logical
07-29-2005, 03:28 PM
Heto na naman lastest news on RP- Japan Trade Agreement:
Japan wants zero tariff on Automotive exports to RP
Tagal na ng issue na ito, last year pa pinag uusapan di na matuloy tuloy, eto baka ma delay na naman.
for more details please read:
http://www.philstar.com/philstar/NEWS200507290705.htm
NemoySpruce
07-29-2005, 04:00 PM
Pabor ako jan, ok lang bigyan ng incentives ang Japan business, kahit mga major cities sa states nagbibigay ng mga tax incentives sa Toyota etc… para makuha lang ang business nila. Kesa naman sa Gobyerno nanaman natin mapunta ang buwis na hindi naman tayu nakakasiguro kung babalik din satin. Kaduda-duda naman negotiations na yan bat ang tagal…red tape kaya? nag aantay ng langis… eh mga hapon di marunong mag langis diba?
neblus
07-30-2005, 01:17 AM
Parang ito yata ang nire-request ng Japan to fully allow Nurses, Caregivers etc. entry into Japan.
However, na-discover ng US side who would be losing more sa agreement kaya iyong supposedly napirmahan na agreement noong early this year.
But do we have a choice? Hindi ba nagpirmahan na ng FTA between Malaysia - Japan and also Singapore - Japan…
pointblank
07-30-2005, 10:32 PM
Hello, NemoySpruce!
Kailangan maging maingat ang Pinas diyan sa RP-Japan Trade Agreement. Ang GMA administration - napaka-short-sighted, binebenta tayo ng buhay, lulutuin tayo sa sarili nating mantika.
Yung incentive na binibigay ng US, hindi pareho sa hinihingi ng Hapon sa Pinas. Ang mga US state governments, nagbibigay ng tax reductions at ibang incentives para MAGTAYO ng pabrika ang mga Hapon sa state nila - the incentives will be recovered eventually though the employment generated by the factories.
Sa atin, hinihingi na tax free ang mga kotse at piesa IMPORTED from Japan o sa ibang Japanese plants OUTSIDE the Philippines. Walang benefit ang Pinas makukuha diyan, pwera lang sa magiging mas mura ang kotse sa atin - at mas madadagdagan ang TRAFFIC HELL dahil mas dadami na naman ang kotse!
Na-mention ni Neblus ang kapalit nito: makakapasok daw sa Japan ang Pinoy caregivers at nurses. Pero may MALAKING problema dito.
One: ngayon pa man din ay kulang na ang nurses sa Pinas. Pulos nagsisipupunta sa States at Europe. Kung nurse ka, and you are good enough to be accepted abroad - sa States ka na pupunta, imbis na sa Japan na mag-aaral ka pa ng Nihongo. Sino ang papadala natin dito?
Two, ang mas malaking problema: Japan will only accept nurses who are already licensed in the Philippines. Yung caregivers naman, dapat college graduate. Pagdating ng mga nurses dito, they will be required to study Nihongo. At the same time, they will be assigned to Japanese health institutions on an “apprenticeship” basis. Ang visa nila dito ay hindi “nurse” kundi trainee or something like that (di pa sure kung exactly ano).
Ngayon, this is the BIG catch: within THREE years of their arrival, the nurses must take and PASS the national nursing exams, given in NIHONGO! (Kasama ang written exam dito!) Ang mga caregivers naman, within FOUR years of their arrival ay dapat mapasa ang equivalent exam for them. E kahit naman alam mo ang sagot, kung di mo naintindihan yung tanong, bye-bye tinapay. It is in effect not an exam to test their nursing skills (na mabilis nilang mapapasa dahil world class nga ang nurses natin) but a language exam.
Ngayon, our scholars who are studying full time at the universities in Japan can tell you this: you think anyone can pass a national-level licensure exam in written Nihongo in just three years of living and working here, na magsisimula ka sa “Kore wa hon desu.”? E pulos technical terms pa yan in medicine? Imposible.
