Isang Maikling Kuwento

fisher

11-26-2005, 08:34 PM

Lahat tayo ay may mga alam na kuwento ng pag-ibig, tagumpay,kabiguan at kung ano-ano pa. Let us share them to our friends here at TF. Ako na ang mauuna.

Si Fred 'yung Kapampangan

Lima o anim na beses kong nameet si Fred sa isang eki. Laging malalim ang iniisip.Minsan pumipilit ngumiti.Ang dahilan,naaalala niya ang kanyang pamilya sa Pilipinas.Isa siyang padre de familia. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas kumapit siya sa patalim.Umutang ng malaking halaga para may pambayad kapalit ng pagtulak niya patungong Japan para makipagsapalaran.
Noong isang linggo nakita ko uli siya.May iniisip,pasko na sana maging masaya ang kanyang pamilya.Ito ang nasambit niya sa akin.Kaunting pera na kinita niya ang ipapadala niya bilang regalo sa kanyang asawa’t mga anak.
Kahapon, paglabas ko sa eki,nakita ko ang isang Filipino at ang sabi’y mayroon na namang nahuling pinoy na TNT. Sayang sabi niya magpapasko pa naman.Tama ang aking hinala, si Fred ang nahuli.Darating ang perang ipinadala niya na kasunod ng paglanding ng eroplanong magbabalik kay Fred sa pilipinas.
Sa Pilipinas, ano na kaya ang kahihinatnan ni Fred at ng kanyang pamilya na may pasan na malaking utang na hindi pa nababayaran?
Ito ang maikling kuwento tungkol kay Fred na isang Kapampangan.

fremsite

11-26-2005, 08:54 PM

sad naman to fisher … kawawa naman si Fred…
sana ok lang sila … sana may tumulong sa kanila …
hindi lang siguro si Fred ang may ganyang problema …
maraming Fred sa ating bansa …:frowning:

i’ll share my " maikling kwento " 2 next time …
la pa kong maisip …:slight_smile:

fisher

11-26-2005, 11:54 PM

Work it out. We will wait:) .

I wish na hindi ko na lang nameet si Fred kasi nararamdaman ko ang pasan niyang hirap.Ako rin kasi ay lumaki sa hirap.Napakasakit isipin.

crispee

12-10-2005, 04:36 PM

Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na inip umuwi, aba ang hirap atang magpanggap na may ginagawa. Galing ko na ngang matulog ng dilat eh, sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang nag-text yung pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa baba ng building para sabay na kaming umuwi. Kaya hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may gagawin pa ako para lang maiwasan sya. Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung iba ay naghihintay o di kaya ay may susunduin pa para lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman ako loner, basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko wala akong kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko mag-isa lang ako sa byahe. Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa byahe ko pag-umuuwi ako? Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng komedya.

Case # 1
“Aray, ano ba?”
Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo kung ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi nila ay hirap na hirap na sa mukha nila. Kaya ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok, sabay sorry kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako,a pag-iwas sa paghampas nito sa kinakalabit ko na at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.

Case # 2
"Blah, blah, blah…’
Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat ng pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na’t mahaba ang byahe at walang radyo yung jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng sumabat dun sa kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at di na makapagpigil tinitignan ko sila na parang gusto kong dukutin ang lalamunan nila.

Case # 3:
“Pakiabot lang po…”
Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya naman ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant. O kaya naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga. Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong sobrang bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang bayad mo. Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung bayad nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pede ba wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.

Case # 4:
“Maki! kiusog nga…”
Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May mga babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo ay halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka. Animo’y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita. Kapag ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog. Pasensyahan na lang kung mapalakas.

Case # 5:
“Ooozzz…”
Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana lang walang dantayan at basagan ng bao. Kapag may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre alangan namang pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute ibang usapan na yan. Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos at ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.

Case # 6:
“Mama, para ho…”
May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo. Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na sumisigaw ng “Bayad ho, bayad ho, bayad ho…” Syempre yung driver, kuntodo extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang “Para” pala ang dapat nyang isinisigaw. Nyahaha…tawa ko ng tawa pagkababa nung mama!

Case # 7:
“Hon, love, etc…”
Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling mundo na kung maglampungan ay parang mga
pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated 18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila. Meron tuloy mga lalaking ‘nag-iinit’ at biglang bibitaw ang kamay sa pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang inggitan…
Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag umuuwi ako. Dami pa kong kwento kaya lang uwian na eh.

Magbi-byahe pa ako. Sasakay na ako ng jeep. Uuwi ulit akong mag-isa.

By: SNEAKERNET (sneakerbit@yahoo.co m)

tfcfan

12-10-2005, 09:29 PM

crispee san,i like your story:) quite short!:hihi:

fisher

12-11-2005, 01:42 AM

Pareng crispee,you hit the nail on the head.Ganyang ganyan nga ang scenario kapag sumakay ka ng jeep.At ang pinakagusto ko ay ang may matutulog na hihilig sa aking balikat.Siguradong sasaniban ka na nu’n he,he,he,he,he.

Stacie Fil

12-11-2005, 02:49 AM

Hindi ko napigilan katatawa sa #6.:lol:
Imagine, sa Pinas lang ata may ganyan.

gabby

12-11-2005, 09:52 AM

Crispee Sama otsukaresama Deshita!! Ang galing mo talagang manghukay ano? Ubos na lahat ang belib ko sa iyo heh he he he . . . :stuck_out_tongue: Nadale mo na naman!:slight_smile:

Summer!

