Isang linggong ulam

houseboy

09-18-2005, 02:00 AM

… children, ready, sing!
Lunes, ang inulam ko ay tuna…
Martes, tuna pa rin aking nakita…
Miyerkules ay tuna with kamatis
Huwebes sa kanin ay toppings
Biyernes tuna’t itlog ay nagmamahalan
Ang kanin ko ay sadyang maramihan
Sabado, gutom ko’y iyong napunan
At pagsapit ng Linggo, tuna pa rin aking ulam…

O ka’y blis ng aking pagkain
Gutom ko ay napapawi rin
Kumain ako ikaw ang kapiling
Tuna sa lata ay nanggaling

O ka’y bilis ng aking pagkain
Gutom ko ay napapawi rin
Ang presyo mo na sadyang kay mura
Malaking tulong ito, aming mga dukha
:band::whistle:

makulit

09-18-2005, 02:57 AM

houseboy, palitan mo yung kulay ng font mo. hindi mabasa. against sa rules and regulations ng timog. hala ka, magagalit sa yo si Nick.

Summer!

09-18-2005, 03:25 PM

houseboy, minsan sabayan mo naman yung tuna ng talong na pinrito, masarap yun, promise! tapos kahit sawsaw mo sa toyo, wow, basta imbentuhan mo lang, hindi mo na siguro mahahalata na tuna lang ang inulam mo buong linggo…:smiley:

houseboy

09-19-2005, 12:52 AM

Sayang, hindi ko naidagdag na ang almusal ko e Tuna sandwich. Hehehe…

Talong? Pwede rin po, kaso nga lang, mas mahal yata talong kesa sa tuna. :smiley:

goldhorse

09-19-2005, 10:05 AM

Meron din de latang laing. Subukan mo, mapapakain ka talaga ng madaming kanin.

Paul

09-19-2005, 12:21 PM

eto peborit ko. ginisang tuna sa sibuyas (maraming sibuyas!) at kung anong gulay na mahahagilap sa ref. lagyan ng tinadtad na pinatuyong sili (meron neto sa shop99 o 100 yen shop). iulam mo sa kanin o ipalaman sa tinapay.

me secret ingredient pa ang misis ko kaya mas masarap. :wink:

myukasky

09-22-2005, 02:21 AM

Fave ko din ang tuna:D masarap din kapag nilagyan mo ng scramble egg with onion. Kapag kami lang ng anak ko ito inuulam namin minsan, at one time nagkamay ako ginaya ng anak ko. Kinagabihan kain kami ng dinner sabi ng anak ko kamay daw sya kakain:eek: shocked asawa ko heheheeh.

docomo

09-23-2005, 12:08 AM

… tuna with lettuce …it taste good even without dressing:)

DJchot

10-16-2005, 09:44 PM

natawa naman ako dito houseboy :smiley:
bili ka naman ng iba sa pinoy store para may maling, sardinas, at ibang delata ka pa hehe

… children, ready, sing!
Lunes, ang inulam ko ay tuna…
Martes, tuna pa rin aking nakita…
Miyerkules ay tuna with kamatis
Huwebes sa kanin ay toppings
Biyernes tuna’t itlog ay nagmamahalan
Ang kanin ko ay sadyang maramihan
Sabado, gutom ko’y iyong napunan
At pagsapit ng Linggo, tuna pa rin aking ulam…

O ka’y blis ng aking pagkain
Gutom ko ay napapawi rin
Kumain ako ikaw ang kapiling
Tuna sa lata ay nanggaling

O ka’y bilis ng aking pagkain
Gutom ko ay napapawi rin
Ang presyo mo na sadyang kay mura
Malaking tulong ito, aming mga dukha
:band::whistle:

Chibi

10-16-2005, 10:14 PM

natawa naman ako dito houseboy :smiley:
bili ka naman ng iba sa pinoy store para may maling, sardinas, at ibang delata ka pa hehe
Isang Linggong Pag-ibig… sa Tuna!:eek: tip tipid!

mossimo

10-17-2005, 11:51 AM

ang sama naman nun puro tuna…

zenki

10-22-2005, 12:43 PM

hmm…ako din gusto ko ng tuna!! saan ako makakabili nun?? haaaay frustrating! naalala ko tuloy ang aking dorm days sa college…ginawa ko ding isang linggong ulam ang tuna…iba’t ibang luto…hehe pero tinigilan ko kase mataas ang metal content nito…hehehe :smiley:

otoyy008

10-22-2005, 03:07 PM

wow… tuna sarap nama nyan… penge:food:

houseboy

10-23-2005, 12:25 AM

Hindi lang pala ako ang may gusto ng Tuna…

Ulam ko kanina? Ano pa ba kundi tuna na naman! Pero CHAHAN naman…:wink:

Maruchan

10-23-2005, 02:41 AM

Masarap din ang tuna fresh from the can tapos lagyan ng kamatis at pulang sibuyas tapos patis at konting lemon. Tapos bagong luto ang kanin. Wow, eh di…solve na!

Happy tuna days! :food:

yosakoi-soran

10-23-2005, 08:59 AM

Hindi lang pala ako ang may gusto ng Tuna…

Ulam ko kanina? Ano pa ba kundi tuna na naman! Pero CHAHAN naman…:wink:

Masarap din 'yung Tuna Spaghetti…housebo y:D madali lang din lutuin… :food: at udon na
ginawang yakisoba or yaki udon…tuna ang ilalahok mo instead na mga karne…YUMMYYYY
talaga… :thumb: gusto mo padalhan kita riyan…sabihin mo lang…:cool: :wavey: (off the topic)

na-iba yata 'yang avatar mo, houseboy,?:confused: kalilinis mo lang ba nang “men’s toilet” at ipinakikita mo sa amin kung ga’no kalinis 'yan :smiley: :roll: :cool:

houseboy

10-23-2005, 12:46 PM

Pagkain ko naman ngayon e yung sequel nung kagabi. TUNA CHAHAN ulit. Kumbaga e parang “ULAM na DUGTONG DUGTONG”. Hehehehe… Padalhan? Sige!!!