If the rare event of a miracle na pumasa yung nurse, only then will she/he be given a “nurse” visa, which is renewable every three years. Pag bumagsak siya, BALIK siya sa Pinas. In effect, what we have given Japan is an ENDLESS source of cheap, young high-educated, high-quality labor! Para silang naka-jackpot at meron na silang sariwang highly-trained nurses na parang maid lang ang sweldo!
Si GMA naman, kapit sa patalim, dahil nangako siya sa eleksyon na she will generate more employment. Ayon, slave labor abroad - yan ang dulot niya! Ang mahal naman nating Ambassador dito sa Japan - being fluent in Nihongo and married to a Japanese - he know fully well na hindi mapapasa ng nurses natin ang exam na ito. Alam niyang unfair ang FTA, pero wala siyang imik. Bakit kaya? Kayo ang humula kung ano ang vested interest niya dito!!
Yun lang at bow!
goldhorse
07-31-2005, 01:37 AM
Kagaya ng na point out ni Pointblank, medyo mahirap ang implementation ng pagpasok ng mga nurses and caregivers dito sa Japan, at isang malaking dahilan nito ay ang language barrier. Pero hindi naman imposible ito, kaya lang mabagal sa umpisa ang arangkada. Pag na realise naman ng Pinoy nurses na pwede silangan makapunta as professionals sa Japan kung mag aaral sila ng Japanese, maghahanap ng paraan iyan na mag aral ng Japanese bago pa lang pumunta sa Japan, para may “head start” na sila at lumaki ang possibility na mapasa nila ang exam. Magiging mas common ang Japanese sa curriculum sa iskwela. Or may magsusulputan ng Japanese language schools kagaya ng mga Eikaiwa dito sa Japan. May mga paraan para ma-overcome ang language barrier na ito. Dito ako sa Japan nag aral, at base sa experience ko, hindi ibig sabihin mas magaling mag Japanese ang mga matagal na dito, nasa will ng taong matuto.
Nagmumukhang lugi tayo sa deal na ito dahil compared dito, pag binaba ang tariff sa automobile nakukuha kaagad ng Japane ang advantage nila, samantalang ang Pinas maghihintay ng taon bago talaga maging laganap ang pagpunta ng mga nurse at caregiver dito. May estimate daw na pag inalis ang tariff sa automobiles galing sa Japan, posibleng mabawasan ng 16.9 Billion Pesos in tax revenues ang Pinas. Pero hindi rin naman all bad news itong JPEPA. Isang package ito at ang automobile - caregiver ay isang parte lang naman. Ang iba pang component ng agreement ay pagbaba ng restrictions sa mga investments ng mga Japanese para makuha natin ang share ng investments na nasa ibang ASEAN countries at China, kung saan tumataas na din ang cost of doing business. Kunyari ng mga restrictions na ito ay ang pag aari ng lupa, percentage ng foreign equity sa ilang business sectors. Kunyari may isang wholesale grocery sa Kansai na gustong magtayo ng chain sa Pinas, pero hindi matuloy dahil ayaw niya kung di siya mismo ang pwedeng bumili ng lupa niya. Siyempre kinakarkula dapat ng gobyerno natin ang total economic gain sa direct investments vs sa mawawalang revenues sa pagbababa ng taxes. Let’s just hope na tama ang pagkarkula nila:)
Pero para talagang maenganyo natin ang Japanese investors hindi sapat ang FTA. Kailangan din magpakita ang gobyerno natin ng stability, at mag improve ang peace and order. Maski ba gaano kadali mag start ng business sa Pinas e kung mayat maya iba ang gobyerno, may coup, may kidnapping e matatakot din mag invest. Ang concern ko lang ay maski ma-close itong agreement ay hindi din mag increase ang investment dahil sa political unrest. Kung ganito ang mangyayari, talagang lugi tayo. Ang matutuwa lang talaga ay ang mga automobile exporters ng Japan. (At yuong maswerte na caregiver na nakapasa sa exam)
NemoySpruce
07-31-2005, 04:39 AM