12-11-2005, 12:17 PM

@ fisher, nakakaawa naman si Mang Fred, sana nga ok siya at may mas magandang dahilan kung bakit siya nahuli at nasa Pinas ngayon.

@ crispee, kakatawa ka talaga, ito pa isa, naalala ko lang kasi sa mga kwento mo.

Nangyari sa akin sa Recto-Divisoria route, isang mama na pa-cute, japorms na nakakainis. Feeling guapo, ewan naman. Habang kami’y nasa biyahe e nagpapapansin ang dating kaya nakakaasar tuloy. Pagtapat sa simbahan ng jeep e nag-krus ang lolo mo, isang common “habit” para sa isang Katoliko, paglapat ng daliri niya sa kanang balikat sa pag-krus niya e nahagip ng siko niya yung sigarilyo ng katabi niya at napaso, biglang bawi ng kamay sa gulat niya, ayun, nawala ang poise niya, matawa-tawa ako sa loob-loob ko, ayan, pa-cute pa kasi, nakakahiya tuloy. Naawa sana ako kasi nagku-krus pa naman, kaya lang sa inis ko, matawa-tawa ako sa nakita ko sa kanya. :stuck_out_tongue:

fisher

12-11-2005, 01:05 PM

Summer chang, alam na alam mo kung ang tao ay katoliko pagdaan sa tapat ng simbahan.Tulad ng sinabi mo magsa-sign of the cross iyan:D .

Summer!

12-11-2005, 02:43 PM

Summer chang, alam na alam mo kung ang tao ay katoliko pagdaan sa tapat ng simbahan.Tulad ng sinabi mo magsa-sign of the cross iyan:D .

oo nga, kaya nga lang, yung mamang sinabi ko, nabulilyaso ang pagka-relihiyoso.:smiley:

crispee

12-11-2005, 07:40 PM

Hello Minasan,
Gusto ko lang i-point out na hindi ako ang writer ng istorya. I am just sharing what has been shared to me. I like the story personally. And glad to know everyone is happy.

Fisher,
True-to-life ba yung story mo?

halloween

12-11-2005, 10:47 PM

Etong experience ko, share ko.

Nakasakay ako non ng FX bound to Harrizon tapos sa tabi ako ng driver naupo at may katabi akong ale. Nung malapit na kong bumaba at saka ko pa lang naisipang magbayad. Lo and behold, naiwanan ko wallet ko. Tingin dito, tingin don, dukot dito dukot don ang ginawa ko pero ala talaga yung wallet ko. Sobrang pinagpapawisan na ko at hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa driver na naiwan ko wallet ko.

Eto ang nakakatawa sa storya, finally, nagkalakas ng loob na kong sabihin sa driver, isa pa nakarating na sa Harrizon eh kaya no choice na. ISang malakas na ehem muna tapos sinabi ko sa driver, hmmm, eh manong pasensya na po pero naiwan ko po wallet ko eh sabay pakita sa bag ko para malaman nyang nagsasabi ako ng totoo.

Akalain mo ba naman na yung katabi kong ale eh nagsabi sa driver na naiwan din yung wallet nya. DIsmayado tuloy yung driver, ang labas tuloy eh parang modus operandi. Sa loob loob ko lang, eto namang aleng 'to oo, gaya gaya, alang originality. Yung driver tuloy eh parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura kasi feeling nya eh ginogoyo namin sha. Sabi na lang nya, haaay, kung di ka ba naman minamalas eh.

ANg natatawa ako pag naalala ko eh yung expression sa mukha ng driver, parang na WOW mali.

crispee

12-11-2005, 11:08 PM

Halloween, buti naiwan mo. Hindi nadukot or nalaslas:D

fisher

12-11-2005, 11:19 PM

Hello Minasan,
Gusto ko lang i-point out na hindi ako ang writer ng istorya. I am just sharing what has been shared to me. I like the story personally. And glad to know everyone is happy.

Fisher,
True-to-life ba yung story mo?
Yes! Why? Do you know Fred personally?:confused :

crispee

12-11-2005, 11:46 PM

Yes! Why? Do you know Fred personally?:confused :

No. But I have kapampangan friends too. Too bad I can’t speak their dialect except some words as ‘saguli’, madalumdum and ‘ebun’ :smiley:

gabby

12-12-2005, 01:09 AM

It’s my turn to tell a story. Thanks Fisher for the thread.

Last week one of my expat regulars informed me about his new assignment which will be in continental Europe. He is a senior investment banker at Goldman Sachs in Tokyo. He has been in Tokyo for over Ten years. As we talked about his moving to Europe, he mentioned to me about his Filipina helper who has been working for him since 2003. He is taking her with him to Europe. His wife and children are really fond of her. He intends to keep her in Europe for about four months to help them settle in and after that he is going to send her to New York to take care of his old Parents. He said that the only hassle he was facing about taking her to Europe and on to New York is the Filipina helper’s visa. He hired a lawyer just to get her a visa. It was really difficult to get her a visa but his family like his helper very much and the money they spent for her really worth it. I kidded him to take me as his houseboy. After that he told me, something which really hold my breath, that he likes the Filipinos very much. When he left, I was still feeling the effect about his fondness for Filipinos. I thought he was a snob because everytime he come to the restaurant he was always business like person. He didn’t ask my name. He never talked to the staff except when he ordered for his food and drinks. I even like Mr. Carlos Ghosn and his family better than that investment banker.

