houseboy
09-20-2005, 11:43 PM
Spin-off lang ito sa isang thread na “Inspirational Messages”…
Ito’y mga kasabihan, magagandang mensahe na likha sa atin, o kaya naman ay Ingles… na dinagdagan ng konting kalokohan… Post mo yung original, then sa ilalim nun e ilagay mo ang version mo.
Una na ako:
Orig:
Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Spin-off:
Ang naglalakad ng matulin, natatae!:rolleyes:
Raiden
09-21-2005, 03:43 AM
Orig:
Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan, ay hindi makararating sa karoroonan.
Spin-off:
Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan, ay may stiff neck.
yosakoi-soran
09-21-2005, 07:33 AM
Spin-off lang ito sa isang thread na “Inspirational Messages”…
Ito’y mga kasabihan, magagandang mensahe na likha sa atin, o kaya naman ay Ingles… na dinagdagan ng konting kalokohan… Post mo yung original, then sa ilalim nun e ilagay mo ang version mo.
Una na ako:
Orig:
Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Spin-off:
Ang naglalakad ng matulin, natatae!:rolleyes:
FALSE…:eek: :eek: aahhhh iba na pala itong thread mo
ngayon ha…houseboy:D o sige ako naman…
di ba dapat " ang nag-lalakad ng matulin hinahabol
ang TREN" baka mahuli sa office eh…
docomo
09-21-2005, 12:58 PM
orig:
aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo
spin-off:
aanhin mo pa ang damo kung patay na ang addict ( toink )
BEBOT
09-21-2005, 01:21 PM
orig:
Oh, pag ibig pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat makapiling ka lamang.
spin-off:
Oh, pag ibig pag pumasok sa puso ninuman
Uutangan ang lahat mai-date ka lamang. (ngakk:eek: )
LCAC-90-DRIVER
09-21-2005, 05:42 PM
orig:
Sampung bese ka nang manakawan, huwag lang isang beses masunugan.
spin off:
Sampung beses kang manakawan, ang laking tanga no naman.
houseboy
09-24-2005, 05:12 PM
Orig:
Ang naniniwala sa sabi-sabi, alang bait sa sarili!
Gaya:
Ang naniniwala sa sabi-sabi, tsismosa!
Hungry eyes
09-24-2005, 07:10 PM
Orig:
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan,di makakarating sa patutunguhan…
spin off:
ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan…may kinatatakutan(:devil : :devil: )
tower23ph
09-24-2005, 07:44 PM
orig:
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape!
spin:
Walang matigas na tinapay sa tiyang gutom!
halloween
09-25-2005, 12:24 AM
Original- Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago.
Spin-off- Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay nagbabato.
adechan
12-16-2005, 12:20 AM
original: When you can’t sleep, count the sheep
spin-off: When you can’t sleep, pray for the sheep:halo:
or when you can’t sleep mag Timog
ritzyu
12-16-2005, 09:09 PM
original: buhay alamang paglukso patay
spin off: buhay alamang paglukso… bagoong
docomo
12-16-2005, 10:19 PM
orig*
sige lang order lang kayo , sky’s the limit
spin off*
sige lang order lang kayo, sky’s the langit
docomo version*
sige lang order lang kayo,at sa kabilang langit ang punta nyo
ugnayan
12-16-2005, 10:26 PM
Original: Ang mabuting balita ay ibinabalita!
Spin-off: Ibinabalita ang hindi mabuting balita!
Chibi
12-16-2005, 10:33 PM
pag may isinuksok…may madudukot!!
pag may isinuksok…heaven sa loob!!!:eek: :shutup: :bonk:
gabby
12-17-2005, 12:28 AM
Original- Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago.
Spin-off- Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay nagbabato.
Gusto ko ito. Heh he he . . . may naalala tuloy ako.
Original: Simulan nyo at tatapusin ko.
spin off: Simulan nyo at manood lang ako.
luccia
12-17-2005, 12:36 AM
Pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.
pagbinato ka ng bato …batukan mo
pagbinato ka ng baton …umilag kah!!
pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay na nasa loob ng garapon
Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan
Its better to give than to received
it’s better to give than 5 gives
it’s better to received than to donate
it’s better to give, but it is great to recieve
it’s better to cheat (exam) than to repeat
If There’s A Will, There’s A Way
if there’s a will…ferrieswhell …
if there’s a will, there’s a car
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
madali ang maging tao pag fertile si inay
Practice makes perfect…
but no one is perfect…so why practice?"