Opo, kakalinis ko lang ng CR kaya mas apt yan na avatar ko kesa dati. Pero pogi ko dun sa avatar ko dati di ba?:stuck_out_tongue:

docomo

10-24-2005, 12:58 PM

Pero pogi ko dun sa avatar ko dati di ba?:stuck_out_tongue:

I won’t complain :stuck_out_tongue:

houseboy

10-29-2005, 12:40 AM

SENIOR MEMBER NA AKO!!! Yafuuuuuuuuuuuu!!! Meron na ako 100 posts!!!:smiley:

Maruchan

10-29-2005, 02:38 AM

SENIOR MEMBER NA AKO!!! Yafuuuuuuuuuuuu!!! Meron na ako 100 posts!!!:smiley:

Congratulations, Houseboy! :yippee: Dali kain ka pa ng maraming tuna cans. :grinny:

makulit

10-29-2005, 03:40 AM

SENIOR MEMBER NA AKO!!! Yafuuuuuuuuuuuu!!! Meron na ako 100 posts!!!:smiley:

Congratulations Houseboy!
Teka ano ba ang susunod na level after Senior Member?

yosakoi-soran

10-29-2005, 09:32 AM

SENIOR MEMBER NA AKO!!! Yafuuuuuuuuuuuu!!! Meron na ako 100 posts!!!:smiley:

Houseboy…:smiley: Omedetou…senior member ka na rin :mohawk: :guitar: :dowave: 'di ko naman nakakalimutan 'yung omiyage na ipapadala sa
'yo…mga “Tuna variations of ready to eat food” maaaring sa Pasko na lang ha… as christmas
gift? pwede? :slight_smile: Andito ka pa ba sa Pasko? tell me ha…:wave: :sweeties:

houseboy

11-23-2005, 07:30 PM

Naks, magbibigay ka sa akin ng regalo sa Pasko? Sige! Nandito pa naman ako siguro nun. Mahal kasi pamasahe kaya hindi pa ako makakauwi.:smiley:

nikita

11-23-2005, 09:36 PM

tuna??ingat ka lang din sa pagbili ng tuna meron din kasi ditong tuna for pet(nyaaww):hihi:

docomo

11-23-2005, 09:59 PM

omedetou houseboy, pa pa- tuna party ka:D

( oo nga naisip ko din yan, anong susunod after senior member ? lolo/lola member? )

nikita

11-23-2005, 10:14 PM

omedetou houseboy, pa pa- tuna party ka:D

( oo nga naisip ko din yan, anong susunod after senior member ? lolo/lola member? )he,he,he napatawa mo ako ha:hihi: lola docomo.:eek: eekk isa na rin pala ako don!!

fremsite

11-23-2005, 10:15 PM

( oo nga naisip ko din yan, anong susunod after senior member ? lolo/lola member? )

di kaya … VIP seniors …? :eek: naaaahhhhhhhhh… :smiley:

houseboy

11-23-2005, 10:28 PM

Lola DOCOMO? Di ba LOLO dapat?:confused:

fremsite

11-23-2005, 10:40 PM

Lola DOCOMO? Di ba LOLO dapat?:confused:

look mo sila sa Yokohama EB … makikita mo kung gaano ka " puge " si docomo … hehehehe:D

docomo

11-23-2005, 10:48 PM

di kaya … VIP seniors …? :eek: naaaahhhhhhhhh… :smiley:

tue ba itech? VIP seniors? wahehehe parang maganda sa ears ko pakinggan :smiley:

docomo

11-23-2005, 10:49 PM

Lola DOCOMO? Di ba LOLO dapat?:confused:

LOLO / LOLA parehas lang meaning nun houseboy …parehas na home for the aged na wahahahaha:p

tfcfan

12-04-2005, 04:10 PM

Hindi lang pala ako ang may gusto ng Tuna…

Ulam ko kanina? Ano pa ba kundi tuna na naman! Pero CHAHAN naman…:wink:

Akala ko ba si Tolits’ ang idol mo.bakit tuna ang pinopromote mo na commercial,di ba dapat “sabong panlaba”?

houseboy

12-10-2005, 05:17 PM

E lumaki na kasi ako, kaya TUNA na ang ine-endorse ko.:smiley:

tfcfan

12-10-2005, 09:36 PM

@houseboy,next sa senior member------

[B]antique member daw!:hihi:!!!

gabby

12-11-2005, 12:32 AM

ang sama naman nun puro tuna…

Gusto ko tuna din kase sa omise namin ang ginagamit naming tuna ay imported mula sa Pilipinas. Ako ang nag-decide niyan at saka nagustuhan nang mga expat yung tuna sa Pilipinas.

houseboy

12-11-2005, 12:56 AM

Gusto ko tuna din kase sa omise namin ang ginagamit naming tuna ay imported mula sa Pilipinas. Ako ang nag-decide niyan at saka nagustuhan nang mga expat yung tuna sa Pilipinas.

Yan ang tama!!! Galing mo gabby-san!!!

mazel

12-11-2005, 05:09 PM

w0w… dami naman tips sa tuna… hehehe…

try ko gawin ung iba dito… lalo na ung ginisa na may maraming sibuyas at may sili… yum yum… :food:

mOtt_erU

09-12-2006, 06:32 PM

hi Houseboy…okey yan.
Masarap naman yung tuna…, minsan try mo yung Calderetang tuna at Adobong tuna:)

This is an archived page from the former Timog Forum website.