The bottom line was I felt proud. Proud that executives of big companies in the world like the Filipino maids.

He and his wife knew all along that I am a Filipino and somehow, they patronised the restaurant not because it is popular but I worked there. And I would like to think that they probably like my service. That thought even made me feel prouder heh he he he . . . :slight_smile: :slight_smile:

halloween

12-12-2005, 01:25 AM

Keep it up!

Sobrang natutuwa ako kapag may Pinoy na may magandang news lalo na sa lahi natin. Feeling sa 'ken ang honor.

Sana lang umunlad na tayo.

japphi

12-12-2005, 11:09 AM

Sana po ay basahin ninyo ang true love story na ito at sana ay may makuha na aral although napahaba nga lang…

Ito ay tutoong istorya nang kaibigan namin ni hubby na na-in love sa isang kababayan natin na nagta-trabaho sa club na ilang taon na ang nakakaraan.Tawagin natin sila sa pangalang Mina at Fuji.

Ilang taon na sa trabaho ni Mina sa club at nakilala nya ang kanyang naging asawa, na sa una ay hindi nya alam na yakuza pala.Kinasal sila dito at sya ay nagbuntis…malupit ang naging asawa nya, na makikita sa kanyang wrist ang hiwa na hindi na matatanggal,bakas nang ilang beses na pagbalak nyang pagpapakamatay.Inuwi ni Mina sa Pilipinas ang kanyang anak para makapag-trabaho sya at para makatulong ulit sa kanyang pamilya.

Sa club ay nakilala nya si Fuji at naging regular costumer,na hindi kaila sa kanya na may asawa ito at 2 anak sa haponesa.Naging magkaibigan at nahihingan nang payo sa problema nya tungkol sa kanyang asawa.
Ilang beses na nagpunta si Fuji sa club at wala si Mina…na hindi rin malaman nang kanyang mga kasama kung bakit.Hanggang sa isang araw,habang nasa trabaho si Fuji ay may tawag sa cellphone nya at si Mina ang nasa linya…umiiyak at humihingi nang tulong sa kanya.Ilang araw na syang hindi nakakalabas nang kwarto dahil kinulong sya nang asawa at hindi makalabas.

Nakatawag sya kay Fuji dahil naamo nya ang asawa na lahat nang utos ay susundin nya…magtatrabaho sya at ibibigay sa asawa ang sahod.Nakapag-trabaho nga sya at nagkita sila ulit.Nagbalak sila na tutulungan sya ni Fuji na unti-unti ay hakutin ang kanyang mga gamit nang hindi namamalayan nang asawa.Ganoon nga ang nangyari at pansamantala ay sa apartment ni Fuji sya tumira.

Walang-wala sa isip nila na magsasama sa isang bubong,na kung ano ang kahihinatnan nila…basta ang nasa isip ni Fuji ay maiwas nya sa yakuza si Mina at pauwiin na sya sa Pilipinas,si Mina ay ganoon din.Nagawa nga ni Fuji na ilayo sya at naki-usap sa Mama san nang club na ilipat sya sa ibang club nila para hindi matunton nang asawa,nagtrabaho sya ulit at nagsama sila sa apartment ni Fuji.

Labing limang taon ang pagitan nang idad nila at turing ni Mina sa kanya ay parang tatay, na kaya lahat nang problema nya ay nahingan nya nang payo.Hatid-sundo si Mina kay Fuji pag magta-trabaho sya,nakaraan ang ilang buwan ay hindi nila naiwasan ang tukso bilang magkasama sa isang bubong…sa kabaitan ni Fuji walang maibibigay na kapalit si Mina at hindi rin nya naiwasan na mahulog ang loob nya sa kabaitan nito.

Isang taon ang nakalipas nakapag-ipon si Mina nang sapat na pera para makauwi na sya at makasama ang kanyang baby.Bago sya umuwi sa atin ay pinakilala sya sa amin ni hubby at yon ang umpisa nang pagiging magkaibigan namin,naikwento nya lahat sa akin ang nangyari sa kanya at sa kanila ni Fuji na kahit alam nyang hindi dapat ay nangyari sa kanila.Na hindi nya inisip na wasakin ang pamilya ni Fuji. Sa pag uwi nya sa atin ay halos every 6 months ang punta ni Fuji sa bahay ni Mina,na hindi nila namalayan na may pitong taon na pala ang relasyon nila.

Ilang beses na inisip ni Mina ang lumayo na kay Fuji para hindi mawasak ang pamilya nito.Na noong panahon na andito pa sya ay may nakilala at nanligaw sa kanya na Swedish at nagsusulatan na hindi naman naging lihim kay Fuji…kahit na noong bisitahin nya ito sa Manila.Napamahal na si Fuji kay Mina na pinag-isipang nyang maigi kung ano ang mabuti para sa kanilang dalawa…yon ay ang ibigay na kay Fuji ang freedom para bumalik nang tuluyan sa asawa nito at tanggapin ang proposal ni Swedish na pumunta sya sa Sweden.

