko eh…mapilit maging ‘hosuto’…hay! pipol talaga o!..un cnabihan ko nga…tsk tsk tsk…
Ahh…eh…maiba tau mga tol…este…“kumusta” nman mga bading na hapon? …lam nyo na…ano ba cla…er…ung ano…ganun ba cla…ah basta…hehehe. Uy mga tol nde to para skin!..este…para sa tropa ko…ehem. Goodmornin…
devon
03-12-2005, 07:43 AM
…ah eh…sno ba c Bimbo Danao at Bobby Gonzales?
reon
03-12-2005, 10:02 AM
'la 'un pointblank, okey nga eh. slamat din sa iba para sa ‘enlightening words’. Pambihira kasi ‘barkada’ ko eh…mapilit maging ‘hosuto’…hay! pipol talaga o!..un cnabihan ko nga…tsk tsk tsk… Ahh…eh…maiba tau mga tol…este…“kumusta” nman mga bading na hapon? …lam nyo na…ano ba cla…er…ung ano…ganun ba cla…ah basta…hehehe. Uy mga tol nde to para skin!..este…para sa tropa ko…ehem. Goodmornin…pre, sabog ka ba o nag-deteriorate na ang spelling mo sa kateteks?
pointblank
03-16-2005, 09:41 PM
…ah eh…sno ba c Bimbo Danao at Bobby Gonzales?
Naku, talagang bata (bagong salta?!? ) pa nga kayo talaga sa Japan… Not that naabutan ko sila dahil hindi pa ako pinanganak ay sikat na dito si Bimbo. O eto, mini-lesson in showbiz history.
Halos magka-generation sina Bimbo Danao, Bobby Gonzales, Pilita Corrales, The Reycards, & Jose Mari Chan. Yan ang mga sumikat sa Pinas in the 1950’s and 60’s.
Yan si Bimbo ay singer na minsan naging leader ng banda (Bimbo Danao & His Cuban Boys - obvious ba ang style nila?) na naging main act sa Sky Room ng Jai Alai sa Taft Avenue. Ito ang pinakasikat na nightclub sa Maynila (kalaban ng Manila Hotel) in the 1950’s na siyang dinudumog ng mga sosyal (at social climbers na rin) noon. Kung mahilig ka sa movies nina Gloria Romero - ayun at nakita mo na sigurado ito. At the same time ay lumalabas na rin si Bimbo sa mga pelikula since 1948 pa.
Si Bimbo din ay isa sa mga early “Japayukis”. Nagpunta siya dito in the early 1950s, at nagpe-perform sa Latin Quarter night club. Mabango pa ang reputasyon ng mga Pinoy musicians noon, at na-rank pa ng No. 9 si Bimbo sa Most Popular Male Singer in Japan in 1957. Lumalabas din siya sa mga Japanese movies. Pero naging kilala talaga siya nang naging husband siya ni Awaji Keiko, ang isang rising actress noon. (Lumabas si Awaji not so long ago sa TV, at nagdemonstrate ng pagluto ng chicken adobo na hindi gumagamit ng toyo - turo daw sa kanya ni Bimbo!!) Magtanong ka sa mga Hapon na over 60, at tiyak na mas marami ang nakakakilala kay Bimbo Danao over Marlene o Ruby Moreno.
Ganoon din si Bobby Gonzales - nagpe-perform din sa Japan noong 1950s & 60s. Mas sikat si Bobby kay Bimbo sa Pinas, actually. In the 1960s (and even into the early 1970s, I think) ay madalas siyang nasa TV, nagho-host ng mga variety & music shows katambal si Sylvia La Torre.
Kung ang international fame rin lang ang pag-uusapan, walang binatbat ang mga young stars natin ngayon (pwera si Lea) na pulos hangin at laki ng ulo sa mga sempai nila!! Ngayon, nagkaka-audience lang ang mga concert nila abroad dahil sa mga Filipino communities. Noon, ang mga locals ang nanunood, hindi mga kapwa Pinoy!
houseboy
08-27-2005, 12:31 AM
Wow, ayos sa “history lesson”. Thanks!!!