No guts, no glory
no ID, no entry
ang Ina ang ilaw ng tahanan
pag ang ilaw ay napundi, napundi na si ina…
Ang buhay ay parang gulong ,minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim
pero mas masarap ang baliktaran
Kalapating mababa ang lipad
ang kalapating mababa ang lipad…ay overweight."
ritzyu
12-17-2005, 12:38 PM
baka me ibang mali na words sa original, matagal na kasi itong kasabihan nato
pakitama na lang kung sakali
original: ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
gaya: ang laki sa layaw karaniwa’y burles
original: sa bait ay munit sa hatol ay salat
gaya: ang damit ay punit kaya ( iyon ) ay nasalat
original: masaklap na bunga ng maling paglingap
gaya: masaklap na bunga ng maling paglayas
original: habag ng magulang sa irog na anak
gaya: habag ng magulang sa nangitlog na anak
original: sa tagauring bunso at maling pagmamahal
gaya: nasa taguling ng ang bunso mali nang pagmamahal
original: ang isinasama ng bata’y nunukal
gaya: ang isinasama pa ngayon ay nagnanakaw
original: ang iba marahil sa kapabayaan
gaya: iba- iba na ang baril sa kapabayaan
original: ng dapat na magturo tamad na magulang
gaya: ng dapat ng sampalin itong tamad na magulang
:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes:
tfcfan
12-17-2005, 04:18 PM
pasali!
Time is gold, but gold is mine:D
Love can move mountain and love is blind, but how can you move mountain if you are blind:eek:
If you wish to live wisely, ignore sayings including this one.:lol:
tfcfan
12-17-2005, 04:53 PM
The early bird catches the worm.
I think we consider too much the good luck of the early bird and not enough the bad luck of the early worm.
Try and try until you succeed.
If at first you don’t succeed, destroy all evidence that you tried.
ritzyu
12-17-2005, 05:01 PM
pasali!
Time is gold, but gold is mine:D
Love can move mountain and love is blind, but how can you move mountain if you are blind:eek:
If you wish to live wisely, ignore sayings including this one.:lol:
out of the topic na pala ako, gomennasai, tama si tfcfan
ignore this, i will be more careful the next time around
ilang ulit ko ngang binasa… it’s not good
tfcfan peace tayo!
tfcfan
12-17-2005, 05:09 PM
out of the topic na pala ako, gomennasai, tama si tfcfan
ignore this, i will be more careful the next time around
ilang ulit ko ngang binasa… it’s not good
tfcfan peace tayo!
bakit!!!:eek: but mo nasabing out of topic ka?
sabi nga nila"ang naniniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili"
pero sabi nung isang nag-post “ang naniniwala sa sabi-sabi ay tsismosa”
ja ne!keep posting!
ritzyu
12-17-2005, 05:38 PM

hindi maganda talaga ang post ko, ang mga onesan minsan walang preno kasi.
mainam na yung me ng be- break.
pwede post uli. isip muna ako !!
ugnayan
12-17-2005, 06:03 PM
Original: Golden rule
Spin-off: Those who own the gold rule.
fisher
12-17-2005, 07:09 PM
pag may isinuksok…may madudukot!!
pag may isinuksok…heaven sa loob!!!:eek: :shutup: :bonk:
Hoy chibi! Pinapaikot mo na naman ang bumbunan ko ah!
fisher
12-17-2005, 07:16 PM
Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
Spin-off: Walang sinabi ang mataimtim manalangin sa may dalang patalim! Ha,ha,ha,ha,ha,! Yatta!yatta!
ritzyu
12-17-2005, 08:03 PM
:order: :yippee:
sali uli ako
original: pagsagitsit yabang, pagputok utang
spin - off: pagsagitsit yabang, pag putok wala ulam
original: dahan- dahan pukpok, sira kasangkapan
spin - off: dahan - dahan pukpok, dami bilang kasangkapan
:tiphat: :tiphat: :tiphat:
fremsite
12-17-2005, 09:23 PM
pasali din ~~~~~~~~~~~!!! !
original:
birds of the same feather , flock together
spin off:
birds of the same feather . mock together …
Chibi
12-17-2005, 09:34 PM
pag di mo madaan sa santong dasalan …daanin mo sa santong paspasan
pag di mo madaan sa santong dasalan…palitan na yan!!!keberrr!!maram i dyan!!!nyahahhaah!
tfcfan
12-17-2005, 09:40 PM
hiram ko lang sa naunang nagpost nito:D
futsuu: Ang lumalakad ng matulin,kung matinik ay malalim.
baka-bakashii: Ang lumakalakad ng matulin,mahirap ng habulin!!!:hihi:
fremsite
12-17-2005, 09:47 PM
isa pa …
roginal:
tulak ng bibig … kabig ng dibdib
spin off:
tulak ng bibig … chismowsa ang dating …
tfcfan
12-17-2005, 09:54 PM
orig: Sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy…
kalokohan: Sa hinaba-haba ng prusisyon,dumiretso na ako sa bahay namin:D
gabby
12-18-2005, 12:02 AM
Pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.
pagbinato ka ng bato …batukan mo
pagbinato ka ng baton …umilag kah!!
pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay na nasa loob ng garapon
Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan
Its better to give than to received
it’s better to give than 5 gives
it’s better to received than to donate
it’s better to give, but it is great to recieve
it’s better to cheat (exam) than to repeat
If There’s A Will, There’s A Way
if there’s a will…ferrieswhell …
if there’s a will, there’s a car
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
madali ang maging tao pag fertile si inay
Practice makes perfect…
but no one is perfect…so why practice?"