Walang nagawa si Fuji nang mag-paalam si Mina sa kanya na kung ilang beses ay nagka-iyakan sila dahil mahirap ang magkahiwalay sila.Pero hindi kayang hiwalayan ni Fuji ang kanyang asawa at mga anak,…pero napamahal na rin sa kanya si Mina.Napakasakit na paghihiwalay,nangako si Fuji sa kanya na kahit na mag-asawa sya ay andoon pa rin sya at walang pagbabago sa kanya maliban sa natitirang pagmamahal nya kay Mina…yon ay bilang Ama na lamang.Kung may mga ari-arian man silang nai-pundar sa Manila ay walang pagbabago…sino man sa kanila ay free na pumunta doon at mananatiling nakapangalan yon kay Mina.Kahit na wala si Mina sa Pinas ay pumupunta si Fuji sa bahay nila doon para asikasuhin ang tindahan nila na iniwan ni Mina sa caretaker nila na pamangkin nya.

Nakasal si Mina nang civil wedding sa Swedish at nag-ka-anak…hindi lihim kay Swedish ang tungkol kay Fuji at minsan ay nagkita-kita sila sa Manila for the first time.Nangako ang Swedish na hindi nya pababayaan si Mina at naiintindihan nya ang sitwasyon ni Fuji.Namamasyal sila na parang isang pamilya…na karamihan sa mga kapitbahay nila ay nagtataka …kung bakit at kung bakit nagka ganoon?At magkasama sa isang bubong…very touching moments…na kahit ako ay hindi ko ma-imagine.

Nalaman nang asawa ni Fuji ang katotohanan dahil na rin sa pagtatapat nya na sa umpisa ay napakasakit tanggapin.Ako…naka usap ko rin ang kanyang asawa at dahil kaibigan ko si Mina naglakas loob ako na kausapin sya na parang hiningi ko nang patawad ang aking nakababatang kapatid sa kanyang nagawa…nakausap din sya ni hubby.At naintindihan naman nang asawa ni Fuji.Nagpapasalamat ako at malawak din ang kanyang kaisipan at pang-unawa.

Napaka-dakilang pagmamahalaan na natugma sa maling pagkakataon…hangg ang ngayon ay may communications kaming magkakaibigan na sa tagal nang friendship namin ay 3 times ko lang na-meet (Mina)para ganoon nalang ang pagiging close namin.Mabait na tao si Mina at sa dami nang kahirapan na dinanas nya ay tama lang para sa akin na tumbasan sya nang tamang pakikipag-kaibigan…hindi ang husgahan sya nang dahil sa kanyang nagawang kamalian…kung kamalian mang masasabi.

Sa January ay pupunta si Fuji sa Manila kasama ang kanyang asawa para magbakasyon,makikita nya ang bahay nila nina Mina at Fuji,tindahan at nabili nilang palayan sa probinsya.At higit pa doon ay ang pagkikita nila ni Mina nang personal…at ang pagiging ninong at ninang nila ni Fuji sa kasal ni Mina at ni Swedish sa January 7th.Nakaka-pigil hininga na pagkikita…hihingi nang tawad si Mina sa asawa ni Fuji na kahit na ako na malapit sa kanila ay sabik na malaman ang susunod na pahina nang istorya nila.Tanong ko kay Fuji kung ano ang magiging reaksyon nya sa oras na makita nyang naglalakad si Mina nang naka-wedding gown at hindi sya ang makakasama sa altar…“baka maiyak ako kanya…pero yon ay bilang ama nya na naghahangad nang kaligayahan nang anak”…sana nga para hindi gaanong masakit para sa’yo kako.

Pasensya na kayo sa naging haba nitong kwento ko…natuon na nag-umpisa si Fisher nang thread na ito at naging chance para sa akin ang mai-share ko ang love story nila.Na katunayan lang na may hapon pa rin na marunong magmahal(pwera sa aming mga hubbies na mapagmahal din …syempre)

Na kahit hindi nila alam na nai-share ko dito ang story nila ay gusto ko rin silang puriihin sa pagiging tapat sa isa’t isa.Si Fuji na tinulungan at minahal ang kababayan natin nung panahon na wala syang matakbuhan.Si Mina na nagpursige sa pagta-trabaho dito,inako ang responsibilidad nang pagiging padre de pamilya.Na hindi inisip na mang-wasak nang pamilya nang para lang sa kanyang kaligayahan at sa wakas ay natagpuan nya ang hangganan nang kanyang katanungan…na kailan kaya nya matatapuan ang katahimikan nang buhay.Hangad ko ang kaligayahan nang dalawang tao na ito na hindi binigyan nang tamang panahon para magmahal pero nabigyan nang magandang kawakasan para lumigaya ulit.