Ala nga ata appeal ang mga gutom na Pinoy sa mga Haponesa. Hindi pa kasi ako nakakadagit ng isa e. Hehehe…
goldhorse
08-27-2005, 01:18 AM
Para makumpleto ang history lesson mo :), sinasabi na ang monthly salary ng present Prime Minister ay sobra-sobra ng 2 Million Yen. So kung tama yuong figure na lumabas nuong kauna unahang post na 360,000 USD, kulang kulang ng 4 Million Yen ang kita ng Super Hosto. (Just bear in mind na kadalasan in kind ang natatanggap ng Hosto katulad ng alahas at kotse, hindi ito typo, may nakakatanggap ng luxury car na hosto) So tama nga, mas mataas ang sweldo ng Super Hosto sa Prime Minister.
(Torebian…)
By the way, Houseboy, welcome to Timog Forums!
shyboy
08-27-2005, 03:24 AM
may nakausap ako na hosto na pinoy. sabi nya mostly daw ng customer nila ay mga pinay din. either hostess na galing sa trabaho or may asawa ngunit naghahanap ng ibang aliw… don’t know kung generally true pero sa usapan namin mukhang mahina ang kita ng pinoy (1000 per hour). ung iba naman according to a japanese friend ay kumikita lng ng 50K a month though libre na pagkain at masikip na apartment. same is true din sa mga pinay na tarento.
isa pa napanood ko sa isang documentary na kung ang hosto ay tumanggap ng mga regalo like kotse or pera ibig sabihin matatapos na career nila kasi matatali na sila sa mga nagregalo. selossa rin ang mga hapones lalo na mga syachou.
kung outside the hosto club. cguro depende na rin sa diskarte kung magugustuhan ka ng mga haponesa. pero di maikakaila na kung pamimiliin ang haponesa ng type nya sa isang grupo ng gaijin (first time meeting), most probably pipiliin nya ay puti/itim. pero may mga haponesa na nasusulot kung di man permanente eh affair ng mga pinoy mula sa mga bf nilang puti o itim.
so kung minsan depende rin
JFM
05-10-2006, 04:51 PM
Hello po.This is my first time to post a message,actually i was just surfing the net to find any infos about my late father.I found some related matters about him in other countries web site,but since he stayed in Japan for a very long time,i thought that maybe i could find something else if i search for names like Bimbo Danao who worked with my father in th 70’s.I woud like to ask anyone if there is anything that you know about my father.He’s name is Pepe Merto,he was a known Composer,Arranger,Pi anist and Musicl Director in japan from 1960’s to late 70’s. He did even had Records from Toshiba EMI.He also performed for several years in Mikado Night club in Akasaka.He introduced Marlene Dela Pena in Japan way back 1978 or 1979.I have read a forum about "hosto"in japan a while ago when i searched for Bimbo Danao’s name.I hope those People who discussed about that matter could help me know about any topic,or any related matter regarding “Pepe Merto”.Thankyou very much.I hope i’m not causing you any trouble.
ayumi
05-10-2006, 06:45 PM
sa lugar namin,me nagtayo ng puro pinoy hosto,ang may-ari asawa ng dating member ng that’s entertainment .dinumog sya talaga pero hindi mga haponesa ang nagpupunta kundi mga Pinay,malakas talaga.minsan nga,ang friend ko,niyaya ako dahil gusto rin nyang magtayo kami ng HOST na omize,sabe nya mag-observe daw kame kung me kita nga.pero natatakot kase ako baka ma-misunderstood ang pagpunta ko sa host club,kaya NEVER akong nagpunta.(takot ko lang sa asawa ko) pero maraming nalulong,kase daw iba daw talaga ang Pinoy…to make my story short…buti na lang nagsara,kase maraming nagkakagulo,parang mga aso na nag aagawan ng buto, mga hapon na asawa nagkakagulo na rin sa kahahabol sa asawa nilang Pinay…walang magandang naidulot sa community namin.
This is an archived page from the former Timog Forum website.