International Driving Permit

crispee

08-09-2005, 06:55 PM

Galing ako sa Futamatagawa kanina dahil kumuha ako ng International Driving Permit. Sa mga walang Philippine local license na nagbabalak magmaneho pag-uwi sa Pinas, heto po yung mga requirements nila.

  • Valid Japanese License

  • Passport or Plane Ticket

  • 5cmX4cm na picture

  • 2650 yen na selyo

  • application form (in Japanese)

Makukuha mo rin kaagad ang permit (I got mine in less than 30mins) pero may notice sa window na maaaring ma-delay ang processing kung maraming aplikante. Bukas ang IDP section Mon-Fri from 8:30 to 12:00 sa umaga at 1:30 to 5:00 naman sa hapon. Bukas din sila on Sundays pero tanghali lang po. 1:30 to 4:00 PM Sarado ang opisina on national holidays. For more info, ito po ang numero 0453653111

nick

08-09-2005, 10:28 PM

Hello Crispee. Matagal kong pinag-isipan itong post mo tungkol sa international driving license bago ko nakuha ang ibig sabihin. Ginamit mo ang Japanese driver’s license mo para kumuha ng international driving permit para maka-drive ka sa Pilipinas pag-uwi mo dahil wala kang Philippine license, ganoon ba?

crispee

08-09-2005, 11:22 PM

Ganun nga Kumander Nick. Pasensiya na kung malabo yata ang dating ng aking post.:smiley: Sa mga taga-Kanagawa Ken lang po ito. Maaaring iba naman ang procedure at requirements sa ibang lugar o prefecture.

nona

08-13-2005, 02:13 PM

hello po crispee… tanong ko lang po kung paano kayo nakakuha ng japanese driver’s liscense na wala po kayong philippine liscense? pwede po ba makakuha dito ng japanese driver’s liscense na wala pong phil. liscense? nagbabalak lang po ako kumuha kaya nagtatanong? pero meron po akong international driver’s liscense na ginagamit ngayon galing pilipinas dala ko bago ko pumunta dito sa japan…at doon po sa gusto ninyo n mag-drive sa pilipinas, bakit hindi na po ba kayo pwede apply lisensya sa LTO natin doon?..pasensya na po ha medyo madaming tanong…maraming salamat na lang po kung mabibigyan nyo ng time tong post ko…

crispee

08-13-2005, 08:33 PM

Hello Nona, here’s my wuick reply >>>

tanong ko lang po kung paano kayo nakakuha ng japanese driver’s liscense na wala po kayong philippine liscense?

Dalawang paraan ang alam ko kung paano kumuha ng Japanese license. Una ay ang pag-enroll sa driving schools at pangalawa ay direktang pag-aaplay sa Menkiyo center.

pero meron po akong international driver’s liscense na ginagamit ngayon galing pilipinas dala ko bago ko pumunta dito sa japan…

Kung ang visa mo ay hindi lalampas ng 90 days, pwede mong gamitin ang IDP (International Driving Permit/License). Bukod doon, obligadong magpalit or mag-aplay ang mga “foreign residents” sa japan. Driving without license daw ang kaso ng mga “residents” na nahuling gumagamit ng IDP habang nagmamaneho.

Gaimen Kirikai naman ang term sa conversion ng IDP to japanese license. Di ako nakapagtanong sa requirements tungkol dito, pero palagay ko ay may taga-TF na makakasagot tungkol dito.

…at doon po sa gusto ninyo n mag-drive sa pilipinas, bakit hindi na po ba kayo pwede apply lisensya sa LTO natin doon?

Actually, di ako magtatagal sa Pinas. 2 weeks lang plano ko. Saka iniisip ko rin na baka nakabalik na ako dito, di pa rin ma-release yung lisensya sa LTO. Alam ko rin na may paraan para isang iglap lang eh me lisensiya na pero mas gusto ko pang dalhin na lang sa Jollibee ang mga pamangkin ko:D

Makakakuha ka ng tips dito >
http://www.koyama.co.jp/english.htm

http://www.city.tsukuba.iba raki.jp/hp/e_hp/guide/cars.html

Pasensiya na kung medyo maiksi ang sagot ko…magulo kasi ang esep at xsayted sa pag-uwi:D
Hanggang sa muli:wave:

nona

08-14-2005, 01:03 AM

thanks crispee ha…talagang naliwanagan ako lalo na sa IDP na bitbit ko galing pinas…may kaso pa rin pala yun…grabe ngayon ko lang nalaman…at salamat din sa mga links ha…

at tungkol sa LTO hehehe…tama ka…dalhin mo na lang pamangkin mo sa jollibee…sorry po di ko alam na 2 weeks lang kayo doon…enjoy at ingat…

muito obrigado meu amigo!:kiss:

bahaykubo

10-27-2007, 03:58 PM

Galing ako sa Futamatagawa kanina dahil kumuha ako ng International Driving Permit. Sa mga walang Philippine local license na nagbabalak magmaneho pag-uwi sa Pinas, heto po yung mga requirements nila.