Maraming salamat po sa pagbasa ninyo at sana ay may nakuha kayong magandang aral sa story nila.

nikita

12-12-2005, 08:00 PM

Sa isang pagtitipon,pinakilal a sa akin ng kaibigan ko si Melba isang ilongga.28 years old pero mukha ng 40.baduy,mahilig sa pekeng alahas at higit sa lahat sobrang hangin halos ata lahat ng dumalo sa pag titipon nayon ay kina inisan si Melba isa na ako ron.hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na milyonaryo na daw si Melba.na alarma ang lahat sa balita na yon,bakit?paano nangyari yon?mga tanong na di maiwasan sambitin ng karamihan.isang malapit sa akin ang nagkwento ng buhay ni Melba halos di ako makapaniwala dahil bago pa lamang si Melba sa bansang hapon ang pagkaka alam ko pa hindi naman nag tatrabaho si Melba.iiklian ko na lang ang kwento…Ump isa pa lang ayaw na kay Melba ng mga in laws nya halos pag hiwalayin daw sila ng magulang ng asawa nya.andyan yung time na bibisita sa tinitirhan nila pero di man lang daw sya pansinin at kausapin ng mga ito at higit sa lahat pinalalayas sya at umuwi na nga lang daw sa bansa natin.hanggang nagka sakit ang asawa ni Melba,naratay iyon sa ospital.ni hindi man lang naka dalaw si Melba sa asawa dahil sa pinag tatabuyan sya ng mga magulang nito.di naka tiis si Melba lumayas sya at tumira sa isang kaibigan nabalitaan na lang nya na namatay ang kanyang asawa binalak nyang sumilip sa burol ng asawa ngunit di nya nagawa dahil hindi sya pinapasok sa burol nito.wala ng nagawa si Melba kundi tanggapin na lang ang kapalaran.ang isa pang problema ni Melba,matatapos na rin ang isang taong visa nya ang balak nga nya ay umuwi na lang ng pilipinas at kalimutan na lang lahat ng nangyari sa kanya sa bansang hapon.Isang umaga kagigising lang ni Melba ng oras na yon ng biglang may kumatok sa bahay ng tinutuluyan nya laking gulat nya ng makita sa harap ng pinto ang mga magulang ng asawa nya.lalo syang nagulat ng batiin sya ng "ohayo gozaimasu"at gusto nga syang maka usap ng araw din na yon.walang nagawa si Melba kundi patuluyin ang mga ito na inayunan naman ng kaibigan nya.marami pa lang naiwan na ari arian ang asawa nya kasama na rin duon ang mga insurance na makukuha lang kung pipirmahan ni Melba.at higit pa doon mas malaki pa pala ang mana ni Melba kaysa sa mga magulang nito.nag makaawa ngayon ang mga in laws nya sa kanya at patawarin na rin daw sila sa mga nagawa nila kay Melba…eh ano pa nga ba ang nangyari…pumirm a si Melba wala pa atang isang linggo natanggap ni Melba ang mana nya na nagkaka halaga ng 2senman…balita na lang namin naka uwi na ng pinas si Melba nag bubuhay Donya.hayyy,si Melba ang ayaw ng lahat ngayon nag bubuhay donya…

tfcfan

12-12-2005, 09:06 PM

@ japphi san para na rin akong nakabasa ng pocketbook sa ipinost mo!:hihi:
Bagay sa lovestory nila ang lyrics ng “somewhere down the road”!:whistle: we have the right love at the wrong time~~~~~~:whistle:

halloween

12-12-2005, 10:35 PM

Tumitingin tingin ako ng maganda at murang mabibili sa robinson’s place tapos nakita ko si Madam Auring. Di ko maiwasan na di lihim na matawa kasi kamukha nya talaga si Michael Jackson, promise! Tapos maya maya lumapit naman sa kanya yung bf nyang tila 30 years ata ang ibinata sa kanya. Again, di ko maiwasan na di lihim na matawa kasi kulot yung buhok nya at medyo mahaba. Eh di ba ganon buhok ni Michael Jackson? Naisip ko tuloy na kung yung buhok siguro ng bf nya eh napunta kay Madam Auring, pwede na siguro shang mag concert at mag Jackson look alike.

Lumayo na ko dahil sa pagka bungisngis ko eh baka mapaaway pa ko. Nung medyo malayo na ko, kung bakit ko nman naisipang kumanta ng “because I’m bad I’m bad you know it…” kanta lang ako ng kanta. Di ko namalayan na papalapit yung boylet at sii Madam Auring tapos tiningnan ako ng masama nung lalaki, siguro alam nya iniisip ko. Haaay, ayon deadma na lang ako.

fremsite

12-12-2005, 10:55 PM

Sana po ay basahin ninyo ang true love story na ito at sana ay may makuha na aral although napahaba nga lang…

Si Fuji na tinulungan at minahal ang kababayan natin nung panahon na wala syang matakbuhan.Si Mina na nagpursige sa pagta-trabaho dito,inako ang responsibilidad nang pagiging padre de pamilya.Na hindi inisip na mang-wasak nang pamilya nang para lang sa kanyang kaligayahan at sa wakas ay natagpuan nya ang hangganan nang kanyang katanungan…na kailan kaya nya matatapuan ang katahimikan nang buhay.Hangad ko ang kaligayahan nang dalawang tao na ito na hindi binigyan nang tamang panahon para magmahal pero nabigyan nang magandang kawakasan para lumigaya ulit.