No guts, no glory
no ID, no entry
ang Ina ang ilaw ng tahanan
pag ang ilaw ay napundi, napundi na si ina…
Ang buhay ay parang gulong ,minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim
pero mas masarap ang baliktaran
Kalapating mababa ang lipad
ang kalapating mababa ang lipad…ay overweight."
Ano ba kayo? Ang dami naman.:mad: Huwag nyong pakyawin isa-isa lang para naman kayong maubusan:p Hindi tuloy ako nag enjoy sa pag-basa. Relax lang puwede, pero gusto ko lahat nang sinabi mo
tfcfan
12-19-2005, 08:21 AM
orig: don’t judge the book by its cover.
kalokohan: don’t judge the book by it’s cover,because you are not the judge:D
docomo
12-19-2005, 12:54 PM
orig: don’t judge the book by its cover.
kalokohan: don’t judge the book by it’s cover,because you are not the judge:D
dagdagan natin… Don’t judge my brother , he is not a book
tfcfan
12-19-2005, 08:31 PM
orig:Walang dumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
kalokohan: Walang dudura sa langit kung ayaw mong bagyo ang bumalik:D
Hungry eyes
12-19-2005, 08:57 PM
orig:Walang dumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
kalokohan: Walang dudura sa langit kung ayaw mong bagyo ang bumalik:D
Huwag nang magsalita…kung …walang lalabas na maganda sa bibig
huwag ng magsalita. at mabaho ang hininga:D
ugnayan
12-20-2005, 03:05 AM
Original: Ang maingay na lata ay walang laman. :gossip: :jiggy:
Spin-off: Nawala na ang lata pati ang ingay. :shutup:
gabby
12-21-2005, 12:46 AM
Ang hindi marunong magmahal nang sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isad.
Spin off: Ang hindi marunong mag-mahal nang sariling wika ay kolehiyala at napaka-sosyal.
jamaican
08-19-2006, 09:42 AM
original: birds of the same feather flock together.
kalokohan: birds of the same feather are the same birds…
summerghie
08-19-2006, 02:49 PM
orig:
kapag may tiyaga may nilaga.
spin-off:
kapag ang itlog ay di nalaga bugok…
mOtt_erU
09-23-2006, 04:40 AM
Original: Kung gaano Kataas ang PagLipad,
Eh siya ding Lalim pagLagapak…
Spin Off: " …siya ding lalim ng pagLagapak…
dala ka ng air bed para sapul:)
pineapple
09-23-2006, 06:07 AM
original: ang buhay parang gulong,minsan nasa ibabaw… minsan sa ilalim
spin off: ang buhay parang gulong … minsan nasa vulcanizing shop…
ang tunay na kaibigan palaging maaasahan… pautang naman!!!@#%^&*
pineapple
09-23-2006, 06:14 AM
orig: better than late than never
better than late than later:)
razzmattazz
09-23-2006, 06:15 AM
He who does not hope to win has already lost
in tagalog, “Si Hudas naubusan ng Hope kaya Winston na lang daw yosi nya.”
joeblack
10-23-2006, 11:36 AM
He who does not hope to win has already lost
in tagalog, “Si Hudas naubusan ng Hope kaya Winston na lang daw yosi nya.”
Thou shalt not steal because it’s a sin!!!
Mine: Thou shalt not eat salt because it’s asin!!!
mamimo
10-23-2006, 12:28 PM
pag may isinuksok…may madudukot!!
pag may isinuksok…heaven sa loob!!!:eek: :shutup: :bonk:
ahihihihi:D
joeblack
10-23-2006, 05:40 PM
ahihihihi:D
Kapag malakas kumain… Baboy!!!
fortminor
10-23-2006, 10:32 PM
NO PAIN, NO GAIN
NO PAIN, HINDI NA BIRHEN:shutup:
houseboy
10-27-2006, 06:40 PM
Matibay ang walis, palibhasa’y magkabigkis.
Matibay ang walis, made in the Philippines.
Corny!!! Pero ayon kay Madam Cory, PROUDLY PHILIPPINE MADE.
Shori
10-27-2006, 10:14 PM
orig:
kapag maikli ang kumot,magtiis mamaluktot
spin off:
kapag maikli ang kumot,tumangkad ka na!
pineapple
10-31-2006, 04:48 PM
kapag may malamig na hangin na dumaan … may multo…
kapag may malamig na hangin na dumaan … nakasindi aircon
ugnayan
11-09-2006, 01:27 PM
Kapag naligo araw-araw…mabango!
Kapag hindi naliligo…nagpapaba ngo.
mOtt_erU
11-10-2006, 02:48 AM
orig- “ang Taong may hiya , ang salita ay sumpa”
Spin off - "ang Taong walang hiya…kasumpa sumpa:D "
This is an archived page from the former Timog Forum website.