So…back in November… may pi-nost etong si @reon sa isang groupchat ng video ng Boris. Mahusay. And then it struck me… puchas antagal-tagal ko na sa Japan, pero halos wala akong alam sa music dito??? At wala bang mga gig o live music scene (it turns out, syempre, MERON).
Anyway, dahil dito nagsimula yung obsession ko na makilala naman ang Japanese musical landscape. Pakinig kinig ng albums… panood-nood ng live shows.
Masasabi ko lang WOW. Kasalukuyan nakapakinig na ako ng 300+ albums, with no sign of stopping. Napaka-varied pala at vibrant ng scene ng musika dito hehehe.
Anyway kung may time ako hopefully makapag post din ako paminsan minsan tungkol sa music dito sa TIMOG. I HABE OPINIONS hehehe…
nice @andres! marami akong backlog ng japanese albums na kailangang pakinggan. paano mo nga pala pinapakinggan yan? spotify?
gomen, lotek kasi ako kaya CD.
edit: hinahanap ko yung post mo kanina, hindi ko mahanap at nasa “blogs” section pala wala sa “forum”. naka setup yung homepage na mag display ng mga posts sa “forum” lang, pero inayos ko na. sensya na
Haha, tama, definitely not enough listens para ma-absorb mg maayos. Parang ano 'to… preliminary survey of the landscape muna, just to see what’s out there
Recommendations ba kamo? Sure!
Anong klaseng music ang hinahanap mo?
hindi ko naman alam kung bakit may dalawa akong cd netong fantasma. may problema yata sa tenga ko dahil hindi ko makuha kahit na ilang beses kong pakinggan
Hindi ako jazz head, so take it with a grain of salt, pero nung napakinggan ko yung Scenery ni Ryo Fukui yung impression ko ay medyo mediocre siya hehehe. Isang track lang yung nagustuhan ko actually (Early Summer yata). Considering 1976 lumabas 'to, at yung current directions nung Jazz noon (Miles Davis etc.), parang uninspired sya (imo).
May mga nagsasabing sumikat lang ito dahil sa YouTube algorithm, palagay ko posible nga
Etong Cornelius naman… I must admit, it blew my socks off, parang ibang level yung creativity nya, andaming ideas na tila incompatible pero somehow, it works.
YUN NGA LANG habang pinapakinggan ko 'to nabasa ko yung Wikipedia page ni Oyamada and O MAY GAD sobrang na-disturb ako sa mga bagay doon. So actually, sobrang conflicted ako sa album na 'to hehe.
first listening mukhang okay lang naman itong scenery ni ryo fukui. hindi siguro kasing galing ni bill evans o keith jarrett, pero pwede na.
ang hindi ko gusto ay ang mga presyong ganito. 2,500 para sa isang secondhand na cd, walang pang case, considering makakabili ka ng isang disenteng jazz cd ng 500 or less, kaya pass muna ako dito
Aba shempuds naman, see #69. Kakaiba talaga 'yang album ng Jacks na yan, especially considering 1968 siya lumabas (the height of flower power). Kumbaga para siyang japanese equivalent ng Velvet Underground: raw, dark, & brooding. Impressive, but certainly not for everyday consumption, and probably not for everyone.
Eto namang X… hmmm magkatugma tayo ng kuro-kuro . Dalawang albums na ang napakinggan ko, yang Blue Blood & Art Of Life… Di ko masakyan pare. Sa akin lang 'to, pero parang they took the worst aspects of hair metal and amplified to 11 haha. Actually sinubukan ko ang ilang Visual Kei albums, at halos nagustuhan ko lang ay ang Buck-Tick (e.g. Kurutta Taiyo) tsaka Dir En Grey (e.g. Uroboros)
“psychedelic” daw ito, pero wala akong idea kung ano ang psychedelic na Japanese album magaling yang jacks, pero yang album lang na yan ang alam ko
dapat nakikinig ako ng iba pero sa ngayon itong murahachibu Live! album palagi ang pinapakinggan ko. magaling e, considering na live ito. sarap pakinggan ang Gibson ES-335 ni Yamaguchi-san
naisip ko teka 70s OPM ito ah. hindi ako masyadong impressed nung una kong narinig pero pakonte-konte kong nagugustuhan. kailangan ko siguro nang mahabang panahon ng pakikinig para maapreciate nang husto.
gusto kong bumili ng album ng boris pero walang mura sa mercari
itong FLOOD ang nasa aking wish list. nasa youtube ang full album pero hindi ko maintindihan inaantok ako kapag naka headphone kaya gusto kong bilhin ang cd at pakinggan sa speakers
Sa ngayon apat pa lang ang Boris albums ang napapakinggan ko (ayon dito, kasalukuyan meron silang 48 studio albums, 24 live albums, at 14 EPs ), pero yang FLOOD ang paborito ko, so far… ewan ko, napaka hypnotic nya, para kang nakakaranas ng, well, isang flood nga… at siguro rin dahil hindi ko masyadong type ang vocals ng banda hehe (puro instrumentals lang kasi ito)… anyway mahusay yan, imo
Yang KAZEMICHI ROMAN ng Happy End na yan, palagay ko best viewed sa kunteksto ng kanilang overall progression as a band, at pati na rin sa sumunod na mga careers nila HOSONO, OHTAKI, SUZUKI, at MATSUMOTO-san. Kung tutuusin, sobrang laki ng influence nila sa development ng J-music, parang wala yata silang equivalent sa Western modern music, sa bigat ng impluwensya…
Tagal ko nang hindi nakikinig sa isang proper na J-rock na album. Puro mga background music.
Kakukuha ko lang nitong OST ng Kiki’s Delivery Service at malimit ito ang pinapakinggan kong CD lately, habang nagta-type, nagtutupi ng damit, naghuhugas ng pinggan.