Maraming salamat po sa pagbasa ninyo at sana ay may nakuha kayong magandang aral sa story nila.

ang ganda naman ng story nila japphi san … kung mapapanood siguro sa screen … mapapa-
iyak ka . sana nga … sana nga at maligaya silang 2 … kahit di sila magkasama sa iisang bubong ngayon, magkasama pa rin ang puso nila sa isa’t isa … napaka-bait naman ni fuji san … napaka-bait din ng asawa niya … at napaka-swerte pa rin ni mina … talagang iba magpala ang Diyos ano ? :slight_smile: thank you din japphi san for sharing their story … :wink:

crispee

01-02-2006, 07:40 PM

PerryScope by Perry Diaz

Recently, when I accompanied my wife shopping for Christmas, I lost track
of her in the mall. I finally saw her walking about 20 feet ahead of me.
Instinctively, I said, “Psst!” My wife turned around. Surprisingly, about
five others turned around too – all Pinoys! Is there something in the
Filipino genes that triggers a spontaneous reaction to the call “Psst”?

I looked up “Psst Pinoy” in Google.com and there were about 14,900 hits.
One of the hits is “155 Ways To Tell If You’re Really a Pinoy.”
“Interesting,” I thought. Some of the mannerisms and personality traits of
a Pinoy are: You point with your lips (pointing with your finger is bad
manner). You nod upwards to greet someone (you don’t know where the Pinoy
is from, we all look alike). You smile for no reason (we’re always happy,
that is why we look young). You flirt by having a foolish grin in your face
while raising your eyebrows repeatedly (I thought this is really funny).
You scratch your head when you don’t know the answer (I don’t know where we
got this from, the Spaniards maybe). You never eat the last morsel of food
on the table (maybe the leftover is for the pigs in the sty). You always
offer food to all your visitors (we’re hospitable). You use an umbrella for
shade on hot summer days (you want to keep your kayumanggi complexion). You
prefer to sit in the shade i nstead of basking in the sun (only white
people bask in the sun to get a ‘kayumanggi’ color). You like everything
that’s imported or “stateside” (that’s our colonial mentality, too bad).
You are consistently late for all events (we are not clock watchers).

Pinoys have also developed certain habits and substitutions in their
vocabulary. You say “comfort room” instead of “bathroom.” You “open” or
“close” the lights. You say “kodakan” instead of “take a picture.” You ask
for “Colgate” instead of “toothpaste.” You say “for a while” instead of
“please hold” on the telephone. You say “Uy!” instead of “oops.” You say
“Ha?” instead of “What?” You say “Hoy!” to get someone’s attention. You
answer when someone yells “Hoy!” You turn around when someone says “Psst!”

Then, there is the “100 Best Things About Being Pinoy.” Pinoys always have
a “merienda” between breakfast and lunch, and between lunch and dinner.
Five meals a day! No wonder Pinoys have high cholesterol. We have that
“Bayanihan” spirit of going out of our way to help others. The “balikbayan”
box has become the symbol of sharing life’s bounty. We send home Instant
Coffee, Spam, etc. Just about every town has an annual “Fiesta” celebrating
their patron saint’s day. The people would prepare food and open their
homes to everybody – friends and strangers alike. The “Roman Feast” is
nothing compared to our “Fiesta.”

The “Jeepney” is Pinoy’s ingenious creation made from a surplus “Jeep” left
by the US military after World War II. Today, you can see these colorful
transportation everywhere in the Philippines. Have you seen a limo jeepney?
We also have the “tricycle” which is a modified motorcycle with a
two-passenger side car. Well, there is also a six-passenger limo tricycle.
Only in the Philippines.

The “resiliency” of the Pinoy is unbreakable. We’ve survived 333 years of
Spanish rule, American rule, Japanese occupation, Marcos dictatorship,
earthquakes, volcanic eruptions – including Erap, typhoons, coups,
kidnappings, insurgencies, corruption, poverty, etc. The Pinoy will survive
any adversity. I can bet on that.

And to top all these traits is “Filipino nationalism.” It is that thread
that binds all Pinoys into a nation. You can see – and feel – the Pinoys’
national pride even among those who have left the Philippines for greener
pasture. In the United States, most Pinoys wear their “Barong Filipino” –
it’s no longer “Barong Tagalog” – in community events. The
Filipino-Americans always sing the Philippine National Anthem following the
“Star Spangled Banner,” and display the Philippine flag alongside the US
flag. Non-Filipino guests are often perplexed at the Pinoys’ demonstration
of loyalty to a “foreign” country. But to those who have been associated
with Pinoys, they knew that it is not disloyalty to America but love for
the Philippines.

Several months ago, I met Manong Diony in a Filipino grocery mall in
Sacramento. We had a nice conversation. He told me that he was going to the
Philippines to visit some friends. I asked Manong Diony if he was going to
Cebu, where I knew he was born and raised. He said, “No, I am going to
Bataan.” Curiously, I asked, “Why?” He said, “I am going to see my friends
in Bataan. I have not seen them for a long time.” He must have noticed my
surprise and he continued, “You see, I was a soldier in the USAFFE forces
defending Bataan in 1942 from the invading Japanese army. The Filipino and
American soldiers were low on food supply. The Filipinos in the area fed us
to survive from hunger. I got to know a lot of them and they became my
friends. After the fall of Bataan, we were forced to march to the Japanese
POW camp in Tarlac. It was known as the “Death March” because of the
thousands of Filipinos and Americans who died along the way from disease or
the bayonets of our Japanese captors.”