Sobrang informative ng mga post nyo! haneps, pointblank at goldhorse (ka ano ano mo si redhorse. hek hek) salamat po, i really enjoy reading them. Ive heard that the Japanese people are also having population related problems, pero kabaliktaran ng sa pilipinas. It is my observation that educated people tend to have less children during economic crisis, having a deeper understanding of social and economic situations, and the impact of having too many children. It seems that most Japanese couples today prefer to have only one or two children, and some prefer not to have any. This has caused a widening age gap in the Japanese population. This coupled with a world class education system has caused a depletion of Japans hard labor resource. Plus their excellent diet and healthcare institutions further increase the ‘aging’ population. Their system is geared towards giving Japanese citizens meaningful lives and jobs, at nangyayari nga ito, kasi kahit disabled nga at mentally challenged eh nakakapag trabaho padin sa opisina, nakaka compete sa sports. Ang malaking problema naman, since lahat ng tao mo ay nagtatrabaho at nabubuhay ng maayos, sino ngayon ang maghuhugas sa mga pwet ng mga tumatanda sa populasyon mo. Robots can handle some menial tasks and are being used heavily in Japanese factories. But there are still tasks that robots cant do as of now, this includes taking care of the sick or elderly also known as care-giving. Hmm…san kaya ako makakakuha ng cheap labor pero shempre ayoko ng basta basta, dapat pasok parin sa japanese standards. Kelangan marunong mag Nihongo, edukado at masipag. Filipinos fit the need like a glove. Medyo kakabwisit isipin kung middle class pinoy ka, kasi eto nanaman, branded nanaman tayo, domestic helpers, japayukis, at ngayon caregivers… hassel para satin. But imagine if you were living in one of the poor areas of Manila, imagine ang mundo mo ay nakawan, saksakan, drugs at prostitution… pag bigyan ka ng gantong oprtunity, kakagat ka din. And its not as bad as we think, satin kasi pag sinabi mong caregiver ka, medyo may tamang api ang dating mo. In developed countries having this kind of a job is not as degrading as we think. You would be getting paid reasonably well, you will be able to afford your own place, which would have amenities that we would consider luxurious. you will have health insurance, life insurance savings and retirement benefits… san ka makakakuha ng ganon sa manila? your salary will allow you to take vacations at least twice a year, you will be living an encriched life, kompera kung nanatili ka sa pilipinas. Ang catch lang is magaaral ka ng nihongo. I think 3 years is enough time to learn conversational nihongo, pero yung business at technical, medyo malabo nga yun. so palagay ko eh, etong business na to kuha na natin. We dont need to make any deals for this. This in itself is a fair trade. Wala dapat connection ito sa JPEPA. Besides, the automobile market in philippines is so small that it cannot support its own weight. Carmakers cannot build factories in our country because the market will not justify the investment for it. So kung meron man factories, eh sigurado for export din yun, or daanan lang tayo. Possible kasi for example target ng Japan is China, pero hassel mag patayo ng factory sa China, dami din redtape dun. Pede dun na lang sa pinas, assemble the car then ship it to china. So maybe thats why they are asking for the lifting of tarrifs. Ang malungkot nito, sa lahat ng pangyayaring ito, I trust the Japanese more than I trust the people running our government. Badtrip to parasakin, dahil alam ko kung ano ginawa ng mga ponjaps nung gerra, naging malupit talaga sila non, kwento ng mga lola natin, at mga nabasa ko sa libro at napanood sa mga pelikula. pero sa mga nakikita ko ngayon, mas predictable ang galaw ng mga hapon, kita mo kung ano kelangan nila, business malinaw. In my opinion, kung malulugi man tayo sa deal na to, kasalanan ng mga tao sa gobyerno natin, at hindi dahil sa tanga sila, most likely they will have hidden agendas that will benefit a small group of people leaving the rest of us in deep sh!t as usual, pardon my frustration. Please prove me wrong, if ever there is someone who will take the side of Pinoy bureaucracy(tama ba ispelling?). I beg you, restore my faith in our government. (sorry for posting a bit unruly, Ill try better next time! medyo antok na eh.)
This is an archived page from the former Timog Forum website.