RODSKI
01-07-2006, 11:18 PM
Ang sabi ng mutya sa binatang sinta, kung mahal mo akot tapat kang talaga bukas na bukas din dito
y magbalik ka na taglay ang puso ng mahal mo`ng INA.
Dugtong ng dalaga sa binata,bilang paliwanag sa tila malabo niyang pangungusap, buhay ng iyong INA`Y kitilin mo,kunin ang puso at dalhin mo sa akin pag datal ng bukas.
At itong binatang baliw sa pagsuyo na hangad ng mutyay aliping sumuko,kinitil ang buhay ng kanyang INA,kinuha ang puso na may sariwa pang dugo na tumutulo. At Itong binata ay tumungo sa mutya,sa pagmamadali
y natisod,nadapa sa batong nakausli nahampas ang mukha,at ang puso ng INA nabitiwang bigla,at ito namang PUSO na may dugong nunukal,gumulong sa tabi ng anak na mahal at saka nagwikat lubos nagdaramdam. ANAK KO . . . . ANAK KO IKAW BA
Y NASAKTAN?
maple
01-28-2006, 07:51 PM
hi RODSKI,
Na-touch naman ako dito, na-alala ko tuloy ang madalas sabihin ng Nanay ko sa akin noon na, “Ang anak nati-tiis ang magulang…pero ang magulang hindi matitiis ang anak” .
ikaw ba nag compose nito?
aprilluck
01-28-2006, 09:07 PM
hi RODSKI,
Na-touch naman ako dito, na-alala ko tuloy ang madalas sabihin ng Nanay ko sa akin noon na, “Ang anak nati-tiis ang magulang…pero ang magulang hindi matitiis ang anak” .
ikaw ba nag compose nito?
Nabasa ko na ito ,ewan ko ba kung saan ,medyo sarcastic ang ginawang example but clear ang vision relating to mother and child .Isa na ako dito,kandidato para sa “oya baka” award .
Just thingking minsan ,Bakit kaya pag tungkol na sa mga anak kaya kong kahit hindi matulog ,
may enegy lagi na reserve para sa kanila,parang can move mountains for them (kaya kaya?)
Ayan naalala ko rin ngayon ang mother ko,Miss my mom!!!
richie
01-28-2006, 11:56 PM
Medyo morbid, pero yung message is clear, a mother’s love is selflessness, selflessness and selflessness!
This is an archived page from the former Timog Forum website.