I asked Manong Diony how he survived the “Death March” and he said, “I
became very sick and weak during the march and so I tried to find a way to
escape; otherwise, the Japanese would kill me just like the others who
became too sick to walk. I finally escaped. But I was too sick to travel.
Several Pampangos saw me and took me with them to their home. I thought
they were USAFFE guerillas but I found our later that they were
‘Makapilis’. They nursed me for several weeks until I recovered from my
sickness.” Confused, I asked, “But I thought the ‘Makapilis’ were
pro-Japanese?” His reply was: “But they were Filipinos too.”

I never forgot the story of Mang Diony: A Cebuano who was fed by Tagalogs
to survive hunger defending Bataan and nursed by Pampangos when he was
sick. It didn’t matter what languages they spoke. It didn’t matter on whose
side they were fighting for. What mattered was that they were all
Filipinos. The Tagalogs’ and Pampangos’ nationalism transcended their
differences with a Cebuano. After all, they were all Filipinos – one
people, one nation.

docomo

01-02-2006, 07:46 PM

PerryScope by Perry Diaz

After all, they were all Filipinos – one
people, one nation.

… This was the best part of it all :slight_smile:

fisher

01-02-2006, 09:25 PM

Napakadakilang pagmamahalan japphi.Salamat sa kuwento mo at palagay ko ito’y isa lamang sa mga pambihirang istorya ng pag-ibig(pwera 'yung sa akin he,he,he,he,he):smiley: .

fisher

01-02-2006, 09:29 PM

Sa isang pagtitipon,pinakilal a sa akin ng kaibigan ko si Melba isang ilongga.28 years old pero mukha ng 40.baduy,mahilig sa pekeng alahas at higit sa lahat sobrang hangin halos ata lahat ng dumalo sa pag titipon nayon ay kina inisan si Melba isa na ako ron.hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na milyonaryo na daw si Melba.na alarma ang lahat sa balita na yon,bakit?paano nangyari yon?mga tanong na di maiwasan sambitin ng karamihan.isang malapit sa akin ang nagkwento ng buhay ni Melba halos di ako makapaniwala dahil bago pa lamang si Melba sa bansang hapon ang pagkaka alam ko pa hindi naman nag tatrabaho si Melba.iiklian ko na lang ang kwento…Ump isa pa lang ayaw na kay Melba ng mga in laws nya halos pag hiwalayin daw sila ng magulang ng asawa nya.andyan yung time na bibisita sa tinitirhan nila pero di man lang daw sya pansinin at kausapin ng mga ito at higit sa lahat pinalalayas sya at umuwi na nga lang daw sa bansa natin.hanggang nagka sakit ang asawa ni Melba,naratay iyon sa ospital.ni hindi man lang naka dalaw si Melba sa asawa dahil sa pinag tatabuyan sya ng mga magulang nito.di naka tiis si Melba lumayas sya at tumira sa isang kaibigan nabalitaan na lang nya na namatay ang kanyang asawa binalak nyang sumilip sa burol ng asawa ngunit di nya nagawa dahil hindi sya pinapasok sa burol nito.wala ng nagawa si Melba kundi tanggapin na lang ang kapalaran.ang isa pang problema ni Melba,matatapos na rin ang isang taong visa nya ang balak nga nya ay umuwi na lang ng pilipinas at kalimutan na lang lahat ng nangyari sa kanya sa bansang hapon.Isang umaga kagigising lang ni Melba ng oras na yon ng biglang may kumatok sa bahay ng tinutuluyan nya laking gulat nya ng makita sa harap ng pinto ang mga magulang ng asawa nya.lalo syang nagulat ng batiin sya ng "ohayo gozaimasu"at gusto nga syang maka usap ng araw din na yon.walang nagawa si Melba kundi patuluyin ang mga ito na inayunan naman ng kaibigan nya.marami pa lang naiwan na ari arian ang asawa nya kasama na rin duon ang mga insurance na makukuha lang kung pipirmahan ni Melba.at higit pa doon mas malaki pa pala ang mana ni Melba kaysa sa mga magulang nito.nag makaawa ngayon ang mga in laws nya sa kanya at patawarin na rin daw sila sa mga nagawa nila kay Melba…eh ano pa nga ba ang nangyari…pumirm a si Melba wala pa atang isang linggo natanggap ni Melba ang mana nya na nagkaka halaga ng 2senman…balita na lang namin naka uwi na ng pinas si Melba nag bubuhay Donya.hayyy,si Melba ang ayaw ng lahat ngayon nag bubuhay donya…

Ha,ha,ha,ha,ha, iyan ang isa sa mga pangarap ko ang maging instant millionaire :smiley: .