  • Valid Japanese License

  • Passport or Plane Ticket

  • 5cmX4cm na picture

  • 2650 yen na selyo

  • application form (in Japanese)

Makukuha mo rin kaagad ang permit (I got mine in less than 30mins) pero may notice sa window na maaaring ma-delay ang processing kung maraming aplikante. Bukas ang IDP section Mon-Fri from 8:30 to 12:00 sa umaga at 1:30 to 5:00 naman sa hapon. Bukas din sila on Sundays pero tanghali lang po. 1:30 to 4:00 PM Sarado ang opisina on national holidays. For more info, ito po ang numero 0453653111

hi ask ko lang po bakit pa kayo nag apply ng IDF e puede naman pong gamitin ang foreign drivers license sa pinas
SOURCE LTO phils
Q:I have a valid foreign driver’s license. Can I use it in the Philippines?A:Yes, 3 months from date of arrival.

malibuPine

10-27-2007, 05:42 PM

Galing ako sa Futamatagawa kanina dahil kumuha ako ng International Driving Permit. Sa mga walang Philippine local license na nagbabalak magmaneho pag-uwi sa Pinas, heto po yung mga requirements nila.

  • Valid Japanese License

  • Passport or Plane Ticket

  • 5cmX4cm na picture

  • 2650 yen na selyo

  • application form (in Japanese)

Medyo hindi ko rin na-gets agad, akala ko requirements ng Pinas.

So, yan na pala ang bagong requirements. Nakakuha kasi ako ng Intl Driver’s Permit sa Futamatagawa last year (2006), hindi naman ako hiningan ng passport or plane ticket.

Mag e expire na rin ang IDP ko, so ty sa info. :slight_smile:

bahaykubo

10-27-2007, 06:12 PM

[color=“black”]

Medyo hindi ko rin na-gets agad, akala ko requirements ng Pinas.

So, yan na pala ang bagong requirements. Nakakuha kasi ako ng Intl Driver’s Permit sa Futamatagawa last year (2006), hindi naman ako hiningan ng passport or plane ticket.

Mag e expire na rin ang IDP ko, so ty sa info. :slight_smile:

kung mag stay ka sa pinas for more than 3 months kailangan ng IDP pero kung walng 3 months puedeng gamitin yung japanese license sa pinas.kahit la ng IDP

malibuPine

10-27-2007, 07:00 PM

kung mag stay ka sa pinas for more than 3 months kailangan ng IDP pero kung walng 3 months puedeng gamitin yung japanese license sa pinas.kahit la ng IDP

Thanks sa info bahaykubo, ngayon ko lang nalaman yan. :slight_smile: Mabuti naman kung ganun.

Kaya kasi ako kumuha ng IDP para makapag-drive sa US, although balita ko puede rin dun ang Japanese Driver’s License, depende sa state daw, mabuti na rin yung sigurado. Also, tuwing uuwi ako sa Pinas bitbit ko na rin yung IDP ko, just in case.

carnelian08

02-18-2008, 11:41 PM

Hello Crispee. Matagal kong pinag-isipan itong post mo tungkol sa international driving license bago ko nakuha ang ibig sabihin. Ginamit mo ang Japanese driver’s license mo para kumuha ng international driving permit para maka-drive ka sa Pilipinas pag-uwi mo dahil wala kang Philippine license, ganoon ba?

Good evening po. nag-search po ako ng info on how to get a driving license na pwede ma-convert into IDP as soon as possible. Problema ko po kasi ito ngayon. Wala pa po akong driver’s license from Philippines. Eh, nire-require po kami ngayon sa work na kumuha ng IDP. Dito po ako sa Tochigi-ken ngayon nagwo-work. Sana po kung may mai-refer kayo na contact person sa pinas na pwede tumulong sa akin para mapabilis ang proseso. Di ko po afford na kumuha ng Japanese license at saka binigyan po ako ng time pressure sa company ko ngayon. Gusto nila in one month time may licensya na daw po dapat ako.
Pasensiya na po kailangan kailangan ko talaga ang tulong ninyo. Maraming salamat po.

greatbarrier

02-19-2008, 12:25 PM

tama ba ang understanding ko sa post mo na since wala kang Japanese driver`s license, your employer requires you to get an international driving permit sa pinas?

if that is the case, then, hindi ka po makakakuha ng IDP if you dont have an unexpired Phil drivers license. That is the basic requirement for getting an IDP.

& i guess in any country, the local driver`s license is the basic requirement to be able to get an IDP if their residents are going in another country and want to drive there.

now, for you to be able to get a drivers license in pinas, strictly speaking, kelangan kumuha ka muna ng student permit. then, saka ka pa lang pwede kumuha ng non-professional drivers license. meron written exam and road test. if nagdriving lesson ka in an accredited driving school, sa pagkakaalam ko exempt ka na sa road test if meron ka certificate issued by the driving school.

di ko lang alam if you can actually get a license without your presence in the phils. kasi your picture in the license is a digital one. madali lang actually kumuha ng license, ang matagal lang yun waiting time from student permit (which should actually be at least 1-month old) to non-pro license.

the IDP, that, im sure you can get even if youre not there so long as the person who will get it has your actual driver`s license.

This is an archived page from the former Timog Forum website.