MARGOUX

01-02-2006, 11:05 PM

Death was walking toward the city one morning and a man asked, “What are you going to do?” “I’m going to take 100 people,” Death replied. “That’s horrible!” the man said. “That’s the way it is,” Death said.“That’s what i do” The man hurried to warn everyone he could about Death’s plan. As evening fell, he met Death again. “You told me you were going to take 100 people,” the man said. "Why did 1,000 die?, “I kept my word,” Death responded.“I only took 100 people. Worry took the others.” Worry is, and always will be , a fatal disease of heart, for its beginning signals the end of faith.Release the regrets of yesterday, refuse the fears of tomorrow and receive instead, the peace of today. (sorry kung na bored ko kayo…just wanna share the story with the lesson regarding sa story ni fisher na tungkol kay kuya fred) that’s all! thank you for reading!!!

crispee

04-07-2006, 10:10 PM

My dearest Praning,
Sori at ngayon lang ako naka e-mail sa iyo. Puro overtime ang trabaho. Trato sa amin parang kalabaw! Kumusta na ang mga bulilit? Si Nanay, si Tatay? Kumustahin mo na rin ang mga kapitbahay diyan. Kumusta na rin ba ang jeepney natin? Ok ba ang kita? Alam mo hon, magandang raket ang jeepney dito. Kung maaari lang eh, mamasada na lang ako dito. Puro mga taxi lang ang nandirito, at super mahal pa! Imagine pag-upo mo pa lang more than 200 pesos na ang meter. Buti wala ka dito at kung hindi eh maaatake ka sa puso sa mga presyo sa tindahan. At baka lalo kang ma-praning! Hanggang dito na lamang.

Ang paborito mong,
Pabling

P.S.
Nagpadala ako ng 10 lapad kay pareng Gorio. UUwi siya sa makalawa. Ibigay mo yung 1 lapad kay nanay at tatay. Sori at medyo mahina ngayon.

Sagot ni Praning:

Hooooney, ba’t ngayon ka lang sumagot? Di ba sabi ko sa iyo ubos na ang astringent ko? Ang hirap magpaputi 'no? Alam mo namang dati akong ulikba eh! Sige na pleaaaaseee. Pag nagpadala ka ng allowance ng mga anak natin at nila tatay at nanay, pakidagdagan mo naman ng konti para pambili ko ng mga kikay kits ko ha? Alam mo namang hindi na kaya ni dr. belo itong mukha ko eh!
Isa pa, hindi pa rin kasya ang boundary ng jeepney natin, kasi laging strike! Hon, mas napapraning akong pumangit lalo kesa sa mga presyo diyan!
Basta pagbalik mo dito, mukha na akong byuti queen. Basta dagdagan mo lang ang mga lapad na iyong pinapadala. 10 lapad lang? Kulang yun!
Ang mga anak mo wala ng maibaon. Ang tatay at nanay, hingi pa ng hingi ng pang-mahjong. Ano bang buhay ito oo! Kung mahal ang pasahe diyan aba eh, dito rin, wala pa halos boundary!

Korek ka diyan, praning na ako! Love u to death (basta may lapad), byuti pa rin kahit praning…

(Taken from www.jeepneypress.com (http://www.jeepneypress.com/index.html))

fisher

04-08-2006, 01:00 AM

(Taken from www.jeepneypress.com ) (http://www.jeepneypress.com ))Ha,ha,ha,ha pareng Crispee tumpak na tumpak ang description ng dalawang mag-asawa na ang isa ay nasa abroad.Hindi naman kaya kulang yung mga perang ipinapadala para sa kanilang pagiging maluho sa buhay na dati’y di naman nila ginagawa? Haay naku~~~~ buhay nga naman.:smiley:

maimai

04-12-2006, 07:16 PM

whew!!:smiley: napagod ang mata ko at sumakit ang likod ko sa kababasa ng kwento dito…natouch talaga ako sa mga kwento nyo…lalo na kay mami japphi…crying-crying pow ako dito habang binabasa ko ang lovestory ng friend nyo…

tama nga pow ang sabi ni TFCfan…parang kanta yung kwento nila…somewhere down the road"!:whistle: we have the right love at the wrong time~~~~~~:whistle:. …

meron dito nagshare na nakakatawa…may lovestory at meron pang biglang naging milyonarya…well LIFE is full of surprises!!..:wink:

kahit wala po ako ma-eshare na kwento dito…ang masasabi ko lang po sa inyo lahat na nagpost dito… kahit konti may natutunan ako sa inyong maikling kwento…bow!:smiley:

fisher tsang nice thread!:wink:

fisher

04-13-2006, 12:31 AM

fisher tsang nice thread!;)Thanks Maimai tsang.Bilib ako sa iyo binasa mo lahat and that is your “maikling kwento”.:smiley:

NemoySpruce

04-13-2006, 11:12 AM

…At two o’clock in the afternoon of May 7, 1942, a Japanese interpreter came to the barracks and told the Chief Justice that he was wanted at the Japanese Headquarters. He went, but returned after a short time and called to his son - Pepito, come down. I have something to tell you." Father and son repaired to a nipa shack nearby, where the father said calmly and naturally, “I have been sentenced to death. They will shoot me in a few minutes.” The son filled with horror broke down and cried, but smilingly the father mildly admonished his son: “Do not cry. What is the matter with you? Show these people that you are brave.” He added: "This is a rare opportunity for me to die for our country; not everybody is given that chance”.

He said that he hoped that all of his children would live up to their name, and then father and son knelt together and said a short prayer. They then, embraced and were separated, one remaining in captivity, the other setting out for eternity - but earning a martyr’s crown on the way. A few minutes later, a volley of shots told the son that his father had gone to his well-earned eternal rest. Later that afternoon, the Japanese interpreter took the son to the place of execution and pointed out the father’s grave telling him: “Your father died a glorious death.”…

April 10 was the anniversary of his capture. This man was made of flesh and blood, same as you and me.

read entire thing here. (http://www.glphils.org/kinship/abadsantos.htm)

This is an archived page from the former Timog Forum website.